CHAPTER 18

1146 Words
THIRD PERSON POV “Girl, tara na! Welcome to Manila!” masiglang bungad ni Darna pagkapababa nila ng bus. Huminga nang malalim si Mutya habang tinatapakan ang sementong parang may kakaibang bigat. Maingay ang paligid tricycle, jeep, sigawan, tawaran pero hindi iyon sapat para takpan ang t***k ng puso niyang parang kumakawala sa dibdib. “Dito na ba tayo?” mahina niyang tanong. “Yes girl! Ito na ang simula. Lakad na.” Sabay hawak ni Darna sa kamay niya at hinila siya palayo ng terminal. “Huwag ka mahiya, safe ka sakin. Hindi ako nagpapa-late sa destiny.” Tahimik lang si Mutya, bitbit ang maliit niyang bag. Siya man, hindi makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas pero pakiramdam niya parang nagbago na ang buong buhay niya. Habang naglalakad sila sa masikip na kalsada, nagpapatuloy si Darna sa daldal niya. “Alam mo Mutya, ang ganda mo talaga kahit wala ka pang lipstick, ayaw ko mag-assume pero feeling ko mas bongga ka pag naka-makeup.” Hindi sumagot si Mutya ngunit sa loob-loob niya, kinakabahan siyang hindi maintindihan. Hindi pa siya handa sa mundong papasukan niya, pero kailangan niya. Kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang makapaghiganti. Pagdating nila sa isang makipot na eskinita, kumurba sila hanggang sa dumating sa isang pintuang may pulang ilaw sa taas. “Girl, welcome to… OTTS BAR!” anunsyo ni Darna na parang host sa noontime show. “OTTS as in Otso, kasi si boss Monching Otso ang may-ari. Pero girl, legit ha, hindi kami illegal. Legal kami pero medyo maraming kalat. Char!” Hindi alam ni Mutya kung matatawa ba siya o maiilang. Binuksan ni Darna ang pinto, at agad silang sinalubong ng malamlam na ilaw, maingay na tugtog, amoy alak, at mga babaeng naka-costume na parang kinuha sa iba’t ibang klaseng pantasya may angel, may devil, may policewoman, may cowgirl, may cheerleader. “Hoy Darna! Sino yan?” sigaw ng isang bading na nasa counter. “New girl! As in fresh from the province, wag kayong maingay!” “Ay bago?” tanong ng isang babae habang nag-aayos ng buhok. “Maganda ba yan?” “Ganda?” Tumuwid ng postura si Darna at nag-pose. “Girl, hindi ko naman dadalhin dito kung hindi pang-grand finals sa barangay pageant ang aura.” Napayuko si Mutya pero pilit siyang ngumiti. “Halika na, pupunta tayo kay boss Monching.” Lumakad sila paakyat sa second floor. At doon, sa loob ng opisina, nakaupo ang isang lalaking nasa early 40s, moreno, medyo malaki ang katawan, naka gold chain, may tattoo sa braso at may hawak na sigarilyo. “Boss, eto na yung sinasabi ko sayo. New girl.” proud na sabi ni Darna. Tumingin si Monching mula ulo hanggang paa ni Mutya, napataas ang kilay, napahithit pa ng smoke. “Ano’ng pangalan mo?” Bahagyang natigilan si Mutya, pero mabilis siyang nakabawi. “Mutya po.” “Mutya…” ulit ng boss, parang tinikman ang pangalan. “Bagay. Tahimik, mysterious… pero maganda. Hmmm.” Napayuko ulit si Mutya. “Ganda ng hubog ng katawan mo… hmmm.” sabi ni Monching habang tumatayo. “Ilalagay kita sa Entertainer. Sasayaw ka sa stage. You can start now.” Nalaglag ang balikat ni Mutya. Ngayon na agad? Ganun kabilis? Parang nabutas siya ng kaba. Nagpatuloy pa si Monching, “Ito ang damit mong susuotin.” Hinagis ng boss ang isang maliit na pirasong tela na mas maliit pa sa panyo. Parang costume ng sirena na inagawan pa ng materyales. Napasinghap si Mutya. Hindi damit ang tingin niya doon. Hindi costume. Hindi kahit anong matinong saplot. Tela. Kaunting tela lamang. Para siyang ipapakita sa mundo na walang pagtatakip. “Boss… medyo” Hindi niya natapos. “Girl, normal lang yan dito. Ganyan ang standard sa entertainers.” bulong ni Darna sa tabi niya. “Hindi ka namin papabayaan, promise.” “Kung ayaw mo, pwede ka umalis. Kung gusto mo kumita, suotin mo.” malamig na sabi ni Monching. Humigpit ang hawak ni Mutya sa maliit na bag niya. Ito ang moment. Ito ang reality. Ito ang mundong ngayon ay kailangan niyang pasukin hindi dahil gusto niya… kundi dahil kailangan niya. “Tatanggapin ko,” mahina pero matatag niyang sagot. Tumango si Monching. “Good. Darna, dalhin mo sa dressing room. Ayusan niyo. I want her on stage in thirty minutes.” “Yes boss!” Hinila ni Darna si Mutya pababa ng hagdan at diretso sa dressing room. Pagbukas nila ng pinto, bumungad ang ingay ng mga babaeng nag-aayos ng costume, nagme-makeup, nagsusuklay, nagtatawanan, at kung minsan, nag-aaway. “Girl, dito ka!” sabi ni Darna habang pinupuwesto si Mutya sa harap ng malaking salamin. Inilapag ni Mutya ang tela sa mesa. Hindi niya alam kung paano iyon isuot. Wala siyang karanasan sa ganitong klaseng trabaho. Pero pinilit niyang singhutin ang hangin at ilabas ang lakas. “Girl, relax ka lang ha? Ako bahala sa’yo.” ani Darna habang sinisimulan nang ayusan ang mukha niya. “Grabe girl, ngayon ko lang narealize… ang ganda mo pala talaga. Yung tipong kahit walang makeup, may dating. Pero pag nilagyan, baka sumabog ang bar!” Tahimik lang si Mutya habang inaayos ang kilay niya, pinapahiran ng foundation ang mukha, at nilalagyan ng pulang lipstick ang maputla niyang labi. Sa bawat kislot ng brush, pakiramdam niya unti-unting nililibing ang dating siya si Luningning. Ito si Mutya. Si Mutya na hindi nila kayang saktan. Si Mutya na babangon para patayin ang demonyong nanira sa buhay niya. Pagkatapos ayusin ang mukha niya, sinimulan naman siyang bihisan ni Darna. Suot niya ngayon ang tela na halos wala nang maitago sa katawan. Pero napatingin si Darna at biglang tumili. “GIRL!!!” Nagulat si Mutya. “Bakit?” “Girl wait lang” lumapit pa ang bakla, parang nagzo-zoom in ng camera. “Ang ganda mo! Grabe, ‘di ko in-expect! Yung katawan mo girl hourglass, yung mukha mo girl angel pero may killer vibe. Boss Monching will die!” Napangiti ng kaunti si Mutya. Maya-maya, narinig nila ang boses ni Monching mula sa labas. “Darna! Nasaan na yung bagong girl?” “Boss… ayan na siya…” sagot ni Darna, proud na proud. Pagpasok ni Monching sa dressing room, natigilan siya. Parang natuyo ang sigarilyo sa bibig niya. “Tangina…” bulong niya. “Darna, saan mo tinatago ang ganyang klaseng babae?” Nagkibit-balikat si Darna. “Secret ko yun boss.” Lumapit si Monching kay Mutya, pero hindi siya hinawakan tiningnan lang. “Mutya… “ “…handa ka na?” Huminga nang malalim si Mutya. Tumango. Oo. Handa siya. Hindi sa pagsasayaw. Hindi sa spotlight. Hindi sa audience. Kundi sa bagong simula. Sa bagong buhay. At sa paghahanap ng hustisya. “Handa na ako,” sagot niya, hindi para kay Monching kundi para sa sarili niya. At sa unang pagkakataon, tumayo si Mutya bilang babaeng may bagong landas… at bagong misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD