•ASHTON'S POV•
Mataas na ang sikat ng araw, nakapinta na rin mukha ko yung mainit na liwanang. Marami ng dumadaan, pero eto ako parang poster na nakasalpak sa pulang gate ng bahay. Mugto ang mata, at di parin mawala ang kalungkutan. Si kuya iniwan na niya talaga ako.. (•̪●)
Kaya pala ang bait niya sa akin kahapon, dahil mawawala siya sa tabi ko bilang kuya. Kahit ganun ugali niya, hindi ako natutuwang iwan niya ako. Kung totoo lang sana na sa Cebu ang punta niya, magiging kampante pa ako. Pero hindi Eh, hindi ako tanga para di malaman na sa ibang bansa ang tahak niya kasama ang baklang si Calix! Hindi rin yun maitatago ni kuya sa kanyang mga nagiging kilos. Halata siya..
“Ashhy Boy, Oh bat mag-isa ka lang diyan?.”, tinitigan ko siya ng masama. Wala ako sa wisyong makipag laro ngayon kay Gary. “Ooops, bat di ka pa bihis? May Unit Exam tayo sa Trigo diba? Tabi tayo ahh alam mo naman wala akong Review. Wag kang mag-alala yan nalang bayad mo sa di pag’payag maging Towelboy”
Tinignan ko lang siya ng masama, hindi ko alam pero wala ako sa mood kausapin siya.
“Gusto mo hintayin kita? Sabay na tayo”
“Paki-usap huwag na muna ngayon Gary. Paki-usap lang.. Pagkatapos nitong araw na toh, sige papaubaya ko ang sarili ko. Itulak mo ako! Suntukin mo ako! Sipain mo ako! Tadyakan mo ako! kahit anong uri ng pambubully. Physically or Mentally. Welcome lahat, magpakasawa ka pa”. Di ko alam basta nalang bumitiw ang mga katagang yun sa tono ng pagiging galit. Tumayo na ako at iniwan siya upang pumasok sa loob.
“Eh ang mahalin ka..”
“Wala akong oras sa mga pakulo mo”, Pero umaasa akong totoo yung sinabi niya sa akin.
“Pinapatawa lang naman kita eh.. Di ka naman ganyan pag kinukulit kita, pag binubully kita. Ikaw nga paborito ko sa lahat ng mga nabubully ko eh..”, Sabi ko na nga ba hindi naman totoo ang mga katagang yun. Sabi ko na nga ba umaasa nanaman ako! Tulad ng pag-asa ko na hindi ako iiwan ni kuya.
“Wala akong pake kung ako ang paborito mong guluhin, pero awat na muna ngayon ahh. Hindi ko gustong makita ka. Bumabait ka nanaman dahil wala kang makokopyahan? f**k you Gary! Anong akala akala mo sa akin robot mo? Para kontrolin? Mahiya ka naman sa sarilli mo, mahiya ka naman sa pamilya mo. Wag kang maging tamad at Bobo!”
Padabog kong isinara ang gate, malakas na kalabog ang nagawa nun. Tama lang ang ginawa ko, siguro naman tama na yung higit tatlong taon na ka’aasa ko na magiging mabait siya sa akin constantly, yung magiging magkaibigan kame at magkasamang tinatahak ang high School life ng masaya. Yung balang araw na mahuhulog ang loob niya sa akin. Na balang araw sasabihin niyang “Makal Kita Ashton”
Pero ang lahat ng yan parang paghahanap ng isang karayom sa kaibuturan ng Pacific Ocean. Imposibleng mangyari, Imposibleng mahanap at dumating sa akin.
Sapat na rin siguro yung higit tatlong taon na magpa-uto, magpa-api at magpasailalim sa siga niyang pagkatao. Suko na ako kay Gary.
Hindi ko alam kung naka-alis na siya sa harap ng bahay, basta ang alam ko ngayon. Kaylangan ko ng gumawa ng paraan na umiwas sa kanya. Pero bakit ba ang pagbura kay Gary sa buhay ko ang iniisip ko ngayon? Diba dapat mas iniisip ko ang pag-alis ni kuya?!
Kung dala man ng masamang pakiramdam yung nasabi ko kay Gary kanina, wala na akong magagawa para mabawi pa yun. Kaylangan ko na itong panindigan. Kaylangan ko ng humandang masaktan sa ilalim ng kanyang mga kamao dahil sa pang-iinsulto kong ginawa.
Pumasok na ako sa bahay at muling nahiga sa sofa, yakap yakap ko yung unang maliit habang iniisip si kuya. Pero anong mangyayari sa akin kung mananatili akong ganito? Hindi matutuwa si Mama at Papa, kung nagiging mahina ako. Lalo na si kuya, hindi siya matutuwa kung sisirain ko lang aking buhay at mawawalan akong ganang mabuhay dahil sa pagkawala niya dito sa bahay.
Dapat maging matatag ako! Hindi ko iisiping nasa ibang bansa si kuya. Ang ipapasok ko sa kukute ko, nasa Cebu si kuya. Nagtatrabaho siya para sa kinabukasan namin at para sa kinabukasan ko. Babalik siya pagkatapos ng tatlong linggo.. Babalik siya..
Yan ang pangako niya. Yun din ang paniniwalaan ko!! Babalik si kuya babalik siya!! Kung ano mang iniisip kong walang saysay, kaylangan ko na yung burahin! Basta Babalik si Kuya Andrew pagkalaipas ng tatlong Linggo!
Pumunta ako sa banyo at naghilamos na ng mukhang ko. Sa salamin nakita ko yung mukha kong hindi pa rin masaya. “Anu ba Ashton!”, sabay sampal ko sa aking sarili “Babalik si kuya Andrew kaya dapat hindi ka malungkot! Babalik siya!”, Pinilit ko ng ngumiti sa mga oras na yun.
Hindi naging madali ang pag-ngiti sa taong nalulungkot, pero nagawa ko yun. Kaylangan kong maging Positibo ngayon! Pagkalabas sa banyo ay umaawit-awit pa ako ng pokemon song’s Hehehehehe..
Babalik sana ako nun sa sala ng may naamoy akong mabango sa kusina. Anu yun? Bigla akong nakaramdam ng gutom..
Agad naman akong tumungo sa kusina. Hindi ako makapaniwala sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Sinangag na kanin at mga pritong ulam ang nandun. Sa gitna ay may papel na nakalagay. Alam ko sulat yun na iniwan para sa akin..
Wag ka ng umiyak, babalik rin naman ako. Ayaw mo nun magagawa mo ang gusto mo ng maraming araw? Wala munang kuyang maghihigpit sayo. Pero alalahanin mo mag-iingat ka lage. Wag magpapagabi, isara mo yung pinto at gate ng maayos. Yan may niluto ako para sayo.
Tinulungan ako ni Calix iprepara mga yan, sana magustuhan mo. Mag-almusal ka na at pumasok..
-Andrew
Pinapa-iyak nanaman ako ni kuya, kainis. Pinagluto niya talaga ako ng almusal? Siguro ginawa niya ito kasama si Calix mga madaling araw? Malamig na Ehhh! Epic Failed naman si kuya Ohh! Tapos ang panget pa ng sulat!!
Letche! Pinipilit ko na ngang tumawa sa mga self joke ko, pero di ko parin mapigilang maiyak dahil dito sa handog ni kuya. Kasama talaga yung Calix na yun! Hmmmm! For sure dito yun natulog! Kainis nakatulog agad ako kagabi!
Pero may Ichecheck ako para malaman kung dito nga natulog ang baklitang yun! Agad akong pumasok sa kwarto. Hmmmmm maayos naman. Ngayon isang bagay nalang ang titignan ko!
Yung Trashcan..
Di nga ako nagkamali may putukan nanamang naganap kagabi! Isang Condom nanaman ang aking namataan! Kawawa naman si kuya, baka naman maubusan na siya ng t***d dahil sa Calix na yun!
Napatingin naman ako bigla sa larawan ni Papa God sa aming kwarto. “Ingatan niyo po ang kuya ko ahh, may kasalanan po siyang nagagawa pero may dahilan po sya sa mga bagay na yun. Gusto niyang guminhawa ang aming buhay. Kaya Papa Jesus gabayan niyo po ang kuya Andrew ko po ahh kung nasan man siya. Salamat po..”
Bago ako umalis ng tuluyan ay tumitig muna ako sa larawan ni Papa God ng mga isang minuto. Alam kong tutulungan niya ang kuya ko with no doubt.
Lumabas akong muli at pumunta sa kusina upang initin yung mga lumamig ng pagkain. Alas nwebe pa naman yung klase namin kaya makakahabol pa ako.
Di ko naubos yung nakahain sa lamesa, kaya nilagay ko na muna yun sa ref. Yun din ang kakainin ko mamaya para tipid :>
Dali-dali naman akong pumasok sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay nagmadali akong magplantsa ng uniform na susuutin.
Meron nalang akong 15 minutes, ilalaan ko nalang ang pagreview ng formulas pag nasa Jeep ako. Tapos yung biyahe mga 20 minutes. Malelate na nga ako! Ayos lang yun basta makapag-exam ako ng unit test sa Trigo. Di naman ako matalino ng husto, pero may alam ako. At higit sa lahat hindi ako madamot tulad ng mayayabang kong mga klasmeyt!
Pagkatapos magpabango ay kinuha ko na yung bag at diretso ng labas, Isasara ko na nun yung pinto ng napatigil ako.
Bhoog.. Bhoog.. Bhoog..
Bhoog.. Bhoog.. Bhoog..
Parang may ingay na mula sa isang bagay at gustong kumawala. Kinikilabutan tuloy ako. Ganito yung nariringig ko tuwing nagtatago si Chucky sa kung saang lungga. Wala sa sala yung tunog na nalilikha. Parang nasa kwarto yun..
Idinikit ko sa pinto ng kwarto ang aking tainga, pinapakinggan ko yung kalabog..
Bhoog.. Bhoog.. Bhoog..
Bhoog.. Bhoog.. Bhoog..
Patuloy parin sa pag kalabog! Anu yun?! Kaya naman naglakas na ako ng loob na buksan yung pinto. Kinuha ko yung susi sa aking bulsa at dahan-dahan kong binuksan ang pinto, hanggang sa tuluyan ng tumambad sa akin ang bagay na nagbibigay ng ingay! Nagulat ako sa aking nakita..
Parang may gustong kumawala sa loob ng malaking aparador. Oh My Futashett!! Ganito rin yung isang Scene sa “The Conjuring”! Ehh..
Kahit takot, dahandahan akong naglakad papalapit sa aparador. Wala.. gaya gaya lang nung mga nasa movie, na kahit takot na, todo effort parin ang paglapit. Siyempre yun daw ang sabi nung direktor! Pero ngayon ako ang direktor! at inuutusan ko ang artisang tulad ko na buksan ang pinto ng aparador.
Lakas na loob kong hinahawakan yung handle ng dalawang pinto. Sabay binuksan ko na ito..
Toink.. Toink.. Toink..
Hindi ako natakot sa aking nakita, bagkus ay napuno ng ngiti at saya ang aking mga mata. Nakakatuwa ang paglukso-lukso ni Eggy sa loob ng aparador. Kaya pala may kumakalabog ehh! Agad ko naman siyang kinuha na nahinto na sa paglukso. Nakalimutan ko pala! dito nga pala kita itinago.
“Gusto mo bang sumama sa akin sa skul?”, Bigla nalang ay tumalon talon ito sa aking mga kamay na parang galak na galak sa aking sinabi. “Sige isasama na kita..”, lalong lumakas yung pagtalon niya. “Ohh sige tama na sa pagtalon Eggy..”, Nakinig naman agad ito at hinto na siya.
Nakakatuwa! May sariling buhay na nga siya! Uhmm siguro binigay ka rin ng kapalaran sa akin, para pumawi ng kalungkutan ko? Tignan mo napangiti mo na ako. Tsaka wag ka na ulit tatalon talon baka kase maumpog ka sa matitigas na bagay. Ayoko naman na mabasag ka ng wala sa oras at maging Premature Pokemon Hehehehe..
Bigla siyang tumalon papunta saking dibdib, Hala! Agad naman akong naging Alert at payakap siyang hinuli. Hehehehe parang gusto niyang yumakap sa akin Hehehehe..
“Isasama kita sa skul basta wag kang malikot ahh..”, sabi ko pa dito. Gumalaw galaw pa siya sa aking dibdib, parang nakikiliti tuloy ako. Nilapag ko na muna siya sa may kama tsaka kinuha ko na yung aking bag.
“Dito ka lang sa loob ng bag ko ahh?” Pagbukas ko ng Zipper dun sa isang lalagyan nung bag ay bigla itong tumalon at kusang pumasok. “Ohh My! Nice Eggy. GoodEgg!”, sabay sara ko na isang lalagyan ng bag.
“Kuya Andrew hindi na ako magiging malungkot! May bago naman akong kasama ehh si Eggy. Ipapakilala ko rin siya sayo pagdating mo dito!”, Nakangiti kong sabi sa aking sarili. Mabilis naman akong lumabas at isinara na yung pinto.
