Chapter 59 CLAIRE POV “The moment we’ve all been waiting for… the new Miss Gaudin University is Claire Gertud!” Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatayo sa gitna ng entablado. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko, at kahit anong pilit kong kalmahin ang sarili, parang lalong lumakas ang kaba. Sa tabi ko, si Alexa bagamat naka ngiti ramdam kong hindi siya natutuwa. Wala akong pakialam dahil sa simula at simula pa lang naman ay nakipag compete ako para kay Jun at sa sarili ko. Parang tumigil ang mundo. Nanatili akong nakatayo, hindi makagalaw, habang nag-uumapaw ang hiyawan at palakpakan mula sa audience. Ako? Halos hindi ako makapaniwala. Sino ba mag aakala na ang tinaguriang aswang ng campus ay mananalo bilang Miss Gaudin University? Maski man ako sa sarili ko ay mahirap iton

