THIRD PERSON POV
“Ano ba ‘yan… sino na naman ‘yan sa gate?!” iritang bulong ni Sev habang nanginginig pa ang dibdib niya sa lakas ng kaba. Kanina pa sila todo ingay, at parang bigla siyang kinuryente ng hiya nang marinig ang sunod-sunod na doorbell na halos sumabay sa malakas na bass ng tugtog nila.
“Bro, sagutin mo naaaa!” sigaw ni Ronan habang nakasubsob sa sofa, halatang hilo na sa alak. “Baka pizza! Or baka multo! HAHAHA!”
Napairap si Sev at mabilis na naglakad palabas ng sala. Sa bawat hakbang niya ay parang lumalakas ang thump ng music na tumatagos sa sahig ng mansion. Parang gusto niyang lumubog sa hiya alas dose na ng gabi, halos gumagalaw ang bubong sa lakas ng tugtog, tapos ang daming lasing at naghihiyawan inside.
Pagdating niya sa gate, huminga siya nang malalim bago binuksan ito.
Pagbukas niya, halos malaglag puso niya sa sahig.
“Good evening, iho,” seryosong sabi ng matandang lalaki, naka-sando, naka-shorts, at halatang bagong gising. “Ang lakas ng tugtog n’yo. Hindi kami makatulog.”
Katabi nito ang asawa nakapamaywang, nakataas ang kilay, at halatang inis na inis.
“Ah… ah… pasensiya na po,” nangingiting sagot ni Sev habang pasimple niyang tinatakpan ang ilong niya kasi naamoy pa niya yung alak. “Hihinaan ko po. Promise po, ngayon na.”
“Huwag lang sana umabot sa barangay, ha?” sabi ng babae, matalas ang tingin.
“Hindi po, hindi po,” mabilis na sagot ni Sev. “Ako na po bahala.”
At agad-agad niya isinara ang gate hindi padampot, kundi parang gusto niya itong yakapin para lang tumigil ang mundo.
Pagpasok niya ulit sa loob, sinalubong siya ng mala-zoo na ingay.
May tumatawa nang parang kabayo si Jarel.
May sumasayaw sa ibabaw ng mesa si Cass.
May nakahiga sa carpet at umiikot ang paa si Kier.
And of course, si Ronan… nakikipag-argumento sa speakers.
“BROOOOOO!” sabay-sabay na sigaw nila nang makita si Sev. “Bakit ka ang tagal?!”
“Kapitbahay daw,” sagot ni Sev habang nilingon ang malaking speaker. “Reklamo sila. Sabi nila sobrang lakas daw.”
“WELL DUH!” tawang sigaw ni Kier habang nakaluhod sa carpet, may hawak pang baso. “Party ito eh! Ano’ng gusto nila? Silent disco?!”
Si Cass naman, na nakahawak pa sa bote, biglang tumawa nang ubod lakas. “BRUHHH! They just don’t understand rich–boy stress relief! HAHAHAHA!”
“Ano?” iritang sagot ni Sev. “Hindi sila dapat makaistorbo kasi gabi na. Hinaan n’yo muna.”
Pero bago pa niya maabot ang volume knob, si Kier biglang tumayo at…
BOOM!
Full volume. As in yung tipong parang concert na, yung pader halos gumagalaw, yung chandelier sumasabay kumalansing.
“YO! LET’S GOOOOO!!!” hiyaw ni Kier habang tumalon pababa ng mesa.
Nagulat ang lahat. Umalog ang buong sala. Nagsigawan sila.
“Ohhhhhh!!! CHEEEERS!!! WOOOOO!!!”
May nagtatatalon, may nagtatakbuhan, may nagpapakyut sa mga babae, at may nakikipagsayaw sa hangin.
“Put-! KIER! Huwag ganyan!” sigaw ni Sev habang halos sumabog ulo niya sa kaba. “Sabi ko hinaan! Hindi lakasan!”
Pero wala na kumawala na ang lima mula sa mundo ng katinuan. Para silang hyper kids na sininghot ang adrenaline ng kalokohan.
At syempre, kahit ayaw ni Sev, nadala rin siya. Kahit papaano.
Ang daming bote ng alak sa mesa. May mga pulutan na hindi na makilala kung chicharon pa ba o tinapay na nagkaroon ng identity crisis. May mga tapon na yelo sa sahig. May kumot na nakatabon sa speaker dati pero tinanggal na para daw mas “crisp ang tunog.”
Sa isang sulok, apat na babae ang nagsasayaw sobrang lakas ng tawa nila, parang wala silang pakialam sa mundo. Sila yung dumating kanina, lahat naka-mini dress, lahat halatang sanay sumabay sa ganitong party.
“SEV! SEV! BRO!” tawag ni Cass habang nakaakbay sa dalawang babae. “Picture tayo! Hehehe!”
“Hindi ako”
“Huy wag ka na magpaka-behave, okay? We’re on vacation! Mindanao baby!” tawa ni Jarel.
“Oo nga naman! Hindi araw-araw lumilipad tatay mo papunta sa China para hindi makita ginagawa mo!” hirit ni Kier, na agad ding tumawa nang parang tanga.
“Stoopid,” tawa ni Sev pero halatang kinakabahan pa rin. “Pag kumatok sila ulit, patay tayo.”
“BROOO!” singit ni Ronan habang ginagaya ang matandang kapitbahay. “‘HIHO… HINDI KAMI MAKATULOG…’ HAHAHA! Eh ‘di matulog sa ibang bahay!”
Nagtawanan silang lahat.
Si Sev, kahit pilit pinapakalma ang sarili, napataas na rin ang baso.
“Tangina n’yo… bahala na. Basta kapag nag-video ang kapitbahay, deny tayo lahat. Sabihin nating hindi tayo ‘to.”
“YESSSSSSSS!!!” sabay-sabay nilang sigaw.
Pero habang lumalalim ang gabi, tumitindi ang gulo.
May nahulog na bote, may nagkalat na chips, may natapunan ng pulutan. Yung isa sa mga babae biglang humiga sa sahig dahil “pagod daw sumayaw.” Si Kier naman umiikot-ikot sa sahig habang sumisigaw ng “I LOVE MINDANAAAOOO!!!”
At si Sev…
Napaupo na sa sofa, hawak ang ulo, habang pinapakinggan ang puso niyang parang paputok.
He wasn’t drunk enough to be stupid, but he wasn’t sober enough to be wise.
Naririnig pa rin niya ang sinabi ng kapitbahay:
“Huwag sana umabot sa barangay.”
At may part ng utak niyang nagsasabing…
Putik. This might get worse.
Pero bago pa man siya makapag-isip ng diretsong plano, biglang sumigaw si Cass mula sa second floor.
“GUYSSSSSS!!! HALIKA KAYO DITO!!! MAY POOL SA TAAS!”
“WE KNOW!” sagot ni Ronan. “Pinagawa ni Sev ‘yan last year, remember?!”
“E DI MAGLANGOY TAYO NGAYON!!”
At walang kaabog-abog tumakbo silang lima paakyat ng hagdan kasama ang apat na babae, para bang hindi sila mga taong pa-wasak sa ingay at alak.
Si Sev, napahawak sa dibdib niya habang sinusundan sila.
“Lord… bahala ka na. Ako na bahala bukas maglinis… sana lang walang tumawag ng barangay.”
Pagdating nila sa rooftop, bumungad ang malamig na hangin ng gabi at ang malawak na infinity pool na may kulay asul na ilaw.
“WOOOOOO!!!” sigaw ni Jarel, agad tumalon sa tubig na parang walang takot.
Sumunod ang iba.
Sa loob ng ilang segundo, ang rooftop ay parang naging private club may talsik ng tubig, may tilian, may tawanan, may mala-echo na ingay galing sa speakers na inakyat pa talaga ni Kier.
Si Sev, huminga nang malalim.
Hindi niya alam bakit, pero may kutob siyang malaki ang mangyayaring gulo sa mga susunod na araw.
Something dangerous.
Something life-changing.
Pero sa gabing iyon, pinili niya munang tumawa, tumalon sa tubig, at isabay ang sarili sa ingay.
Because sometimes……even the quietest boys break loudest.