Chapter 24 CLAIRE POV “Claire, tama ba? Nice to meet you,” sabi ng babaeng bigla na lang sumingit sa masayang biruan namin ni Jun. Ang cool ng porma niya. Para siyang si Avril Lavigne. Ang ganda niya kaso ang taray ng mukha. “Ikaw na ba ang bagong nilalandi ni Jun ngayon?” sabi niya pa habang nakataas ang kilay. “Alexa, hindi ko siya nilalandi–”Hinarang ni Jun ang sarili niya na tila inaawat ang babae. Bakit? Wala naman akong ginagawang masama. “Nag-volunteer lang siya na samahan ako maghanap ng boarding house po. Hindi ko naman alam na may girlfriend pala si Jun,” sabi ko sa babae. Napaharap si Jun sa akin. “Claire, hindi ko siya girlfriend. Wala akong girlfriend. She’s just a … tropa, ganun,” mariin niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpaliwanag sa akin. Hin

