LUNINGNING (MUTYA) POV
“Ano’ng gagawin ko dito sa tip, Darna? Ibibigay ko na kay Boss” mahina kong bulong habang tinitingnan ko ang kapal ng pera sa kamay ko, medyo nanginginig pa dahil hindi ko pa rin ma-process na nagsayaw lang ako pero ganito kalaki agad ang kita ko.
“Huy, Girl!” singit agad ni Darna na halos tumaas ang pilik-mata sa gulat. “Anong ibibigay mo kay Boss? Huy hindi kami nang-aagaw dito! Sa’yo ‘yan! Ikaw ang gumiling, ikaw ang nagpakabaliw sa stage, ikaw ang nagpa-tili sa mga lalaking hampaslupa sa baba! Sa’yo talaga ‘yan, Mutya!”
Napayuko lang ako at mahina kong sabi, “Pero baka kailangan ni Boss”
Hindi ko na naituloy kasi biglang sumulpot si Boss Monching sa likod namin.
“Ano raw kailangan ko?” tanong niya, malumanay pero ramdam mo ang bigat ng boses n’yang sanay mag-utos.
Napatayo agad si Darna, parang sundalong nagulat. “Boss! Wala po! Nagpa-panic mode lang ‘tong si Mutya, akala kailangan n’yong kunin ang tip niya. Pero sabi ko nga, siya ang reyna ngayong gabi!”
Tumingin si Boss Monching sa kamay kong may hawak na pera, tapos ngumiti iyong ngiting para bang ama na proud na proud sa anak. “Hindi ako kumukuha ng tip ng mga empleyado ko. Lalo na kung pinaghirapan nila. Iyo ‘yan, Mutya. Sa’yo. Gamitin mo para sa sarili mo. Kung gusto mong mamahagi, nasa ‘yo na ‘yan.”
Tumango ako, mahina. “Salamat po, Boss…”
“Mutya,” dagdag ni Boss, medyo seryoso. “Magaling ka. Hindi lang basta magaling iba ang presence mo sa stage. Iba ang galaw mo. May… may something. The crowd loves you. Alam mo ‘yon?”
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam paano tatanggapin ang papuri. Hindi nga ako sanay purihin, lalo na galing sa isang taong mataas ang tingin ng lahat.
Pero biglang sumigaw si Darna sa likod ko, “O diba boss??? Sabi ko sa’yo eh! Hindi ako nagbibiro! Alam n’yo ba, Boss? Kanina sabay-sabay tumayo yung mga balahibo ng mga manyak sa baba! Literal na sabay-sabay silang sumigaw! Kaloka!”
Napatawa na lang si Boss sa sobrang energy ng baklang iyon. “Oo nga. Kita ko. Magaling siya.”
Pero bago pa ako tuluyang makangiti, biglang dumating ang ayaw ko makita.
Si Lutheria.
Malakas ang tunog ng takong niya sa sahig, parang sinasadyang ipamukha sa lahat na siya ang “dati” raw star ng bar.
“Wow ha…” aniya, sabay taas ng kilay. “Ang daming pera ng baguhan. Grabe naman. One month pa lang pero daig na ang matagal dito.”
Tahimik akong nakatayo. Hindi ko kayang sumagot. Hindi ko kayang makipag-argumento. Hindi ko rin ugali.
Pero si Darna Diyos ko. Parang aso na nakakita ng pusa.
“Ay! Huy te…” sabay tapik ni Darna sa bewang niya, todo irap. “Pwede ba? Hindi naman kailangan ng grand entrance. Walang red carpet dito.”
Lutheria rolled her eyes again, mas exaggerated pa. “Excuse me, Darna. I’m just saying facts. Baka nakakalimutan n’yong baguhan lang siya.”
Tiningnan ako ni Lutheria mula ulo hanggang paa, parang sinusuri niya kung bakit ako nagustuhan ng crowd.
“At isa pa,” dagdag niya, mas malakas ang boses para marinig ng lahat, “Sip-sip kasi kay Boss. You seduce him para malakas ka. Obvious naman.”
Naramdaman kong kinabahan ako. Hindi ko alam paano ko idi-deny nang hindi ako nagmumuka pang guilty. “Hindi totoo ‘yan”
Pero bago pa ako makasagot nang buo, sumabog na si Darna.
“EXCUSE ME ATE MALDITA VERSION 56!” sigaw niya, halos muntik ko siyang hawakan para hindi siya sumugod. “Kung magiging bitter ka, wag dito ha? Hindi namin kailangan ng negativity mo sa backstage! At isa pa-”
Tinaasan niya pa si Lutheria ng kilay, ‘yung parang pang-Miss Universe na galit.
“Seduce agad? Girl, kung ganyan ang utak mo, no wonder hindi ka na bumebenta sa stage! Hindi lahat ginagawa mo ginagawa ng iba.”
Lalong lumaki ang butas ng ilong ni Lutheria. “Ano ka ba? Bakla kang cheap, Darna!”
“Ay! Cheap? Ako? Girl, kung cheap ako, ikaw… ano ka? Expired?” sagot agad ni Darna, sabay tawa ng malakas. “Expired goods! Hindi na bumebenta kahit ilagay sa sale!"
Narinig ko ang ilang kasamahan namin na muntik tumawa pero pinigilang mapansin.
“Masakit ba?” dagdag ni Darna habang pa-sway-sway ang bewang. “Ay ako sorry! Di ko sinasadya. Kakapayat mo kasi ngayon, baka nabawasan utak mo!”
“Darna,” bulong ko, mahina, pilit ko siyang hinila. “Tama na…”
Pero hindi nagpapigil ang bakla.
Boss Monching then stepped forward, biglang tumahimik ang paligid.
“Lutheria.”
Diretsong tingin. Malamig.
“Wala akong gustong marinig na kahit anong drama dito. Kung may problema ka kay Mutya, sa akin ka lumapit. Hindi sa kanya, hindi sa ibang dancers. At hindi mo rin kailangan siraan siya.”
Lutheria froze for a few seconds. Kita kong nagpipigil siya ng galit.
Boss added, “At siya ang highest tip earner tonight. At siya rin ang best performer this month. Siya ang bagong star ko. Gusto mo man o hindi, tanggapin mo.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lutheria. Nakitang-kita namin kung paano bumigat ang mukha n’ya.
“Ano ka ngayon?” bulong ni Darna, barely audible but enough. “Sumasabay kasi sa pa-star effect, ayan tuloy… star ng katangahan.”
Lutheria turned around, iniwas ang mukha, sabay lakad palayo nang sobrang bilis, para bang masusunog siya pag tumagal pa.
Pagka-alis niya, napabuntong-hininga ako ng malalim. Para bang sa buong eksena, ako ang pinaka-nai-stress kahit hindi ako ang nag-away.
“Girl,” sabay hawak ni Darna sa braso ko, “don’t listen to her ha? Jealous lang talaga yung babaeng yun. Ikaw na ang shining shimmering splendid dito ngayon. Gusto ka ng mga tao. Gusto ka ng crowd. Gusto ka ni Boss. Kaya breathe in, breathe out. Wag magpa-apekto sa bitterness ng mundo.”
Ngumiti ako nang konti. “Salamat, Darna.”
“Of course! Alam mo naman ako ang guardian angel mo dito!” taas-baba pa ang balikat niya. “Tsaka teka patingin nga uli nung tip mo? Baka ma-possess ako sa inggit eh!”
Natawa ako, finally. “Thirty thousand sa akin. Five thousand sa’yo. Three thousand sa iba. May natira pang kalahati.”
“Girl!!!” tili ni Darna, halos matanggal ang pilik-mata. “Ang yaman mo na! Kung gusto mo, magpa-lechon tayo mamaya! Charot!”
Natawa na rin ang ibang dancers, pero ramdam ko pa rin ang tensyon ng kaninang nangyari.
Then Boss Monching placed a hand on my shoulder magaan pero may bigat ng respeto.
“Mutya,” sabi niya, “ipagpatuloy mo lang. You deserve everything you earned tonight. At kung kailangan mo ng tulong… sabihin mo lang sa akin.”
Tumango ako, mahina pero totoo.
“Thank you, Boss.”
Pero sa loob ko hindi nila alam hindi nila alam ang tunay kong dahilan kung bakit ako nandito.
Hindi nila alam na hindi lang pagsasayaw ang hanap ko.
Hindi nila alam na bawat galaw ko sa stage… bawat ngiti… bawat pag-giling ay hakbang para makuha ko ang hustisya na kinain ng gabi.
At ngayon, dahil sa gabing ito sa tip, sa papuri, sa galit ni Luther, sa suporta ni Darna, sa tiwala ni Boss.
Mas lalo akong tumitibay...
Mas lalo akong nagiging Mutya.
At mas malapit ako sa mga demonyong kailangan kong mahanap.