Chapter 28 CLAIRE POV “I’ll court you. Gusto mong iwasan si Jun ‘di ba? Maiiwasan mo lang siya kung totoong boyfriend mo ako. So, Claire… pwede bang manligaw?” Nagulat talaga ako sa sinabi ni Jin. Hindi ko inaasahan na ang gaya niyang role model student ay mangangahas na manligaw sa akin. I really can’t find words to answer him. Si Jin, na Mr. Nonchalant ay biglang naging interesado sa akin at mukha naman siyang seryoso. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ramdam ko ang bigat ng tanong niya, at alam kong hindi siya nagbibiro. Pero alam ko rin kung ano ang tama para sa akin ngayon. “Jin,” simula ko, pilit na nilalagay sa tono ang pag-aalala at pasasalamat, “I appreciate this. Sobrang bait mo, and I’m really flattered. Pero ikaw ang president ng student government, running for Magna.. E

