CHAPTER 5

1295 Words
LUNINGNING POV “Ateee! Bilisan mo! Gutom na gutom na ako!” sigaw ni Letlet mula sa hapag-kainan, habang nakaupo na na parang prinsesa pero ang buhok ay parang pinagtagpi-tagping damo. “Ano ka ba, Letlet,” sabi ko habang bitbit ang malaking kaldero ng bagong lutong tinola. “Hindi ka pa nga naliligo, nag-aasta ka nang parang may sarili kang buffet dito.” “Hindi naman kailangan maligo para gumanda, Ate,” sagot niya, taas-baba ang kilay. “Natural beauty ako. Like you. Pero mas maganda ako nang konti.” “Hala! Narinig ko ‘yan!” sabi ni Nanay mula sa kusina, may hawak pang sandok. “Ikaw? Mas maganda kay Luningning? Ambisyosa ka, Letlet!” “Totoo naman po!” balik-sagot ni Letlet, hindi man lang natakot. “Nagmana ako kay Tatay, diba Tay?” Si Tatay, na nag-aayos ng baso’t pitsel ng tubig, napakamot ng ulo. “Aba e… mana ka sa akin sa kulit. Hindi sa ganda.” “MAY GANUN?!” bulalas ni Letlet, kunwari pa siyang nasaktaan. “Bakit parang nilalaro ‘yung feelings ko ngayong araw?” Napatawa ako, si Nanay, pati si Tatay. Si Jumar naman, ang bunsong kapatid namin, ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak-hawak ang tiyan. “Ateeee, please,” pagsusumamo niya, “bago niyo po ako pagtawanan, kain muna tayo… parang nakikita ko na yung ancestors ko.” “Huy! Huwag kang ganyan!” sigaw ni Nanay. “Bata ka pa para makakita ng ancestors!” “Totoo po Nay, umiikot na ‘yung mesa sa gutom ko.” Napaupo ako sa tabi ni Jumar at tinapik ko ang balikat niya. “O sige na, umpisa na natin bago pa mag-resign ang kaluluwa mo.” Pagkahain ko ng tinola, agad silang nagsalita parang may chorus. “WOW!” “Teka, teka,” sabi ko, “tikman niyo muna bago kayo mag-comment.” Nagsipag-salok ang tatlo: si Nanay, si Tatay, at si Letlet. Si Jumar naman ay ubos pasensyang naghintay nang mga tatlong segundo. “Aba,” sabi ni Tatay pagkatapos malasahan, “ang sarap ah!” “Ehem,” sagot ko, nag-fake bow. “Ako ata ang nagluto niyan.” “Hindi ko ine-expect, Ate,” biglang sabi ni Letlet. “Na marunong ka pa palang magluto.” “Ha? Ano ibig mong sabihin?” “Wala lang po… kasi mas madalas kang nagbabalot. So akala ko… pang balot ka lang. Hindi pang luto.” “HAA?!” sabay naming tatlo na-react. Si Nanay nagtatawa, si Tatay napangiwi, ako naman napayuko habang tinutulak si Letlet gamit ang braso. “Oy, pilya! Marunong kaya akong magluto!” “Opo Ate… napapatunayan ko na po ngayon.” Sabay kindat niya. Minsan talaga gusto ko siyang ibenta. Habang kumakain kami, ang saya-saya ng buong bahay. Yung tipong kahit pawisan kami, kahit pagod sa paninda, ramdam mo na kompleto kami. “Ay oo pala,” sabi ni Tatay habang naglalagay ng patatas sa plato ko. “Maganda benta kanina, ‘nak.” “Opo, Tay. Buti po marami talagang bumili.” “Aba dapat lang! Yung sigaw mo ba naman, Luningning, pang-aktres!” “HAHAHAHA!” sabay sabay sila. “O bakit? Ano pa bang gagawin ko? Kailangan ko isigaw para marinig ako. Tsaka effective naman!” “Effective nga,” sabi ni Nanay. “Yung kapitbahay, akala may nanliligaw sa'yo.” “Ay, Nay!” tumingin ako agad sa kanila. “Wala pong lalaking involved sa buhay ko. Kayo lang. Pamilya lang.” “Pero Ate…” sabay singit ni Letlet. “Kung magkaka-boyfriend ka, dapat may height requirement!” “Huy!” natawa ako. “Ano naman height requirement, Let?” “Dapat mas mataas sa Kawayan!” Sabay turo niya sa kawayan sa likod ng bahay na halos kasing taas ng