LUNINGNING (MUTYA) POV
Pagkasabi noon ni Boss Monching, napalunok ako. Lumapit ako kay Darna at mabilis na bumulong, halos di lumalabas ang boses ko.
“Darna… baka… baka hindi ko magawa nang maayos.”
Napataas kaagad ng kilay ang bakla, sabay sabing malakas, “Hoy Mutya, girl, wag kang kabahan! Kaya mo ‘yan! Huy, anlaki ng stage pero mas malaki ang confidence mo, char!” tapik niya sa balikat ko na parang biglang nagpadagdag ng lakas.
“Hindi kasi ako sanay…” bulong ko ulit.
“Girl, sanay ka o hindi, may talent ka. Tsaka tingnan mo ‘ko kung ako nga na walang bewang, sumasayaw pa rin! Ikaw pa? Halika na, honey. Akish ay este, Mutya! Go ka na!” tumawa siya nang malakas, saka niya ako itinulak papalapit sa hagdan paakyat sa stage.
Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang malamig na kwintas na binigay nila, parte raw ng costume. Pero ang pinaka nakakailang ay ang suot ko parang wala nang tela. Yung tipong isang maling galaw, makikita na ang hindi dapat makita. Pero wala na akong luxury na mag-inarte. Wala na akong dangal, wala na akong pamilyang uuwian. Ang meron na lang ako… ay plano.
Plano para hanapin ang mga demonyong gumawa sa akin at sa pamilya ko ng impyerno.
“Mutya! Ready ka na?!” sigaw ng isang staff habang nag-aadjust ng ilaw.
Tumango ako kahit ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko.
At bigla, bumukas ang spotlight.
Sumabog ang sigawan.
“WOOOHH!!”
“PUTA ANG GANDA!!!”
“HOTTTTT!!!”
“SHET MISS, TINGIN DITO!!!”
Para akong tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ako makahinga. Pero kailangan. Kailangan kong ituloy.
Umangat ang unang beat ng music mabagal, heavy bass, parang humihila ng balakang palapit sa ritmo.
Humakbang ako papasok ng stage.
BOOM. BOOM. BOOM.
At doon nagsimulang magwala ang mga lalaki.
“PUTANGINA ANG SEXY!”
“SIGE PA, MISS!!”
“GODDESS!!!”
Napatingin ako sa pole. Para akong may sariling mundo. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig na bakal. Dahan-dahan akong umikot. Mula sa taas pababa. Hindi mabilis sensual, deliberate, parang pinapainit ko ang hangin.
Naglunok ang mga lalaki.
“Ayun naaaa… ayun na s**t”
Pagkatapos ng ikot, pina-slide ko ang kamay ko sa pole at sumunod ang katawan ko. Gumiling ang bewang ko, dahan-dahan, parang sinasayaw ko ang bawat patama ng tugtog. Ini-arch ko ang likod ko, saka tumuwid, sabay kagat-labi nang konti.
Sumabog ulit ang palakpakan.
“s**t NAMAN GIRL!!! MARRY ME!!!”
“ANG INIT PUTANGINA!”
“KAMI NAMAN! SA AMIN KA!!”
Ramdam ko ang tingin nila, parang kumakain ng laman. Pero hindi ako natitinag. Hindi ako titigil.
Umangat ako sa pole, iniikot ang hita ko, pinaikot ang katawan ko ng mabagal na swirl. Hindi sobrang taas just enough para makita nila ang curve ng legs ko, ang arch ng hips ko. Mula doon, bumaba ako ng pa-slide, chest first, hanggang sa sumayad ang paa ko sa sahig.
Parang lumiyab ang bar.
“SHTTTT!!!”
“MISS… ANG GANDA MO!”
“TANGINA LEGIT MAS MAINIT KA SA ILaw!”
Pagbagsak ko sa sahig, gumapang ako literal na gumapang, dahan-dahang papalapit sa front edge ng stage. Ang palad ko nakadikit sa sahig, ang balakang gumigiling sa bawat hakbang.
“Shet pre, lumapit siya!”
“Bro bro bro bro tingnan mo”
“TANGINA NG GALAW NA ‘YAN!!!”
Inangat ko ang ulo ko at kumindat sa direksyon ng mga lalaking nakatayo sa pinakaharapan. Hindi ko sila kilala. Pero alam ko ang intensyon nila. Pero mas malakas ang intensyon kogamitin ang katawan ko para makarating sa dapat kong marating.
Umangat ako mula sa sahig, ngumiti ng kaunti, saka nag-spin ulit sa pole, mas mabilis, mas controlled. Tinapik ko ang bakal, sinundan ng mabagal na hip roll, at sabay taas ng kamay ko sa ere.
“GRABEEEEEE!!!”
“ANG LAKAS MO MUTYA!!!”
“ANG HOT MO!”
“ILAWAN ‘YAN! ILAAAWW!!!”
Nagtaasan ang ilaw, lumipat-lipat, sumabay sa bawat galaw ko. Pinababa ko ang balikat ko, pinaikot ang bewang ko, sabay slide ng kamay ko mula balakang paakyat sa dibdib pero hindi nakakabastos. Sensual pero kontrolado.
Sensual not explicit pero sapat para magliyab ang lugar.
Iyon ang kailangan ko. Kontrol.
At nakukuha ko na.
Pagtapos ng last beat, nag-slide ako pababa ng pole at tumayo ng diretso. Huminga ako nang malalim, nagpanggap na hindi ako hingal. Nag-bow ako ng konti.
At doon nagsimula ang pagsabog ng hiyawan.
“WOOOOOOHHHH!!!”
“MUTYA ANG INIT MO!!!”
“MISS ANG GANDA MO!”
“ANG LINIS NG GALAW!!!!”
Napatayo ang ilan at nagpalakpakan. May naghagis ng pera pero hindi ako tumingin doon. Hindi iyon ang hinahanap ko.
Pagkababa ko ng stage, sumalubong sa akin si Darna na parang baliw sa saya.
“GIRL!!!! PUTA! MUTYA! QUEEN!!! HALIKA NGA DITO!” yakap niya sa akin ng mahigpit, sabay hagod sa braso ko. “Diyos ko day, gumawa ka ng kaguluhan! Nabulag ang mga lalaki sa’yo! Fiesta na sa baba!”
Napabuntong-hininga ako. “Nagawa ko ba nang tama?”
“Girl… tama?! Sobra!!! Baka nga ikaw na ang bagong reyna ng basang-basang ilusyon ng mga ‘yon, charot!” tawa niya nang malakas. “Pero seryoso, Mutya… ang galing mo.”
Lumapit si Boss Monching, naka-ngiti habang nakahalukipkip.
“Aba… Mutya.” Tumaas ang kilay niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi kita inaasahan. Pero shet, ang laki ng impact mo ngayong gabi.”
Napayuko ako ng konti. “Ginawa ko lang po ang sinabi ninyo, Boss…”
“ ‘Ginawa mo lang?’ GURL, nilamon mo ang stage,” sagot ni Darna habang kumakaway-kaway pa ang kamay. “Like, hello?! BOOM ka!”
Tumawa si Boss Monching ng mahina. “Starting tomorrow, ikaw ang main attraction tuwing first set. Malaki ang tatamaan mo rito.”
Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil unti-unti, gumagalaw ang plano ko.
“Salamat po, Boss,” sabi ko.
“Magpahinga ka muna. Mamaya ka ulit for table.” Sabay talikod niya.
Pag-alis niya, tinapik ako ni Darna. “Girl… proud ako sa’yo. Kahit hindi mo sinasabi sa amin ang buhay mo, ramdam ko… may bigat. Pero hoy, nandito ka na. At mula ngayon…”
Ngumiti siya nang malapad.
“Mutya ka na. At dito ka magsisimula.” Sabi ko sarili ko
Tumingin ako sa paligid sa ilaw, sa sigawan, sa mga lalaking halos mabaliw sa isiping makita pa ako muli.
Oo. Dito nga magsisimula ang bagong buhay ko.
At dito rin magsisimula ang paghahanap ko sa impyernong gumawa ng bangungot sa pamilya ko.
Tahimik akong huminga nang malalim.
Mutya na ako ngayon.
At walang sinuman ang dapat makaalam kung sino talaga ako.
Mutya na ako ngayon.
At walang sinuman ang dapat makaalam kung sino talaga ako.