CHAPTER 5

1858 Words
Chapter 5: Her deal CALYSTA DANIELLA’s POV “WHAT is your business, Mr Valdiviño?” straight forward na tanong ko at kahit kasisimula pa lang naming kumain ay agad na akong nagtanong. Ka-s-serve nga lang din ng foods na in-order namin. “We run a small business TV tunnel and appliances of CCTV camera, computers,” he replied and I nodded. “Wala pong pinagkaiba ang business niyo sa Carva Home’s Shopping, Mr. Valdiviño. Puwede kayong maging supplier ng company namin or puwede ko rin pong i-feature ang products niyo. Ang hindi lang po kaya ng mga tauhan namin ay kung paano mag-install ng CCTV camera and etcetera na may kinalaman naman sa technology. So, you’re an engineer? And your son?” tanong ko at binalingan ko naman si Lazel Hyrroz. Sunod-sunod ang pagsubo niya ng pagkain na parang sinasadya niya ‘yon para hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makapagsalita o kahit na ang sumagot man lang. Masyado siyang tahimik na tao. “Nag-aaral pa lamang siya ng engineer, hija. First year college,” sabi naman ni Mrs. Valdiviño. “First year college. I guess, he will take over your company business soon, may I right?” “Calysta, anak. Ang dami mo talagang tanong,” natatawang sabi sa akin ni Papa, na tipid ko lang nginitian. Gusto ko lang naman malaman. “Hayaan mo na, Mr. Carvantes,” aniya naman ni Mr. Valdiviño na sinabayan niya rin nang tawa. “Lumalabas kasi ang pagiging negosyante niya and when it comes to business ay napaka-strict niya,” sabat naman ni Lolo Ced. Sumimsim ako ng drinks ko habang ang tingin ko ay na sa lalaking katapat ko lang nakaupo. “I tell you, honestly. I’m not interested in your business, especially kung palubog na ang company niyo.” “Calysta.” “Apo, ano ba 'yang pinagsasabi mo?” Hindi lang ang papa at lolo ko ang nagulat sa sinabi ko, pati na rin ang mag-asawang Valdiviño at hindi lang sila. Pati na ang lalaking walang pakialam sa mga pinag-uusapan namin ngayon. Tila may sarili rin siyang mundo. I noticed his reaction. Halos tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil sa pag-igting ng panga niya. Na-offend ko ba sila? “Aanhin ko naman po ang company niyo na sa isang pitik na lang ay mawawala na ito sa inyo ng ganoon lang kadali?” dagdag ko pang tanong. Parang namutla naman sila sa sinabi ko. Lahat ng businessman ay wala ng makikinabang pa sa company nila, I know that. “Calysta...” my father warned me. “At naisip niyo pong... makipagkasundo na lamang sa family namin para sagipin kayo? Para sa future ng anak niyo? Can I ask you something?” I asked them. “Calysta, apo...” “Sige lang. Magpatuloy ka,” sabi ni Mr. Valdiviño at sumenyas pa siya kina Lolo. “Solusyon po ba talaga ang pagpapakasal ng dalawang tao para lang may masagip sila na kabuhayan ng isang pamilya? Dahil para po sa akin ay hindi. Ginawa niyo lang naman na sakripisyo ang anak niyo, ni hindi niyo inisip ang mararamdaman niya kapag pinilit niyo siya sa isang bagay na hindi naman niya gusto. Sasabihin niyo rin po ba sa akin na para rin naman ito sa kanya? Para sa kapakanan niya? Dahil sinasabi ko po sa inyo na hindi. Hindi niyo po ito ginagawa na para talaga sa kanya dahil may dahilan kayo. Sa gitna ng hirap at kagipitan ninyo ay ang anak ninyo ang isasakripisyo niyo,” mahabang sabi ko. Alam kong naka-o-offend na ang mga sinasabi ko pero gusto ko pa rin sabihin sa kanila ang opinion ko tungkol sa