CHAPTER 4

2591 Words
Chapter 4: Meeting Calystharia Divyne I WAS about to find a vacant table when the girl uttered the familiar name. Parang nag-bell lang ito sa tainga ko. That's name. "Calystharia Divyne!" I stilled. Calystharia Divyne? Ang pangalan na iyon ang may-ari ng perfume endorser, right? Ang pangalan na nabasa ko sa brand ng perfume sa billboard kanina. Hindi ako dapat magkamali pero ganoon ba ang tamang pronunciation sa second name ng batang iyon? I thought it's Di-vin. Not Di-vayn. I just heard the footsteps of someone right beside me with her soft voice. "Miss, the correct pronunciation of my second name is Di-vin. Not Di-vayn. Please, always remember that." Just like that, my heart beats fast again and when I saw her face... Parang gusto ko na siya agad yakapin. I don't know why...why I felt this strange and have this urge to approached her, to hug her. I don't even know her. "Uhm... I'm sorry, Miss," hinging paumanhin ng babae sa bata. I slowly turned my head para makumpirma ko kung siya na ba ang batang nakita ko kanina sa billboard. Nakatalikod mula sa akin ang batang babae. She was wearing her light brown hoodie and a white sweatpants, a pair of black rubber shoes. If I'm not mistaken ay baka nasa eight to nine years old na siya. "Miss? Did you just called me Miss, ha?" she asked her with her mocked voice at binigyan diin ang salitang 'Miss.' "Don't call me that next time and remember my name, I'm Calystharia Divyne. Haist, hindi ako bibigyan ng magandang name ng Mommy ko kung tatawagin mo lang akong Miss," she said at sa sinabi lang nito. Sa mga katagang lumabas sa bibig ng bata ay halatang...suplada nga siya kahit ang bata-bata pa niya. "I'm sorry, Ma'am Calystharia. Hindi na po mauulit." "Excuse me? Mukha ba akong oldy na para i-po mo? Ako nga ay never kong sinabi 'yan." My lips parted in shock. Hindi lang siya sa maldita. Wala rin siyang galang sa mga nakatatanda sa kanya. Ang lamig pa ng boses niya. Parang hindi bata ang kausap ngayon ng babae. "Whatever. Where's my order?" "D-Dadalhin ko na lamang po--este sa table niyo," natatarantang sabi pa nito. "Do it now," mariin na utos pa ng bata at tinalikuran na niya ito kaya kami na ang magkaharap. Napaatras pa ako nang dalawang hakbang dahil sa pagkabigla. Nakita ko na, n-nakita ko na nga ang mukha niya. Siya nga iyon, siya nga ang batang iyon. Tama nga si Lethaniel. Mas maganda nga sa personal ang batang ito. Kahit suot pa niya ang sumbrero ng hoodie niya pero malinaw mo pa ring makikita ang maamo niyang mukha. Blangko ang mata niya at wala ring ekspresyon ang kanyang mukha. Kahit ang makipagtitigan ka lang sa kanya ay parang malulunod ka rin. Kakaiba... Tila isa lang siyang manika na nabuhay at walang kahit ano'ng reaction. "What are you doing, Mister? Are you... listening to us? What are you? A tsismoso?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin at nakakapang-insulto talaga ang mga salitang binibigkas niya. Naturuan ba ito ng tamang asal ng mga magulang niya? Pinangaralan kaya nila na bawal makipagsagutan sa mga nakatatanda kaysa sa kanya? At matutong gumalang sa kapwa niya, bata man o matanda ang makasasalamuha niya. Mahalaga pa rin iyon. Dahil sa mga nakikita ko at sa observation ko rin, hindi nga natuto sa tamang asal ang batang kaharap ko. Mukha rin siyang spoiled brat. Pero kahit ganoon pa man, hindi naglaho ang pintig ng puso ko at ang urge ko na lapitan siya at yakapin ng sobrang higpit. Hindi naman ako nababahala na baka kakaiba nga itong nararamdaman ko. Dahil alam kong hindi ako child a***e. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga kapatid ko. Parang lukso ng dugo? Pero higit pa, mas higit pa ang nararamdaman ko ngayon. Naghalo-halo nga rin ang emosyon ko at ang makita lang ang mukha niya ay parang buo na ang araw ko at may kasiyahan na agad sa puso ko. Parang napunan na rin niya ang tila kakulangan sa pagkatao at buhay ko pero alam ko rin naman na may kulang pa talaga. "Masama iyon. Masama ang makipagsagutan sa mas nakatatanda kaysa sa 'yo," sabi ko at hindi ko na pinahalata pa ang panginginig ng mga kamay ko at panghihina ng mga tuhod ko. Sobrang bigat para sa akin ang presensya niya. Nakapaninindig balahibo sa katawan. "Who are you ba para sabihin 'yan sa akin? My father? Even my Dad ay never niya akong pinangaralan ng ganyan, kaya sino ka sa inaakala mo? I will listen to you dahil lang sa bad nga ang makipagsagutan sa mga gurang just like you? Kahit na tama ka pa sa sinabi mo ay hindi ako susunod sa 'yo. You're just a stranger to me... A customer of this Pasta House and a tsismoso. Mas bad nga ang makinig sa conversation ng iba. Right, stranger?" mahabang sabi nito. Hindi naman ako naapektuhan sa pagiging matabas na dila nila pero sa sinabi niyang stranghero lang ako ay naramdaman ko ang pagsikip sa dibdib ko. May kirot din sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko iyon nararamdaman. Sa tingin ko naman ay hindi iyon normal. Dahil sa haba at dami ng kanyang sinabi ay sa salitang iyon lang ako mas naapektuhan? May kung ano talaga sa batang ito. Humakbang naman siya palapit sa akin at matalim na ang kanyang tingin sa akin. "You know what, Sir? You're guwapo pero sayang ka. Kasi...isa kang tsismoso at pakialamero pa. Ang dami mo ng role sa world natin, ah," she mocked me and she even rolled her eyes bago niya ako tinalikuran. Natigilan naman ako dahil may naaalala ako sa sinabi niya sa akin kanina. "Ang dami mo ng role sa world natin, ah." G-Ganoon ako dati... Kung magsalita at sa isang tao ko lang ginawa iyon. "Lazel Hyrroz!" Napatalon ang balikat ko nang marinig ko ang pangalan ko. I took a deep breath at pilit kong pinakalma ang sarili ko saka ko kinuha sa counter ang order ko. I choose the vacant table na malapit lang sa puwesto ng bata at tahimik na siyang kumakain. Napatingin pa siya sa side ko para lang irapan ako. “WHY are you laughing?!” sigaw niya kaya nakuha niya ang atensyon ng mga customer, “And why are you looking at me like that?!” Binalingan naman niya ang iba. “Lower down your voice, kid,” I told her. “Excuse me?! Why mo ba ako kinakausap, ha?” masungit na tanong niya sa akin. “Kid, listen. Kumain ka na lang sa halip na sumigaw ka at baka lumamig pa ang pasta mo,” sabi ko. “At sino ka naman para utusan ako? Kahit ang Mommy ko nga ay hindi niya ako inuutusan, ha!” sabi niya at pinagtaasan pa ako ng kilay. To the highest level ang kasungitan niya. “Kumain ka na rin diyan. Pakialamero!” Napahawak ako sa tainga ko dahil masakit talaga ang boses niya. Sobrang lakas at matinis din. Pero natutuwa pa rin ako na marinig ang boses niya, kahit na sinusungitan pa niya ako. Kinuha ko ang tray ko at lumipat sa table niya kaya mas tumaas ang kilay niya. She looks pissed off, even more. “Uupo ako, ha?” “What? Seriously? Magpapaalam ka pa talaga sa akin, eh nandiyan ka na nga nakaupo,” sabi niya. “Malungkot ang kumain na mag-isa. Ikaw, hindi mo ba nararamdaman iyon?” tanong ko at alam ko ang ginawa ko. Gusto kong makipagkaibigan sa kanya kahit na bata pa siya at nakatataas ng dugo ang pagiging suplada niya. “Sorry ka, hindi ko mararamdaman iyon dahil sanay na ako. Tse!” irap pa niya. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na ako sa pagkain. “But you can share your table naman sa akin, ‘di ba?” tanong ko at nanlaki ang mga mata niya. “Wow, conyo?” nang-aasar na tanong niya. “So?” “Bumalik ka na lang sa table mo, tss.” “Dito ang gusto ko, eh.” “Urgh! What a freak!” “Sshh... Bawal ang magmura,” suway ko sa kanya pero umikot lang ang mga mata niya. Pero lihim akong napangiti nang makita ko na ipinagpatuloy pa rin niya ang pagkain niya. Sinabayan ko naman siya at hindi man lang maalis ang tingin ko sa kanya. “Super ganda ko, `no? Kaya hindi mo maalis-alis ang tingin mo sa akin,” sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. “I’m Lazel Hyrroz Valdiviño. What’s your name, kid?” “I’m not asking your name and besides, wala akong balak na makipagkilala sa ‘yo. You just waste your time, Mr. Valdiviño,” she said. Parang hindi bata ang kausap ko ngayon, ha. “Kid, mas matanda ako kaysa sa ‘yo. Kaya dapat gumamit ka ng salitang ‘po’ kapag nakikipag-usap ka sa akin,” laban ko. “I don’t want to talk with you but you’re so feeling close and so hambog din. You know what? That’s one of the attitude of person that I hated so much. So, beware at ano naman sa akin kung mas matanda ka kaysa sa akin? Ang Mommy ko lang ang kauusapin ko with respect.” “And how about your Dad?” I asked. “At ano naman ang care mo sa Daddy ko?” “Bakit maldita kang makipag-usap sa ibang tao?” “Simple lang. Ayokong makipag-talk sa mga stranger just like you. Hello, common sense.” Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa mga pinagsasabi niya. “Ikaw na yata ang unang batang nakilala ko na walang galang and to the highest level na nga talaga ang kamalditahan mo.” Ang akala ko ay mao-offend siya sa sinabi ko pero hindi. “It’s fine. At least maganda ako.” Okay...there’s no doubt about that. “Baka...mas masungit ang Mommy mo, ha,” sabi ko na ikinatigil niya sa pagsubo ng pasta niya. “Masungit? Ang Mommy ko?” Parang nagulat pa siya sa tanong kong iyon. “Well, sa akin na lamang iyon kung masungit nga ba talaga ang Mommy ko. You don’t care about that...” she just said at natural na yata sa kanya ang magsalita na may pairap pa. Kahit hindi naman siya nagsasalita, na kung saan-saan lang gumagala ang mga mata niya ay umiirap talaga siya. “Hmm... What if ma-meet ang Mommy mo?” I joked. “Shut up! Don’t you dare do that! You don’t deserve my Mom!” sigaw niya at pabagsak na binitawan niya ang hawak niyang kutsara. Nasamid ako bigla dahil pinukulan pa niya ako ng masamang tingin. “Kid, wala naman akong ginagawa, ah. I just said, what if. Parang liligawan ko naman ang Mommy mo o aagawin ko from your Dad,” sabi ko at umiling. “Oh? My Dad? He’s not around...and what the! Bakit ba ako nagkukuwento sa ‘yo, ha?” naiiritang tanong niya. “Because friends na tayo?” ani ko at naglahad ako ng kamay pero tumawa lang siya na tila nang-iinsulto pero hindi ko na pinansin pa iyon dahil napako ang tingin mo sa magkabilang pisngi niya. “M-May butas ka rito, oh,” namamanghang sabi ko at nanlaki naman ang mata niya. “You too! Ugh, why?!” I chuckled. “Why, why?” I asked her. Hindi na niya ako sinagot, sa halip ay umirap na naman siya. *** “You know what... Kadarating ko lang from New Zealand,” pagkukuwento ko kahit na alam kong babarahin na naman ako ng batang ‘to. “Ano naman sa akin? Eh, ‘di wow nagmula pa sa other country!” See? Babarahin niya lamang talaga ako pero hindi niya sinita noong sumabay ako sa paglalakad niya. “May jetlag pa ako. Gusto kong kumain ng ice cream,” sabi ko at napahinto siya. “Para kang bata,” she said. “Ano naman? Bata lang ba ang kumakain ng ice cream? Kayo lang ba ang may karapatan na kumain no’n, ha?” Kung may makakakita lang sa akin na ibang tao ay baka sasabihin nila na ang tanda-tanda ko na tapos pinapatulan ko ang bata. “At bakit parang galit ka, ha? Inaaway ba kita?” kunot-noong tanong niya. “Gusto ko ngang kumain ng ice cream,” I said. “Kawawa ka naman pala. Sige, ituturo ko sa ‘yo kung saan ka makakabili ng ice cream.” Lihim akong napangiti dahil napilit ko rin siya na samahan ako. May ice cream parlor nga malapit sa park kaya naisipan ko na magpapalipas muna kami ng oras doon. “Ayaw mo? Libre ko pa naman,” sabi ko at ininguso ko sa kanya ang iba’t ibang flavor ng ice cream. Lumipat ang tingin niya roon. “Libre? Duh, I have money, I can buy naman,” she blurted out. I shrugged my shoulder. “Okay. What do you want?” “May ube flavor po kami rito, Sir,” sabi ng tindera sa akin. “I’m allergic,” sabi ko at hindi lang pala ako ang nagsalita dahil pati ang batang kasama ko. “Allergic ka sa ube?” I asked her and she nodded. “I can’t eat that,” aniya. “Me too,” sabi ko naman at hayan na naman ang pag-irap niya. “Gaya-gaya, pss.” “Just a chocolate flavor, please at siya raw ang magbabayad,” wika niya na ikinatawa ko. Nang makabili na nga kami ng same flavor ng ice cream na gusto namin ay tumambay kami sa swing habang kumakain. “Alam mo... Ang dami nating magkatulad,” pagsisimula ko at naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin. “At paano mo naman sa nasabi? Ni hindi mo nga ako kilala, ha.” “Calystharia Divyne ang pangalan mo at ikaw ang endorser ng perfume na kasing pangalan mo rin. I saw your billboard somewhere,” I said. “Ano naman?” tanong niya. “How old are you?” “I’m 9 years old at bakit ba kita sinasagot?” “Dahil friends tayo?” laban ko. “Hindi ako nakikipag-friends sa other people. Tss,” supladang sabi niya. “Curious ako. Palagi mo bang ginagawa ito?” “Ang alin naman?” “Ang tumakas.” “Hindi ako tumakas, duh... Alam ng Mommy ko ‘to, `no?” nakangusong sabi niya. Isang oras pa ang tinagal naming dalawa bago namin napagdesisyunan na umuwi na rin at nalaman ko na parehong condominium ang unit namin. “My Mom! Oh, gosh!” she said and started to run but...she suddenly stop. “Why?” I asked him. “It’s not unfair kung hindi ko alam ang age mo. How old are you ba, Mr. Stranger?” she asked. “I’m 28 years old,” sagot ko nang nakangiti. “Well. Hindi kayo bagay ng Mommy ko. Because she’s ten years older than you, Sir. Sorry ka,” sabi niya at naguguluhan ako sa narinig ko. Hindi ko siya agad naintindihan. Sinundan ko na lamang siya nang tingin at hinila pa niya ang kamay ng isang babaeng nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Nakasuot din ito ng hoodie na masyado ring mahaba. Hinawakan nito ang kamay ni Calystharia saka sila naglakad patungo sa elevator. Sumilip pa siya sa akin at nang kumaway naman ako ay isang gesture ang naging tugon niya. Na hindi niya ako gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD