Chapter 3

1365 Words
Chapter 3 JIN POV First day of classes ng huling taon namin ni Jun sa college. Salamat naman at makakapagtapos na rin. Nasa parking lot palang ng campus, ang isip ko ay naglalakbay agad sa Student Government Org. May meeting kasi ang officers kasama si Dr. Nick, ang may-ari ng Gaudin Univ. “Bye Mom, take care,” sabi ko kay Mommy at humalik sa kanyang pisngi. Naghiwalay na kami ni Jun pagpasok ng 1st floor dahil diretso na siya ng classroom. Ako ay dadaan sa Student government room. Tahimik na ang student government room pag dating ko doon. Wala pang tao. Matagal tagal din ang paghihintay ko hanggang sa may pa-isa isang member na ang dumating. Gusto ko na sana mag start kaso wala pa ang pinaka mahalagang panauhing pandangal. Siya ang mag aapruba ng mga platapormang hinain ko noong nakaraang school year para ma-implement na ngayong taon. Ilang beses ko nang naka-meeting si Dr. Nick dahil apat na taon na rin akong president ng student council. Pero kahit kailan ay hindi pa siya na late kahit isang minuto, ngayon pa lang. “I’m sorry everyone. There was a lady who needed help. Kaya I lend a helping hand. I know it's not an excuse pero, sorry. Not sorry.” “Magandang binibini po ba yan, Dok Nick?” Biro ng isa naming member at nagtawanan ang lahat. Nakisakay naman sa biro si Dr. Nick. “Yeah, she's quite pretty. But I guess ginang na siya at hindi binibini.” “Aaaaw,” sabay sabay nilang sabi. Kilala kasing matandang binata si Dr. Nick. Ngayon lang siya nag banggit ng tungkol sa babae... tapos sa kasamaang palad,hindi pa single. “Well, not all ginang ay taken… who knows, she's a single mom. Sabi kasi niya 15 yrs. na siyang widow at may kambal na anak.” Humirit pa talaga si Dok. Nagsimula na naman ng kantyawan nila. Pero bigla akong natigilan, 15 yrs. na byuda, may anak na kambal— “Once our paths would cross again, I'll update you. Ok?” sabi ni Dok at nagsimula na mag preside ng meeting. “Mr. Cruz, let's begin—” Napaigtad ako sa kinauupuan ko. Malalim pa ang iniisip ko dahil sa sinabi niya. Hindi kaya si Mom ang tinutukoy niya? Winasiwas ko ang kaisipang iyon. Hindi magandang idea. I proceed sa aming agenda para sa araw na ito.mabilis lang dahil may respective classes pa kami. Matapos ang maikling assembly namin kasama si Dr. Nick, halos lahat ng nasa room ay nag-uunahang lumabas, pero nanatili akong nakasandal sa gilid ng mesa, hawak ang botelya ng tubig. Masaya ako dahil natapos din. Approved lahat ni Dr. Nick ang proposal ko. Tatlo na lang kaming natira sa room. Nang iniangat ko ang tingin, eksaktong napatingin ako sa pintuan. Bumukas kasi ito. “Oh I'm sorry. Akala ko kasi narito ang hinahanap ko. May I come in? Dito kasi ang sinabi niyang location niya,” sabi ng babaeng… Hindi ko siya kilala. Bago siya, sigurado ako. “Yeah sure sure. You may come in.” Agad na sagot ng dalawa kong kasama. Nag tama ang tingin namin at biglang bumilis ang pag t***k ng puso ko. Para siyang artista sa isang pelikula. Golden reddish brown ang buhok na parang umaalon sa hangin, makapal ang kilay na sobrang defined, at mga labing pulang-pula, parang rosas na nasa rurok ng pamumukadkad. Ang ngiti niya ang pinaka kapansin-pansin, It feels like sunshine after the rain. I almost could hear the birds’ humming in glee. Agad siyang pina-upo at kinausap ng isang member, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ang lahat ng atensyon ko ay nasa kanya lang. Habang tinitignan ko kasi ang mga labi niya ay parang nag blurred at mute ang paligid. Bumubuka lang ang bibig niya ngunit hindi ko marinig ang sinasabi niya. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya mula sa malayo. Para bang may kung anong kuryente sa presensya niya na humihila sa akin. Sino siya? Estudyante ba? Sino kaya ang katatagpuin niya ? Napakaganda niya, I just can't take my eyes off her. Huminga ako nang malalim. Inayos ko ang kuwelyo ng uniform ko at naglakad palapit sa kanya. Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung may kailangan pa siya at sino ang hinihintay niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinakabahan, pero gusto kong malaman kung sino siya at bakit ngayon ko lang siya nakita dito. Tatlong hakbang pa lang ako palapit nang biglang nag-ring ang bell. Hudyat na para sa unang klase. Nagmadali na kaming tatlo ngunit naiwang naka upo lang ang babae. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang kusa itong bumukas at nagka gulatan pa kami ni Dr. Nick. Bumalik siya at nag paalam na kaming tatlo dahil may klase pa kami. Natigilan ako saglit dahil… siya ba? Siya ba ang hinihintay nung babae? Nilingon ko pa si Dr. Nick at papalapit siya doon sa babae. Tumayo ang babae at kita sa mga mata nito ang saya. Kumikislap pa nga. Hindi ko na magawang manatili pa dahil mahuhuli na ako sa klase… at may kung anong kurot ang aking dibdib. Buong maghapon sa klase ay inaliw ko na lang ang sarili sa talent portion na pakulo ng mga instructor tuwing first day of classes. Pero ang isip ko talaga ay lumilipad sa babaeng iyon… ayokong isipin na girlfriend o secret lover? O kung ano pa man ang kinalaman ni Dr. Nick sa babae na yun. Baka kamag-anak, pwede naman. Don't jump into conclusions. Saka bakit ba ganito ako ka-affected? Sino ba ang babae na yun sa buhay ko? Pagtapos ng klase, bumalik ulit ako sa Student government room para i-print ang mga dokumento na ibibigay ko kay Dr. Nick. May klase pa kasi ang secretary ng SG. Maya-maya ay nag vibrate ang cellphone ko. Napatigil ako sa aking ginagawa, napakunot ang noo. Si Elmer. Ano na naman kaya ang problema? Sinagot ko ang tawag, at agad kong narinig ang tensyon sa boses niya. "Jin, si Jun! May gulo sa hallway malapit sa Dean's office. May nasapak daw siya. Grupo yata ni Zaki. Yare siya! Kailangan mo siyang puntahan ngayon!" B*llsh*t! Si Jun talaga, Tinapik ko ang noo ko, pilit na pinoproseso ang sinabi ni Elmer. Gustuhin ko mang huwag pansinin ang tawag at ituloy ang pag print, alam kong hindi ko puwedeng iwan ang kambal ko sa ganitong sitwasyon. “alright, just a minute. Saglit lang ‘to. Urgent lang tong ginagawa ko aalis na kasj si Dr. Nick, hindi ko na maibibigay. Just a sec, ok?” Natatarantang sabi ko kay Elmer at pinatay na ang linya. Matapos ang sampung minuto natapos din sa wakas. Napabuntong-hininga ako bago mabilis na umalis ng silid. Habang tinatahak ang pasilyo, isang bagay lang ang malinaw: si Jun ay pasaway! Imagine, 1st day of classes, graduating pa man din, nasangkot agad sa basag-ulo. Pagdating ko sa hallway na sinasabi ni Elmer, wala namang mga tao dun. Dahil malapit lang ang Dean's office, ang office ni Dr.Nick kaya pumasok na ako doon. Since I'm the president of the student org, I have an access para maka pasok sa Dean's office. Iyon nga lang, sa waiting area lang ako at limited doon. Privacy na kasi ni Dr. Nick ang private room niya. Umupo ako sa sofa dahil nag vibrate na naman ang cellphone ko. Si Elmer na naman ang tumatawag. Na-settle na raw ang gulo. Naayos na agad agad ni Dr. Nick. Nasa clinic si Jun para sa first aid dahil sa mga natamong sugat. I heaved a sigh. Pambihira talaga itong kambal ko. Dahil narito na rin lang naman ako sa office ni Dr. Gaudin, baka nandito pa rin siya. Naka bukas nga ng bahagya ang private room niya kaya napasilip ako. Sana pala Hindi na lang dahil, bumungad sa akin ang isang hindi kaaya-ayang tanawin— si Dr. Nick at ang babaeng nasa Student Government room kanina. Nagyayakapan sila at hinalikan pa ni Dr. Nick ang babae sa noo habang umiiyak ang babae na naka dantay ang ulo sa kanyang dibdib. Bakit… bakit masakit? Na love at first sight yata ako. At ito na rin ang first heartbreak ko. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD