Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa labi ni Finn. Isang halik sa pisngi, at lalayo ang ginagawa ni Nihan sa kaniyang kabilang mukha. Pagkaraan, uulitin ang ganoong kilos. Pinupugpug ng dalaga nang halik ang pisngi niya. Tuwang-tuwa naman ang binata dahil doon. "Masarap pala 'yong ganitong breakfast," aniya niya habang nakapuwesto pa rin ang pisnging sinasambot ang labi nito. "Nakapapagod nga lang," reklamo ni Nihan, at huminto sa ginagawa. Nilinga siya ni Finn. Bumaba ang mga mata nito sa labi niyang medyo masakit kababangga sa pisngi nito. "Pagod ka na?" Tumango siya habang nakanguso. "O, sige." Napahinga siya nang malalim, at napangiti sa sinabi nito. Akma siyang tatayo mula sa pagkakandong kay Finn nang pigilan siya ng binata. "Wait, saan ka pupunta?" "Tatayo na. Pagod na ako