bagay na 'yon. “Anak...” “Sagutin niyo na lamang po ulit ako. Ano po ba ang gagawin ko sa company niyo? Dahil hindi niyo naman kailangang ipilit sa akin na ipakasal ang anak niyo. Puwede ko naman kayong pahiramin ng pera para sa kakailanganin ninyo,” suggestion ko na agad namang tinanggihan ni Papa. “Hindi. Napag-usapan na namin ito, Calysta. Hindi na magbabago pa ang pasya namin,” mariin na saad ni Papa. Tumango naman ako. Expected na ganoon ang ir-react nila. “Sabihin niyo lang po kung magkano ang gusto niyong hiramin na pera sa akin at hindi galing sa company ko ang ipahihiram ko sa inyo. Sariling pera ko mismo,” I stated. Willing akong tumulong sa kanila basta...huwag nilang ipilit ang gusto nilang mangyayari sa amin ng anak nila. “Pero hindi kami nakasisiguro kung kailan namin mababayaran ‘yon, Calysta,” Mr. Valdiviño said. I nodded again. “Hindi ko po kayo sisingilin agad. Hindi po ako nagmamadali, kahit siguro aabot ng ten years ang utang niyo sa akin ay walang magiging problema sa akin. Ayoko rin naman po na ma-offend ko kayo kapag bibigyan ko lang kayo ng pera.” “I got your point, hija,” Mrs. Valdiviño uttered. “Sinasabi mo sa amin ang lahat ng ito dahil concern ka sa anak namin dahil naisip mo na sakripisyo lang siya para sa kompanya naming palubog na. I’m so sorry...” sincere na sabi niya. I took a deep breath. Thanks, God. Nakuha pa rin niya point ko. “Agree po ba kayo na pauutangin ko lamang kayo ng pera--” “No. I am not,” sabat naman ni Lazel Hyrroz at hindi pa niya ako pinatapos sa sasabihin ko. “Tell me your reason,” I told him. “Sundin natin ang napagkasunduan nila. Hindi naman talaga iyon ang pinupunto ng parents ko. I agree with the arrange marriage dahil kung pauutangin mo kami ay totoo ang sinabi ni Dad na hindi kami makasisigurado na kung mababayaran ka namin. Dahil baka sa kalagitnaan ng pagpapatakbo namin ng negosyo namin ay mauulit na naman siya sa pagkalugi at kapag sinunod natin sila... Kahit ang MOLE ay hindi maghihinala kung bakit hindi namin nababayaran ang utang namin sa kompanya niyo.” “Sinabi ko na kanina, hindi ba? Sariling pera ko iyon, kaya ko nga gagamitin ay para maiwasan ang issue na ‘yon,” I said. “Pero kung matutuloy nga ang kasal natin ay hindi nila pakikialaman ang kompanya namin. Hindi rin kikilos ang mga media laban sa amin, hindi mo ba alam na may kalaban na kami sa kapareho ng negosyo namin? Kaya iyon ang pinupunto naming lahat,” seryosong saad niya. He’s quite smart at iyon nga ang naisip niyang dahilan. “So, kung makikilala ka nga nila as my husband ay hindi nga nila pakikialaman ang business niyo dahil siguro... Kagagawan nga iyon ng kalaban niyo kaya nagbabayad sila ng media para sa interview at kapag tinanggihan niyo ay mas lalo silang maghihinala. Pero sa tingin ninyo naman...hindi rin ba sila maghihinala kung ikakasal tayo agad tapos palubog pa lang ang company niyo?” laban na tanong ko. Sa sinabi ko ay mariin na tumiklop ang mga labi nilang lahat. Hiniwa ko naman ang beef tapa ko saka ako sumubo nito at kahit ang pagkain ko ay pinanood pa nila. Inabot ko ulit ang drinks ko at sumimsim. Kumuha ako ng table napkin at maingat kong pinunasan ang gilid ng labi ko. “May suggestion ako. I will agree with the arrange marriage but in one condition.” Parang nabuhayan naman ang loob nila sa narinig at nakikita ko ang tuwa sa mukha nila. Pero nanatili namang blangko ang ekspresyon ni Lazel Hyrroz. “Sige lang. Sabihin mo, Calysta,” sabi ni Mr. Valdiviño. I tapped my finger on the table at sinunod namang tiningnan ‘yon ni Lazel. Kumunot pa ang noo niya. “Ako ang magma-manage ng business niyo, gagawin ko itong bagong company ko.” “A-Ano’ng ibig mong sabihin?” gulat na tanong ni Mrs. Valdiviño. “Calysta, hindi mo puwedeng baguhin ang pangalan ng kompanya nila, especially their products,” suway naman sa akin ng aking ama. Umiling ako. “Papa, wala naman po akong sinabi na may babaguhin ako kapag hinawakan ko na ang negosyo nila. Hintayin niyo po ang magiging desisyon ko if I’ll visit their company. Don’t worry, I will not change anything in your products, the name and especially the owner. All you have to do ay ang paniwalaan ako.” “May suggestion din ako, hija.” Nilingon ko naman si Mrs. Valdiviño. Tumango ako. “Sige lang po...” “Nasabi mo na rin na baka paghinalaan kayo sa pagpapakasal niyo agad ay bakit hindi niyo muna ipakita sa lahat ng hindi ang kompanya namin ang dahilan....” I got her point at napatingin naman ako sa anak nila. “Gusto niyo po bang magpanggap kami ng anak niyo na...mahal namin ang isa’t isa kaya kami magpapakasal? Hindi po ba sila mas maghihinala lalo dahil sa dami-rami ng lalaki sa mundong ito ay ang anak pa ninyo ang napili ko at bata sa akin ng ten years?” “Bakit hindi natin subukan?” laban na tanong ni Lazel. Talaga naman, parang handa siya agad sa tila digmaan, ah. “Okay... Let’s proceed to our next topic and please, ipagpatuloy niyo rin ang pagkain niyo. Don’t mind me, masyado lang po talaga akong straight forward,” I said and chuckled. Saka lang din sila nagpatuloy sa pagkain nila. “Katulad ng napagkasunduan natin. Sige, binibigyan ka namin ng permission na hawakan ang kompanya namin pero kasama mo ang aming anak sa pagbisita niyo sa V. Electronic Shops,” sabi ni Mr. Valdiviño at napatitig ako kay Lazel Hyrroz. “If he’s willing to go with me, Mr. Valdiviño. It would be fine for me,” I said. *** I glared at my best friend after ko siyang kuwentuhan about our family dinner last night. Naikuwento ko rin naman sa kanya na I’m going to meet him. Kaya heto siya ngayon, nasa office ko. “Glean Aero...” I warned her at hawak-hawak pa niya ang tiyan niya dahil sa malakas niyang pagtawa. Namumula na nga rin ang mukha niya at panay ang pagpunas niya sa mga luha niya. “I’m sorry about that, Calysta... Oh, my gosh lang... Sinabi mo talaga sa kanila na you’re not even interested sa company nila na malapit ng lumubog? I wonder kung ano naman ang naging reaction ng future husband mo?” she said happily. Natutuwa talaga siya sa pagiging prangka ko. “Nothing... Blank expression but I know, deep inside him... Baka nag-iinit na siya sa galit, and he just couldn’t tell and maybe... Takot siya sa parents niya. That boy, napipilitan lang naman siya sa arrangement naming dalawa but I didn’t understand him. Kung bakit gusto pa rin niya sa arrange marriage. Hindi na uso 'yon ngayon,” I said at marahan ko pang kinamot ang ilong ko. “At pinapauso pa rin ng both family niyo,” she commented and I nodded. “True...” I agree. “But Calysta. I’m curious too... Ano ba ang looks ni Lazel Hyrroz?” he asked me. “Why did you asked me that?” I asked her and I raised my eyebrow. “Just tell me already, Calysta. Come on, my dear best friend!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD