Chapter 29 CLAIRE POV Claire, pwede bang puntahan kita ngayon sa apartment mo? Palagi na lang akong ginugulat ng kambal. Kanina si Jin ngayon naman si Jun. Matutulog na lang ako eh papakabahin pa ako. Parang kanina lang ay pinapantasya ko si Jun, ngayon ay kausap ko na sa telepono. Ahm ano eh Jun, tulog na kasi ako. Iyon lang ang sagot ko. Gising ka pa, nakabukas pa ang ilaw. Nagulat ako, dahil paano niya nalaman? Nakikita niya ba ako? Baka ginu-good time na naman ako ni Jun, alam ko namang maloko siya. Pinatay ko na ang ilaw at mag good night na sana ako… Bakit mo naman biglang pinatay ang ilaw? Natigilan ako sa aking kinatatayuan, halos mabitiwan ko na ang cellphone sa taranta ko. Agad akong tumingin sa bintana at sinipat sipat ang labas kung nandito ba siya. Nilgid ligid ko

