CHAPTER SEVEN
Ice Tsing
“I love you because you are the craziest person I know. You can make me do the craziest thing I never thought I’d do.”
Napangiti ulit ako sa note na ipinadala ni Miss Cupcake. Unti-unti akong nahuhulog kay Lifli, naamin ko na ‘yon sa aking sarili pero bakit pakiramdam ko unti-unti rin akong nahuhulog kay Miss Cupcake? Two timer na ba ako sa lagay na ‘to?
Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko para kay Miss Cupcake pero parang nagugustuhan ko na siya dahil sa simpleng notes at masasarap na cupcakes na ipinadadala niya. Matalino siguro ‘tong si Miss Cupcake. Alam na alam niya kasi na the best way to a man’s heart is through his stomach tapos ‘yung kinaaadikan ko pa ang ginagawa niya.
Kailan ka ba magpapakilala, Miss Cupcake?
“Hey!” Lumingon ako sa taong pumasok sa TLE Room at nakita ko si Lifli. “Bakit ka ngumingiting mag-isa riyan? Don’t tell me nababaliw ka na?” saka siya tumawa.
“Oo, nababaliw na ako. Nababaliw na ako sa pag-iisip sa ‘yo.”
“Ha?” Halata namang nabigla siya sa aking sinabi kaya nag-isip agad ako ng palusot.
“A-Ang sabi ko, oo nababaliw na ako sa kaiisip kung sino ba ‘tong si Miss Cupcake.”
Tiningnan naman niya ‘yung box at kinuha ‘yung note.
“Ang sweet naman ng secret admirer mo. Baka naman ma-in love ka na niyan sa kanya?”
“Actually, unti-unti na nga yata, eh.”
Napansin ko na parang nagbago ‘yung expression ng mukha ni Lifli. May nasabi ba akong masama? Bakit parang nalungkot siya?
“Well, hindi naman nakapagtataka kung mahuhulog ka sa kanya pero… may gusto lang akong itanong.”
“Ano ‘yon?”
“Maaari bang na-in love ka lang sa kanya dahil sa mga cupcake na ginagawa niya? Paano kung siya pala ‘yung babaeng kinaiinisan mo? Edi ayaw mo na sa kanya?”
Nagtaka naman ako dahil sa way ng pagkakatanong niya, para kasing iba, parang may meaning. At napaisip din ako sa tanong niya. Hindi nga kaya nai-in love lang ako sa mga cupcake at hindi talaga sa nagpapadala nito?
Tumayo si Lifli at nagsuot na ng apron, magpa-practice kasi ulit siyang gumawa ng mga new flavor of cupcake. Kailangan niya kasi ng tatlong new flavors at nandito ako para maging taga-tikim niya. Sinimulan na niya ang paggawa at the whole time na gumagawa siya ay seryoso lang ang mukha niya. Para bang may iniisip siyang malalim at parang bawal siyang biruin ngayon.
Mula no’ng na-confirm ko sa sarili ko na nahuhulog na ako kay Lifli ay hinihiling ko no’n na sana siya na lang si Miss Cupcake. Dahil kung siya si Miss Cupcake ay hindi na mahirap sa akin ang mahalin siya. Bukod sa siya si Lifli ay siya rin ang babaeng nakakuha sa lasa ko.
Pero may posibilidad ba na si Lifli ay si Miss Cupcake?
Narinig ko na ang tunog ng oven at nakita ko na nilalagyan na ni Lifli ng icing ang mga cupcake. Kumuha ako ng isang cupcake na wala pang icing at tinikman ‘yon. Nakita ko naman na parang naghihintay si Lifli sa sasabihin ko.
“May kulang ulit, eh.”
“Aish! Mukhang hindi ko magagawa ng tama ang mga ipinagagawa ni Ma’am De Guzman. Magba-back out na lang siguro ako.”
Naupo siya sa isang stool at isinubsob ang mukha sa working table. Nilapitan ko naman siya at kinalabit. Iniangat niya ang kanyang ulo saka ko siya pinahiran ng icing.
“Alam mo kung ano’ng kulang? ‘Yung ngiti mo. Kahapon no’ng gumawa ka ng chocolate chip cupcake, may kulang din sa una mong ginawa, ‘di ba? Kasi masyado mong sineryoso ang paggawa pero no’ng gumawa ka ulit naging masarap na kasi masaya ka habang ginagawa mo ‘yung mga cupcake.”
“So, sinasabi mo ba na dapat lagi akong nakangiti habang gumagawa?”
“Hindi lang basta nakangiti, dapat masaya ka, sa isip mo at sa puso mo. Parang pagre-review lang ‘yan, eh. Kapag wala ka sa mood, kapag badtrip ka, nakakapag-review ka ba nang maayos? Hindi, ‘di ba? Kapag malungkot ka habang ginagawa ang isang bagay, pumapalpak ka. Kasi ang paggawa ay dapat nasa puso. Hindi lang dapat nasa isip. Hindi mo lang layunin ang manalo sa paligsahan, hindi mo lang layunin na masunod ang ipinagagawa sa ‘yo ni Ma’am De Guzman, dapat layunin mo rin na makagawa ng new flavor para sa sarili mo at para may matutunan kang bago.”
Hinawakan ko ang isang kamay niya saka inilagay sa tapat ng kanyang puso. “Kung gusto mo talagang magawa ang isang bagay, kung gusto mo talagang magtagumpay sa paggawa, isa-puso mo.”
Napayuko siya at sa muling pag-angat ng ulo niya ay nakangiti na siya. “Susundin ko ‘yang sinabi mo. Thank you, Ice.”
Napangiti rin naman ako at no’ng bibitawan na niya ang kamay ko ay lalo kong hinigpitan ang hawak do’n. Tinanggal ko ‘yung apron na suot niya saka ko kinuha ang mga gamit namin. Lumabas kami ng TLE Room saka ko siya hinila sa isang lugar na alam kong makapagpapasaya sa kanya.
“Teka, Ice, saan tayo pupunta? May gagawin pa ako!”
“Mamaya mo na gawin ‘yon. Mas mahalaga na sumaya ka para makagawa ka na ulit ng masarap na cupcake.”
Kinindatan ko siya at napansin kong namula siya. Making her blush makes me smile.
***
Lifli Lucas
“Wow! Ang daming desserts!”
Nasa Katey Cake Shop kami ngayon at may isang event sila kung saan ipe-present nila ang mga dessert na meron sila. Mula sa oldest version hanggang sa newest version. Sobrang daming desserts, hindi lang cupcakes, may cakes, bake cookies, leche flan, crème caramel, yoghurts at marami pang iba. Nakakagutom!
Sa event din na ‘to ay magtuturo sila kung paano gawin ang mga dessert na ‘to. Naghanda ako ng notebook at ballpen para sa tutorial nila. Gusto kong makagawa ng mga dessert na kasing sarap ng gawa ng pastriers dito.
Habang nakikinig ako sa nagsasalita sa harapan ay napansin ko na parang may bumagsak sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Ice na nakatulog na pala. Napangiti na lang ako at inayos ang ulo niya sa ibabaw ng aking balikat.
Sa totoo lang ay good mood naman talaga ako kanina. Nainis lang ako dahil sa sinabi ni Ice na nai-in love na nga raw yata siya sa taong nagpapadala sa kanya ng mga cupcake. Oo, dapat ikatuwa ko ‘yon pero tama ba na ma-in love siya sa akin dahil sa mga cupcake at hindi dahil sa ako si Lifli? Nainis talaga ko no’n kaya pumalpak na naman ang ginagawa kong cupcake kanina. Mabuti na lang at nakabawi agad ‘tong si Ice dahil kung hindi ay baka nailabas ko lahat ng inis ko sa kanya kanina.
Pero ‘wag kang mag-alala, Ice, malapit na akong umamin sa ‘yo.
***
“Wow! Ang sarap naman nito, Lif!” sabi ni John na kasalukuyang kumakain ng ginawa kong carrot cupcake.
“Sigurado ako na mananalo na si Lifli sa contest!” sabi naman ni Angelo.
“Syempre naman, ‘no! Best friend ko yata ‘yan!” proud namang sabi ni Pao. Natawa na lang ako sa kakulitan nila.
Napansin ko namang tahimik si Ice kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakatingin din siya sa akin habang nakangiti. I mouthed thank you at ngumiti lang siya kasabay ng pagkagat niya sa cupcake na hawak niya.
It’s been three days at lagi ko ng nape-perfect ang mga new flavor of cupcake na ginagawa ko. Lagi ko lang sinusunod si Ice na dapat ay masaya ako habang gumagawa. Lagi niya rin akong sinasamahan sa TLE Room at siya ang judge ko. No’ng gumawa ako ng lemon drop ay hindi ko agad na-perfect kaya na-frustrate talaga ako. Dalawang araw kong ginawa ‘yon, isa pa kasing nagpagulo sa akin ay ‘yung icing. Pero sa huli ay nagawa ko rin naman.
Sa tatlong araw rin na nakasama ko si Ice sa TLE Room ay madalas niya akong kantahan habang gumagawa. Mas lalo ko tuloy na-enjoy ang pagbe-bake at habang gumagawa ay hindi talaga nawawala ang ngiti sa aking labi. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para kay Ice. Mas lalo akong nahulog. Kaya nakapagdesisyon na ako na aamin na ako kay Ice, sasabihin ko na sa kanya na ako ang nagpapadala ng cupcake, na ako si Miss Cupcake. Gagawin ko ‘yon pagkatapos na pagkatapos ng contest.
At sana sa pag-amin ko na ‘yon ay malagyan ko na rin ng icing ang isa sa dalawang cupcakes na natitira.
***
Ice Tsing
Naglalakad ako papunta sa locker ko nang makarinig ako nang pagbagsak. Agad akong napatakbo at nakita ko ang isang babae sa tapat ng aking locker. May inilalagay siya ro’n na… kahon?
“Ano’ng ginagawa mo sa tapat ng locker ko?”
Gulat na napatingin sa akin ang babae. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko sa kamay niya ‘yung box. Kagaya ng mga kahon na natatanggap ko mula kay Miss Cupcake itong box na hawak ng babaeng nasa harapan ko.
“I’m really falling deeply in love with you.”
“I-Ikaw si Miss Cupcake?” Hindi sumagot ‘yung babaeng nasa harapan ko pero kahit hindi siya sumagot ay niyakap ko na siya. “Finally, nagpakilala ka rin! Ang tagal ko ng hinihintay ang araw na ‘to.”
Nabigla ako nang yakapin din ako ni Miss Cupcake. Sinubukan kong hanapin sa babaeng kayakap ko ngayon ang nararamdaman kong saya sa tuwing nakakatanggap ako sa kanya ng cupcake, pero bakit parang hindi ko mahanap? Bakit parang disappointed ako? Dahil ba sa hindi malalim ang nararamdaman ko para sa babaeng ‘to?
O dahil hindi siya si Lifli?