CHAPTER 9

2669 Words
Chapter 9: Why? CALYSTA DANIELLA’S POV “And I believe, sa loob ng three months ay magiging successful ito.” “Paano ka nakasisigurado sa bagay na 'yan?” tanong sa akin ni Lazel na may pagdududa pa sa boses niya. Wala namang tao ang magdududa na sa loob lang ng three months ay magiging successful nga ang project namin. Marami pang pagdadaanan ito at hindi basta-basta. “Trust me, we can do this,” sabi ko lang at binalingan ko ulit ang mga staff ng V. Tunnels. “Hindi niyo kailangan mag-effort ng sobra, we need to creat a new project. Sa mga napapansin niyo nowadays, ano sa tingin niyo ang mas patok sa business na madali ring i-market? Uso sa kabataan ngayon,” sabi ko at may idea naman na ako kung ano ang new project namin. Pero gusto ko pa rin ng idea from them para mas matulungan ko sila. “Uhm... What about the apps? Games, iyon po ang madalas kong napapansin, Ma’am.” Tumango ako. “Good idea, and if ever maging successful tayo. Gusto kong ma-renovate ang company na ito at hindi na lamang siya bastang V. Tunnels, magiging Globalization na siya. Makipagtulungan kayo, bawat team sana ay ibigay niyo ang best niyo,” paalala ko sa kanilang lahat. May tiwala ako na magagawa nila ito at mananatili ako sa kanilang likuran upang suportahan sila. After the meeting ay pinuntahan ko naman ang office ng CEO, ang daddy ni Lazel. Malinis sa loob at kompleto ang mga gamit. Sa atmosphere pa lamang niya rito ay hindi na ako mabo-bore habang nagtatrabaho. Isa sa gusto ko kasi ang working place ko, if comfortable ako ay madali lang para sa akin ang work ko. “Sumama ka raw sa bahay, sabi ni Mommy. Gusto niyang isabay ka sa dinner namin tonight,” sabi niya na ikinalingon ko sa kanya. “Dinner...sa bahay niyo?” tanong ko sa kanya. “She just want you to dinner with us. Puwede kang tumanggi kung ayaw mo,” aniya. “I didn’t say anything,” I uttered. Nagtanong lang ako tapos sasabihin niya iyon agad sa akin na parang ayaw ko ngang makasabay sila sa dinner? “What about my family?” I asked him. “Ang Papa mo ang tumanggi. Gusto lang nila na ikaw ang pupunta roon ng mag-isa,” he answered. Bakit naman kaya ako lang gusto nilang pumunta? *** LAZEL HYROZZ’s POV “I told you to stop the car.” Hindi na ako nagdalawang isip pa at hininto ko na nga ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Abot-abot ang kaba ko dahil makikilala na niya yata ako at magkakatotoo na ang mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na matatanggal na ako agad sa trabaho ko. Bumaba siya agad mula sa kotse niya at umikot sa kabila, sa pinto mismo ng driver seat. Ano na? Ano na ang gagawin ko? Ano ba dapat? Isa talaga ito sa pinoproblema ko. Ang makita niya ulit ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag-isip ng matino at wala man lang akong naisip na idea? Kung paano ko ba siya pakikitunguhan ng hindi ako nagmumukhang katatawanan sa harapan niya. Mariin na naipikit ko ulit ang mata ko dahil sa pagkatok niya sa salamin ng bintana. Gusto niya akong bumaba. Dámn it, sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang ganito, na sobrang kabado at hindi na mapakali. Mukhang maiihi pa nga ako sa pants ko. Si Calysta Daniella Carvantes lang naman 'yan, ang babaeng pinakasalan ko ten years ago and the only woman who I hurt so much but my...greatest love. Believe me or not, sa kanya na tumitibok ang puso ko na dati ay parang wala lang. I looked at my hands, they are shaking at nararamdaman ko na rin ang panlalamig nito. I took a deep breath. Bahala na. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan akong bumaba. Hindi ko pa siya tinitingnan ay alam kong nakatingin na siya sa akin agad. “I-Ikaw?” she asked me. Nag-angat na ako nang tingin at sinalubong ko na ang mga mata niya. Her eyes are widened in shock, her lips parted a bit as she looked at me straight in the eyes. Ang hintuturong daliri niya ay nakatutok sa akin. Para hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa presensiya niya at nagulat pa dahil nagkaharap nga nga kami ulit pagkalipas ng ilang taon ay hindi ko na lang ipinakita pa sa kanya ang totoong emosyon ko. Mas pinili kong maging seryoso at madilim ang aura. “Lazel Hyrroz Valdiviño at your service, Ma’am,” I uttered without emotion. Nagawa ko pang yumuko sa kanya as I sign of respect. Well, malaki na ang respeto ko sa kanya ngayon. “Why? How did you become my personal driver? Sa lahat ng tao sa mundong ito... Bakit ikaw pa?” seryosong tanong niya, na kahit nasurpresa pa siyang makita ako ay malamig pa rin ang boses niya. I stared at her beautiful face. Ngayon nakita ko na nga ito ng mas malinaw at wala ngang nagbago sa hitsura niya. Ganoon pa rin ang mukha niya, maganda siya o tamang sabihin na mas gumanda pa siya lalo. Kakaiba pa rin ang paraan nang pagtitig niya, nanghihigop at nakapanghihina ng mga tuhod. Nanlalambot ang puso ko. Gusto ko siyang hawakan, gusto kong haplusin ang pisngi niya, ang ikulong siya sa mga bisig ko at lalong-lalo na...makasama ulit siya. Kung pagbibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon ay hinding-hindi ko na iyon sasayangin pa. At sa tanong niyang iyon sa akin ay naaalala pa niya ako. Nakikilala pa rin niya kung sino ang lalaking makapal ang mukha na hinarap siya ngayon pagkatapos siyang saktan at iwanan na lamang ng walang dahilan ten years ago. “I applied for that job, Ma’am,” I replied politely. Kakaiba nga ang trato ko sa kanya ngayon, na hindi katulad ng dati kasing sungit ko yata si Calystharia. “Do you know what job you’re applying for, Mr. Valdiviño? Are you qualified?” she asked me in cold voice. I nodded. Si Claves nga ang kumuha sa akin, ayon din naman sa gusto ko. “Yes, Ma’am. Personal driver, and I believe that I am qualified for that position because if I am not... Wala ako ngayon sa harapan niyo,” sagot ko sa marahan na boses na punong-puno ng paggalang. Para lang hindi niya ako patalsikin sa unang araw ng trabaho ko. “Really? Why and how? May mga malaking kompanya na hiring sila ngayon tapos... Mag-aaksaya ka lamang ng oras mo rito at naging personal driver ko pa? Hindi ka ba...nababaliw lang sa ginagawa mong ito?” nanunuyang tanong niya at hindi ko pinutol ang pakikipagtitigan ko sa kanya dahil ayokong sa paraan na iyon ay matatalo niya ako. Kahit handa naman akong magpatalo sa kanya. Pero nakasalalay nga rito ang kaligayahan ko. “You can contact the agency, kung ayaw niyo pong maniwala na qualified nga ba talaga ako sa trabaho mo. Choice ko po ito, Ma’am,” I said. “Ma’am? Hindi nga talaga kapani-paniwala iyon. Nababalitaan ko pa sa NEWS TV na successful ang family business niyo, pero ito lang ang trabaho na pinasukan mo,” saad niya at mabilis na nagtipa siya sa keyboard ng cellphone niya. “Kaya sa tingin mo ba ay paniniwalaan kita sa bagay na 'yan?” dagdag pang sabi niya. “Mr. Claves. Ipaliwanag mo sa akin ang nangyari. This is about the driver you hired for me. No... What? Hindi ba dapat iyon ang gawin mo? Mr. Claves...” Sa hitsura niya ay parang stress na siya agad sa akin. Wala namang masama ang maging personal driver niya dahil bukal sa kalooban ko na ginawa ito. Hindi ako nag-aalinlangan sa bagong trabaho ko, kahit na sa tingin niya ay nakabababa ng pride ng isang lalaki dahil lang sa kompanya naming lumalago na, na isama mo pang engineer na nga ako pero magiging driver lang. “You can’t just fired me, Ma’am. I already signed the contract,” I told her. Desperado na nga talaga ako sa lagay kong ito. Bago ko nga siya sinundo kanina ay dumating si Claves para mapirmahan ko na ang contract, and that contract ay umabot ng two years. Pinaghandaan na rin naman iyon ni Claves sa oras na makikita na ako ni Calysta. “Gusto ko pa ring i-review ang contract mo. Malaki ang tiwala ko sa agency ni Mr. Claves dahil client niya ako pero sa pagkakataon na ito... Mr. Claves...” sabi niya at mukhang kinakausap pa rin niya si Claves sa kabilang linya. “You can’t do anything about that? How come? God... You stressed me out,” she said at bago ako hinarap ngayon. Hinawi pa niya ang mahaba niyang buhok. “Ma’am?” “I don’t know the reason behind this... 'Cause I know you don’t need the money why you choose this job but... Wala akong panahon na makipag-usap sa 'yo about this at sa kalagitnaan pa ng... Let’s go,” she said and she get up of the car again. I sighed. She’s so cold and emotionless. Walang pinagbago ang pag-uugali niya, malamig na siyang makitungo at masyado ring matapang. Pero alam kong mabait naman siya. When we reached the High Tower I immediately got off from the car para pagbuksan siya ng pinto pero sumenyas siya sa akin na tumigil sa ginagawa ko. But I already opened the car. “You don’t have to do this. Your job is just a driver, hindi mo ako kailangang pagsisilbihan sa bagay na ito at hanggang dito ka lamang,” walang emosyon na sabi pa niya at agad niya rin akong tinalikuran. Nakatayo lang ako sa gilid ng kotse at pinapakiramdaman ang t***k ng puso ko. Mabilis pa rin ang pintig nito ngunit may nararamdaman din akong kakaiba. Ganito rin yata siya noong ako naman ang hindi pumapansin sa kanya at malamig ang pakikitungo ko. Masakit pala talaga siya. “Do I need to call my friends para makipag-inuman na sa kanila dahil first day of work ko pa lamang ay tanggal na ako agad?” natanong ko na lamang sa sarili ko at nakarinig ako ang sunod-sunod na footsteps palapit sa kinatatayuan ko. Nilingon ko ang taong iyon at siya lang pala, na binalikan ako. Kunot-noo pa siyang tumingin sa akin. “What are you still doing there? Follow me, may pag-uusapan tayo about the contract,” she said at sa sinabi niya ay nakaramdam ulit ako ng pag-asa kaya naman dali-dali akong sumunod sa kanya na halatang nagmamadali na naman siya. Habang sakay kami ng elevator ay nagtataka ako dahil 5th floor ang condo nila. Ito ang floor ng unit ni Calystharia at sa lahat din ng condominium sa Manila ay rito rin sila naninirahan. Kahit pala hindi ako magiging driver niya ay may pagkakataon na magkikita kami sa lugar na ito ng hindi sinasadya. Tiningnan ko pa ang numbero ng unit nila bago ako pumasok sa loob at napahinto rin sa pintuan dahil tatlong tsinelas na pambahay ang nakikita ko. Well, suot na niya ang isa. Panlalaki naman ang pangalawa at ang isa naman ay pambata... Makikita ko na kaya ngayon ang anak niya? Parang kinakabahan din ako na ma-meet ito at base pa lang sa tsinelas ay mukhang babae rin ang kanyang anak. Pink slippers. I wore the other one. Wala rin naman akong inaasahan na may makikita akong lalaki na tatawagin niyang asawa, kaya walang magagalit kapag ito ang susuotin ko. May matandang babae naman ang lumapit sa kanya at kinuha ang dala niyang handbag saka siya naglakad palapit sa couch. I followed her katulad ng inuutos niya kanina sa akin pero nanatiling nakatayo pa rin ako. “Have a sit,” she said. 'Saktong pag-upo ko naman ay nagsalita na siya. “Where’s the contract? Kailangan kong tingnan 'yan at kahit may pirma na ay iri-review ko pa rin. May mga rules ako,” sabi niya na ikinatayo ko bigla. Sinabi naman sa akin ni Claves kanina na kung magtatanong nga si Calysta ay ibibigay ko ang contract na pinirmahan ko pero nakalimutan ko sa kotse. “Sorry, Ma’am. Naiwan sa kotse niyo ang folder at nakalimutan kong dalhin,” nakayukong sabi ko at nakita ko pa ang paghilot niya sa sentido niya. “Kunin mo sa kotse at magmadali ka,” utos niya sa akin. Para hindi na nga mag-init pa ang ulo niya sa akin ay mabilis na akong kumilos. Bakit ba kasi nakalimutan kong dalhin iyon kanina? Tss. Sinabi niya rin na pag-uusapan namin ang tungkol sa contract ko pero hindi ko nadala. “Oh,” sambit ko at nagulat ako nang makita si Calystharia nang bumukas ang elevator. “What are you doing here in this floor?” she asked me confusedly. I smiled at her. “This is my first day of work. Kahahatid ko lang sa boss ko,” sagot ko sa kanya. “Ang ganda mo sa suot mong uniform ngayon, ah,” naaaliw na sabi ko at sumimangot siya. She’s wearing her white blouse, a blue necktie with a white stripes and blue skirt that similar to her tie. Black shoes and white socks. She’s beautiful. “In this floor? Wow naman,” pairap na sabi niya. “Don’t tell me madalas na tayong magkikita sa floor na ito? Sana naman hindi, dahil hate ko ang mga noisy na person just like you,” supladang sabi pa niya. Wala talagang araw na pagsusungitan niya ako. “Tatlong beses na tayong nagkita at alam kong magkikita at magkikita pa ulit tayo,” sabi ko at inikutan na niya ako ng mga mata. “Umalis ka na nga at umuwi na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng nanay mo,” pagtataboy niya sa akin saka niya ako nilagpasan. “Lalabas ka pa ba mamayang gabi? Hindi ba manlilibre ako sa 'yo?” tanong ko na padabog pa siyang lumingon sa akin. “I didn’t say anything. Palagi ka talagang nagtatanong, eh 'no? I’m really sure na dati kang reporter sa past life mo or maybe currently na iyon nga ang work mo.” “So, lalabas ka?” pangungulit ko pa rin. “Hindi. I’m tired and I want to rest na,” she replied at tumunog naman ang elevator kaya bago pa man ito magsara ay pumasok na ako sa loob. “Dumating ka man o hindi ay maghihintay pa rin ako sa 'yo, Calystharia!” sigaw ko kasabay na sumara na ang elevator. Mabilis ang bawat kilos ko para makabalik na ako sa unit. Ayoko siyang paghintayin. Pagpasok ko nga ulit ay napatitig pa ako sa isang espasyo kung saan nandoon kanina ang pink slippers. Mukhang nakauwi na ang anak niya? Dahil baka ginagamit na nito iyon? Ang bilis naman. Ni hindi ko siya nakita. Gusto ko rin naman makilala ang anak ni Calysta. Wala naman akong nararamdaman na kahit na ano, kahit na may ibang lalaki... I shook my head at bumuntong-hininga na lamang ako. Masasaktan lang ako kapag iyon ang iisipin ko. Wala na roon si Calysta sa kinauupuan niya kanina. Tiningnan ko ang second floor, na kitang-kita ang dalawang pintuan sa itaas, may hagdanan ito. “Sir, ang sabi po ni Ma’am Calysta ay bukas na lang kayo bumalik dahil nagpapahinga na po sila,” sabi sa akin ng matandang babae. “Pinapakuha na lamang po ang folder na dala niyo.” Ibinigay ko na lang din ang hawak kong folder. Nagmadali pa ako para makabalik na agad pero ni hindi man lang siya naghintay. Natagalan kaya siya sa akin kaya pinili na lamang niya ang magpahinga na sa itaas? Mabigat sa dibdib nang lumabas na ako pero naalala ko ang eksena kanina. Hindi mahalaga sa akin ang umalis siya bigla at hindi niya hinintay ang pagbalik. Ang importante...nakilala niya ako. Naaalala niya ako at nararamdaman ko na may pag-asa pa ako. Sana lang ay hindi ako nagkakamali sa nararamdaman kong pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD