"Dito ko na lang hihintayin si Cath." Umirap si Nihan, kahahatid niya lang kay Finn sa ibaba ng Camp Kanlungan. Uuwi na ito, at nagpasundo sa Physical therapist. Nalukot ang noo ng binata nang mapansin ang pagsama ng mukha ng dalaga. "Ba't ganiyan hitsura mo?" "Mainit," palusot niya nang mahalata ni Finn ang pagbago ng timpla niya dahil sa pagkabanggit ng pangalan ng babaeng kinaiinisan niya. Tiningala ni Finley ang masakit sa matang sikat ng araw. Bago muling ibinato ang pansin sa kaniya. "Bunalik ka na roon. Ako na ang maghihintay rito." "Sasamahan na kita," pormal na aniya ni Nihan. "Nihan, naiwan mo." Magkapanunod silang luminga kay Haven. Patakbong lumapit ito, at inabot ang isang bag na pagmamay-ari ni Finn. "Thank you, Haven." Kumulimlim ang mukha ni Finley. Pinagsalit-sa

