Chapter 2

1197 Words
Chapter 2 JUN POV I was focusing on the road while driving. Kailangan ng doble ingat dahil nasa tabi ko ang kambal ko na si Jin while at the backseat is my mom. Napatingin ako sa rearview mirror, napatingin ako ng dalawang beses, si Mommy kasi parang umiiyak. I’m not sure though baka namalik mata lang ako kaya nga dalwang beses ko pa siyang sinulyapan. Yes, she’s teary-eyed. Hindi ko siya nakikitang umiiyak kahit noon pa man kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan niya. She is a strong independent and empowered woman. Ano kayang problema niya nayon? Ok naman kami kanina, nag bibiruan. Muli sumulyap ako sa rearview mirror at nasilayan ko na ang kanyang ngiti. Ah maybe tears of joy. Kasi nga finally, graduating na kami ni Jin. Siguro naman ay kapag nakapag tapos na kami, maisipan na rin niyang mag-asawa ulit. Kailangan niya ng katuwang sa buhay. Kapag magkaroon na kami ni Jin ng sariling pamilya, maiiwan siyang nag-iisa. Pero bahala siya kung ano ang desisyon niya sa buhay, one thing is for sure, hindi naman namin siya papabayaan ni Jin. Pagdating namin sa Gaudin Univ, nag park ako sa loob. Hindi naman ako excited. Gaudin University has been my second home for the past 13 years of my life. Simula grade school hanggang sa mag college, dito na kami ni Jin nag aral, siguradong sa commencement exercise namin ay makakatanggap kami ng Loyalty Award. Kahit iyon lang ang akin ay masaya na ako. Si Jin kasi ay running for Magna C*m Laude at active sa extracurricular activities kaya pangkaraniwan na lang sa kanya ang mga awards at recognitions. Pero itong araw na ito ay parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag talaga. Hindi ko inaasahan ang araw na ‘to, there’s something positive na nararamdaman ko but I’m still figuring it out. Baka makaka jackpot na ako sa lotto. Kaso imposible, kasi hindi naman ako marunong tumaya. Buong maghapon, nasa isang sulok lang naman ako, bored na bored sa first day of classes na parang walang katapusang ‘introduce yourself at talent portion’. I can’t believe na natatagalan ni Jin ang ganito kaboring na araw. Maghihikab na sana ako dahil sa pagkabagot nang bigla namang nagtawag na ng next si prof, “Mr. Cruz…” “Ahm Sir, dalawa po kaming Mr.Cruz, sino po sa amin?” matapang kong tanong. “Well, dahil kambal naman kayo edi sabay na. Hindi ba vocalist ka at bassist?” Napatango na lang ako dahil hindi ko ine-expect na si Prof Eman na terror ay kilala pala ako. Tumayo na kami ni Jin at nagtungo sa harap. Syempre, magdu-duet kami. Hindi pa nga kami nag uumpisa ay isang masigabong palakpakan na agad at hiyawan pati na tilian ang dumagundong sa classroom. Huminga ako ng malalim, hudyat para mag umpisa na kami sa first line namin ni Jin. I may be more popular than Jin dahil ako ang laging laman ng mga events sa school pero most of my band’s songs were composed by him. Ayaw niya itong ipaalam dahil gusto raw niya ng tahimik na buhay. Pero sa gaya niyang matalino, mabait, at gwapo, imposible yun. Matatapos na ang school day, yet iniisip ko pa rin kung anong mahiwaga ang mangyayari ngayong araw. Parang wala naman. Siguro, guni-guni ko lang. It’s just another typical day. Nagsasawa na nga ako sa totoo lang, I want something majestic, out of this world na experience naman sana. Habang naglalakad ako sa hallway, parang biglang bumagal ang paligid. Doon ko unang nakita ang isang babae, nakaupo sa sulok, tahimik, parang walang ibang gustong pumansin