Chapter 23 JUN POV Nagpa-alam si Mommy na mag out of town daw sila ng amiga niya. Hindi naman niya sinabi kung sino at sa pagkaka-kilala namin sa kanya, hindi siya mahilig magtravel kasama ng mga kaibigan. Tsaka wala naman siyang kaibigan masyado para magyaya sa kanya mag out of town. Ang hinala ko ay may nanliligaw na sa kanya. Ang hindi ko lang ma-gets ay bakit kailangan pa niyang isekreto sa amin ni Jin? Matutuwa naman kami kung mayroon nga. Matagal na siyang byuda, matagal nang nag tiis para itaguyod kami. Oras na para sarili naman niya ang kanyang isipin dahil kailangan din niya ng lalaking makakapiling hanggang sa pagtanda. Siguro may malalim siyang dahilan kaya ayaw pa niyang sabihin. Kung ano man iyon ay nirerespeto ko. Siguro hindi pa siya sigurado sa lalaki na nanliligaw sa