puno ng niyog. “Uy,” sabi ni Tatay, tawa nang tawa. “Kung sa kawayan mo ibabase, baka multo makatuluyan niya!” “Halaaa, Tay!” sabi ko, humahagalpak na. Si Jumar naman, habang hinihigop ang sabaw, biglang sumingit: “Ate, kahit ano height, okay lang po. Basta mabait.” “Ay! Mabait? Talaga?” tanong ko, ngumiti ako kay Jumar. “Bakit, bunso? Gusto mo ba ng bayaw?” “Hindi po,” sagot niya. “Gusto ko lang ng taong hindi ka sasaktan. Kasi pag may nanakit sa’yo, Ate… ako bahala sa kanya.” “Ay wow,” sabi ni Nanay, “protector na agad!” “Opo Nay,” sagot ni Jumar habang umi-adjust ang maliit niyang dibdib, kunwari bodybuilder. “Kahit maliit ako, malakas ako kapag galit.” “Pakitunaw nga ang yelo sa pitsel,” sabi ni Tatay. “Baka maipakita mo lakas mo.” “Ay Tay! Hindi kaya ng powers ko ‘yon.” “Hala ka! Umuurong ang tapang!” tawa ulit ng lahat. Sa gitna ng tawanan namin, napahinto ako sandali. Tiningnan ko silang lahat si Tatay na puno ng ngiti, si Nanay na halos mapuno ang mata sa tawa, si Letlet na walang pakialam sa imahe niya sa pamilya, at si Jumar na walang ibang iniisip kundi protektahan kami. Ang sarap sa pakiramdam. Parang lahat ng pagod namin kanina, nabawi ngayon. Ito yung moment na parang wala kaming problema puro tawa, puro lambingan, puro kalokohan. “Mabuti na lang talaga,” sabi ko sa kanila, mahina pero ramdam. “Mabuti na lang… kompleto tayo.” “Syempre naman, ‘nak,” sagot ni Nanay. “Kung wala ka, walang mangangalaga sa dalawang makulit na ‘yan.” “Aba Nay! Ako?” sabat ni Letlet. “Makulit po talaga ako pero lovable.” “Lovable ang mukha mo,” sabi ko. “Pero ang ugali, debatable pa.” “HAHAHAHA!” sigaw ni Tatay. “O ‘yan, Let. Hindi ka nirerespeto ng ate mo.” “May respeto ako sa kanya,” sagot ni Letlet, kunwari seryoso. “Pero hindi ngayon. Gutom pa ako.” “Ay hala!” sabi ko. “O sige na, kumuha ka ulit!” Parang naka-magic, bigla siyang naglakad nang mabilis at sumalok pa ng tatlong pirasong manok. “Tatlo agad?!” sabi ni Nanay. “Nay, para po sa growth ko,” sagot niya nang walang guilt. “Hindi ko po kasalanan kung maliit ang boses ko pero malaki ang tiyan.” At doon napalakas ang tawa namin na parang gusto nang magiba ang bubong. Matapos kumain, nagligpit kami. Ako naghugas ng plato, si Letlet nagpunas ng mesa, si Jumar naman tumutulong pero nakadikit ang latik sa pisngi. “Bunso… bakit may latik ka sa pisngi?” tanong ko. “Ah… sinubukan ko po kanina kung fresh pa.” “Ay Diyos ko,” sabi ko. “Hindi mo ba alam na mukha mo ang napresko?” “Basta Ate,” sagot niya, “masarap po siya.” “Edi kainin mo yung nasa plato mo. Hindi yung nasa mukha mo.” “Awww…” Tawa ulit kami. Nang matapos ang lahat, naupo kami sa harap ng bahay. Mahangin. Tahimik. Makikita mo ang mga bituin na parang naglalaro. “Kahit mahirap…” sabi ni Tatay, humigop ng kape. “Masaya. Kasi magkakasama tayo.” “Opo, Tay,” sagot ko. “At kahit saan tayo mapunta, basta magkakasama, hindi nakakatakot.” “Aminin mo, Ate,” sabi ni Letlet. “Nakakatakot pag ako wala.” “Actually… oo.” “Ay wow! See? I’m important!” “Important sa gulo ng mundo,” sabi ko. Sumigaw si Jumar: “Pero Ate… love ka namin!” Tumingin ako sa kanila. “Love ko rin kayo. Kahit minsan gusto ko na kayong ibenta sa palengke.” Sabay-sabay silang nag-react nang parang choir: “AY GRABE SI ATE!!!” At tumawa kami ulit, mas malakas, mas totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD