SEV POV
“Tangina, sino na naman ‘yan?” bulong ko habang naririnig namin ang sunod-sunod na DING DONG sa malaking gate ng mansion ko.
Nasa sala pa kami nun, kalat ang bote ng alak, may umaandar na speaker, at halatang lasing na ang mga kasama ko. Ako? Half lang. Hindi pa lumalalim ang tama ko. Pero sila ibang level.
Si Cass agad ang tumayo.
“Relax, Sev. Baka delivery lang.”
“Teka,” sabi ko, tataas sana ako. “Hindi ako nag-order. Sino na namang”
Pero huli na. Binuksan na ni Cass ang front door.
At doon ako napahinto.
Isang lalaking mukhang galing sa sampung araw na pakikipaglaban sa bagyo ang nakatayo. Gusgusin, madungis, parang napagtripan ng limang aso sa eskinita. Naka-hoodie pa na hindi ko alam kung itim o putik na yung kulay.
“Bro…” sabi ko, naglalakad papalapit. “Sino siya?”
Si Cass ngumisi. “Relax, Sev. Siya yung contact ko.”
“Contact sa ano?”
At doon ko nakita. Inabot nung lalaki kay Cass ang isang maliit na supot—hindi sobrang halata, pero sapat para malaman kong hindi iyon candy.
Si Cass? Kinuha lang as if normal.
Ilang segundo pa, nag-abot sila ng pera.
Tapos, umalis yung lalaki na parang multong dumaan lang.
Napaatras ako.
“Hoy,” sabi ko, seryoso. “Paano kayo nakakakuha ng ganyan dito? Dito pa sa Mindanao? Sa MANSION KO?”
Tumawa silang apat.
Si Kier humampas sa sofa.
“Bro, come on! We're rich, but we’re not clueless. May kilala si Cass everywhere. Kahit saan kami magpunta meron siyang alam.”
Si Ronan sabing mayabang:
“Sev, wag ka masyadong stiff. Vacation nga ‘to diba? Enjoy lang.”
Si Jarel nakangisi, sabay taas ng bote.
“Cheers muna! Wag isipin ang stress!”
Hindi ako natawa.
Pero bago pa ako makapagsalita, DING DONG ulit ang gate.
“THIS TIME,” sabi ko, “hindi ako magugulat. Ano na namang”
Pagbukas, apat namang babae ang pumasok.
Mukhang mga galing sa club na mahal, makikinis, naka-mini dress, tapos parang sanay na sanay sa ganitong setup.
Si Kier umikot ang mata.
“Yeeees! The angels have arrived!”
“Angels?” sabi ko, napapili. “More like demons with lipstick.”
“Shhhh,” pabulong ni Cass, malayo ang tingin sa akin, yakap-yakap na yung isang babae.
“Let’s not ruin the vibe tonight.”
At tuloy sila.
Naupo sila sa sofa, kinuha yung ibang bote, at agad nang parang matagal nang magkakilala lahat.
Hinablot ni Jarel yung remote at pina-loud ang music.
“SEV!” sigaw niya. “THIS IS THE NIGHT! No parents, no pressure, no rules! Nasa Mindanao tayo, bro! Let's have fun!”
Pero ako? Hindi mapakali.
Tumingin ako sa paligid.
Mansion ko ‘to.
Lugar namin.
Tahimik dapat.
Pero ngayong gabi? It felt wrong. Hindi ko alam kung dahil lasing sila, dahil may mga drugs na naman sila, o dahil may mga babaeng hindi ko kilala na ngayon ay nasa sofa ko na parang sila ang nagmamay-ari ng aircon.
Isang babae lumapit sa akin.
“Hi,” sabi niya.
May accent pa. Hindi ko alam kung saan galing pero obvious na sanay sa mayayamang party.
“Bakit ang seryoso mo?”
“Uh… just thinking.”
“Don’t think,” sagot niya, hawak ang balikat ko. “Just enjoy tonight.”
Tinanggal ko dahan-dahan ang kamay niya.
“Thanks, pero I'm good.”
She laughed.
“Hala, guys! Ang pogi pero ang stiff!”
Narinig iyon ng buong barkada ko.
“SEV! Relax, man!” sigaw ni Ronan.
Pero hindi nila alam itong gut feeling na merong mali… hindi ako tinantanan.
Mga dalawang oras pa, ang ingay ng sala.
May sumasayaw, may nagtatawanan, may halos gumapang na sa sahig sa sobrang tama.
Ako? Umakyat sa balcony.
Naglabas ng yosi pero hindi ko sinindihan. Tinitignan ko lang.
Tahimik ang labas.
Ang Mindanao breeze malamig.
Ang paligid, puro puno at malawak na lupa.
Pero ang ingay sa loob ng mansion?
Sumasampal sa tenga ko.
Naririnig ko yung boses ni Jarel na parang nawalan ng kontrol.
“PUTA- ANO ‘TO! ANG LAKAS! HAHAHAHA!”
Si Ronan sumisigaw:
“WOOOOO! BRO, THIS is THE LIFE!”
Si Kier at Cass parang wala na sa mundo.
Nilingon ko ulit.
Shit.
Hindi ako komportable.
Hindi ako santo. Hindi ako inosente.
Pero iba ‘to.
Iba yung pakiramdam.
Parang may kasunod.
Parang may paparating.
At mas lalong nag-trigger sa akin yung huling sinabi ni Cass kanina:
“Sev… trust me. This vacation will change our lives.”
Pero bakit parang hindi sa magandang paraan?
Pagbalik ko sa sala, halos bumagsak ako sa nakita.
Yung table? Puno ng bote.
Yung mga babae? Halatang sanay sa ganitong kalat.
Yung mga kaibigan ko? Lasing at sabog na hindi ko na nakikita ang dating kilala ko.
“Guys,” sabi ko, hindi ko na tinago ang tono ko, “we need to slow down.”
Si Cass nagtaas ng tingin. Pupungas-pungas.
“Sev, bro, chill. Bakasyon ‘to. Don’t ruin the vibe.”
“Hindi vibe ang iniisip ko!” sagot kong diretso. “Safety!”
Si Ronan nabaligtad ang bote habang tumatawa.
“Safety? HAHAHA! Bro, we’re rich. We’re untouchable.”
Napahinto ako.
“Hindi lahat ng pera mo kayang bayaran ang consequences.”
Tahimik saglit.
Pero dahil lasing sila, walang masyadong pumasok sa utak nila.
“Ano ba,” sabi ni Kier, naka-akbay sa dalawang babae.
“Let us enjoy! This is Mindanao. Walang nakakakilala sa atin dito.”
“Ako,” sagot ko, matigas. “Kilalang kilala ko sarili ko. And this THIS doesn’t feel right.”
Ngumiti si Cass nang mabagal, yung tipong nakakatindig-balahibo.
“Don’t worry, Sev… wala pang nangyayaring masama.”
Pero may tono iyon na parang…
May mangyayari.
Hindi ko alam kung imagining ko lang, o too much paranoia kasi ang daming nangyayari pero parang may pahiwatig sa hangin.
At iyon ang lalong nagpasikip sa dibdib ko.
Lumapit yung babae kanina at sinabihan ako:
“Hey… bakit ka nag-aalala? Your friends are having fun.”
“Hindi lahat ng fun safe,” sagot ko.
Tumawa siya ulit.
“You worry too much.”
“Because someone has to,” bulong ko.
At doon ko narinig yung tunog mula sa labas.
Mahina pero malinaw.
Isang sasakyan.
Isang motor.
Hindi ko alam.
Pero hindi iyon yung sound na nagdudulot ng excitement.
Iyon yung tunog na nagbibigay ng warning.
“Cass,” sabi ko, “may dumating ba kayong other visitor?”
Umiling siya.
“Wala. Bakit?”
At doon, biglang kumatok ng malakas sa gate.
BOGSH! BOGSH! BOGSH!
Malalakas.
Hindi katulad ng doorbell nun kanina.
Hindi katulad ng normal.
Parang galit.
Parang nagmamadali.
Parang may hinahanap.
Nagkatinginan kami.
Si Jarel tumawa pa.
“HAHA! Baka fans mo, Sev! Pwede ka nang artista!”