Chapter 27 CLAIRE POV “Nananadya ka ba? Are you making me jealous?” Simula library hanggang dito sa garden ng school, kinaladkad ako ni Jun para lang itanong sa akin kung pinagseselos ko ba siya. Nakita ko siyang pumasok sa library at alam kong pinagmamasdan niya kami ni Jin. Alam ko rin na galing sa kanya ang bracelet na binigay ni JIn. sa akin. Siya lang naman ang nakaka-alam na gusto ko nung bracelet na yun. “P-paano kung sabihin kong… oo?” Pilit kong itinago ang takot ko dahil nakakasindak ang titig niya sa mga mata ko pero sadyang nakaka sindak ang presensya niya. Sinadya kong ipakita sa kanya na masaya kong tinatanggap ang mga bagay na ibibigay ni Jin sa akin, na mas masaya ako sa piling ni Jin. Gusto ko na siyang iwasan dahil gusto ko ng payapang buhay. Hindi ko naman akalain