Paglabas sa gate ay huminto muna ako saglit. “Paano ba yan Eggy ito ang first time mo na makakasama ako sa skul. Kasama ng yung Master! Maglalakbay na tayo!” Hahahaha maglalakbay sa skul. Naramdaman ko namang pagtalon talon nito sa aking bag. Ang saya niya rin!
Buti nalang nakasakay agad ako sa Jeep, kahit minsan ang likot niya sa bag ay nagreview parin ako. Nasasabihan ko naman siya ehh, pero may pagkakulit nga lang minsan.. (^____~)
9:17 am ng makarating ako sa eskwelahan. Sa pagmamadali ko ay ang bilis kong pumasok, na agad naman sita sa akin nung isang gwardiya. “Huy Boy balik..”, Mabilis naman akong tumalikod at bumalik sa pwesto ni manong. Kainis naman tong gwardyang toh! Kanina di ako pinansin ngayong nakalayo na! Todo sigaw!
“Po?!”, ako sabay pakita ko nung ID.
“Sige pakibukas ng bag..”, s**t Oo nga pala kaylangan magpacheck ng bag! Paano na yan nasa isang lalagyan si Eggy! Huminga akong malalim. Binuksan ko na yung malaking lalagyan ng bag.
Chineck nito, gamit yung detector something! Daming pautot! “Kuya pwede na po ba? Ano kase baka malate ako quiz namin”, Kung alam mo lang kuya late na talaga ako!
“Ano toh?”, Patay nakapa niya si Eggy.
“Ha alin po?”, pag-angal ko naman.
“Buksan mo yang isang lalagyan”, utos sa akin nito. Ohm may Gad! Anong gagawin ko? Wag nalang kaya ako pumasok? No! Hindi pwede kaylangan kong magtake ng unit test, ayokong bumagsak! Bahala na nga..
Binuksan ko nga yung bag at nagulat ito sa nakita. “Anu yan?!”, biglang laki ng mata ni manong guard. “Egg bomb kuya!”, Jowkk sa isip ko lang yun. :>
“Project po namin sa Art Kuya.”, seryosong sagot ko. Ganun dapat para hindi halata! Pero kinakabahan parin ako.
“Anong tawag diyan?”, tanong niya ulit.
“Egg Mosaic kuya..” Wahhhhhhhhh!! Di ko alam bat yun ang lumabas sa bibig ko. May egg kase eh! kaya yun lang naisip ko..
“Ahh ganyan pala ang egg mosaic. Ganda ahh sige makaka-alis ka na” Bwahhhhhhaa Grabe tawa kong palihim! Naniwala Amputa! Egg mosaic daw.. Wahahahahhaaa!
Nakangiti akong umalis sa Checkpoint ng eskwelahan..
Pagdating sa klasrum ay nagsisimula na nga sila sa unit test. Pumasok naman agad ako. Si Sir naman ay agad abot ng test question na nakaprintout. Meron ding scratch na pinamigay.
1-10 lang yun at puro problem solving..
“Yung bag pakilagay sa unahan”, Sabi ni sir. Agad ko naman yun hinubad at nilagay sa harap kasama ng ibang mga gamit.
“Eggy wag kang makulit ahh”, pakikipag-usap ko ng mahina.
“May sinasabi ka?”, bigla namang tanong ni Sir. Agad naman akong tumayo, at tumingin kay Sir.
“Wala po Sir”
“EH di maupo kana, meron ka kalang 1 hour and 30 minutes”, Sungit naman! Ganyan talaga si Sir Tarima pag quiz time, pero Supahh bait naman pag lesson. Naghanap naman ako ng mauupuan. Naunahan na ako ng iba sa magandang pwesto!
Dalawa nalang yung natitira. Sa tabi ni Kara at sa tabi ni Gary..
Hmmmmp Si Kara, isa sa mga nakaka-inis dito sa Room. Sipsip! Mayabang at Feeling mayaman. Kahit ang balitang nariringig ko ay anak lang naman daw ng katulong sa isang mayaman na angkan ang bruha! Sa kanya ba ako tatabi?
Ooo kay..
Nakikita kong nakasimangot ito at parang gusto ng matulog, pansin ko rin na nakataas ang paa niya. May sagot na kaya siya? Nakaka-awa naman. Pero di ko parin gusto tumabi sa kanya, dahil narin sa nangyari kanina.
Wala na akong ibang choice, kundi tumabi kay Kara. Naglakad na nga ako papunta sa panghuling row sa unang section ng mga upuan at papunta sa panghuling column ikalimang upuan yun, nasa pangapat naman si Kara.
“Excuse”, ng dadaanan na ako papunta sa bakanteng silya. Agad naman nagbigay daan ang iba kong kaklase.
“Late ka ata..”, ani Kara sa akin.
“Medyo natanghali ng gising”, sagot ko. Bobo ba toh?! Late na kaya ako.. late ata daw?
Tapos ang dame na ng tinatanong ng Loka! Pero di ko naman pinapakinggan kase walang kwenta ang pinagsasabi niya. Sabi nga niya ay meron daw siyang bagong cellphone na pinabili sa Mommy niya. Asus! Utot niya Pink..
Nagsawa rin si Kara kakasalita mag-isa. Napakatahimik sa klasrum ng biglang “Sir bat gumagalaw?”, parang takot na pagtatanong nung isa naming kakllase.
“Uyyyyy kaninong bag toh!”, Biglang tayo ni Sir sabay sigaw!
Patay si Eggy! Mabilis naman ako ng tumayo at nakita kong umuusog-usog ng bahagya yung bag ko. Parang gusto nitong pumunta sa akin! Gosh! Paano na ito?! Nagtatayuan na yung iba naming mga kaklase at pinagtitinginan na nila yung bag. Tumayo naman aga ako at nagexcuse sa mga klasmeyt ko!
Agad kong kinuha yung bag?Patay..
“Ashton anong nangyayari diyan?”, tanong ng Teacher ko.
“Sir ano kase yung cellphone ko! Nagvivibrate ata sa may loob. Sobrang lakas kase nung vibrating speed ng cp ko. Lam mo na sir 3210!”, Puta wala na akong maisip na sagot!
“Sus vibration daw. Baka vibrator kamo!”, Sabi ng pamilyar na boses mula sa likuran. Nagtawanan yung nasa buong klasrum.
“Hahahaha naiwang bukas yung Vibrator?!”, gatong naman ng isa pa.
Tinignan ko sila ng masama, pero binigyan ako ni Romulo ng f**k You sign. Si Gary naman ay panay parin ang tawa.
“Tahimik! Gary and Romulo, watch your word. Bakit naman magkakaroon ng Vibrator sa bag ni Ashton.”
“Eh kase bakla siya Sir.”, malakas na pagkasigaw ni Gary. Parang nandilim ang kapaligiran ko, at parang gusto kong tumakbo palabas sa sobrang hiya.
“Tumigil nga kayo ituloy niyo na yang ginagawa niyo! Meron nalang kayong 15 minutes”, galit na sabi ni Sir sa klase.
“Sige Ashton wag mo nalang silang pansinin. Naniniwala naman akong cellphone ang nasa loob niya. Continue answering ..”
“Thank you po sir”, ako sabay lapag ulit sa bag ko. Eggy please wag ka namang maging makulit..
Iniwan ko ulit yun at bumalik ako sa upuan. “You know our family have a lot of Vibrator. Do you like? w/ Lubricant na yun just for 100 pesos. Don’t worry malaki yun, masarap ipasok.” Putang ina pinipikon ako ng babaeng toh Ahh..
“Di ko kaylangan niyan. Baka ikaw need ng Malaki mong bibig at Pempem mong mabaho dinaig mo pa si Pipay!”, Di na ako nakapigil.
“Bakla ka nga.. Taray che! Tsaka di ko kilala ang Pipay na yan!”, Hmmmp pinagpatuloy ko na nga yung pagsagot sa Unit Test.
“Pass your paper. Finished or Unfinished”, s**t Anim lang nasagutan ko! Di ko nareview yung formula sa ibang questions. Di bale na atleast naka anim na ako! 50% narin yung nasagutan ko. SureBox naman ako dun sa lima ehh..
Isa-isa na nga nagpasahan yung mga kaklase ko ng papel nila, Lalo na si Kara na todo dikit nanaman kay Sir!
Biglang nagbalyahan mga kaklase kong lalaki, nagpapaunahan na kunin ang mga kanya-kanyang bag. Mabilis naman akong tumayo at nakipagsiksikan. Tang-ina! Wag na wag talaga nilang gagalawin yung bag ko!
“Excuse..”, ako na sumisingit na sa kanila. Puro kase mga Boar ehh!! Hanggang sa nakita ko na yung Bag ko. Kahit may tao pa sa paligid ay! Binagga ko rin yun makuha ko lang yung bag ko at mailigtis si Eggy sa mga barubal na kaklase..
Hmmmm sa wakas, ligtas ka na Eggy. Sabay yakap ko ng mahigpit sa aking bag. Pumunta na rin ako sa table ni Sir at ipinasa ko yung papel ko. Dameng utchusera mga tanong ng tanong kung anong sagot! Mga feeling smart! Sarap pektusan.
Pagtalikod ko ay nagulat ako sa nakita ko parin si Gary na nasa upuan niya, nakatingin siya sa papel niya. Anu kayang ginagawa niya? Bat di pa siya nagpapasa?
Blaggggggggggg!!
“Aray!!”, babagsak ako sa sahig babagsak ako!! Si Eggy!! Inangat ko yung kamay ko kung nasaan hawak ko yung bag, iniwasan kong madaganan ko yun. Pumihit nalang ako upang ang katawan ko ang bumagsak. Tumama yung ulo ko sa upuan na kahoy. Buti si Eggy nasa kamay kong naka-angat.
“Gago ka ha! Anong karapatan mo para itulak ako?! Subukan mong mag’siniga sakin ulit di lang yan ang mararanasan mo! Bakla!”, Di ko alam na siya pala yung nabangga ko kanina. Galit na galit si Romulo. Buti wala na itong ibang ginawa pa. Umalis nalang ito sa klasrum.
“Romulo!”, sigaw naman ni Sir. Agad naman naglapitan iba kong klasmeyt at inalalayan ako.
“Salamat”, sabi ko sa mga ito.
“Anu ba yang romulong yun katanda na di man lang nagpatalo sa mas bata sa kanya!”, Sabi ng isa kong kaklase. Si Romulo kase ay 18 year old na kaklase namin. tumayo naman ako at ngumiti sa kanila. Kahit ang sakit ng ulo ko sa nangyaring pagkatumba.
“Ayos ka lang ba Ashton?”, lumapit na sa akin si Sir.
“Ahh okay lang po ako Sir, wag na po kayo mag-alala”, sagot ko naman.
“Wag ka mag-alala kaka-usapin ko yang si Romulo”
“Hindi na po, ayus lang po. kasalanan ko naman kase, binangga ko po siya”
“Sige basta Next time, umiwas ka nalang sa kanila”
“Opo. Aaaa sir pwede ko po kayo maka-usap mamaya?”,tanong ko sa kanya.
“Sure, ano bang gusto mong sabihin?”
“Mamaya na po sir”
“Sige sige”, muling pumunta si Sir sa table niya at tumanggap ng mga katanungan sa iba kong klasmeyt na unti-unti naman ay nag’aalisan na.
Naka-upo ako nun sa dulo ng makita kong tumayo na si Gary hawak ang kanyang papel, wala na ring yung iba kong Klasmeyt. Kameng tatlo nalang ang nasa Room. Kung wala lang sana akong ipapaki-usap kay Sir, umalis na sana ako.
“Ohh Gary bat ngayon lang toh?”, naringig kong sabi ni Sir kay Gary.
“Ngayon lang natapos eh”, Mayabang na sagot nito kay sir.
“Ngayon lang natapos? Anong klaseng papel toh! Mr. Clareto. Ang linis! parang isinauli mo lang sakin ang binagay ko kanina”
“Patawa ka sir, ayan Ooo nakasulat ang pangalan ko, date ngayon at section nitong klase namin”
“Shut up! Tinatanong kita ng matino”
“Ayaw mo niyan sir nagsagot ako ng quiz sa sarili kong mga kamay”
“Kalokohan..”
“Mas mabuti ng walang sagot kesa mangopya diba? Willing naman sana ako kumopya pera wala eh wala yung swerte ko ngayon. Kaya yan sir pagtiyagaan mo nalang po, eh wala po talaga pumapasok sa kokote ko eh. Sige una na po ako..”. Di na nakapagsalita si Sir, pinabayaan niya ng umalis si Gary.
Buti nga sa kanya! Hmmmp nakaka-inis siya, siya nanaman naging dahilan ng kahihiyan ko kanina.
“Si Gary talaga hindi na nagbago yang batang yan, matututo rin to pag ibinagsak ko siya”, Naringig kong pagsasalita ni Sir habang inaayos yung mga papel. Ako naman ay lumapit na sa kanya.
“So anong gusto mong pag-usapan natin?”, agad na tanong niya sa akin.
“Tungkol po sana sir sa..”
Hindi ako pumasok nung hapon ng Lunes, may kina-usap kase ako kasama si Sir Tarima. May inasikaso rin akong mga dokumento mag-isa.
Gabi na ng maka-uwe ako sa bahay, wala namang problema sa trapik. Masyadong pagod lang ako, nilabas ko agad si Eggy at muli ko siyang nilagay sa may karton. Dinala ko siya sa kusina at nilagay sa lamesa habang iniinit ko yung mga ulam at sinangag.
“Eggy ano masaya ka ba sa paglalakad natin kanina?”, tapos tumalon siyang dalawang beses. ◠‿◠
“Hmmmm kaylan ka kaya mababasag noh?”, tanong ko naman dito. Tumalon siya ng tatlong beses at gamit ang sariling pwersa ay inusog niya ang karton kinalalagyan papalapit sa aking sarili.
Halika nga dito, kinuha ko siya sa may karton at niyakap ko. “Pag lumabas ka na talaga diyan, mamahalin kita tulad ng pagmamahal ni Ash Ketchum sa kanyang mga Pokemon”, Biglang pumintig yung itlog parang sanggol na sumisipa sa tiyan ng isang nanay.
“Excited na ako maging master mo.. Hmmmm sana lumabas kana bago mag isang buwan, At bago mabuhay yung mga pokemon sa aming mundo”
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpahinga sa kwarto. Sa kama na ako natutulog ngayon at katabi ang pinakaCute at makulit kong PokeEgg.. ✌˙❤‿❤˙✌
Excited na ako sa mangyayari bukas, sa mga pagbabago sa aking paligid..
Toink.. Toinkk.. Toink..
|
|
|
V
Nagising nalang ako ng may parang tumatalbog talbog sa may bandang tiyan ko. “Ohhhmmm antok pa ko, sino ba yan?”, kahit naaninag ko na si Eggy ang bagay na yun. Parang ginigising niya ako.. ●‿●
Pagdilat ko ay nakita ko nga ang makulit na itlog, agad ko itong kinuha at muling niyakap. “Galing ni Eggy ahh, alarm clock lang?”, ng makita kong alas sais na sa may orasan. Bumangon na nga ako, at hinalikan ko ito.
“Hmmmmm kahit mabango ka parin, kaylangan mo akong sabayang maligo mamaya”, Panay talon nanaman siya ulit.
“Bibili na muna ako ng pandesal ahh, iwan ka na muna diyan”, pagkatapos kong masabi yun ay bigla itong gumulong patago sa ilalim ng kumot. Hala anong nangyari dun? Para itong batang nagtatampo.
“Sige na nga sama ka na..”, lumabas na ito at patalbog talbog sa Foam ng kama. Kakatuwa siya!
Mukha akong tanga, nakaboxer short at nakasando dala-dala ang aking Bag para bumili ng pandesal. “Sampung piraso nga po..”, ako sabay bigay ng pera sa babae. Kita ko sa mata nito ang pagtataka.
“Tsaka Apat na itlog na rin po”, Dumeretso agad ako pauwe sa bahay pagkatapos makabili ng pandesal at itlog.
Deretso agad ako sa kusina siyempre kasama si Eggy na nakalagay sa loob ng Karton. Nagbibiak ako ng itlog that, time. Nang mapansin kong tahimik ito at di gumagalaw si Eggy. Hmmmmm bat kaya siya di nangungulit?
Natatakot kaya siya sa ginagawa ko sa mga itlog? Hehehehe sa harapan ko kase ginagawa yung pag biak ng mga itlog. Nang matapos ko na ang pagbiak sa apat ay nag-isip ako ng biro.
“Sino kayang susunod kong bibiakin? Hmmmm alam ko na si Eggy piprituhin ko rin!”. Wahaaaaaaaaaaaaaa sabay usog nito palayo sakin. “Biro lang Eggy! hahahahaha don’t worry di ko magagawa sayo yung ginagawa ko dito sa mga kapwa mo egg. Itlog sila ng manok kaya pwedeng kainin, ehh ikaw PokeEgg ka kaya dapat kitang mahalin”, Lumukso nanaman ito papunta sa akin Hahahahaha.
Naglalambing nanaman.. ᵔᴥᵔ
Maaga akong nakapag-ayos papunta sa eskwela. Kasama ko ulit ang makulit kong itlog na nakalagay parin sa Bag. Ang ganda nung umaga ko, naghihintay ako nun ng Jeep ng biglang litaw si Gary sa may Waiting Shed. Putcha! Andito nanaman siya Hmmmp!
Buti at may Jeep na dumating! Mabilis akong sumakay! ay nandun ako sa dulo, habang yakap yakap ko ang aking bag. Konting usog pa kasya pa yan.. Huh? Manong anong kasya?! kaliit na ng Sapace ahh..
“Usog konti”, pag-angat ko ng aking mukha ay nakita ko si Gary. s**t! Pati ba naman dito?! Bat sa tabi ko pa. Umusog naman ako ng konti, diin na diin na ako sa dulo. Dikit na dikit siya sa akin hmmmmp!
Pagbaba ay pina-una ko siya! Ayokong makasabay siya sa daan. After two minutes pumasok na ako sa School, buti si Bobong Guard parin yung bantay.. Hehehehe hanggang ngayon di parin niya alam ang Egg Mosaic! (^L^)
Naglalakad na ako sa may pathway deretso sa Room ng mga Fourth year, ng biglang may tumabi sa akin, sumabay siya sa paglalakad. “Ding Dong gusto mo?”, nakita kong inabot niya yung isang large size na DingDong..
Ang weird ahhh, bat niya ako binibgyan niyan?
Hinawakan niya yung kamay ko, Putcha! kadahilanan upang mapahinto ako at mapaharap sa kanya. “Sorry kahapon, alam kong nasaktan ka.. Kaw naman kase ehhh bat di mo ko tinabihan?”
“Tapos ka na ba?”, galit na sabi ko..
“Kahapon sa harap ng bahay niyo, di ko naman gustong galitin ka ehh, nagjoke pa nga ako diba?”
“Nga pala sensiya, hindi ko matutupad yung pangako ko kahapon. Ayoko ng isawalang bahala ang kasamaan mo sa akin, Kung sasapakin mo ako ng kamao mo, Sisipain naman kita ng paa ko”
“Ehh paano nga kung mahalin kita? Anong igaganti mo?”, pakshettt!! Bakit ganito? Gusto kong sagutin siya ng ‘mamahalin din kita!’, Pero mali! Hindi ito maari.
“Ano bang Antonym ng mahal? Diba mura? Kaya ang igaganti ko sayo .. isang mura.. Mumurahin kita!”
“Eh paano kung mumurahin kita ngayon?”
“Ehh di mamahalin kita!”, hala?! mali nauto niya ako dun ahhh!
“Yun naman pala ehh tara na nga wag ka na magalit sa akin, Peace na tayo Ashhy Boy”, Di na ako nakawala ng umakbay siya sa akin..
Anu yun?! bat parang nagwawala si Eggy sa bag ko?! Hindi kaya? Nagseselos siya kay Gary?
Agad ko namang inalis ang kamay ni gary at lumayo dito ng Konti. “Shut up! Wala na akong pake ngayon sayo.. Leave me alone!”, bigla nalang naging mahinahon si Eggy sa aking bag. Buti nalang at di yun napansin ni Gary..
“Galit ka parin ba sa akin? Peace naman na Ohh, tanggapin mo na tong ding dong..”, Sabay abot niya sa akin. Hmm!
“Akin na nga yan..”, ako sabay kuha sa Chichiryang binibigay niya.
“Hindi ibig sabihin nito, hindi na ako galit sayo. I Don’t Like you parin”, ngumiti nalang ito at dahan dahan na akong sinasabayan sa paglalakad. Nakapamulsa siya at ang kalmado ng presensiya, kitang kita mo yung ngiti sa mukha niya.
Nasa tapat na kame ng room ng napatingin ako sa kanya, “Tara na, pasok na tayo”, pag-aya niya sa akin. Humakbang na siya papasok, ako naman ay Biglang Liko.
Lumiko ako at tinahak ang pangatlong kwarto mula sa Dati kong room. Tama tong ginawa kong desisyon, nagpatulong ako kay Sir Tarima upang paki-usapan yung Principal na ilipat ako sa ibang Section..
“Asshhhy boy?”, ringig ko parin yung tinig niya na nagtataka. Di ako lumingon, bagkus ay tuloy tuloy akong pumasok sa bagong Class Room.