Chapter 48 CLAIRE POV “Oh, I get it. Bayaran din pala si Claire, kaya kahit sino pwedeng kunin. Jun, alam mo na, mukhang may bago na siyang client. What? Papalag ka na ba? Totoo naman ‘di ba? Iniwasan mo si Jun kasi may bago ka ng bibiktimahin–” I can’t believe na ganito ako sisiraan ni Alexa nang harap harapan. Ako ba ang umiiwas kay Jun? Lumuhod pa nga ako para huwag niyang iwan. Ako pa ang nambibiktima? Ano pa bang gusto nitong babaeng ito? Nakuha niya na si Jun. Mga walang hiya, bagay sila magsama. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya ng ng ubod ng lakas. Binuhos ko sa isang sampal na iyon ang gigil ko. Isang sampal na yayanig sa bungo niya. Sa sobrang lakas ng sampal ko, nahilo siya at napa-upo sa sahig habang hawak ang namumulang mukha. Na-trigger ang mga alipore

