CHAPTER 12

2643 Words
Chapter 12: Discipline & new bodyguard CALYSTHARIA? Wait, kilala ni Calysta ang batang kasama ko ngayon? Hindi ba ako nagkamali lang sa narinig ko kanina na tinawag siya ni Calystharia na Mom? Maayos pa naman ang tainga ko, ‘di ba? Paanong... Tama naman kasi ang pandinig ko. Hindi ako dapat magkamali. Paanong ganoon ang tawag sa kanya gayong ngayon lang sila nagkakilala? Not unless na magkakilala talaga sila? “Why are you so shocked? She’s my Mom,” Calystharia told me as she rolled her eyes at me. And I remembered something... “Baka...mas masungit ang Mommy mo, ha.” “Masungit? Ang Mommy ko?” “Well, sa akin na lamang iyon kung masungit nga ba talaga ang Mommy ko. You don’t care about that...” “Hmm... What if ma-meet ko ang Mommy mo?” “Shut up! Don’t you dare do that! You don’t deserve my Mom!” “Kid, wala naman akong ginagawa, ah. I just said, what if. Parang liligawan ko naman ang Mommy mo o aagawin ko from your Dad.” “Oh? My Dad? He’s not around...and what the! Bakit ba ako nagkukuwento sa ‘yo, ha?” “Well. Hindi kayo bagay ng Mommy ko. Because she’s ten years older than you, Sir. Sorry ka.” “Nice. Sasabihan ko siya agad at alam kong hindi ito tatagal ng tatlong araw ay magsisimula ka na.” “Kaya lang may sabit.” “Ano naman ang sabit na ‘yon? Sinabi naman sa akin ni Lethaniel na wala pa siyang pamilya.” “Cute na sabit ba ‘yon, Claves?” “Malalaman din naman ni Lazel kung ano ba ang tinutukoy natin.” “Ibigay mo na lang sa akin ang cellphone number mo para maibigay ko na rin sa kanya kung sakali man na kailangan ka na niya.” “Saan ka pala tumutuloy ngayon?” “Sa condo ni Lethaniel.” “Sa High Tower ba?” “Nice... What a small world. Okay, i-update kita agad.” “Hindi ba may anak na si Ma’am Calysta?” “Paano kaya siya nagkaroon ng anak. Eh, alam naman natin na walang asawa si Ma’am Calysta.” Walang asawa...pero may anak na? “Damn it. Gusto kong makilala ang anak niya.” “Mahirap makuha ang loob ng batang iyon, Lazel. Ah, basta hintayin mo na lang ang tawag sa 'yo ni Claves at ikaw na mismo ang kumilala sa anak niya.” “Ano’ng floor ka ba?” “5th floor.” “I wonder... Ano ba ang name ng wife mo, ha?” “Kapangalan mo lang siya.” “I don’t understand.” “Ikaw... Ano ba ang pangalan ng Mommy mo?” “Bakit tinatanong mo ang name ng Mommy ko?” “I just want to know.” “Calystharia...” “What are you doing here in this floor?” “This is my first day of work. Kahahatid ko lang sa boss ko.” “Ang ganda mo sa suot mong uniform ngayon, ah.” “In this floor? Wow naman.” “Maaga pong umalis ang anak ko? Nag-commute lang po siya? School bus iyon at alam niyang hindi makakasakay ro’n ang mga bodyguard niya.” “Tatawagan ko po muna siya. Love, hindi ba ang sabi ko sa 'yo ay hintayin mo ako na ihatid ka sa school mo? Ayaw mo naman na may kasama kang bodyguard at ano na naman ba ang ginawa mo sa personal driver mo?” Ngayon napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Doon sa elevator ay narinig ko na ang boses ni Calysta. Hindi lang ako naghinala. Tapos ang mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na mahirap kunin ang loob ng anak ni Calystharia. At napatunayan ko na totoo nga dahil sa unang pagkikita namin ng bata ay pinakitaan na ako ng kasungitan niya at kaya rin pamilyar ang mukha niya sa akin dahil siya pala iyong anak ni Calysta. Doon naman sa condo, noong lumabas ako ay nandoon pa ang pink slippers at nasalubong ko pa sa labas si Calsytharia. Noong bumalik naman ako ay wala na roon ang slippers. Hindi naman puwedeng nagkataon lamang ang lahat at base rin sa mga narinig ko kay Calysta ay may pagkapasaway nga talaga ito. “Ang ganda ng Mommy ko, 'no? Pero baka matunaw siya.” Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi ni Calsytharia. Parang doon lang ako natauhan. “You know him, love?” Calysta asked her daughter. Siya nga...siya nga ang anak ni Calysta. Wala ng duda iyon dahil malaki ang pagkakahawig nila sa isa’t isa. Maliban na lang sa pag-uugali. Ang busilak ng puso ng Mommy niya ang wala siya. “Hindi po, Mom. Hindi ko po siya kilala. Stranger lang po siya sa akin,” Calystharia answered her. Nag-iba yata ang tono ng boses niya at ang pakikipag-usap niya ay may salitang ‘po’ na. Iba nga ang paraan nang pakikipag-usap niya pagdating sa Mommy niya. “Then you need to know him ngayon. Come with us, Mr. Valdiviño.” “What--why, Mom?” *** Masama ang tingin sa akin ni Calystharia nang sumama ako sa kanilang mag-ina sa unit nila. Magkatapat kaming nakaupo sa sofa at hindi niya talaga ako tinantanan. Nararamdaman ko ang inis at galit niya sa akin. Minsan pa ay iniirapan niya ako. Wala naman akong ginagawang masama, eh. Sumunod lang ako sa utos ng Mommy niya. Dahil boss ko nga ito pero kung makatingin sa akin ang malditang batang 'to ay parang aagawin ko sa kanya ang maganda niyang mommy. Parang may gagawin akong masama. “How did you meet my Mom, ha?” malamig na tanong nito sa akin. Wala rito si Calysta dahil nagpaalam saglit sa amin. Ang takot at kaba ko na nararamdaman sa tuwing nandiyan lang siya sa tabi-tabi ay dudoble pa yata gayong nakilala ko na ang nag-iisa niyang anak. Na mas mataray pa yata kaysa sa kanya. Bakit sa ganda lang ni Calysta ang namana? Bakit hindi rin sa pag-uugali niya? Walang respeto nga kung nakipag-usap sa iba, o baka sa ibang tao lang talaga na ganito siya? “Uhm... Remember when I told you that I got a job?” tanong ko sa kanya at hayan na naman ang pagtaas ng kilay niya sa akin. “A job? What job did you get? At nakilala mo pa ang Mommy ko.” “Ah...” The heck, paano ko ba sasabihin sa kanya na kung ano’ng trabaho nga ang pinasukan ko? Nang hindi niya ako tatawanan. Dahil alam kong pagtawanan niya ang ganoong klaseng trabaho. “Tell me,” mariin na sabi pa niya at pinagkrus ang magkabilang braso niya. Damn it, she’s just a kid pero naka-i-intimidate na siya. Her voice, that’s made me goosebumps. “A driver,” diretsong sagot ko sa takot na baka sasabog na naman siya. “What? A d-driver? Nakikipaglokohan ka ba sa akin, ha? You have a job na nga tapos driver lang? Hindi ka naman mukhang dukha, ah. So, why driver?” tanong niya na nanlalaki pa ang mga mata. Sabi na, eh. Pagtatawanan niya ako. “Bakit hindi driver? May masama ba sa trabaho kong iyon? Maayos at marangal na trabaho naman, ah,” sabi ko. Napaigtad naman ako sa gulat nang ihampas niya ang kaliwang paa niya sa center table at pinukulan na naman ako ng masamang tingin. Hindi ba siya nasaktan sa ginawa niyang iyon? “May gusto ka ba sa Mommy ko, ha? Ang mga moves na iyan ay hindi na bago sa akin. Alam mo ba na lahat ng mga lalaking bago lang sa work nila ay ako ang uunahin nilang paiikutin? They will take my heart so they can take my Mommy too! So, I’m telling you now, if you want something from my Mom. Quit your job! Because I’m not happy with you!” sigaw nito sa akin at dinuro-duro pa ako. Halos lumuwa ang puso ko sa lakas nang kabog. Nagalit agad siya? Saka lang din dumating si Calysta at iyon ang naabutan niya. Ang pakikipag-away sa akin ng anak niya pero hindi naman ako sumagot kaya okay lang din. “Calytharia, you shouldn’t talk to someone older than you, do not act like that, as if you have not been taught proper manners. You know the most important thing of all is respect. Respeto sa mga kapwa natin. How many times have I told you that. Treat them right like you treat me, 'nak. Kung hindi mo sila kayang i-treat ng ganoon ay huwag mo na rin akong tratuhin ng tama. Love...hindi ka naman ganyan sa akin, 'di ba?” Marahan at mababa ang tono ng boses niya. Kalmado rin na parang tinityansa niya lang na hindi magtatampo sa kanya ang bata dahil pinagalitan niya ito sa harapan ko. Baka kasi sasama pa ang loob nito lalo. Tumayo ito at hinarap ang kanyang ina na salubong ang kilay. “Mom. It’s obvious that he likes you! Kaya po siya nandito and he’s your driver?! Mommy... Kilala niya rin po ako at ako ang inuna niyang nilapitan bago kayo!” “Love, don’t judge them easily dahil lang sa mga hinala mo. Hindi lahat ng mga lalaki ay may gustong kunin sa akin. Nandito siya dahil nagtatrabaho siya.” Sa sinabi niya ay nakaramdam tuloy ako ng guilt. Dahil tama si Calystharia, tama ang anak niya na may gusto akong kunin. Hindi naman nagkakamali sa hinala ang bata pero sa sinabi rin nito na lahat daw ng mga lalaki na nagtatrabaho sa kanila ay iyon ang purpose nila? Gusto nilang makuha si Calsyta at uunahin nga nila si Calsytharia. Pero sa tingin ko... Hindi naman sila nagwawagi, dahil to the highest level nga ang pagkamaldita nito. Tapos...ganyan pa siya kabait sa akin kahit ang laki ng atraso ko sa kanya? Gusto niyang... respetuhin din ako nito? Saan ba nagmana ng pag-uugali si Calystharia at bakit hindi na lang sa Mommy niya? But on second thought, magandang idea na iyon dahil walang makakalapit kay Calysta dahil bantay sarado siya ng kanyang anak kahit bata pa lamang ito. Hindi na ako nangangamba pa habang nasa ibang bansa ako. Knowing her daughter na overprotective sa kanya. “But Mom...” “Love, pinalampas ko ang ginawa mo na tinanggal mo ang driver and bodyguard mo sa kanilang trabaho. Because you have rights. Ikaw ang sumusuweldo sa kanila ayon sa gusto mo. Pero ang mahuli kitang makipag-usap ng ganito sa matatanda that’s a big big no to me, Calystharia,” umiiling na sabi niya. Wala sa sariling napatingin ako kay Calystharia. Seriously? Siya na ang sumasahod sa mga nagtatrabaho sa kanya? Gaano ba kalaki ang pera nito na nakukuha mismo sa pag-e-endors nito? Baka...mahihiya ang sinusuweldo ko buwan-buwan. Baka walang-wala ang yaman ko sa bata. “I’m telling the truth naman po, Mom.” “We have rules, you choose that, sweetheart. Ako, wala akong gagawin sa mga bodyguard mo unless nga may ipag-uutos ka sa kanila. Kaya naman ikaw, you need to respect my decision and respect them katulad ng pag-treat mo sa akin. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Calsytharia. Dahil sa ginawa mo ngayon... I will give you a punishment. He’s gonna be your bodyguard at siya na rin ang hahawak sa schedule mo. Siya na ang magde-decide kung ano ang gusto niya para sa 'yo at ikaw mismo ang susunod sa kanya. Hindi sa lahat ng oras ay pinagbibigyan kita, 'nak. Alam ko rin kaya mong mabuhay without my money but I’m your mother. Kaya ako ang masusunod. Remember that you’re just a kid, yes you can earn your own money but you still need me.” Parang gusto kong palakpakan si Calysta. Dahil kakaiba ang pagbibigay niya ng disiplina sa anak niya. Nakakaya niyang alagaan at palakihin ito sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho niya at isama mo pa ang... Na walang Daddy si Calystharia. “I’m sorry po, Mom,” paghingi ng sorry ni Calystharia at nakayuko pa siya. “Say your sorry to him, then.” Humarap naman siya sa akin at bumigat yata ang paghinga niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at sinalubong ang tingin ko. “Sorry,” tipid na sabi niya lang. “And?” “I’m sorry po... Sorry for my behavior. Gusto ko lang po talagang protektahan ang Mommy ko sa mga katuld mo--niyo.” Gusto kong ngumiti sa kanya. Dahil nakakaya siyang paamuhin ng Mommy niya at nagiging mabait siya sa harapan ko pero baka kung wala ang kanyang Mommy ay babalik siya sa maldita mode niya. “That’s okay. I understand,” sabi ko at ngumiti sa kanya pero pasimple niya akong inirapan. Sabi na, eh... Gagawin niya talaga iyon sa akin kapag hindi siya nakikita ng Mommy niya. “But...Mom. Gagawin mo po ba talaga siyang bodyguard ko? Why?” “My decision is final, Calystharia.” “Puwede naman pong iba. 'Di ba po, Mommy ay girl na raw iyong kukunin mong bodyguard para sa akin?” paglalambing pa nito para lang pagbigyan siya. “No, love. Sinabi ko na sa 'yo na my decision is final. Now go to sleep.” Mabigat na humakbang pa ang mga paa ni Calystharia at mukhang ayaw niyang umalis. Ayaw niya yata sa ideyang naiiwan kami ng mag-isa ni Calysta. “Finish your assignment before you sleep, Calsytharia.” “I’m done, Mom. Please, sumunod po kayo at pauwiin niyo na siya. Gabi na, oh,” sabi niya na tinanguan lang ni Calysta. Nang kami na nga lang ang naiwan ay kinausap na niya ako. “I’m sorry about my spoiled brat daughter. She’s just a kid at marami pa siyang walang alam sa buhay.” Nagso-sorry pa talaga siya sa akin dahil sa inasal ng bata. “Ayos lang,” sabi ko. “But how did you meet my daughter?” she asked me. Nasa boses niya ang interest na malaman kung saan ko nga ba nakilala si Calystharia. “It was unexpected. Sa Pasta House ko siya unang nakilala,” sagot ko. Ako ang nahihiya sa mga sinabi kanina ng anak niya. Na baka nga may gusto rin akong makuha mula sa kanya kaya nilalapitan ko ang kanyang anak. May katotohanan man pero alam kong... hindi masama ang motibo ko. Gusto ko lang siyang bawiin at iyon lang ang purpose ko. “Now I know. You may leave now. Bukas ko na lang ang ibibigay sa 'yo ang schedule ng anak ko.” “About that... Seryoso ka ba na gagawin mo akong bodyguard ng anak mo?” tanong ko. Nagulat kasi ako sa sinabi niya kanina. Biglaan iyon. “Kung makipag-usap ka sa akin ay parang close tayo?” Nag-iwas ako nang tingin sa sinabi niya dahil uminit ang tainga ko dahil sa kahihiyan. Shet... Pahamak talaga iyong bibig ko, eh. “I’m sorry...” “That’s okay. Ayoko ring maging formal ka sa akin. Ang trabaho mo lang ngayon ay bantayan ang anak ko. Sa oras na mawala siya sa paningin mo ay alam mo na ang mangyayari sa 'yo. Hindi ko palalampasin ang pagkakamali mo sa trabaho mo, lalo na kung baguhan ka pa lamang.” “Yes, Ma’am. I’ll try my best to guard your daughter,” seryosong sabi ko. “Mahirap siyang bantayan at alam kong mahihirapan kang pakisamahan siya,” sabi pa niya. “I can handle, don’t worry, Ma’am,” sabi ko pa. Gagawin ko ang makakaya ko at mabantayan ko lang nang maayos si Calystharia. At hangga’t kasama nila ako ay hindi ko na hahayaan pa ang mga lalaking lalapit-lapit pa sa kanilang mag-ina. Sisiguraduhin ko iyon. “Goodluck. You may now rest,” she said bago siya umalis. Ilang segundo ko pa siyang sinundan nang tingin. Ang layo-layo mo na rin sa akin, Ma’am...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD