Marahang iminulat niya ang mga mata. Hindi niya maintindihan, bakit tila may kakaibang bigat ang pumaibabaw sa kaniyang katawan. "F-Finley," usal ni Nihan nang magisnan ang walang distansyang mukha ng binata. "Paanong-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang harangan nito ang kanilang labi ng palad. Napatitig siya sa mga nangungusap na mga mata nito. Mula sa kulay ng kaniyang orange na tent, at ang tent lamp niya ay naghuhumiyaw ang kagandang lalake ng binatang nakadagan sa kaniya ngayon. "Huwag kang magsalita," malalim nitong tugon, at maingat na inalis na ang kamay sa kaniyang bibig. Nakita ng dalaga kung paano suriin ni Finn ang bawat parte ng kaniyang mukha. At nang matapat ang mga mata nito sa kaniyang labi ay para bang gusto na niya lamang ulit pumikit. Hanggang sa unti-unt

