Chapter 67 JUN POV Dahil biglang lumuwas si Claire sa Tarlac, hind ko kaagad nalaman na naka-uwi na pala siya ng Hacienda Villoria kung saan siya nakatira. Dahil sa kumakalat na sx scandal kuno ko ay napilitan akong magtago, umiwas sa mundo, at hindi na magpakita kahit kanino. Palilipasin ko ang hype ng putanginang sx scandal na ‘yun na gawa gawa lang ng may galit sa aming kambal. Walang iba kundi ang grupo ni Zaki. Sila lang naman ang may galit sa amin ni Jin. . Nang hindi ko na matiis ang mga nangyayari sa paligid, at sobrang miss ko na si Claire kaya napaluwas din ako ng Tarlac. Kinausap ko ang sinasabing pinsan ni Claire na si Grey at hiningi sa kanya ang address at mga kailangan kong malaman pag punta don. Kabilin bilinan ko rin sa kanya na sana ay huwag niya na sabihin kay Claire

