Chapter 69 CLAIRE POV HIndi ko inaasahan ang pagdating ni Jun sa Hacienda, though I hate him for breaking my heart but deep inside me, I miss him so much. Gusto ko siyang makita. Ngayong nandito siya sa Hacienda, hindi ko naman alam kung paano ko siya haharapin. Masakit pa rin ang ginawa niya sa akin. Hindi ako makatulog kaya pumunta ako ng veranda, eksakto naman na naroon din si Julian, hindi makatulog. Nakaka-miss din ang kababata kong ito dahil siya ang madalas kong kasama noong mga panahon na wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko sa buhay. Maglalaro lang kami at magtatawanan ay OK na. Nang mag dalaga at binata na kami ay ganun pa rin, luluwas ng bayan, manonood ng sine, o kaya sa kusina lang kami, magluluto, magbe-bake. Pero kahit na araw araw kaming magkasama noon ay hindi

