Chapter 60 CLAIRE POV “You’re not safe here, Claire. Baka ang magkapatid ang may pakana nito. Love, dun ka muna kaya sa bahay? May isa pa namang kwarto dun.” Pagkatapos ng nakakatakot na nangyari sa apartment ko, hindi ko na kayang manatili roon mag-isa. Parang hindi ko matatakasan ang takot kung mananatili lang Kaya nang alukin ako ni Jun na sa bahay nila muna tumira, agad akong pumayag. “Mas ligtas doon,” sabi niya, at sa sandaling iyon, wala na akong magawa kundi tanggapin ang alok niya. Mas mapapanatag nga siguro ako kung doon ako sa bahay nila. Sa totoo lang, naexcite ako bigla. Tumango lang ako at ngumiti. Nawala ang panginginig ko. Lalo na nang niyakap ako ni Jun ng mahigpit. Habang nasa biyahe, tahimik lang kami. Ramdam ko ang pag-aalala ni Jun kahit hindi siya nagsasalit

