CHAPTER 11

2519 Words
Chapter 11: Meeting Calysta’s daughter CALYSTA DANIELLA’S POV “KUWARTO po ito ni Kuya Lazel, Ate Calysta.” Gusto ko ang batang 'to. Mabait na at approachable pa. Hindi siya katulad ng kuya niya, masungit na nga at masama pa ang ugali. Ma-attitude ang lalaking iyon. Mabait naman ang parents niya, si Kazel ay ganoon din naman. Pero si Lazel Hyrroz lang talaga ang naiiba ang ugali. “Thanks, Yazel. But it’s okay if mag-stay muna ako rito saglit? Hindi ba magagalit ang kuya mo sa akin?” nag-aalangan na sabi ko. “Hindi po 'yan, Ate. Lagot po siya sa Mommy namin kapag pinagalitan ka niya at saka fiancé ka na po niya,” sabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya para lang guluhin iyon at mahina siyang tumawa. “Kung ganoon, ikaw ang bahala,” ani ko at hindi na ako nag-alangan pa na pumasok sa loob ng silid ni Lazel. Malaki naman siya pero mas malaki nga talaga ang room ko. Napakalinis ng loob tapos may mini bookshelves siya. Ang dami niyang libro, mukhang mahilig siyang magbasa. Umupo naman ako sa kama at tiningnan ko ang kabuuan ng kuwartong ito. Hanggang sa dumako ang aking tingin sa bedside table. Inaasahan ko na talaga na may picture siya roon. Maliban sa family portrait nila na seryoso naman siya at walang kangiti-ngiti. “Maiwan na muna po kita, Ate. May tatapusin pa kasi akong assignment, eh,” paalam niya sa akin. Nilingon ko siya at matamis na ngumiti sa kanya. “Sige lang,” sabi ko saka niya ako iniwan dito. Lumipat ako sa kabilang side ng bed niya. Kahit ang amoy sa loob ay pamilyar sa akin. Hindi mapagkakaila na siya nga ang may-ari. Nang makita ko na ng malinaw ang picture ay nanliit pa ang aking mata. Bakit yata ibang Lazel Hyrroz ang nakikita ko sa picture na ito ngayon? Kakaiba ang aura niya at mukhang mabait siya rito, ha. Kukunin ko na sana ang picture frame na iyon nang may humila sa kamay ko at napaigik ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagdiin ng kamay niya sa balat ko na pati ang kulo niya ay bumaon din. “L-Lazel?” nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Napatayo na ako dahil hinihila nga niya ang pulso ko at masyado siyang marahas. “What are you doing here? Sino ang nagbigay sa 'yo ng permiso na pumasok sa loob ng kuwarto ko at hahawakan mo pa ang mga gamit ko?” malamig na tanong niya sa akin. “B-Bitawan mo muna ako... Nasasaktan ako, eh,” sabi ko. Marahas naman niya akong pinakawalan at muntik pa akong mapahiga sa kama niya. “Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ka sa akin?” inis kong tanong sa kanya. Dahil nakita ko lang ang kamay kong mabilis na namula. Bakit ba kasi ganoon siya makahawak sa akin? “Ikaw ang problema rito. Labas. Wala akong sinabi na puwede kang pumasok sa kuwarto ko. Kaya lumabas ka na bago pa kita kaladkarin!” Napaigtad pa ako sa gulat nang pagtaasan niya ako ng boses. Sinisigawan nga ako ng batang 'to! Nakaka-stress na siya, ha! “I’m easy to talk to and don’t yell at me just because you’re angry that I came here without your permission!” sigaw ko rin pabalik sa kanya. Bakit ba ang init ng ulo niya sa akin? Dahil sa nararamdaman kong inis at galit ay padabog akong naglakad. Umalis na ako roon. Hindi pa nga kami kasal na dalawa ay ganito na ang trato namin sa isa’t isa. Nakaiinis lang siya. “Hija, saan ka na pupunta? Naghanda ako ng dessert.” Hinarangan ako ni Tita para lang ayayain na kumain ng dessert. “Tita... Puwede po bang next time na lang? Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko,” ani ko at gusto ko na lang talaga umuwi. Ayoko nang makita pa ang face ng batang iyon. “Ganoon ba? Oh, siya sige, Calysta. Nasaan na kaya si Lazel? Ipahahatid kita, hija,” aniya. “Hindi na po, Tita. Nagpasundo na po ako sa driver namin at gabi na rin po. Delikado na sa daan,” sabi ko at nakita ko pa si Lazel na pababa na sa hagdanan nila. Diretso ang tingin niya sa akin at kahit malayo pa siya ay kinikilabutan na ako. “Sige po, Tita. Aalis na ako,” nagmamadaling sabi ko pa at hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya. “Calysta, hija...” Nang makalabas na ako sa mansion nila ay parang gusto ko nang tumakbo. Huwag lang akong maabutan ng snobber na iyon pero mukhang nagkamali ako. “Ihahatid kita,” narinig kong sambit niya at umikot ang eyes ko. Hindi ako magpapahatid sa 'yo. Tss. *** LAZEL HYRROZ’s POV “LAZEL Hyrroz?” “Calysta...” I uttered her name at kumunot naman ang noo niya. Siguro ay nagtaka siya kung bakit ganoon ang tawag ko sa kanya. Gayong kagabi lang ay tinawag ko siyang ma’am. She’s wearing her black sando, a pair of white jogging pants and red rubber shoes. Naka-earphones din siya at may white towel sa balikat niya. Mataas na nakapusod ang mahaba niyang buhok. Tagaktak na rin siya ng pawis pero maganda pa rin siyang tingnan kahit nababasa na rin ang buhok niya. “I’m sorry for what happened yesterday. Anyway, pumunta ka sa unit namin para pag-usapan natin ang contract mo.” Nilapitan ba niya ako para sabihin niya lang iyon sa akin? Para ipaalala? “Are you going to fire me?” I asked her. “What do you think? Because I believe this job is not for you,” she said coldly. “I don’t need a driver like you, sa isang technology company lang ang dapat na maging working place mo. Hindi ang kotse lang at hindi ako ang magiging boss mo,” sabi niya at naiintindihan ko naman siya. Pero seryoso kaya siya na paaalisin na niya ako sa trabaho ko? At ano naman kung siya pa ang magiging boss ko? Wala namang problema sa akin. “Okay,” tipid na sagot ko lang saka niya ako tinalikuran. Pinanood ko lang siyang naglalakad na palayo sa akin. Hindi ako sanay na tinatalikuran na niya ako ng ganito. Because I am the only one who did that. Ilang beses ko siyang tinalikuran dahil lang sa hindi ko siya gusto. Pinunasan ko ang pawis ko saka malalaki ang paghakbang ko para maabutan siya. May cellphone na ang nakatapat sa tainga niya at mukhang may kausap na rin ito sa mula sa kabilang linya. “Maaga pong umalis ang anak ko? Nag-commute lang po siya? School bus iyon at alam niyang hindi makakasakay ro’n ang mga bodyguard niya,” narinig kong sabi niya. Mukhang pasaway ang anak niya, ah. “Tatawagan ko po muna siya,” sabi pa niya. “Love, hindi ba ang sabi ko sa 'yo ay hintayin mo ako na ihatid ka sa school mo? Ayaw mo naman na may kasama kang bodyguard at ano na naman ba ang ginawa mo sa personal driver mo?” Ganoon pala siya kalambing sa anak niya at hindi malamig ang boses niya. Napakarahan din ng bawat pananalita niya. Parang dinuduyan ka lang. “You fired him---what? You’ve got to kidding me? No...love. Ako na ang maghahanap sa 'yo ng bodyguard mo na makakasama mo at hindi na magbabantay pa sa 'yo mula sa malayo... 24/7, no... It’s a girl this time...” Pagkatapos niyang kausapin ang anak niya sa phone ay lumingon pa ito sa akin. “Bakit dito ka sa place na ito nag-jo-jogging?” she asked me. “Sa High Tower ako nakatira,” sagot ko na tinanguan niya lang. Kaswal lang ang pakikipag-usap niya sa akin pero nararamdaman ko pa rin na parang may pader na ang nakaharang sa pagitan namin. At sobrang taas no’n para abutin ko pa o kahit ang ilang beses kong sirain ay hindi kayang tibagin ang bagay na iyon. “I’ll wait for you by 7AM. Don’t be late if you don’t want to be fired too,” she said coldly. Napakamot na lamang ako sa batok ko dahil ang seryoso niya nga at kinakabahan ako sa presensiya niya pero sa tingin ko ay normal na iyon. *** “Pasok po kayo, Sir,” pag-aaya sa akin ng matandang babae na kasama ni Calysta nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. “Naghihintay na po si Ma’am Calysta sa living room, Sir,” she said. Nadatnan nga namin si Calysta na nakaupo sa sofa at nakatutok ang kanyang atensyon sa laptop niya. Tiningnan ko ang center table na maraming folder ang nakapatong doon at ang handbag niya. Kanina pa kaya siya naghihintay rito? Pero maaga naman akong pumunta, ah. “Manang, pakihatid po mamaya ang lunch ni Caly---” hindi niya natapos ang sasabihin niya sana nang mag-angat siya ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. “You already here. Have a sit,” malamig na saad nito. Parang gusto kong ngumuso sa kanya. Bakit ba umagang-umaga ay napakaseryoso na niya at madilim pa ang aura. Maririnig ko lang ang boses niya na naglalambing kung ang anak na niya ang kausap niya. When it comes to other ay iba na ang trato niya. I sat down on the sofa and she was sitting in front of me. Sinara niya ang laptop niya at inilapag iyon sa mesa. May puting folder siyang kinuha at sa tingin ko ay ang kontrata namin na iyon. “Good morning,” I greeted her. She stared at me for awhile but she immediately looked away. Ni hindi man lang ako binati pabalik. “I planned to change the contract, and the expiration but Mr. Claves told me na hindi na raw puwede itong palitan dahil naka-sign na rin ang attorney niya. I’m telling you the truth, hindi kita gusto para sa trabahong ito. Because I think, may mga tao pa rin naman diyan na mas nangangailangan ng trabahong ito---” “Sorry to interrupt you, Ma’am. Kailangan ko rin ang trabahong ito dahil ngayon pa lamang ako magsisimula. Kadarating ko lang sa bansa,” I reasoned out at nagsalubong na naman ang may kanipisan niyang kilay. “What do you mean by that? Ano’ng magsisimula ka pa lamang?” she asked me in confused. “Katulad po nang sinabi ko kanina ay nagsisimula pa lang ako ngayon. Wala pa akong trabaho,” paliwanag ko ulit. Totoo naman kasi na wala pa akong trabaho. “Mr. Valdiviño, according to your resume, you’re an engineer. So, tell me... Paano kita tatanggapin sa trabahong ito kung alam kong professional ka na?” she asked me. “I am not, I still need to take my board exam here in the Philippines...” “You are unbelievable. May company kayo,” she said. “Okay, I’ll give you a chance. Just do your job well at iwasan mo ang ma-disappoint ako. May mga rules akong na-encode here, just read it. Bibigyan din kita ng schedule ko kung kailan mo ako susunduin sa work ko,” her explanation at ibinigay na niya sa akin ang folder. “Salamat,” sabi ko na ilang segundo pa niya ako tinitigan. “Let’s go.” That’s my second day being of her personal driver pero parang isang normal na driver niya rin ako dahil kung sa tuwing hinahatid ko siya ay nakatutok pa rin siya sa laptop niya at kung pauwi naman ay ganoon din siya. Dalawang araw pa ang lumipas at ganoon lang ang routine naming dalawa. Ni hindi niya nga ako kayang sulyapan at madalas niya lang akong dinadaanan. Parang hangin lang ako sa kanya. Ang hirap na nga niyang abutin na kahit ang lapit-lapit ko na sa kanya ay parang ang layo pa rin niya mula sa akin. Isa pa sa pagkawalan ko nang pag-asa na hindi ko na nakita pa si Calystharia. Sa dalawang gabing nagdaan ay hindi na siya bumalik pa sa pasta house. Tapos kahit labas-pasok na ako sa condo ni Calysta ay hindi ko man lang nakita ang anak niya. Hindi ko alam kung bakit ang malas ko na hindi ko nakilala ang batang iyon. I’m at the park just quietly reflecting. I was sitting on the swing and it was quiet at night when I heard her familiar voice. “You look sad, kawawa ka naman.” “Calystharia,” nakangiting sambit ko sa pangalan niya. Parang nabuhayan na naman ang loob ko. “Hi,” bati ko sa kanya at sumimangot naman siya. Nakasuot na naman siya ng pink hoodie niya at nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa nito. Masungit na naman ang aura niya. “Bakit nandito ka na naman in the middle of the night?” she asked me. “Hey, bakit ngayon lang kita nakita? May nangyari ba?” sa halip ay tanong ko sa kanya. “Nothing, huwag mo ng alamin dahil wapakels ka naman,” supladang sabi niya. “Seryoso nga ako. May nangyari ba at hindi ka na pumupunta sa pasta house?” I asked her. Gusto kong malaman, eh. “That’s because of my Mom,” sagot niya at naglakad na palayo. Napakamot ulit ako sa batok ko at sumunod sa kanya. Bakit ba ang hilig ng mga taong talikuran ako? Sinabayan ko na siya sa paglalakad pauwi. “Calystharia...” “It’s Divyne,” she corrected me. “Calystharia ang gusto ko, eh.” “Ang kulit mo, ha. Divyne nga,” aniya. “Calystharia...” pangungulit ko pa rin sa kanya. “Oh, happy ka na niyan? You just uttered my name ay nawala na ang sad aura mo, talaga naman...” Mas napangiti ako sa narinig kong sinabi niya. “I’m sad nga kanina dahil hindi na ako pinapansin ng babaeng gusto ko,” sabi ko at nakita pa niya ang pagnguso ko. “Unbelievable. I thought may wife ka na? Bakit may other girl ka ng nagugustuhan?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at nagawa niya rin akong pagtaasan ng kilay. “Basta... May gusto akong iba, kaya naging driver niya ako,” sabi ko at naglahad ako ng kamay para mauna na siyang sumakay ng elevator. “Driver? Driver lang ang new work mo, seriously?” gulat na tanong na naman niya sa akin. Malapad ang ngiti ko na tinanguan ko siya. “Why? Why driver?” “Qualified ako, eh. Saka gusto ko,” sabi ko at ilang beses siyang umiling. Sa pagbukas naman ulit ng elevator ay tumambad na sa amin si Calysta. Nakasuot siya ng itim na hoddie at hindi man lang siya nabigla na makita ako. Wala na nga talaga ako sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa katabi kong bata. “Mom...” “Susunduin pa lamang kita, Calystharia. Bakit ba...lumalabas ka sa ganitong... Wait...magkasama kayo?” tanong niya at binalingan ako. Calystharia? Wait, kilala ni Calysta ang batang kasama ko ngayon? Hindi ba ako nagkamali lang sa narinig ko kanina na tinawag siya ni Calystharia na Mom? Maayos pa naman ang tainga ko, 'di ba?” Paanong...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD