Chapter 4
ANGELA POV
Matapos kong ihatid ang kambal sa school, nakadaupang-palad ko si Dr. Nick Gaudin. Kilala ko na siya noon pa hindi dahil sikat siya at siya ang may-ari ng university kundi dati ko ng naririnig ang pangalan niya. Sobrang controversial niya. He was so in loved with Nurse Era. Ang asawa ni Nurse Era na si Tom Villoria ay isang haciendero at family friend namin. So, I know their love story. I know how it ended up miserably para kay Dr. Nick na nasawi sa pag-ibig kaya hanggang ngayon ay traumatize pa siya kaya hindi na nagawang magmahal muli.
Habang tinititigan ko si Dr. Nick, para kong nakikita ang namayapa kong asawa na si Ardy. Matandang binata na si Mr. Gaudin pero ang tikas pa rin ng kanang tindig. Alagang-alaga, syempre isa siyang doktor.
Ngunit higit pa sa pisikal niyang anyo, ang pagiging maginoo niya ang nakakabighani sa kanya. Hindi siya nahihiyang mag bitbit ng dalawang plastik bag kahit na posturang postura ang kanyang ayos, naka formal long sleeve siya at navy blue pants.
“Good morning po Dok Nick!” bati ng mga nakakasalubong namin, mapa estudyante, propesor, o magulang.
“Good morning!” malugod na bati rin niya. Mukhang nasa good mood siya ngayong araw. Sa tuwing makikita ko kasi siya ay ubod ng seryoso ang kanyang mukha. Strikto siya at suplado bagaman magalang talaga siya.
“Hala Dok! Ako na po ‘yan!” sabi ng staff nang marating na namin ang cafeteria.
Nahiya naman ako dahil pinag buhat ko pa ng paninda ko ang may-ari ng paaralan.
“Pasensya na po Dok at naabala ko pa kayo–”
“Oh, it’s ok Ma’am. It’s not an ‘abala’,” malambing niyang sagot at sa tingin ko ay na nag blush ako sa sinabi niya. Tuwing iihi lang ako kinikilig, akala ko ay nalipasan na ng kilig. Si Dok Nick lang pala ang muling gigising ng aking kiliti. Of course, it was just a petty crush, infatuation, admiration. Hanggang pag hanga lang. Maraming kababaihan ang naghahabol sa doktor, kahit nga dalagang teenager ay nagkaka-gusto sa kanya, siguradong hinding hindi niya ako papansinin bilang isang babae. He is just being this gentleman.
Napatingin si Dok sa kanyang wrist watch, mukhang male-late na siya sa kanyang meeting. Kaya nagpa alam na siya. Pero kinagulat ko talaga ang kanyang tanong. “Miss, are you.. Ahm, lagi ka bang nandito? Are you a student here?”
Muntik na kong ma-ubo kasi napag kamalan niya pa akong ‘miss’ at ‘estudyante’.
“I’m a mom.of twins po, Dok. Graduating na po sila this school year.”
“Oh—”
“Fifteen years na po akong byuda,” agad kong sabi. I don’t know why, usually naman, I don’t mind being called a ‘widow’ o kung isipin man nilang matanda na ako at may dalawa ng anak. Ngayon lang ako medyo na-conscious sa edad ko at sa pagiging byuda.
“That’s… that’s good, Ma’am. What an awesome woman you are,” papuri ni Dok sa akin at napangiti na lang ako. He complimented so sincerely. ‘Nice meeting you Ma’am. Looking forward to seeing you again.”
Hindi na nga nakapag salita pa, ni hindi nga ako nakapag paalam sa kanya para akong na-engkanto. Nagpaalam siya sa akin na hindi ko man lang nasagot.
Tinapik tapik ko ang aking pisngi. Bakit ba ako nawawala sa sarili? Fifteen years na akong byuda, I can touch myself naman every time I need some release kaya hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko.
OMG! Bakit ko naman naiisip to touch myself? Siguro kailangan ko na umuwi at magpahinga. Tanghali na rin kasi. Kinuha ko ang cellphone at tatawagan ko ang kambal pero agad kong binalik sa bulsa ko ang cellphone. Ayaw ko silang istorbohin, malaki na sila, siguradong mas gusto nilang makasama ang kaklase o barkada o baka babae kaysa sa akin… natatawa na lang ako sa naiisip ko. Basta pag tungkol sa babae ay napapa-iling na lang ako. Ilang beses ko na kasi silang inaasar tungkol sa mga babae pero tinatawanan lang nila ako. Paano ako magkaka-apo niyan kung wala silang balak manligaw. Paano manliligaw kung wala pa yatang babaeng nakakabighani sa mga anak ko…
Pagkatapos kong maka-usap ang cafeteria manager, dumirestso na ako sa isa ko pang negosyo ang naiwang talyer ni Ardy. Noong mga unang taon ko ay doon lang ako sa office, yun bang sa cashier, accounting, at marketing. Ngayon may tauhan na ako na gagawa nun para sa akin kaya para maiba naman ang maging takbo ng buhay ko, hindi maging monotonous dahil nakaka-inip yun, ang ginawa ko ay nag-aral ako na maging mekaniko. Hindi naman araw araw ang pasok ko, tuwing naisipan ko lang. Marami naman akong tauhang mekaniko, ang sa akin lang ay pampalipas oras. Kaysa naman mag bingo o magtong-its, o maghanap ng sugar baby mas mainam na maging mekaniko.
Magdidilim na nang naka-uwi ako. Aba, wala pa ang mga anak ko. Kakabahan na sana ako, mabuti at narinig ko na ang kotse at ang pag bukas ng gate. Salamat at walang nangyari sa kanila. Nakakapanibago lang dahil kapag male-late sila ng uwi, lagi naman silang nagcha-chat sa akin o tumatawag para hindi ako mag-alala. Well, siguro nga dapat ay masanay na ako. Hindi sa lahat ng oras ay ako lang ang nasa isip nila.
Pero ang pagiging kakaiba nila ay umabot pa hanggang sa hapunan. Parang sobrang tahimik ni Jin. As in extra tahimik. Parang napakalungkot ng mga mata niya. Ano kayang nangyari?
“Jin, are you ok? How’s school?”
“I’m ok Mom,” sagot niya at pilit na ngumiti. I know he’s not ok. Pero I hope. It is not so serious. Matatag si Jin, hanggat kaya niya ang problema ay hinding hindi niya sasabihin sa akin.
“If you want someone to listen… nandito lang ako ok?”
Ngiti lang ulit at sagot niya. Ayaw ko sanang pansinin ang mga bagay bagay dahil baka pagod lang sila pero nang tumitig ako sa pisngi ni Jun, bakit parang kumikintab? Hindi naman nagme make up ang mga anak ko dahil makinis ang kutis nila.
“Jun! Ano yan? Foundation ba yan?” tanong ko at hinablot ang pisngi niya na pilit niyang iniiwas sa kamay ko. Kaya lalo ko pang hinuli ang mukha niya at pinunasan ng mga daliri ko ang pisngi niya at tumambad sa akin ang isang malaking pasa.
“Mom, nahulog lang ako sa hagdan,” depensa agad ni Jun at bahagyang hinawi ang kamay ko.
“Hagdan? Ang b0bo mo naman mahulog bakit ang laki ng pasa sa mukha mo pa–”
‘“Grabe ka naman maka-b0bo Mom.”
“Eh talaga naman, ano ka bata? Feeling superman, lumilipad sa hagdan?’
“Yeah Mom, feeling superman talaga yan. Pagalitan mo pa,” sabi ni Jin habang seryosong kumakain. Nakakapagtaka talaga dahil hindi naman siya mahilig mang gatong. Maloko si Jun pero hindi naman umaabot sa suntukan.
‘Magtapat ka nga! Anong trobol ang napasukan mo? My gosh Jun, first day of classes!”
Napa sapo ako sa aking ulo, na high blood ako kahit low blood ako.
“Pinapatawag ka ni Dr. Nick Gaudin?”
Napatingin silang dalawa sa akin, kahit nga si Jin na nonchalant ay parang nagulat.
‘Mom, pwedeng guidance counselor muna? Bakit nasa presidente ka na agad?”
Natahimik ako, oo nga naman. Ewan ko ba kung bakit bigla ko kasing naalala si Dr. Nick. Kakaiba ang tingin ng kambal sa akin. Lalo na si Jin.
“Magtapat ka nga Mom… did you encounter Dr. Nick kanina?” tanong ni Jin at nagulat talaga ako at naumid ang dila ko.
“What? Nanliligaw si Dr. Nick sa’yo? Boyfriend mo na ang may-ari ng Gaudin University?”
Hala. Anong pinagsasabi ng mga ‘to? Pero paano nalaman ni Jin na naka-usap ko saglit si Dr. Nick? Saka big deal ba yun sa kanila?
“Kailan ang kasal Mom?” tanong ni Jin.
Hala... kasal agad?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER