Chapter 55 CLAIRE POV Kinakabahan ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Ngayon ang araw na ipapakilala ako ni Jun sa mommy niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, sobrang excited pero kabado rin. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Bad boy si Jun at parang lalo pang lumalala ang anak niya dahil sa akin kaya baka masama ang loob ni Tita Angela dahil sa akin. Naging dahilan din ako ng away ng kambal.Nakakahiya na na humarap sa kanya. Huminga ako nang malalim at sinimulan ang pag-aayos. Sinigurado kong disente ang isusuot ko, hindi masyadong simple pero hindi rin sobrang bongga. I chose a lavender simple dress na hanggang tuhod, sapat para magmukha akong presentable. Mukhang kolehiyala. Inayos ko rin ang buhok ko kahit papaano kahit na nakaka-inis kasi mukha akong gupit

