CHAPTER EIGHT

1300 Words
CHAPTER EIGHT Lifli Lucas   “Nasaan na ba si Ice? Ang tagal naman niya! Excited na akong tikman ‘tong pink lemonade cupcake na ginawa ni Lifli,” iritadong sabi ni Angelo. Nagreklamo na rin sina John at Ryan dahil sa tagal dumating ni Ice. Nandito kami ngayon sa canteen at plano kong ipatikim sa kanila ang last flavor na gagawin ko sa contest. Maya-maya pa’y dumating na rin si Ice at may kasama siyang babae. Nagkatinginan kami ni Pao nang makilala namin ang babaeng kasama niya. “Hey. Sorry na-late ako. Hinintay ko pa kasi si Laila,” sabi sa amin ni Ice. “Sino naman ‘yan, Ice? New chick?” tanong ni John. Hinila ni Ice si Laila papunta sa harapan namin at ipinulupot pa niya ang kanyang braso sa bewang nito. “I want you to meet Laila Aguirre, ang babaeng nagpapadala ng cupcake sa akin.” “What?!” napasigaw at napatayo si Pao dahil sa narinig niya. Nagtinginan tuloy ang mga estudyante na nasa ibang table. “Bakit, Pao? May problema ba?” tanong naman ni Ryan. Tumingin sa akin si Pao at base sa tingin niya ay sinasabi niya na umamin na ako, pero pagyuko lang ang tanging nagawa ko. “Ahhh! B’wisit!” sabi ni Pao saka siya nag-walkout. Pero bago pa siya umalis ay tiningnan niya muna nang masama si Laila at ang babaeng ito naman ay ngumiti lang. “Ano’ng nangyari kay Pao, Lifli?” tanong ni Ice. “Ah, wala. Teka lang, ha? Susundan ko lang siya, kainin niyo na lang ‘tong ginawa ko.” Pagkasabi ko no’n ay umalis na ako at hinanap si Pao. Habang naglalakad ako ay may humila sa  akin papunta sa isang sulok. “Pao! Nandito ka lang pala. Bakit ka naman umalis nang basta-basta?” “So ano, papayag ka na magpanggap ang Laila na ‘yon na siya ang gumagawa ng mga cupcake para kay Ice?” napayuko ako sa itinanong ni Pao. “Letse namang babae ‘yan! Ito na ba ‘yung sinasabi niya na pababagsakin ka niya? Bakit naman kailangan sa ganitong paraan pa?!” Hindi ko rin inaasahan ‘yung nangyari kanina. Nagulat talaga ko no’ng ipinakilala sa amin ni Ice kung sino si Laila. Paano nangyari na si Laila ang akala niyang nagpapadala sa kanya ng mga cupcake? Bakit? Ano’ng nangyari? “Ano? Tutunganga ka na lang d’yan? B’wisit naman, Lifli! Umamin ka na kasi!” “Natatakot ako…” “Saan? Kanino? Bakit ka natatakot?! Aamin ka lang naman, ah?” Tumingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ko na alam kung paano ko pa sasagutin si Pao sa mahinahong paraan. Namumuo na rin kasi ang galit sa aking puso. Galit kay Laila at sa aking sarili. “Ano, Lifli? Magpapakaduwag ka na lang?!” Huminga ako nang malalim saka ko sinagot si Pao. “Natatakot akong ma-reject. Baka kasi kapag nalaman niya na ako ang nagpapadala sa kanya ng mga cupcake ay hindi niya matanggap. Baka nag-e-expect siya ng iba, ng mas higit sa akin. At saka… ayokong mahalin ako ni Ice dahil lang sa cupcake. Gusto ko mahalin niya ako sa kung ano at sino ako.” Hindi ko pa nalilimutan ‘yung sinabi noon ni Ice na unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng nagbibigay sa kanya ng cupcake. Ayoko ng gano’n. Oo nga’t ginamit ko ang mga cupcake para makilala ako ni Ice pero ayokong gamitin ‘yon para mahalin niya ako. Gusto ko na kapag nilagyan ko ng icing ang pangatlong cupcake ay alam na ni Ice kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga ‘yon. Nakaramdam ako ng lungkot at sakit at pakiramdam ko’y tutulo na ang aking mga luha. Bakit gano’n? Parang kailan lang ang saya ko pa habang kasama si Ice, ah? Parang kahapon lang no’ng nagharina fight kami at parang kahapon lang ay siya ang dahilan kung bakit ako nakangiti tapos ngayon… siya na ang dahilan kung bakit ako umiiyak.   ***   Ice Tsing   Pagbukas ko ng locker ay may nakita ulit akong kahon, may note pa rin na kasama ‘yon pero this time ay hindi ako napangiti sa note na nabasa ko.               “If jealousy could kill, I’d be dead already.”   Jealousy? Saan o kanino naman nagseselos si Laila? Parang wala naman siyang nabanggit kanina, ah? Ipinasok ko na sa bag ‘yung box of cupcake at plano ko na sa bahay na lang ‘yon kainin. Sa totoo lang disappointed ako nang malaman ko kung sino si Miss Cupcake. Akala ko kasi siya ‘yon, akala ko iisa lang sila ng taong aking nagugustuhan pero mali pala ako. Hindi ba pwedeng maging si Lifli na lang si Miss Cupcake?   “Hi, Ice!” Kumapit sa braso ko si Laila saka kami sabay na naglakad palabas ng building. “Uuwi ka na ba? Gusto mo bang ihatid kita?” tanong ko sa kanya. “Talaga? Ihahatid mo ‘ko? Sige! Gustung-gusto ko ‘yon!” Kinuha ko ‘yung sasakyan sa parking lot at no’ng papalabas na kami ng gate ay nakita ko sina Lifli at Pao. Tumigil ako sa tapat nila saka ko ibinaba ang bintana na nasa gawi ko. “Hey! Sabay na kayo sa amin.” Nagtinginan naman sina Pao at Lifli at pareho silang umiling. “Okay lang, maglalakad na lang kami. May pupuntahan pa rin kasi si Pao,” sagot ni Lifli. “Sure kayo? Pwede ko naman kayong ihatid sa pupuntahan niyo kung gusto niyo.” Magsasalita na sana si Lifli pero biglang sumingit si Laila. “Alam mo, babe, may mga tao na hindi dapat pinipilit. Kung ayaw nila, edi ‘wag. Sila na nga ang tinutulungan pero sila pa ang may ayaw.” “Hay, naku! May umepal na namang bruha. Halika na nga, Lifli, nasisira lang lalo ang araw ko.” Saka sila umalis na dalawa. Wala na akong nagawa pa kaya tiningnan ko na lang sila. Nakita ko pa nga na lumingon si Lifli sa amin bago sila tuluyang makalayo at bakit parang nakita ko na nagpunas siya ng mata? Umiiyak ba siya? Pero bakit naman siya umiiyak? Baka naman may dumi lang sa mukha niya? Oo, baka nga. “Babe, tara na!” aya sa akin ni Laila kaya pinaandar ko na ang sasakyan.   Habang nasa biyahe ay daldal nang daldal si Laila pero hindi ko magawang makinig. Parang wala sa loob ng sasakyan ang isip ko… pati ang puso. Itinuro sa akin ni Laila kung saan siya nakatira at pagdating namin sa tapat ng bahay nila ay kinausap ko muna siya. “Hey, Laila. Ano ‘yung nabasa ko kanina sa note mo?” Kumunot naman ang noo niya at parang nagtataka siya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “‘Yung note mo kanina. Sabi mo nagseselos ka pero kanino o saan?” Sandali siyang nag-isip na para bang inaalala niya kung ano ang tinutukoy ko. “A-Ah, oo! Eh, kasi naman, nagseselos ako kay Lifli. Feeling ko kasi close kayong dalawa, kaya gano’n ang note ko kanina.” “Gano’n ba? Huwag ka ng magselos kay Lifli. Magkaibigan lang naman kami.” “Talaga?” tumango ako at nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi. “Sige, bababa na ako. Ingat ka, Ice!” Umuwi na rin ako pagkapasok ni Laila sa loob ng bahay nila at habang nasa biyahe ako ay napaisip ako. Nagseselos si Laila kay Lifli? Dapat ko na bang iwasan si Lifli para kay Laila? Pero paano naman ang nararamdaman ko para kay Lifli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD