LUNINGNING POV
“Ija… sigurado ka ba?”
Mahina, nanginginig, pero puno ng pag-aalala ang boses ni Lola habang hawak niya ang balikat ko. “Baka hindi ka pa talaga malakas. Baka kailangan mo pa ng pahinga…”
Dahan-dahan akong tumayo mula sa banig na higaan sa loob ng maliit niyang kubo. Isang linggo akong halos walang malay sa pangangalaga niya. At ngayon… kahit ramdam ko pa ang sakit ng sugat ko sa dibdib, mas matindi ang sakit na hindi ko pa nakikita ang bahay namin. Ang pamilya ko.
Nilunok ko ang bigat sa lalamunan.
“Lola… kailangan ko pong makita. Kailangan ko pong bumalik sa amin. Kahit sandali lang.”
Tumingin siya sa akin, mahaba, mabigat, parang sinusuri kung kaya ko ba talagang harapin ang katotohanan.
“Kung ’yan ang gusto mo, ija… hindi kita pipigilan. Pero sana… sana handa ka sa makikita mo.”
Kumirot ang puso ko.
Hindi ako handa.
Kailan ba ako magiging handa?
Pero kailangan.
“Oho, Lola. Kailangan ko po.”
Tumango siya nang marahan. “Mag-iingat ka. Isuot mo ’tong hoodie at mask. Baka may nakakakilala pa sa’yo.”
Tinanggap ko ang hoodie at mask. Kinuha ko rin ang maliit na dala kong sling bag ang tanging laman nito ay ang bracelet na regalo ng nanay ko nung ika-15 birthday ko.
Bago ako lumabas, muli akong nilingon ni Lola.
“Ija… kahit na anong makita mo… huwag mong isisisi sa sarili mo. Hindi mo kasalanan ang nangyari.”
Napapikit ako.
Kung sana gano’n kadali iyon.
Pero ang totoo?
Parang may nagbubulong araw-araw na kasalanan ko ang lahat.
Kasalanan ko dahil hindi ako nakasigaw.
Kasalanan ko dahil hindi ko sila nailigtas.
Kasalanan ko dahil humihinga pa ako… at sila hindi na.
Pero hindi ko sinabi iyon kay Lola.
Mahina lang akong ngumiti at tumango.
Lumabas ako ng kubo. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tila dumudurog sa balat ko. Pero mas masakit ang bigat sa dibdib ko habang tinatahak ko ang daan pauwi.
Pagdating ko sa bahay…
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nang tumapat ako sa dating bakod na gawa sa kahoy, agad na nanikip ang dibdib ko. Wala na ang ingay. Wala na ang tawanan. Wala na ang amoy ng niluluto ni Nanay tuwing hapon.
Tahimik.
Tulog ang lugar.
Patay.
Nang makita ko ang pintuan ng bahay namin… bigla akong napaluhod.
Hindi dahil sa sugat.
Kundi dahil sa realidad na umatake sa akin nang parang sampung sibat.
“N-Nay… Tay…”
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaluhod. Basta ang alam ko, nanginginig ang buong katawan ko hanggang sa sumalo ng luha ang lupa. Pinilit kong bumangon at pumasok.
Pagsilip ko sa loob…
Halos mapasigaw ako.
May marka pa ng madidilim na anino sa dingding parang dugo na pinilit nang linisin. Ngunit halata pa rin ang mga bakas.
Tumigas ang katawan ko.
Hindi ako makahinga.
“Diyos ko… Nanay… Tatay… mga kapatid ko…”
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ng bunso kong kapatid. Nakita ko pa ang laruan niyang nakatumba sa sahig. Yung paborito niyang teddy bear may bahid pa ng lumang dugo sa isang tenga.
“Mga hayop…” bulong ko, nanginginig, umiiyak na walang tunog.
Bawat sulok ng bahay namin ay naninigaw ng alaala.
Pader.
Sahig.
Pinto.
Hanging walang buhay.
At habang tinitingnan ko ang lahat, mas lalo kong naramdaman ang paggiba ng mundo ko.
Umupo ako sa sahig na tuyo ang dugo.
Hinawakan ko ang bracelet ko.
Ngumigiling ang dibdib ko para pumutok.
“Hindi ako nakapagpaalam… hindi ko kayo niyakap… hindi ko kayo nailigtas…” bulong ko, paulit-ulit.
Humagulgol ako hindi na tulad ng tao.
Kundi tulad ng isang sirang kaluluwa.
Pagkatapos ng ilang sandali… pumunta ako sa libingan.
Wala na ako inabutang burol.
Wala man lang kahit munti pang bakas ng buhay nila.
Pero pagdating ko sa sementeryo, sakto… tinatabunan pa ng lupa ang huling bahagi ng libing.
Hindi ko kinaya.
Napasigaw ako.
Parang nawalan ng hininga.
“Nay! Tay! PLEASE! Huwag… huwag n’yo ’ko iwan…”
Hinawakan ko ang lupa gamit ang nanginginig kong kamay.
Gusto kong hukayin.
Gusto kong buksan.
Gusto kong makita sila kahit bangkay.
Pero hindi pwede.
Dahil huli na ang lahat.
Ako na ang huli nilang anak.
Ako na ang natira.
At hindi ko man kagustuhan… ako ang naiwan.
Matapos ang libing, wala akong salitang nasabi.
Wala akong tinanong.
Wala akong kinausap.
Tumalikod ako at naglakad pabalik ng bahay.
Ang bigat.
Parang bawat hakbang ay may bato sa puso ko.
Lumapit ako sa bangin.
Doon ako itinapon.
Doon ako dapat namatay.
Doon nagtagpo ang kapalaran at impiyerno.
Habang papalapit ako sa gilid ng bangin, naamoy ko agad ang masangsang na amoy amoy ng nabubulok na laman.
Tumigil ako.
Nanginig.
Parang sinakal ang dibdib ko.
Pero lumapit ako.
Pagdating ko sa masukal na parte ng lupa… nakita ko.
Isang sako.
Madumi.
May mantsa.
At gumagalaw ang hangin sa paligid dahil sa amoy.
Dahan-dahan kong binuksan.
At halos mapasigaw ako.
Isang babae.
Patay.
Hubad.
May pasa.
May hiwa.
Maraming sugat.
At halatang walang nakakaalam na andun siya.
“Diyos ko po… sino ka… ano’ng ginawa nila sa’yo…”
Napahawak ako sa dibdib ko.
Ramdam ko ang galit, takot, awa, at paghihiganti na sabay-sabay sumisingaw sa buong kaluluwa ko.
Hinawakan ko ang bracelet ko.
At sa isip ko, malinaw ang plano:
Kung ako ang dapat mamatay… kung ako ang inaakalang patay… gagamitin ko ito.
Hinubad ko ang bracelet.
Malamig sa balat.
Mabigat.
Puno ng alaala.
Dahan-dahan ko itong isinabit sa pulso ng bangkay.
“Pasensya ka na, Miss… patawad kung ito lang ang paraan. Pero pareho tayong biktima. Pareho tayong giniba. Pareho tayong ninakawan ng buhay. At ngayon… gagamitin ko ang pagkakataong ito para mabigyan ka ng hustisya.”
Hindi tumigil ang luha ko habang isinusuot ko iyon sa babae.
“Kung ako ang hahanapin nila… hayaan mong ako ang mawala. Kasi kailangan kong bumangon. Kailangan kong maghiganti.”
Tinakpan ko ulit ang katawan ng babae.
Nagdasal ako.
Tumingala.
At doon ko naramdaman ang unang apoy ng paghihiganti na umusbong sa dibdib ko.
Hindi ako mamamatay na tahimik.
Hindi ako magiging biktima nila habambuhay.
Hindi ako magiging pangalan lang sa balita.
Umalis ako roon nang mabigat ang hakbang, pero matatag ang loob.
Pagbalik ko sa kubo ni Lola…
Pagpasok ko, agad siyang tumayo.
Kitang-kita niya ang namumugto kong mata, ang lupaypay kong lakad, ang nanginginig kong kamay.
“Ija… Diyos ko… ano’ng nangyari sa’yo?”
At doon, sa unang beses mula nang nagising ako sa kubo niya, bigla akong napayakap sa kanya.
Mahigpit.
Takot na takot.
Parang batang nawalan ng lahat.
“Lola… wala na sila… wala na po ang pamilya ko…” bulong kong humahagulgol.
Niayakap niya ako pabalik, mahigpit, puno ng pagmamahal na hindi ko nakuha mula kanina.
“Ija… kawawa ka naman… kawawa ang puso mo…”
Umiyak kami pareho.
Matagal.
Masakit.
Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya ako.
“Ano’ng balak mo ngayon, ija?”
Humugot ako ng malalim na hininga.
Puno ng galit.
Puno ng apoy.
“Lola… bukas po… luluwas ako ng Maynila. Hindi ko na po gagamitin ang pangalan na Luningning Dalisay.”
Natigilan si Lola.
“Ha? Ija… bakit?”
Tumingin ako diretso sa mata niya.
“Dahil kung sino man ang gumawa nito sa pamilya ko… hindi nila kailangang malaman na buhay ako. Hangga’t iniisip nilang patay ako… mas ligtas ako. Mas makakagalaw ako. Mas makakahiganti ako.”
Tahimik si Lola.
Pero sa mata niya, kita ang pag-unawa.
At ang takot.
“Ija… baka mapahamak ka…”
Umiling ako.
“Lola… mas delikado po para sa akin kung hahayaan ko silang mamayagpag. Wala na po akong pamilya. Wala na akong ibang hihintayin. Wala na akong ibang babalikan. Pero may natitira pa akong dapat gawin. Para kay Nanay, Jumar, Letlet at Para kay Tatay. Para sa mga kapatid ko.”
Naglalaglag ang luha ko pero matigas ang boses ko.
“At para sa sarili ko.”
Hinawakan ako ni Lola sa kamay.
Mahigpit.
“Ija… kahit ano’ng pangalan ang piliin mo… kahit saan ka man mapunta… ipagdarasal kita araw-araw. Basta… mag-iingat ka. At huwag mong hayaang kainin ka ng galit.”
Tumingin ako sa kanya, umiiyak pero determinado.
“Lola… salamat. Kung hindi dahil sa inyo… patay na po ako.”
Hinaplos niya ang ulo ko.
“Anak… minsan ang muling pagkapanganak ng tao… nanggagaling sa pinaka-madilim na gabi. Pero sana… sana huwag mong kalimutang may liwanag pa rin sa dulo.”
Pumikit ako.
Huminga nang malalim.
Bukas… iiwan ko ang pangalan kong Luningning Dalisay.
Bukas… magsisimula ang buhay ng taong hindi nila inaasahan.
Ang taong hindi nila kayang patayin.
Ang taong babalik para sa hustisya.
At kung sino man ang gumawa nito sa pamilya ko…
Hindi ko sila titigilan.
Kahit magkanda-durog ako.
Hinding-hindi ko sila patatawarin.
At darating ang araw… na ako naman ang magiging bangungot nila.