Chapter 32 NICK POV Pagpasok ko sa repair shop ni Angela, agad akong kinabahan. Tahimik ang paligid, ngunit may kakaibang presensya ng tensyon, tama nga ang report sa akin. Pagdating ko sa opisina, narinig ko si Angela parang takot na takot. “Macky, anong ginagawa mo rito?” “Matagal kitang binakuran, sa matandang ‘yun ka lang pala bibigay." “Hindi ka dapat nandito. Paano ka nakapasok?” “Matapos kitang hintayin, ipagpapalit mo lang ako sa gurang na ‘yun? Hindi ako papayag Angela. Mas masarap at mas magaling akong bumayo kaysa sa gurang na ‘yun, Angela…” Habang papalapit ako sa loob ng office ni Angela, palinaw nang palinaw ang naririnig kong pag -uusap nila Angela at ang trabahador niya na tinawag niyang ‘Macky’.bata pa ito at tahimik. Dahan-dahan akong sumilip sa naka uwang na pinto

