Chapter 1

1328 Words
Chapter 1 Angela POV “Mom! I’m ok. Don’t worry. Kaya ko na. Just take a rest ha,” sabi ni Jin. Ang panganay sa aking kambal. “Mom, kung ayaw ni Jin, ako na lang,” sabat naman ng bunso kong si Jun. Ginulo-gulo ko pa lalo ang mahabang buhok ni Jun. Hindi naman gaanong mahaba, sadyang nagmumukhang mahaba lang dahil ang fashion niya ay maypagka rakista. Si Jin naman ay clean cut at nakasalamin kaya mukha siyang buhay na CEO anime. “Kaya ko pa naman. Ano bang tingin niyo sa akin matanda na?” sabi ko habang pinagsisilbihan ko sila ng kanilang almusal. “Wow, ang dami naman ng breakfast natin Mom. Anong meron? May boyfriend ka na?’ tanong ni Jun. “Boyfriend ka diyan. Tuktukan ko bumbunan mo eh. Saka hindi yan para sa’yo noh. Sa kuya mo yan,” pabirong sabi ko kay Jun. “Grabe, may favoritism ka talaga,” sagot niya ng pabiro din. “Oo na meron talaga. Tignan mo nga puro paborito mo yang niluto ko,” sabi ko at niyakap niya ako sa bewang ko. Napakalambing talaga ng bunso ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Ang paboritong steak at asparagus with baked scallops ang hinanda ko para sa kanya. Mukha man mamahalin ang kuya niyang si Jin, mas simple lang talaga ito. Kahit nga tuyo o itlog, o sardinas nga lang ang ipakain sa kanya ay wala siyang reklamo. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay nasa bingit ako ng kamatayan twenty years ago dahil sa panganganak. Habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko na binata na walang masidlan ng tuwa ang aking puso. Sa kabila ng pagiging balo, naitaguyod ko ang aking kambal na anak. Maraming nagsasabing bata ng ako at maganda bakit hindi pa ako mag-asawa ulit? Ngiti na lang ang tugon ko sa mga nagsasabi ng ganun kahit labing limang taon ng patay ang asawa kong si Ardy ay mahal ko pa rin siya. Wala na akong oras para sa lalaki dahil busy ako sa mga negosyo at dalawa kong mga anak lalo pa ngayon na gra-duating na sila. “Bye Mom, always take care,” sabi ni Jin sabay halik sa aking pisngi bago pumasok sa school. Huling taon na nila sa kolehiyo. “Bye Mom, ingat ka dito. Huwag kang mag papapasok na hindi mo kakilala. Don't talk to strangers,” sabi naman ni Jun. “Opo sir,” sabi ko at humagikgik. “Bakit ka tumatawa Mommy? Seryoso yun.” Patuloy lang ako sa pag hagikgik dahil kilala ko itong palabiro. “Yeah, I know. Nakakatawa lang kasi para naman akong bata niyan. Malaki na ako. Alam ko na ang tama at mali. Papunta pa lang kayo—” “Pabalik na ako…” sabay na sabi ng kambal. Si Jin ay seryoso lang ang pagkakasabi habang si Jun ay umiikot pa ang mata na nang-iinis. Palagi ko kasing sinasabi yan sa kanila siguro ay nagsasawa na rin sa paulit-ulit kong mga pangaral sa kanila. “O siya bilisan niyo na kumain at mahuli na kayo sa klase. First day pa naman.” Matapos kumain ay pina-alis ko na sila. Naalala ko na pupunta nga rin pala ako sa school cafeteria para kausapin ang cafeteria manager. Magpo-propose ng bagong menu ngayong school year. Ako kasi ang supplier ng coffee at pastries ng cafeteria. Sasabay na ako sa kambal sa pagpunta ng Gaudin University. Inakbayan ako ni Jun habang papunta kami sa garage. Tig iisa kaming kotse pero ang kay Jin ang ginagamit namin, magastos daw kasi kung tatlo ang gagamitin namin sabi ni Jin. Kiss nang kiss sa pisngi ko si Jun. Kahit identical twins silang kambal, mabilis ko silang nakikilala kahit pa magsuot sila ng parehong damit, mag ayos ng magkaparehong ayos ng buhok. Syempre, ako ang kanilang ina. Ako ang nagsilang sa kanila. Ako ang nag-alaga simula baby hanggang sa sila ay tumanda. Mas malambing si Jun at masayahin. Happy-go-lucky at tinuturing na ‘happy pill’ ng mga taong nakapalibot sa kanya. Siya ang palaging bida sa party at never a dull moment kapag siya ang kasama mo. Kabaliktaran naman niya ang kuya niyang si Jin. Masyadong seryoso sa buhay. Maybe he is taking the responsibility of being ‘kuya’ too seriously. Alam kasi niyang wala na ang papa nila, may edad na ako, at siya ang panganay kaya sooner or later ay siya na ang tatayong head of the family. Bagaman seryoso sa buhay si Jin at bihira ngumiti, malambing din naman siya in his own way. Hindi man siya gaya ni Jun na vocal sa paglambing, si Jin ay may sariling paraan para iparamdam sa’yo na mahal ka niya at nagke-care siya para sa’yo. Gaya ng gagawan ka niya ng kanta o tula. O dili kaya ay aaralin niya ang pagluluto ng paborito mong pagkain. Nang nasa garage na kami at pumasok sa kotse, si Jun ang nagmamaneho. Madalas kasi na si Jin ay maraming pinagkaka-abalahan sa cellphone dahil siya ay ang president ng student government. Inaasahan na nga ng lahat na magtatapos siya ng Summa o Magna C*m Laude. Hindi ko talaga mapigilan ang aking pag-ngiti. Akalain mong nakayanan kong makapagpa-aral ng kambal. Higit sa lahat, ang mga anak ko ay napalaki ko ng mabubuting tao. Habang naka-upo ako sa backseat, pinagmamasdan ko ang mga anak ko– si Jun habang nagmamaneho habang si Jin naman ay nasa passenger’s seat, abala sa pagse-cellphone. Gustong tumulo ng luha ko kaso baka makita nila at mag-alala. Kaya pilit ko itong pinigilan. I’m just so proud of my twins. Hanggang marating na namin ang Gaudin University at pina-una ko na ang kambal dahil male-late na sila sa klase. Tinawagan ko na ang staff sa cafeteria para tulungan ako sa pag Nang mawala na sila sa paningin ko, dito ko binuhos ang mga luha na kanina pa gustong bumuhos. Twenty years old na sila, hindi na mga bata. Graduating na at mga ilang taon na lang ay mag-aasawa na. Kahit pa wala silang girlfriend sa ngayon, pero darating ang panahon at mai-in love din sila at iiwan na ako. Napaka swerte ng babaeng magugustuhan ng mga anak ko. Hindi totoong may favoritism ako gaya ng sinabi ni Jun kanina pero, napakaswerte talaga lalo na ng babaeng magugustuhan ni Jin. He is a very responsible man, loving, caring, gentleman, manang mana siya sa tatay niya. Sa akin nag mana si Jun, bagaman mabait pero pasaway, parang walang patutunguhan ang buhay dahil puro kalokohan ang naiisip. Ganyan na ganyan ako nung kabataan ko. Pihikan sila sa babae. Mama’s boy daw kasi. Maraming kababaihan ang humahanga sa kambal ko. Bukod sa gwapo at matipuno, most popular sila sa campus. I couldn't be prouder of them. Biglang dumagundong ang dibdib ko, isipin ko pa lang na may babae na silang magugustuhan at iiwan na ako, matinding kalungkutan na ang nadarama ko. Pakiramdam ko kasi ay ito na ang araw na matatagpuan na nila ang babaeng tinadhana para sa kanila. Bago pa makaating ng moon ang isip ko, binuhat ko na ang dalawang plastik bag ng mga products ko. Hindi ko na hinintay ang staff ng cafeteria dahil out of reach naman. “Ako na po ang mag buhat niyan Ma’am.” “Ay salamat naman po sir—” OMG! Natulala ako nang may baritong boses ng lalaki ang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Paglingon ko ay si Dok Nick ang nag alok ng tulong. Siya ang may-ari ng Gaudin University na pinapasukan ng kambal. Siya rin ang nagpapatakbo nitong university. Matandang binata na siya dahil nasawi sa unang pag-ibig. Mukhang ito na ang tinakdang araw para sa kanya na putulin ang sumpa ng pagiging matandang binata. Mukhang naunahan ko pa ngayong araw ang mga anak ko na matagpuan ang “Destiny”. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. ANG KWENTO PO NI ANGELA AY MABABASA SA MASAKIT, MAHAPDI. ANG KAY DOK NICK NAMAN AY SA MAKASALANANG TANGHALI NI SAVIH.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD