Nihan vs. Catherine

1134 Words

"Sa back seat na tayo, Finn," masiglang pag-aya ni Catherine sa binata. Makulimlim ang mukha ni Nihan nang walang habas na nagmamadaling dumaan ito sa kaniya. Halos mabunggo na ang likod ng balikat niya para maunahan siya sa pagbukas ng pinto sa back seat. Naroon na sila sa labas, naghihintay ang kotse ni Jigs. Nagkatinginan silang tatlo, alangan ang imahe ni Finley habang tulak-tulak ng nakatatandang kapatid ang wheelchair nito. Umirap si Nihan, at sinakbit ang bagpack. Napatingin siya nang lumapit sa kaniya ang binata. Inabot ang kaniyang kamay, at nang magtagpo ang tingin nila ay ngumiti ito nang tipid. "Tatabi na lang ako kay Jigs sa passenger seat. Doon na kayo sa likod." Bahagyang tumango ang dalaga pero hindi pa rin nagbabago ang irita sa anyo. "Smile na." Mas lalong kumunotn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD