•ASHTON'S POV•
Pagkatapos makapagpakilala sa mga bagong kaklase, agad naman akong naupo sa unahang bahagi. Ang maganda sa section na ito ay kung sino ang mga teacher ko sa lahat ng subject sa dating section ay sila ding teacher nila, time slot nga lang ang pinagkaiba. Kaya nga ito yung pinili naming section ni Sir Tarima.
Si Sir Tarima ang tumulong sa akin, pinaki-usapan ko siyang magrequest sa nakatataas na kung pwedeng lumipat sa ibang klase. Mahabang paliwanagan ang naganap, alam naman ni Sir ang nararansan ko sa loob tuwing Class time kaya hindi na kame nahirapan pang gumawa ng paliwanang hinggil sa gusto kong mangyari.
Kaya heto ako nasa bagong sorrounding.
"Diba taga ibang section ka?", tanong sakin ng katabi ko.
"Aaaa Oo.", matipid ko namang sagot.
"Bakit ka naman lumipat", Tindi nitong babaeng toh! Habang nagsusulat ng lecture sa sa kanyang notebook, ang daming tanong! Parang si Kara din Ehh..
"Misty nga pala, kaw anong pangalan mo?", Nagulat ako ng maringig ang pangalan niya! Anyare Pokemon Casting na ba ire?!!
"Misty? Misty talaga pangalan mo?", Pabulong kong tanong. Napahinto siya sa pagsusulat at tumitig ito sa akin.
"Short for Mystica, ayoko ng real name ko. Mas prefer ko pang tawagin akong Misty. Kilala mo naman ata si Mystica diba? Hindi ako Splitter duh?!", sabay siring sa akin. Hmmp ina-ano ko itong babaeng toh? Nagpatuloy siya sa pagsulat at di na muling nagsalita.
Physics yung subject kanina.
Pagkatapos ng klase ay di ko alam ang gagawin, iba kase yung feeling pag wala na si Teacher. Sila lang yung nagkaka'intindihan ng mga pinag-uusapan nila. Out of Place lang ako.
"Eto pla yung bago dito ehh", May mga boses na naglitawan sa aking harapan. Siga at mas nakakatakot. Pagkakita ko ay nakita ko yung isang lalaki na sa ayos ng buhok mapagkakamalan mo nang adik.
Biglang lumapit naman yung isang lalaki, na medyo may itsura at may ibinulong ito dun sa lalaking nagsasalita sa aking harapan. "Talaga pre?..", tanong niya sa lalaking bumulong sabay tingin silang dalawa sa akin.
"Totoo ba na tinulak mo daw ang tropa naming si Romulo? Astig ka ahh sige nga subukan mo sa amin ngayon", Kinabahan naman ako. Putcha! Akala ko ayos na ako sa section na to! Pero parang nagkakamali ako.
"Hoy kayong dalawa, wala nanaman ba kayong gagawing matino? Gusto niyo sampolan ko kayo?", Si Misty na nakapameywang sa dalawa.
"Sus naki-alam nanaman si Mystica..", sabi nung mukhang adik!
"Mystica ba kamo?! Ohh ito!!"
"Puta! Anung Aruyyyyyy!..!", Hala binayagan niya si kuyang adik. Hindi ba siya natatakot?
"Oh ikaw! Gusto mo ring masampolan?", Nakafighting pose pa siya ng sinigawan niya yung isa pang lalaki.
"Hindi na.. Hindi na Tara na Loonie", Sabay alalay niya sa kasama niya.
Pero umalpas ito sa lalaki at dinuro si Misty. "Ikaw.. !"
"Ohh ano ako?!", Si Misty na parang naghahamon pa..
"Humada ka saking babae ka! Pati ikaw!", Dinamay ako ng putcha! Ano naman kasalanan ko dun?! "Tara na nga! Badtrip!", Paika-ikang naglalakad yung lalaking yun palabas ng Klasrum.
Babae ba talaga toh? "Wohhhhhh! Galing talaga ng Lady Fighter ng Room", ang dame niyang papuri sa mga kaklase niya. Bully rin pala toh!
"Anu di ka ba magpapasalamat sakin?"
"Siguro may lahi kayong boksingera noh?"
"Umaatend ako ng Taekwondo Class"
"Huh di nga?!"
"Di ka ba nagugutom? Pwede rin naman kumain muna.." tanong niya sa akin.
"Meron ako ditong pandesal na may palamang itlog gusto mo?", Nagbaon kase ako kanina nung natira sa almusal ko.
"Yuck I Don't like it.. Dun tayo sa canteen", Anu ba yan parang ayoko na muna kaseng lumabas sa canteen eh. Baka makita ko mga ex classmate ko (L___L)
"Hay naku so tagal!", Kinuha na niya yung bag niya niya at naglakad palabas. "Teka lang!", ako sabay tayo na rin..
"Bakit?"
"Sama ako sa Canteen."
Maingay siyang kasama pero ayus lang, basta may nakaclose narin ako sa bagong section. Papunta palang kame sa canteen, kung anu-anu na tinatanong niya.
"Kanina pa tayo nag-uusap, pero hindi parin kita kilala" paguusisa niya sakin.
"Nagpakilala na ako sa harapan diba?"
"Busy siguro ako kaya di ko naringig. O kaya naman ay nag CR", Masyadong matabil ang bilis niyang magsalita. Ratatatatatt! parang Armalite.
"Ashton"
"Ashton? Ash?.. Oh my God. Kumpleto na tayo.", Huh anong kumpleto?!
"Ano ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.
"Halika ipapakilala kita sa pinakamamahal ko"
"May Boyfriend ka?"
"Bakit hindi ba halata?", Pagdating naman namin sa Canteen ay pina-upo niya ako sa isang lamesa. Tapos may nilapitan siyang lalaki mula sa tindahan. Anu ba yung babaeng yun napakahaliparot!
Pabalik na siya, pero may kasama siyang isang lalaki. Hindi ito istudyante, nakasuot ng pulang T-Shirt at may Good Morning Towel na hawak. Hahahahahaha.. Taxi Driver ata yun eh! Di ko pa makita masyado, kaya di ko masabi kung gwaping's o waley.
Pero ng makalapit na sila ay napansin ko namang may taglay itong kagwapuhan. Hindi gaano maputi, chinito at maganda rin ang pangangatawan.
"Ashton siya ang sinasabi ko sayo"
"Boyfriend mo?"
"Yup.."
"Ahhhh nice meeting you pre", sabi ko sa boyfriend ni Misty. Pero bakit niya kaya nasabing kumpleto na kame kanina?
"Aston siya si Brock.. at yun ang Real name niya" Wahhhhhhhhh!! Anong angyayari?! Bat ang nakikilala kong mga tao ay may kinalaman sa pokemon! Hindi man exactly kamukha at kapersonality nila! Pero yung pangalan! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Tinadhana ba talaga makilala ko sila? O talagang yun lang ang naging daloy ng aking buhay ang makilala ang dalawang ito.
"Na Shock ka noh? Kumpleto na kase tayo Ikaw si Ash, ako si Misty siya naman si Brock. Bagay tayong maging magkakaibigan!"
"Nagmamadali tong si Misty sa paghila sa akin sa may karenderya para mapakilala kalang, nice to meet you din pre", sabay tapik nito sa akin. Hmmmm infairness may hawig siya kay Brock ng Pokemon Crtoons. Yung pagiging Chinito!
"Balik na muna ako sa trabaho ahh", Ringig kong paalam niya kay Misty. Di parin ako makapaniwala hanggang ngayon! Naupo na rin si Misty sa tabi ko.
"Totoo bang Brock ang pangalan ng Boyfriend mo?", tanong ko pa ulet.
"Oo nga totoong Brock ang pangalan niya.."
"Paano mo siya nakilala?"
"Wag mo ng alamin. Kahit ganyan lang ang estado niya sa buhay, nahulog na ang puso ko sa kanya. Kumbaga nahanap ko na yung Man of My Dream", Jusme! Andrama naman nitong babaeng toh! May Pa man of My Dream pang nalalaman!
"Ano siya dito?", tanong ko.
"Tagaluto siya diyan sa isang karenderya",Wow! Ahhh tulad din ni Brock ng pokemon magaling din siyang magluto!
"Mas matanda siya sayo?", Pansin ko kaseng medyo may pagkaiba siya sa mga tulad naming 4th year High School.
"Matanda siya sa akin ng dalawang taon 16 ako, siya naman ay 18", Grabe ahh! kinikilabutan ako sa kanya! Hmmmm Sa Pokemon Series kaya, magkakatuluyan rin kaya si Misty at Brock? hehehehe lage kaseng naiinis si Misty kay Brock tuwing nababaliw si brock sa isang babae sa bawat paglalakbay nila.
"Anong iniisip mo? Na napakalande ko? Grabe ka naman.. Nagmahal lang ako", Anu daw? Wala naman akong sinasabi ahhh..
"Di ahh, happy nga ako para sa inyong dalawa. Ang iniisip ko ngayon ay anong kakainin natin Medyo gutom na rin ako Ehh.."
"Hintayin nalang natin ang masarap na kare-kare ni Brock! Dun nalang tayo bili. Para nanaman dagdag kita na nila", Okey wala na akong magagawa. Madalang akong pumunta dito sa Canteen kaya di ko alam kung anong mga binebenta dito, nagbabaon nalang kase ako mula sa niluluto ko sa almusal.
Habang hinihintay namin yung sinasabi niyang kare-kare ay panay kwento siya sa akin ng kung ano-ano. Nakikita na rin daw niya ako nuon. Natutuwa ako sa kase kase yung turing niya sa akin para bang matagal na kameng magkakilala. Kaya naman di rin ako nahirapan na makisakay sa kanya dahil sa way ng pakikipag-usap nito. Wala akong hiya na nararamdaman kahit first taym palang naming magkita.
"Ayan na si Brocky ko, dala na niya yung pagkain", Mula nga sa kina-uupuan namin ay nakita kong parating na si Brock. Ang weird parang nasa pokemon episode narin ako, Meron na nga akong natatawag na Gary, nadagdag pa tong si Misty at Brock. Baka naman bukas makilala ko na rin si Professor. Oak? :>
Pagkatapos maidala ni Brock yung kare-kare with rice ay nagsimula narin kameng kumain. Libre muna daw ako ni Missty dahil bago niya akong kaibigan. Wala akong magagawa dun, ayus nga yun para natitid ko parin yung perang iniwan ni kuya :)
Hindi naman sumabay sa amin yung abalang kasintahan ni Misty, kaya kame lang yung kumakain sa lamesa. Pagkatapos kumain ay nakaramdam ako ng uhaw. Wala pa namang tubig na dinala yung BF nitong si Misty...
"Bili lang ako softdrinks, uhaw na ako ehh"
"Ayy sorry di pala nakapagpadala ng tubig kay Brocky. Ako nalang pupunta", siya sabay tayo naman.
"Hindi. Hindi.. ako nalang", Pina-upo ko siya ulit.
"Sige ikaw bahala. Mountain Dew gusto ko Ash", Si Misty tinawag akong Ash wahhh.. Kakatuwa naman.
Ang kwento niya sa akin di naman daw siya Fan ng Pokemon, pero nung nakwento daw sa kanya ng Boyfriend niya na yung Name nila ay Character name sa pokemon, ay nagsimula na daw siya magkainteres sa palabas na yun, di nga rin daw siya makapaniwala na Chinito rin yung Brock sa Cartoon's ehh..
"Isang litrong Mountain Dew po"
"Ito po", abot sa akin ng Babaeng tindera na binigyan ko naman ng singkwenta pesos.
"Pahiram narin po ng baso", Paki-usap ko..
"Yung sukli balikan mo nalang pagkasauli mo niyang bote at baso", Sabay abot sakin nung baso na may yelo narin. Hanep! Mautak si Manang..
Pabalik na ako sa lamesa ng makita ko si Misty na iba ang tingin sa aking bag! Ohh s**t! Si Eggy gumagalaw. Kaylangan kong magmadali! Kaylangan kong magmadali! Hala hahawakan na niya ito!
"Misty Huwag!!", Napakalakas yung pagsigaw ko na agad naman niyang naringig. Tinginan tuloy yung mga tao sa akin! Mabilis akong lumapit at inilapag yung softdrinks sa mesa.
"Ayyy Sorryy.. Anu kase gumagalaw yung bag mo kanina. Ano bang meron diyan?", tanong niya sa akin. Agad ko naman payakap na kinuha yung bag ko.
"Huh? Baka imagination mo lang", sagot ko naman.
"Hindi kaya, eh bakit mo akong pinigilan kung imagination ko lang", Matanong siya..
"Basta may Private property ako dito"
"Private property? Ang weird ahh. Pahinge nanga lang nitong Softdrinks", Nakahinga rin ako sa wakas!
"Ipakita mo yung private Property mo diyan sa kaibigan mo Bakla!", Bigla ulit kumabog yung dibdib ko sa kaba. Pagtingin ko ay nakita ko si Romulo kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na kaklase ko ngayon sa bagong section.
"Hoy anu nanaman bang ginagawa niyo dito!", Si Misty na nahinto sa pagbubukas nung softdrinks.
"Manahimik ka hindi ikaw ang kinaka-usap ko!", Duro niya kay Misty.
"Oh ano bakla?! pakita muna yung Vibrator mo.. Nahihiya kaa?! Akin na yang bag mo! Gusto mo tulungan kita!", Sabay hawak at hila niya sa bag ko. Kainis! papansin naman tong romulong toh!
"Ano ba !", sabay tulak ko sa kanya na di naman tumalab! Nilapitan ulit ako nito! Sabay hila sa bag ko. Si Egggy! Nasasaktan siya. Pilit ko mang niyayakap ang bag ko ng mahigpit para di makuha ng hayop nayun, pero natalo ako sa lakas. Naagaw niya si Eggy sa aking mga kamay.. ⊙︿⊙
"Bakla nga pre ang lamya!", Kantiyaw nung isang lalaki..
"Ibigay niyo nga yang Bag niya!", Si misty na parang gusto na rin mag taekwondoo.
"Ilang Vibrator kaya tinatago mo dito sa iyong bag?", Tinapik tapik niya pa niya yung bahaging lalagyan kung saan nakatago si Eggy. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Buysitttt! Parang namumutla na ko..
"Oops ang tigas ahh! Mabuksan na nga", Tapos hinawakan na niya yung Zipper tapos bubuksan na!
"Huwaggg!", sigaw ko naman..
Hindi ko alam kung anong nangyare, parang napahinto si Romulo. Iba yung tingin nito parang gulat na gulat. "Anggggggg Inetttttt! Putcha!", Mainit?! Ng bigla ay parang kumalas yung bag ko sa kamay niya na ewan ko kung nanginginig sa sakit. Bigla ay!
Bhagggggggggg!
Parang may pwersang bumato sa bag at tumama ito sa mukha niya! Talsik at tumba siya habang iniinda parin yung kamay niya na tila ay napaso. Pulang pula ito! Buti nalang mabilis yung nangyari kaya walang nakapansin sa pagkilos ng bag ko, ewan ko nalang kay Misty..
Yung bag ko naman ay pabagsak na mahuhulog, mabilis akong tumakbo at sasaluhin ko ito, kahit ang kapalit ang matumba ako sa sahig. Malapit na itong tumama sa sahig, kaya naman binilisan ko ang pagbulusok para masalo ko siya.
Nang makita kong may .
"Arayyy..!", namudmud ako dun sa sahig.
"Ano bang nangyayari dito?", nakita ko nalang si Brock na hawak na yung bag ko. kainis, dapat sinalo na niya kanina Ehh! Moment namin to ni Eggy na ililigtas ko siya sa pagkahulog ehh.
"Tumayo na kana diyan..", Mabilis akong hinatak ni Misty, parang bagay na natumba lang. Kainis! wala siyang pake kahit masaktan ako. Agad kong inagaw yung bag ko.
"Salamat", ako habang nakatingin kay Romulo na di ko alam ang nangyayari. Pinagtitipunan siya.
"Arayyyyyyyyyy.. Puta ang sakit ano toh?!", nariringig kong pag-inda niya.
"May ginawa ba sayo yung tatlong yun?", Pag-aalala ni Chinito kay Misty.
"Wala naman pero kay Ashton at sa Bag niya meron..", Hindi ko alam kung humihingi ba ng paliwanang si Misty sa akin.
Napansin nalang namin na inaalalayan na ng mga kaibigan niya si Romulo. "Grabe noh? ang tindi nung pagkakapaso nung mga kamay niya", naringig kong kwentuhan ng mga tao.
"Anong nangyari sa kanya?", tano ni Misty dun sa isang istudyante.
"Ah yung kamay po ng lalaki, pulang pula parang pinaso", sabi ng bata sa amin. First year student siya.
"Paso? Bakit naman siya mapapaso? EHhh yung bag mo lang naman hinawakan niya", Sabay tingin sa akin ni Misty. Oo nga bag ko lang naman ang hinawakan niya, May kinalaman kaya dito si Eggy?
No Comment nalang ako sa isyung yun. Nilinaw ko narin kay Misty yung tungkol dun sa Vibrator issue, baka kase maniwala siya. Sinabi kong walang katotohanan yun. Kaya masaya ko na di naman siya naniniwala sa sinasabi ng Romulong yun na bakla daw ako! Kahit totoo naman na may pagkasilahis ako.
Pagkatapos naming maubos yung moundain dew ay agad naman kameng naglakad pabalik sa may klasrum, pero nakasalubong namin si Kara na ang talim ng tingin sa akin. "So Happy ka na sa new classmate mo? Don't Worry hindi ka naman kawalan sa Section namin. Bitter ka kase! Inaalok na nga ng murang Vibrator w/ lubricant Ayaw pa rin?! .. Okay! Nga pala nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Romulo?", tanong nito sa akin.
"Ano bang nangyari sa kanya?", tanong ko naman.
"2nd Degree burn sa dalawa niyang kamay! Kaya humanda ka dahil irereklamo ka niya. Balita kase ikaw ang may kagagawan nun isa kang mangkukulom! Gumagamit ka ng black magic!"
"Anong mangkukulom?", tanong ko.
"Mangkukulom?! Bobo! Tagalog term siya para sa lalaking Witch! Pag gurlaloo naman Mangkukulam ang tawag!.. Ayy sorry gay ka nga pala! Kaya ang tawag sayo ay Mangkukuleeem!"
"Sapakin kita diyan ehh!", na sabi ko dito.
"Ehh di push mo! para dalawa na kame ni Romulo na magpapaguidance sayo! Tsaka hindi ako tatablan niyang Black magic mo o kung ano man yang kaeengan na ginagamit mo! Because I am a Beautiful White Angelic Fairy Around the Universe"
Iniwan na namin siya ni Misty, naglakad na kame deretso sa classroom.
"Hoy di pa ako tapos magsalita! Mga Bastos!", nagtawanan kame ni Misty ng maringig ang nanggagala-iti niyang bulyaw..
"Hindi siya maganda para siyang si Psyduck.. Agree?", Napatingin ako sa kanya.
"Eh di pokemon mo siya?", tanong ko naman..
Tawa kame ulit..
Mag gagabi na ng matapos yung Afternoon Class namin. Sobrang dameng sinulat sa Ekonomiks! More on reporting kainis yung Teacher.
Magkasabay kameng lumabas sa gate kasama yung Boyfie niya na kakatapos lang din sa Canteen. Pero hiwalay rin ang biyahe namin siya pauweng Bonifacio Taguig ako naman papuntang malibay.
Mabilis silang nakasakay habang ako kasama yung ibang studyante ay naghihintay parin. Nakak-inip talaga maghintay! Naramdaman ko namang tumalon talon si Eggy sa aking bag.
"Gusto mo na bang umuwe?", Lumukso-lukso ulit siya. Kulang nalang mabutas yung bag ko at kumawala siya. Kaya naman nagsimula na akong maglakad, may konting liwanag pa naman. Kulay kahel pa yung kalangitan.
Habang naglalakad ako, ay naalala ko yung nangyari kanina. May kinalaman kaya talaga si Eggy sa nangyari kay Romulo? Tsaka wala yung dalawang kaibigan ni Romluo sa Klasrum kanina. Kinakabahan tuloy ako na baka gumanti sila.
"Eggy may ginawa ka ba kay Romulo kanina?", Habang naglalakad ako. Pero wala itong galaw na ginawa. "Eto nalang , Uhmm niligtas mo ba ang sarili mo kay Romulo? Dahil ayaw mong mawala ka sa akin?", iniba ko yung tanong baka sakaling sumagot siya. Mabilis naman itong tumalon talon.
"Love mo talaga ako noh?", Ang lakas ng pagtalon talon niya..
Patuloy yung paglalakad ko nun ng maramdaman kong may kakaiba sa aking paligid, parang may kakaiba sa dala-dala kong bag. Nararamdaman ko yung mumunting energy. Taray ko noh? May Pa energyenergy ng nalalaman? Dragon Ball Z lang ang Peg ko noh?
Basta may kakaiba.
Tahimik din si Eggy na para bang may kalokohang ginagawa sa loob ng aking bag. Huminto muna ako at pumunta dun sa sementadong hagdan ng isang lumang building. Parang may mumunting liwanang nga na nanggagaling sa aking bag! Parang kulay pula iyon at nagmumula yun sa lalagyan kung nasaan si Eggy!
Pagbukas ko ay nagulat ako sa aking nakikita! Umiillaw si Eggy, pulang pula yun. Ohhh Emmmm Geee! Lalabas na kaya yung Pokemon? Mapipisa na nga yung Itlog! Yes! Kaylangan ko ng Umuwi sa bahay. Agad kong sinara yung bag at nagmadaling naglakad upang makarating agad sa Terminal.
Napahinto ako ng biglang umalog-alog yung bag ko, Eggy? Bakit mapipisa ka na ba? Pero iba yung talbog ni Eggy! Parang sinsenyasan niya ako.
"Hindi ka na makakatakas sa amin!", Pagtingin ko sa likod ay nakita ko si Loonie yung kaklase ko sa bagong section ! Yung kaibigan ni Romulo. Kaya pala ganun nalang makareact si Eggy.
"Wala akong oras makipag-away, tsaka ayoko ng gulo!", Sabay talikod ko at takbo ng mabunggo ako sa isang katawan.
"Kung ikaw ayaw! Pwes kame gusto namin! Ipaghihiganti naman si Romulo sa ginawa mo! Anong ginawa mo sa kanya ahhh..", Nakakatakot yung paglapit nila sa akin, napapagitnaan nila ako. Wala na akong ibang magagawa kundi tumakbo dito sa eskinata mula sa aking likuran, papunta yun sa mga lumang building ng isang lumang pabrika.
Kumaripas ako ng takbo papunta dun! Wala man lang katao tao o Police Quarter dito sa lugar na ito! Di ko parin tinitigalan yung pagtakbo dahil alam kong nasa likuran ko pa sila...
┌( ►.◄)┘ ┌( ►.◄)┘------>┌( ✖╭╮✖)┘
Si Eggy naman ay nararamdaman ko na gusto niyang lumabas sa bag, siguro gusto niya akong tulungan. Pero di pwede baka kung ano pang mangyari sa kanya! Napapagod na ako! Liliko, kakanan, diretso..
Ibat iba nalang ang pinapasukan ko! Pero nasa likod ko parin sila .. Huhuhuhuhu o(╥﹏╥)o
Hanggang sa napahinto ako, Patay! Wala na ako matatabukhan pa, isang mataas na pader ang aking nasa harapan. Yung pagod ko sa pagtakbo wala ring napala.
"Ano tatakas ka pa?", Boses ng nasa likuran. "Wala ka ng tatakbuhan pa. Di ka na makakatakas", Humarap naman ako sa kanilang dalawa na sobrang natatakot!
"Ano bang kasalanan ko?!", Isang metro pa ang layo ng dalawa sa akin.
"Sa akin wala, pero kay Boss Loonie at Romulo meron!", Sabi ng medyo tisoy na lalaki..
"Bakit naman ako magkakaroon ng kasalanan diyan! Ehh di ko naman yan inaano eh. Kasalanan ko ba na mabayagan siya ng isang babae?!"
"Putang-ina mo ahh! Iniinsulto mo talaga ako!", Sabay sakal niya sa akin.
"Tama na ano ba..", Parang di na ako makahinga ⊃_⊂
"Ano! gusto mo na bang mamatay?!", gigil niyang tanong sa akin..
"Uhmmm Anuhhh ba.. Bitawan mo ako", ng makakuha ako ng tiyempo ay kinagat ko yung kamay niya ng buong gigil.
"Gago! Putaa ang sakit!", sabay sapak niya sa akin, mahina lang yun dahil di pa siya nakakabwelo nung kinagat ko siya. Siniguro kong dudugo ang kamay niyang yun. "Putang ina mo talaga! Lalo mo akong ginagalit ahh Dhin akin na yung bat", Ringig kong sabi niya. Mula naman sa likuran ng lalaking kasama niya ay may hawak pala itong Baseball bat!
Natatakot na akuu.. ●﹏●
"Anong laman niyang bag mo? Anong meron diyan para mapaso ng husto ang kamay ni Romulo.", tanong niya sa akin habang pinapalo-palo sa kanyang palad ang bat na hawak.
Nakapaka haunted ng lugar na 'to, puro mga imbakan ng lumang gamit at sirang parte ng mga building ang nakalagay. May isang ilaw din ng poste pero ang panglaw ng liwanang nito. Puno pa ng gamo-gamong nagsisilliparan sa paligid ng ilaw..
"Ako nalang, wag yung bag ko. Nagmamaka-awa ako..", Ako sabay luhod sa kanyang harapan. Ginawa ko na yun dahil alam ko yun lang ang paraan upang mailigtas ko si Eggy.
"Ano namang mapapala namin sayo, Chuchupain mo ko? oo nga pala may Vibrator ka diyan sa Bag mo. Siguro libog mo noh?! Don't Worry buhay din tong Vibrator ko"
"f**k you!!", Umalis ako sa pagkakaluhod sabay dura sa kanya.
"Yabang mo rin noh.. Ikaw na nga tong inaalok ng libre ehh", sa may damit niya tumama yung dura kaya wala itong paki-alam. "Akin na yang bag mo!", sigaw niya ulit.
"Loonie tagal naman hampasin mo na yan", utos ng lalaking kasama niya. "Akin na yang bag mo!", sabay lapit niya. Tinanggal ko naman yung bag ko at nilagay ko ito sa aking likuran sa may patag.
"Diba ako naman ang pakay niyo?! EHh di lalabanan ko kayo!", Bahala na si Batman! Nakakita naman akong ng dos por dos sa may gilid at mabilis ko yung pinulot. Pinorma ko rin ito pahampas sa kanya!
"Lalaban ka talaga?! Sige pagbibigyan kita", Agad akong umilag ng hahampasin na niya ako. s**t! Inilalayo niya ako sa bag ko.
"Arayyy!", ng di ko makita na nahampas niya ako sa aking balikat! Buti pahapyaw lang, pero masakit parin. Bumagsak ako dun sa may buhangin.
"Dhin kunin mo na yung Bag!", sabi niya sa kasamahan nito..
"Wag Pleeee....."
Natigilan ako ng may nakita akong ibang tao na kumuha ng bag ko, at kita ko na bagsak na yung lalaking kasama nitong hayop na toh!
"Ano lalaban ka pa? Mapapatay na talaga kita!", gamit yung bat na hawak ay muli akong sinasakal. Pero nakakuha ako ng pagkakataong masipa siya! Mabayagan siya tulad ng ginawa ni Misty kanina!
"Loooooooonie..", mahinang sabi ng kasamahan niya na lupasay sa semento. Yung bag ko hawak parin ng lalaking palapit na sa amin nitong barubal na toh!
"Ohhh? Ano asan na yung bag", sagot ni Loonie na hindi parin alam ang nangyari sa kaibigan niya.
"Eto ba ang hinahanap mo?", Agad bumungad yung mukha ni Gary sa likuran ng lalaki. Yung Loonie naman ay lumuwag ang pagkakasakal sa akin at parang nakaramdaman na siya na iba ang boses ng nagtatanong! Si Garyyyy ililigtas niya ba ako? Huhuhuhuhuhu.. ♥╭╮♥
Agad naman tumingin si Loonie at napangiti ito ng makita si Gary "Nice akin na..", siya sabay lahad ng kamay niya.
"Ito ang tanggapin mo!", Gamit ang isang kamay ay sinuntok ni Gary si Loonie na tumalsik naman. "Tumakas ka na..", si Gary sabay tapon ng bag sa akin na nasalo ko naman.
Gary...
Sila na ngang dalawa ang nagsusuntukan, Kaylangan ko na bang tumakbo? Paano na si Gary baka lumamang sa kanya si Loonie. Bigla naman napansin kong nakatayo na yung Dhin! s**t kumuha siya ng pamukpuk tapos papalapit na siya kay Gary!!
"Gary sa likod mo!!", sigaw ko. Pero huli na ang lahat bago siya makatalikod ay Nahampas siya ng gagong yun. Garyyyyy Huhuhuhuhu pinagkakampihan na siya nung dalawa.. ♥﹏♥
Hindi ko mapigilan maawa habang sinasalo niya yung magkakasunod na suntok, Yung bawat daing niya dala ng sakit na natatamasa. Di siya makalaban kase hinahawakan siya nung isa habang sinusuntok ng walang awa nung Loonie..
Hindi pwede toh! Hindi nila pwedeng saktan ang Pinakamamahal ko!! Humanda sila sa akin, Nilapag ko ulit si Eggy. "Diyan ka muna ahhh may kaylangan akong gawin", Bigla itong umilaw ng bahagya. "Pramis hindi ako magpapa api sa mga yun, ako na bahala Eggy"
Naghanap ako sa paligid ng magagamit ng may nakita akong bagay na pwede kong magawang panakot sa kanila! Humanada sila sa akinnnnnnnnnn..
"Tama naaaaaaaaaa!!", ako sabay tutuk sa leeg ng Loonie na yun ang patulis na dulo ng kalawanging Bakal na Tubo na napulot ko. "Sige ituloy niyo yan, di ako mag-aalinangan na itusok toh sa leeg mo!", Sobra ang galit na nararamdaman ko nun.
Bigla naman kukunin sana nung kasama niya yung dulo ng tubo ng sinigawan ko pa ito. "Sige subukan mong maki-alam! Pagkatapos kong matuhog ang leeg nitong Boss mo isususnod na kita!", Natahimik silang dalawa. "Ano lalaban pa ba kayo?!", Pananakot ko sa kanila. Hindi ko alam na nagagawa ito ngayon. "Ikaw alis!", sigaw ko sa unang kasamahan niya, mabilis naman tong lumayo at kumaripas ng takbo.
"Wala ka bang balak paalisin ako?", Maangas na tanong sa akin nung Loonie.
"Usog!", ako habang sisnusundan ko parin siya ng tubong matulis. Baka kase sipain niya Gary ko. Lumayo na nga siya ng Konti. "Takbo!", sigaw ko sa kanya. Tumakbo naman ito, bigla siyang nadapa. Yun pala ay binato siya ni Gary ng bat na dala niya kanina.
"Hindi pa tayo tapos!", Si Gary sabay sapak at sunod sunod na sinipa ang lalaki.
"Ano papaki-alamanan mo pa ulit si Ashton?! Ha! Magsalita ka!"
"Tama na..", sabi nito na gamit ang kamay ay sinasangga ang pagsipa ni Gary sa kanya.
"Sabihin mo! Ano uulit ka pa?!", Kitang kita ko kay Gary yung galit.
"Hindi na.. Hindi na..", Nakaka-awang nilalang takot pala siya kay Gary ehh!
"Bibilangan lang kita ng tatlo tumakbo ka na! Isa..", Tumayo na ito at parang isang bata na gustong kumaripas. "Dalawa..", di na nito pina-abot pa ang tatlo. Para siyang kabayo na kumaripas paalis sa lumang lugar na to. Tinapon ko naman na yung tubo at lumapit sa kanya..
"Ayos ka lang?", tanong ko habang nakatalikod siya.
"Ayos ba ako sa lagay kong toh? Di kase nag-iingat pahamak..", Tang inang toh! Parang pinilit kong pumunta dito at iligtas ako.. Tskkk! Yabang!
"Bat ka ba kase pumunta dito ahh?! Pinapasunod ba kita?! Tinawag ba kita? Tinext ba kita?! Excuse Garyy di kita pinilit na iligtas ako!", Ang sama ng tingin nito sa akin ng muli siyang humarap. Dame niya palang pasa Huhuhuhuhu.. ♥╭╮♥
"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?", Tanong niya sabay lakad palapit sa akin. Kung alam mo lang deep inside nagagalak ang puso ko, nagkamali ako sa pagkakakilala sayo.. ♥
"Hmmmp neverrr, di sana iniwan mo nalang ako. Baka ako pa sisihin mo diyan sa mga pasa mo!", Pagsusungit ko.
"Ashton itong mga sugat na tohh, maglalaho rin toh. Pero kung iniwanan kita dito? Sa tingin mo mabubuhay ka pa? Paano kung nawala ka? Tulad ng ginawa mong pag-iwan sa akin bilang classmate iiwan mo na rin ako ng Tuluyan? Ashton naman mag-isip ka! Pasalamat ka niligtas kita Ex-classmate!", sabay talikod siya sa akin. Ang saya ng maringig ko ang mga salitang yun! Mahalaga rin ba ako sa kanya?
"Ano bang ibig mong sabihin?", Kunwari wala akong alam sa mga sinasabi niya. Ang saya saya ko! parang tumatalon ang Puso ko! ♥
"Tatanungin kita. Sinong mas gusto mong Bully, sila o Ako?", Lumingon siya at parang naghihintay ng sagot. Di ko na napigilan pa ang sarili kong maiyak ng konti, tumakbo ako papunta sa kanya.
Tapos yumakap ako sa katawan niya ng mahigpit.. (• ε •)
"Siyempre ikaw ang pipiliin ko. You are my Bully and you are my Hero", Naramdaman ko nalang yung pagganti niya sa aking yakap. Wahhhhhhhhh Gosh! Todo na toh!
!⑈ ˙❤‿❤˙!⑈
Sa kalagitnaan ng nagaganap na kasweetan sa amin ay biglang may malakas na kung anong liwanang ang lumitaw sa aming likuran! Siyeteeeh!!
"Anu yan?!", takang takang sabi niya. Putcha naman ohhh ayoko pa sanang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya Ehh!
Pero kaylangan, kaya muli akong humarap at nagulat ako sa aking nakikita! Ang liwanang na ng buong paligid! Pero kulay pula ang kumakalat na liwananag! Ohhhhh May Gaddddddd si Eggy! Parang may kung anong sumabog sa bandang yun at inilipad kame ng malakas hangin at tumama kame ni Gary sa may Pader! Wahhhh Action na action ang dating!
"Puta anu yun?", gulat parin si Gary..
"Diyan ka lang", Tumayo ako upang tignan ang nangyari. Ohh Myyy bat ngayon pa? Egggy? Nasaan ka na? Ng nawala ng tuluyan yung usok na namuo ay biglang bumalik sa dati ang paligid. Yung bag ko! Agad ko yung nilapitan.. Bukas yung lalagan ni Eggy!
Pag-tingin ko ay nagulat ako ng makita ang itlog na basag na! At wala na itong laman. Napatingin ako sa paligid nakiramadam! Asan na siya?!
Hanggang sa lumapit na sa akin si Gary,. "May hinahanap ka?",tanong niya sa akin.
hesssssssskk..
Parang may kung anong mabilis na motion ang aming naramdaman! "Napansin mo yun?", Tanong sa akin ni Gary.
"Ahhhhh ano kase ehh.."
hesssssssskk..
Parang ninja! Ang bilis! Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa hita ko! "Ano yan!", sigaw ni Gary na nakatingin sa aking bandang hita, at gulat na gulat. Ohhh Myyy! Nararamdaman kong may nakayakap ngang kung ano sa akin, mga kamay yun!
"Charrrrrrr!", Tapos nagulat nalang ako ng may bolang apoy na tatama kay Gary..