LUNINGNING (MUTYA) POV “Girl, buhay ka pa ba?” Napatingin ako kay Darna sa salamin habang tinatanggal ko ang half mask ko. Pawis na pawis ang noo ko, nanginginig pa ang kamay ko habang inaayos ang buhok ko. “Hello? Earth to Mutya?” sabay pitik niya sa balikat ko. “Mukha kang lalagnatin sa kaba, ha.” “Shhh,” sabi ko, halos pabulong. “Tahimik ka nga.” Ngumisi siya. “Ay wow. Tahimik? Eh kanina lang parang apoy ka sa stage. Ngayon para kang batang first time magpaalam sa crush.” Napaupo ako sa bench, huminga nang malalim. Ramdam ko pa rin ang init ng mga mata ng lalaking ‘yon. ‘Yung titig niya na parang hinuhubaran ako kahit naka-kapa pa ako kanina. “Darna…” mahina kong tawag. “O?” “First time ko ‘to.” Bigla siyang tumahimik. Tumabi siya sa akin, seryoso ang mukha rare moment. “Sigu

