Chapter 54 JUN POV Hindi ko akalaing makikita ko si Claire sa ganitong sitwasyon, nakatayo sa gitna ng counter sa bar, mukhang matapang at walang inuurungan. Hindi na siya ang mahiyain at inosenteng Claire na nakilala ko. Sa harap ng lahat, hinarap niya si Alexa at napatumba pa ito. Huwag mo talagang gagalitin ang taong tahimik. Ang bilis ng mga pangyayari. Napatulala ako habang pinapanood ko siya. Hindi ko inasahan na kaya niyang lumaban nang ganito mag-isa. Hindi talaga nakaporma si Alexa kahit pa marami siyang alagad. Hindi na kailangan ni Claire ng tulong ko. Nang bumagsak si Alexa, natigil ang ingay ng mga tao. Lahat ay nagulat, at lalo na ako. I was so amazed sa pinakita niyang tapang. Pero ako yung kinakabahan para sa kanya. Ano ang pwedeng mangyari sa kanya pagkatapos nito? Kil

