"Papasok na ako, Nihan." Alangan man si Finley ay pinili pa rin niyang pumasok sa loob ng banyo. Pinihit niya ang doorknob bago pumikit papasok sa loob. "Nihan?" tanong niya habang nakasarado ang mata. Napatingin si Nihan sa binata. Nakaupo siya sa malamig na sahig, kayakap ang mga tuhod. Malungkot ang ngiting gumuhit sa kaniya nang masilayan ang nakapikit na si Finn. "Pu-pumasok na ako." "A-ano ba?" "Ca-can I open my eyes?" kinakabahang tanong nito. Pilit na pinipikit ni Finn ang mga mata kahit gusto na nitong magmulat. Baka nga lang iba ang makita niya. Mali na nga na pumasok siya sa loob habang nandito ang dalaga. "Nihan?" may inis niyang himig dahil sa wala itong response kahit alam niyang nasa loob naman. "Mumulat na ako." "Ba-bahala ka riyan, 'pag may nakita akong iba," nag