sa kanya. Pero paano ko siya hindi mapapansin? Mahaba ang kanyang buhok, itim na parang uling, nakaladlad ng maayos sa balikat niya. Maputi ang kanyang balat, hindi basta maputi, kundi parang bituwin na nag liliwanag na tila umaagaw ng pansin kahit ayaw niya. Nakayuko siya, seems like sinasadyang itago ang mukha sa mga tao, but I can see half of her face, her pointed nose and supple red lips. Naramdaman niya yata ang presensiya ko kaya napatingin siya sa aking direksyon. Nang mag tama ang aming tingin, para akong na-hypnotize. Nanigas ang buo kong katawan. Ang mga mata na yun ay parang isang patalim na tumarak sa kaibuturan ng puso ko. Hinihigop ako sa isang kumunoy na tila ba unti-unti akong nilulunod.Nanatili ako sa aking kinatatayuan na hindi gumagalaw. Bumalik ang tingin niya sa kawalan. Muli siyang yumuko at matiim ko pa rin siyang tinitigan. Naka suot siya ng itim na pantalon at simpleng pulang t-shirt. Nang maramdaman niyang hindi pa rin ako umaalis at nakatitig lang sa kanya, sinuot niya ang kanyang itim na jacket at tinago lalo ang mukha ng hoodie. Hindi naman first time na makakita ng ganito kagandang babae peo may kakaiba sa kanya. Hindi siya tulad ng iba. Sa mahinahon niyang galaw ay may kung anong hiwaga na hindi ko maipaliwanag. No way…ito na ba ang hinihintay kong something magical? Bakit naman sa dami ng hiwaga sa mundo bakit sa babae pa? Tahimik lang ang babae pero there’s something in her na so deep, so enchanting, and captivating. Ramdam mong malalim. At sa sandaling iyon, alam kong may nakita akong hindi ko pa nakikita kahit kanino. Hindi ko alam ang pangalan niya, ni kung bakit biglang ang lakas ng t***k ng puso ko. Pero ang alam ko lang, gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung ano ang kuwento sa likod ng kanyang mga yuko at malalalim na tingin.Hahakbang na sana ako para lapitan siya nang biglang may bumangga sa likuran ko at dahil mabait ako ay hinayaan ko lang dahil baka hindi naman sinasadya. Pero ang lawak lawak ng hallway, pwede naman dumaan sa gilid. “Huwag ka kasing haharang harang,” maangas na sabi ng lalaki at tinapunan ako ng masamang tingin imbis na humingi ng pasensya. May kasunod pa siyang limang kasama na gagsters din. Napa hugot na lang ako ng malalim na pag hinga. Si Zaki Lucero, ang pinaka sikat sa Gaudin University… sikat sa kalokohan. Palaging may trobol at pasaway. Pasimuno ng kalokohan at ilag sa kanya hindi lamang ang mga estudyante kundi pati na rin ang instructors. Si Zaki kasi ay napapabilang sa angkan ng mga militar. Malakas ang kapit sa gobyerno. Lumapit si Zaki sa kinaroroonan ng babae. “Ito ba yung babaeng yun? Ha!” Sinipa ni Zaki ang upuan ng babae at nanatili itong nakayuko at nanginginig na ang mga kamay nito. “Oo boss, yan nga. Napadikit lang ako diyan tapos bigla na lang akong nangati. Ito nga o, pulang pula na yung buo kong katawan. Mangkukulam yan!” Napa taas ang kilay ko at kunot ang aking noo. I clenched my fist in anger. Anong kabobohan yun? That was the most stupid, absurd, and ridiculous thing I’ve heard. Tinaas na ni Zaki ang kanyang kamay at hahablutin na ang jacket ng babae nang inunahan kong hablutin ang bisig niya. Lumapat agad ang kamao ko sa kanyang mukha at dito na nagsimula ang gulo ng aking buhay… Ito pala ang adventure na darating ngayong araw… tunay ngang ‘be careful what you wished for.’ ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .kumento po sana. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD