Chapter 68 CLAIRE POV “Jun! What are you doing here?” sigaw ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Jun sa bahay. “Mamamanhikan,” sagot niya. Alam ko namang hindi siya seryoso pero nakakagulat talaga. “For real?” tanong ko pa at tumango tango lang siya. Kainis. Ayaw ko siyang makita. Naiinis ako sa kanya pero gusto ko rin siyang makita dahil nami-miss ko na siya. Dito na sumabat si Julian. ‘Sorry bro,” sabi nito. “Nauna na ‘kong mamanhikan. First come, first serve,” sabi niya pa. Napapa-iling na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Are they making fun of me? “Jun, ayaw ko maging rude, ang layo pa ng pinanggalingan mo but please, umuwi ka na. Hinahanap ka na ni Tita Angela–” “Anak! That’s so rude. No, hindi siya aalis. He’s our visitor kaya dito lang siya,” sabi ni

