CHAPTER 10

2299 Words
Chapter 10: Family dinner CALYSTA DANIELLA’S POV (Past) “SUSUNDUIN ka ng fiancé mo, Calla?” tanong sa akin ni Glean Aero. Ginamit na naman niya ang nickname ko na siya lang naman ang nagbigay no’n sa akin at siya lang din ang nag-iisang tumatawag sa akin ng Calla. Well, Glero naman ang nickname niya sa akin. “I don’t know, wala naman siyang sinabi sa akin,” sagot ko. She help me to dress up at para makapaghanda na rin for tonight. Nasa condo kami ngayon. Sinadya niya talaga akong puntahan dito nang sabihin ko sa kanya na may family dinner na naman kami and this time ay sa mansion na ng Valdiviño family. “Hindi ka sure, kasi wala naman siyang ni-say?” I shrugged my shoulder. “Huwag ka ng mag-dress, Calla. Suotin mo na lang ang navy green jumpsuit mo, tapos parisan mo na lang ng black cardigan para comfortable ka,” aniya na tinanguan ko lang. “Thanks...” “Easy access sana if naka-dress ka lang. Malay natin doon ka pala matutulog ng isang gabi lang tapos may mangyayari sa inyo ni Lazel.” Pinukulan siya ng masamang tingin dahil sa pinagsasabi niya. “Ang dirty talaga ng brain mo, Glero. Tumahimik ka riyan,” masungit na sabi ko. “Ang bata-bata pa no’n,” sabi ko. “Oo nga, bata pa para sa 'yo. Pero alam kong may needs ang batang iyon. Naku, Calla. After the wedding ay magpabuntis ka na agad,” sabi niya at tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Ano’ng magpapabuntis na naman ang pinagsasabi niya? “Glero, stop it. Wala pa akong balak na magkaanak,” inis kong saad. “And drop the word pregnant,” I hissed her. “Calla, kapag umabot ka na ng 30s ay mahihirapan ka ng manganak. Kaya habang nasa 20s ka pa ay magpabuntis ka na agad sa hubby mo. Bigyan mo ng apo sa tuhod si Lolo Ced.” Ang dami niya talagang alam, eh. “Glean Aero!” bulyaw ko sa kanya. Malakas lang siyang humalakhak at nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Hindi pa nga ako handa na magkaroon ng anak at hindi ko alam kung gusto rin ng isang iyon, lalo pa na nag-aaral pa siya. Baka hindi niya rin kaya ang responsibilidad bilang ama ng isang bata. Wala pa sa hitsura niya na ang pagiging handa na maging daddy. Ni hindi ko nga kayang ma-imagine ang hawakan niya ako sa kung saan-saan na parte ng katawan ko. Kinikilabutan talaga ako at parang bibilis pa ang t***k ng puso ko. “Oh, bakit ka nag-ba-blush diyan? Wala pa akong nilalagay na make-up sa 'yo, Calla. Umayos ka riyan. Mukhang kinikilig ka na riyan, ah,” natatawang sabi pa niya. “Ikaw 'tong green minded, Glero. Huwag mo akong pag-trip-an,” walang emosyonal na sabi ko. “Excited lang naman ako na maging ninang ng first baby mo, Calysta! Oh, siya double strap heels ang suotin mo,” she said at ibinaba sa carpeted floor ang isang box ng shoes. “Thanks. Kaya ko namang ayusin ang sarili ko. Nag-abala ka pa talaga,” sabi ko. “Hay, wala iyon. Gusto ko lang naman na maging maganda ka mamayang gabi. Alam ko kasi na natural beauty lang ang ipinakita mo. Magpahaba ka na ng hair mo, Calla. Mas maganda ka kung long hair, eh,” suggestion niya at sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. “Ayoko. Naiinitan ako sa long hair,” tanggi ko. At si Lazel Hyrroz nga ulit ang sumundo sa akin. Tahimik lang siya katulad kaninang umaga kaya hindi na rin naman ako nagsalita pa. Ayoko rin naman siyang kausapin dahil super behave nga niya. Nagdala pa ako ng fruits, bouquet for his Mom and a wisky for his father naman. Nang makita niya iyon ay nagsalubong pa ang kilay niya. “Hindi ka na sana nag-abala pa, this is too much,” malamig na saad niya. “This is nothing,” I said at sabay pa kaming naglakad papasok sa mansion nila. May kalakihan naman ito at maganda siya. “Good evening po, Tita... Tito,” nakangiting bati ko sa kanila at may dalawang lalaki pa ang nakatayo sa tabi nila. Kamukha ni Lazel, mas bata nga lang ang isa. “Thank you for coming, hija and welcome sa bahay namin. Maliit lang ito compared sa mansion niyo,” sabi sa akin ng Mommy ni Lazel. Wala namang kaso sa akin. “And you have a beautiful mansion po, Tita,” sabi ko at inabot ko sa kanya ang bouquet. “By the way, this is for you po, Tita and nagdala rin po ako ng wine,” sabi ko. “Thanks, Calysta. Hindi ka na sana nag-abala pa, hija. But anyway, nakahanda na pala ang dinner. Come on,” sabi niya at sumunod naman ang dalawang lalaki. Si Lazel ang kasabay ko sa paglalakad para magtungo sa dining room nila. Alangan naman na iwanan niya lamang ako rito ng basta-basta, hindi ba? “Ganito rin ba ang gagawin ko?” biglang tanong naman ni Lazel na ikinalingon ko sa kanya. “What?” tanong ko. “If I’ll visit you in your mansion. Magdadala rin ba ako ng bulaklak? Isang basket ng prutas? At wine para...suhol?” Nainis ako sa sinabi niya. Ginagawa ko hindi dahil lang sa suhol. Hindi ako ganoong klaseng tao, kaya bakit iyon ang iniisip ng lalaking ito? “Lazel...” “Don’t do this again. Ang mga lalaki lang ang gumagawa nito. Hindi bagay sa 'yo. Parang pabor nga sa 'yo ang set up na ito. Gusto mo na rin yatang magpatali sa akin agad, eh,” walang emosyon na saad niya sa akin at basta na lamang ako iniwan. Ang sakit niyang magsalita, ha. Hindi ako sanay sa mga taong ganoon kung magsalita at kaharap ko pa. Na ako pa ang pinagsasabihan niya ng ganoon. Ayoko lang naman na pumunta sa house nila na wala akong dalang kahit na ano sa family niya. Nahihiya ako. Ang batang iyon... Talaga naman... Ang kitid ng utak, ang sarap niyang sapakin sa face niya, ah. Ang dami nilang hinanda para sa dinner at amoy pa lang ay masarap na. Tapos ang Mommy pa ni Lazel ang nagluto ng mga ito. “Calysta, ito pala ang mga kapatid ng fiancé mo,” sabi sa akin ni Tito at itinuro niya ang dalawa niyang anak. “I’m Kazel Shym Valdiviño, I’m sorry kung hindi nakasama sa atin ng dinner ang asawa ko. Maselan kasi ang pagbubuntis niya at nahihilo siya sa biyahe. Kaya ako lang mag-isa ang nakarating,” ani ni Kazel Shym. Guwapo rin pala siya at siya nga ang panganay na anak na may pamilya na. “Nice meeting you, Kazel,” sabi ko. “At walang probs sa akin, makikilala ko naman ang wife mo sa ibang araw.” “Ako naman po si Yazel Khym, Ate Calysta. First year high school pa po ako,” pakilala naman ng bunso nilang anak, siguro. He’s cute and I can feel it that he’s friendly. Napansin ko ang mga pangalan nila. Kakaiba at kahit simple lang ay magandang bigkasin. Lazel, Yazel and Kazel. “Nice to meet you too, Yazel.” “Hija... Sige na kumain ka na. Masarap ang pinakbet, dahil ako mismo ang nagluto niyan,” ani sa akin ng ginang at tumango naman ako. Nang matikman ko ang luto niya ay naalala ko ang Mama ko. Marunong din siyang magluto at talagang nami-miss ko na ang foods na hinahanda niya para sa amin. “Salamat po, Tita. Ang sarap po ng luto niyo,” sabi ko. Walang halong biro iyon. Seryoso ako sa sinabi ko na masarap siyang magluto. “Paborito 'yan ni Lazel, hija,” pagbibida niya at napatingin ako sa katabi ko. Tahimik lang talaga siyang nakaupo at kumakain. Sa katapat naman naming nakaupo ay ang kanyang ina at ang dalawa niyang kapatid. Nasa kabilang side ang Daddy niya, kung saan doon talaga nakapuwesto ang padre de pamilya. Hindi naman pala masama ang magkaroon ng isa pang family dahil mabubuti silang lahat. Maliban na lamang sa lalaking nakaupo sa aking tabi at walang pakialam sa presensiya ko. Inaaway pa ako ng walang dahilan. “Marunong po akong magluto, Tita. Pero ang pinakbet po ay hindi ko alam kung paanong lutuin,” nahihiyang sabi ko. Gusto kong matutong magluto ng ganito. “Tuturuan kita, Calysta. Para araw-araw ay naipagluluto mo ang asawa mo,” she said. Kahit na hindi pa kami kasal ng anak niya. *** LAZEL HYRROZ’s POV Katulad nang sinabi ni Calystharia ay hindi nga siya darating dahil pagod daw siya galing sa school nila. Nagtagal pa ako ng dalawang oras doon at nakailang order ng pasta na hindi ko naman kinakain para lang talaga hintayin siya. Kaya bumalik na lamang ako sa condo ni Lethaniel at nagpahinga na walang laman ang sikmura ko. Hindi rin naman ako gutom. Nahuhulog ako sa malalim na pag-iisip pero bumalik din ito sa realidad nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Si Claves at tumatawag. Nang sagutin ko nga ay akala ko siya lang pero narinig ko na agad ang boses ni Lethaniel. “Kumusta, Lazel? Napatalsik ka na ba agad? Tara, inom tayo? Kami ang manlilibre sa 'yo. Ano na?” tanong ng kaibigan ko, si Lethaniel. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya. “Huwag kang mag-alala, Lazel. Kung hindi mo makukuha si Calysta Daniella Carvantes ay sa anak ka na lang magsilbi. Gagawin kitang personal driver niya. Game?” tanong sa akin ni Claves, na tinawanan na naman ng isa pa. “Pinsan, mas pipiliin ko na si Miss Calysta na lang magsisilbi si Lazel. Kaysa sa anak nitong...kasing sungit dati ng kaibigan natin,” sabat ni Lethaniel. “What do you mean by that, Lethan?” I asked him from the other line. Ano nga ba talaga ang mayroon sa batang iyon at ganito kung maka-react sina Lethaniel at Claves? “Basta malalaman mo rin naman. So, how’s your first day of work? Nakilala ka ba niya?” “Pinahinto niya ang sasakyan sa kalagitnaan nang biyahe namin and yes... Naalala niya ako at mukhang galit nga yata siya sa akin,” sagot ko. “Hindi na 'yan mukha at yata. Dahil talagang may galit na sa 'yo. Kung naaalala ka niya ay mas naaalala niya rin ang ginawa mo sa kanya dati,” ani ni Claves at bumuntong-hininga ako. “Titiisin ko na lang ang malamig na pagtrato niya sa akin at saka ire-review niya raw ang contract. Wala naman siyang sinabi sa akin na patatalsikin niya ako. Nagulat lang siya dahil bakit daw sa lahat ng tao sa mundong ito ay ako pa ang naging personal driver niya? At bakit driver lang ang pinili kong trabaho?” pagkukuwento ko. “Natural magugulat siya. Isang engineer ay magiging driver lang ng isang sikat na business woman sa bansa natin? Successful na ang companiy niyo, sa tulong niya rin ten years ago ay naging malaking kompanya na kinikilala na rin sa ibang bansa. Ang laki nga ng utang loob niyo sa taong iyon, tapos ginanon mo lang siya?” seryosong sabi ni Lethaniel. “Nag-aral ka sa abroad at kasama mo pa si Hanemira. Naging kayo ba, bro?” curious na tanong ni Claves sa akin. Naalala ko ang araw na iyon. Noong sabay kami nagpunta sa New Zealand ni Hanemira dahil pareho kaming nakapasa sa scholarship at napagdesisyunan na rin namin ang tapusin na lang ang kolehiyo roon tapos magtatrabaho na rin kami. Uuwi lang kami kung kailangan na. Oo, naging kami nga ni Hanemira. Niligawan ko siya at sinagot naman niya ako. Dahil pareho naman ang nararamdaman namin at muntik pang...may mangyari sa amin ng gabing iyon. But I realized that...hindi na nga siya ang tinitibok ng puso ko kaya sa huli ay nasaktan ko pa rin si Hanemira. “Yes,” sagot ko. Dahil inaamin ko naman iyon. “May nangyari ba sa inyo?” tanong ni Lethaniel at napakunot ang aking noo. “Why did you asked me that?” I asked him. “Wala lang. Nagtanong lang ako.” “Eh, sa ex-wife mo ba, Lazel? Bago mo siya iniwan ay may nangyari na ba sa inyo?” Si Claves. Lasing ako nang gabing iyon at wala akong maalala. Nalaman ko lang na may nangyari sa amin ay nagising ako kinabukasan na katabi ko na siyang natutulog. We’re both n***d at nakayakap din siya sa akin. Hindi mawala sa akin ang init ng katawan niyang saglit kong naramdaman. “Wala,” I lied. Dahil mas mabuting ako na lamang ang makakaalam no’n. “Sayang naman...” narinig kong magkasabay na sabi pa nilang dalawa. “I-update mo kami ulit, Lazel. Okay?” “Sige,” sagot ko at muling humiga sa kama. I woke up early in the morning to jog outside. Nagsuot lang ako ng muscle shirt and a jogging pants, black sneakers. Kinuha ko ang earphones and my cellphone saka lumabas. May maliit na bag din akong dala para paglagyan ko ng bottled water at face towel. Nagpatugtog ako nang kanta ni Alan Walker. Nag-ikot-ikot lang ako sa park at may nakikita rin ako na nag-e-exercise. Tumigil lang ako nang pinagpawisan na ako at hiningal ng sobra. Lumapit ako sa isang bench at doon ako umupo. Kinuha ko ang tubig ko sa loob ng bag saka ko ito ininom pero nagulat ako nang makita ko ang babaeng naglalakad na palapit sa direksyon ko. Naibaba ko ang tubig at napatayo ng wala sa oras. Nagsisimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. “Lazel Hyrroz?” Damn it, dito ko pa ulit talaga siya makikita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD