Chapter 49 JUN POV Habang pinagmamasdan ko si Claire na kasama ang lalaki na ‘yun na bigla na lang sumulpot, parang sinasaksak ang puso ko. Ang sakit makita na unti-unti siyang nagbabago dahil sa pag rerebelde. Ang masakit, dahil iyon sa akin. “Claire, get up. Huwag mong tanggalan ng dignidad ang sarili mo dahil lang sa akin.” Ang hirap tignan ni Claire na umiiyak, lalo pa kaya ang lumuhod at magmaka-awa para huwag kong iwan. Ramdam ko kung gaano ako kamahal ni Claire. Mahal na mahal ko rin siya kaya ko ito ginagawa na kahit masaktan ko siya ay kailangan ko siyang tiisin. Hindi ko kayang makita si Claire na sinisira ang buhay at nagiging miserable dahil lang sa akin. Ibang iba na si Claire. Simula sa itsura, sa pananamit, sa pagkilos, kahit ang kanyang mga titig ay ramdam ko ang k

