Chapter 13: Pink Peony & article
CALYSTA DANIELLA’S POV
MALALAKI ang bawat hakbang ko para lang makalabas na ako sa mansion nila at malakayo na agad. Super ang inis ko sa batang iyon. Kung makapagsalita ay akala mo naman siya ang mas matanda sa akin ng ten years, ha.
Na kung makipag-usap sa akin ay parang may nagawa akong kasalanan sa kanya. To the highest level yata ang galit niya sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan, eh.
Kinuha ko ang phone ko mula sa aking handbag at para tawagan ang personal driver ko, para masundo na rin niya ako. Ayokong ihatid pa ako ni Lazel. Ayoko Siya makasama. Ang bad-bad ng ugali niya. Ako pa yata ang susuko sa kanya, eh.
“Hello, Mang Celso? Puwede po---ay!” malakas na tili ko dahil may humablot ng cellphone ko at naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Lazel. Nakasunod siya agad?
“Ihahatid ko na po siya. Sige,” sabi niya lang at napangisi ako.
“At sino naman ang nagsabi sa 'yo na hawakan ang phone ko at makipag-usap sa driver ko, ha?” malamig na tanong ko sa kanya at tinulak ko pa siya sa dibdib niya. Bahagya lang siya napaatras at seryoso niya lang akong tinitigan.
“Ihahatid kita,” mariin na saad niya.
“Kaya kong umuwi ng mag-isa. Thank you na lang,” mariin na sambit ko rin at inagaw ko sa kanya ang cellphone ko.
“Ihahatid kita sa ayaw mo o sa gusto mo,” sabi pa niya at hinila na naman niya ang pulso ko. Mapilit din siyang bata, eh. Hinayaan ko na lamang siya pero hindi ko siya kinakausap sa biyahe. Na isa pa, tahimik naman siya at wala sa mode na magsalita. Ang dark din ng aura niya, eh.
Kaya noong nakarating na kami sa mansion ay agad akong bumaba. Pabagsak na isinara ko pa ang pinto ng car niya. Para malaman niya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina.
“Calysta,” narinig kong sambit niya sa pangalan ko. I just rolled my eyes.
Calysta your face... Dimwit.
Sumalubong naman sa akin si Lolo Ced at nandoon naman nakaupo sa may couch si Papa. Mukhang ako ang hinihintay nila, ah.
“Kumusta ang dinner niyo, apo?” my grandfather asked me at matiim naman akong tiningnan ni Papa. Mukhang interesado rin siya malaman ang nangyayari at kung ano ang isasagot ko.
“It was nice po, Lolo. Mababait po ang family nila. Si Lazel lang po talaga ang naiiba ang ugali,” pagkuwento ko at lumapit ako sa kanila para umupo rin.
“Paanong naiiba ang ugali, anak?” kunot-noong tanong ni Papa sa akin. Curious pa siya.
“Ewan ko po, eh. Parang super snob po niya. Hindi niyo po ba iyon napapansin sa kanya?” tanong ko at umiling lang sila pareho.
“Baka nahihiya lang siya sa 'yo, apo. Hayaan mo na, magbabago rin siya para sa 'yo,” ani Lolo Ced. Napaisip naman ako. Kung ganoon nga ba talaga ang trato sa akin ng batang iyon at nahihiya lang siya sa akin. Sige, hahayaan ko siyang maging suplado sa akin basta ba magbabago na siya.
“Next week na ang civil wedding niyo, anak. Kaya maghanda ka na. Kung gusto mong imbitahan ang kaibigan mo ay sige lang,” sabi ni Papa. Sa sinabi niya rin ay lumakas ang tambol ng dibdib ko.
Next week na agad ang civil wedding namin? Ang bilis naman, oh. Ano na rin kaya ang plano ng lalaking iyon? Kinakabahan ako para sa kasal namin. Kasi baka...hindi na magbabago ang ugali no’n o baka mas magiging suplado pa siya pagdating sa akin.
Let’s see then...
***
The next morning at my working place, I received a pink peony flower, a bouquet. I frowned when I saw this. Hindi ako mahilig sa bulaklak but I appreciate their beauty naman. Smells good.
“Kanino naman kaya ito galing?” nagtatakang tanong ko at tiningnan ko kung may card ba ito. Nang makita ko na nga ang hinahanap ko ay binasa ko naman agad.
“I’m sorry.” Ganito lang ang nakasulat, two words at maganda ang penmanship ng may-ari nito pero wala namang nakalagay kung kanino galing. Mala-mysterious lang siya.
Napaisip naman ako sa nakasulat na ito. May...may isang tao kaya ang nakagawa sa akin ng kasalanan kaya humihingi ito sa akin ng apologize? Iyon ba?
Pero sino naman kaya---ah... Naalala ko na. Ang batang iyon, si Lazel Hyrroz nga. Siya kaya ang nagbigay nito sa akin? Pero nagtataka ako kung bakit sa halip na rose or red tulips ang ibibigay niya sa akin ay bakit pink peony pa? May kahulugan kaya iyon?
But if the bouquet from him ay tatanggapin ko ito. Wala namang dahilan para hindi siya patawarin, eh 'no?
Hindi ko na nga namalayan sa mga oras na iyon na nakangiti na ako. Matamis na matamis pa.
“Woy, ano’ng klaseng ngiti 'yan?” panunuksong tanong sa akin ni Glero nang daanan niya ako sa company ko. Malapit lang din sa amin ang mall niya at sabay talaga kaming kumakain ng lunch kahit may boyfriend na siya. “Ang dinner niyo pala last night? Kumusta naman, Calla?” tanong niya sa akin. Hindi ko agad naikuwento sa kanya. Updated kami pareho sa life namin kaya walang secret ang kayang itago. We trust each other naman.
“Great, dahil mababait naman ang Valdiviño family pero hindi ko na natikman pa ang hinanda na desserts ng Mommy ni Lazel dahil nagalit sa akin ang batang iyon. Pumasok daw ako sa room niya ng walang pahintulot niya. See? Napakasuplado niya talaga,” pagkukuwento ko pero hindi naman na ako galit pa. Dahil nag-sorry na siya sa akin.
“Eh, mukhang hindi ka naman galit sa kanya. Dahil ang tamis ng ngiti mo, oh,” sabi niya at tinusok pa ng daliri niya ang pisngi ko.
“May sweet din pala sa katawan ang lalaking iyon, eh. I just received a bouquet from him and there’s a card na may two words pa ang nakasulat pero there’s no name kung kanino galing,” ani ko.
“Really? But you expected na siya nga ang nagpadala no’n sa 'yo?” naaaliw na tanong pa niya sa akin. I nodded.
“Siya lang ang alam kong may atraso sa akin, eh,” I reasoned out.
“Tama ka riyan, Calla pero ano naman kaya ang nakasulat sa cards?” curious naman niyang tanong sa akin.
“I’m sorry. Nagtaka pa ako kung kanino iyon galing. Wala man ang name niya roon ay alam kong sa kanya nga iyon nagmula. Dahil sa pagkakaalala ko naman ay walang taong nagkasala sa akin, kundi siya lang,” tumatangong sabi ko.
“Sinabi mo na kanina na posibleng si Lazel nga ang nagbigay sa 'yo ng bouquet. At kinilig na ka na agad? Kaya pala hindi ka na galit agad sa kanya. Sinusuyo ka na, eh,” panunukso pa niya sa akin at sinundot ang tagiliran ko.
“Stop that, Glero. Mabuti pa ay mag-lunch na lang tayo,” pag-aaya ko at ako na ang humila sa kanya.
Nag-order lang kami ng pasta and drinks dahil pareho kaming diet. Kinuwento ko na rin sa kanya ang civil wedding namin ni Lazel next week.
“Ang bilis, ah. Nagmamadali ang both parents niyo. Good choice rin naman sila, dahil hindi ka na bumabata pa, Calla. Malapit ka na ring lumagpas sa calendar, eh. Kaya mas mabuting mag-asawa ka na. Kapag nasa 30’s ka na kasi ay mahihirapan kang manganak,” pangangaral niya sa akin at bored na bored ko lang siyang tiningnan.
“Hindi rin naman kayo kasal ni Blake, ah?” saad ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
“Nag-propose na siya sa akin pero ang sabi ko. Hindi kami magpapakasal hangga’t hindi ka nauuna,” she reasoned out.
“At bakit? Hindi ba nagtampo sa 'yo si Blake?” nagtatakang tanong ko. Ano’ng klaseng reasons iyon at iyon pa ang naging excuse niya para hindi niya agad pakasalan si Blake Chevalier?
“Makakapaghintay naman siya, Calla.”
“Glero...”
“Nagpa-promise rin naman kami sa isa’t isa,” sabi niya.
“Bahala ka kung magba-back out 'yang fiancé mo,” sabi ko at nagkibit balikat pa siya.
“I think, hindi na. Ilang beses na kaya niya akong pinaasa noon? Ayoko na ring maghabol pa sa kanya kahit gaano ko pa siya kamahal. Kung magba-back out siya ay bahala siya. Choice na niya iyon,” balewalang sabi niya. Malakas din naman ang loob niya na hindi siya iiwan ni Blake.
“Ganyan ka dahil alam kong mahal ka ni Blake Chevalier,” sabi ko at ngumiti lang siya.
After lunch ay bumalik din kami sa work namin ni Glero at nagpaka-busy na rin ako.
When 5PM, off na sa work ko ay nagulat pa ako nang makita ko si Lazel sa parking lot. Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya habang nakakrus ang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Hindi talaga siya mukhang estudyante, eh. Sa tingin ko nga rin ay tatangkad pa siya.
Nang makita niya ako ay binuksan pa niya ang pintuan ng kotse niya. Dala-dala ko naman ang bulaklak na ibinigay niya sa akin.
I walked towards him. “What are you doing here, Lazel?” I asked him.
“Isn’t it obvious? Sinusundo ko ang fiancé ko. Alam mo na mamayang gabi ang announcement ng engagement natin?” tanong niya. Ang kaswal ng boses niya.
“You mean... Tonight is our engagement party?” I asked him. He just nodded.
“Hop in. Idadaan kita sa boutique ng ninang ko para mamayang gabi. Sabay tayong pupunta sa hotel. Maraming invited na media sina Dad at ang Papa mo. Kaya expected nila na magsasabay tayong darating,” sabi niya at sumakay naman na ako. Maingat pa niyang isinara ang pinto.
Napanguso pa ako dahil hindi na niya ako pinagsusupladuhan ngayon. Nagbago na kaya ang isip niya? Binago na rin niya ang attitude niya? Kaya ganito na ang treat niya sa akin?
“Thank you for this pala. I appreciated,” I said at inamoy ko pa ang bulaklak. Nakatataba ng puso dahil nakatanggap ako nito kahit na hindi nga ako mahilig dito.
“No problem,” sagot niya. Mukhang tinutuldukan na niya agad ang conversation namin. Ang tipid niya talagang magsalita.
***
Titig na titig naman ako sa ginang na nakangiti ngayon in front of us. She was wearing her white smock blouse and red mermaid skirt and red block heels. Short hair din siya at mukhang nasa age 30’s lang siya kung ganyan kaganda ang looks niya. Mabait ang aura niya.
“Ninang, this is my fiancé. Calysta Daniella Carvantes po, and Calysta. Siya ang Ninang ko, kaibigan siya ng Mommy ko,” pakilala ni Lazel sa amin after niyang halikan ang pisngi nito, na iyon din ang ginawa ko.
“I’m Flauvia Montague, hija. Wow... Ang ganda-ganda mo pala and I think naman... Wala ng dapat pang ayusin sa 'yo. You have a natural beauty. From your face and up to... Wow, ang sexy mong tingnan sa outfit mo,” she said at pinupuri pa niya ako. Naka-black office attire lang naman ako, and she finds me séxy? Wew.
“Thank you po, Ma’am and I’m glad to meet you po. You’re so pretty rin po,” I uttered and extend my hand to her. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ko sa kanya at sinakop pa iyon ng dalawa niyang kamay.
“Nice to meet you rin, hija. Just call me Tita Via. Hindi ka lang pala maganda, mabait ka rin,” natutuwa niyang sabi. Parang ang humble ko lang dahil pagngiti lang ang naisagot ko.
“Iiwan ko po muna siya sa 'yo, Ninang. May bibilhin lang po ako sa labas,” paalam ni Lazel na sinundan ko pa siya nang tingin.
“Okay,” Tita Via replied. Pinaupo naman ako sa harapan ng malaking salamin ng ginang. “'Yang inaanak ko, Calsyta. Mabait 'yan.” Saang anggulo naman po mabait ang inaanak niyo, Tita Via? Eh, ang init po kaya ng ulo niya sa akin noong first meeting namin. Maliban na lang po sa nangyari kanina.
“Talaga po, Tita?” I asked her.
“Yes. Mabait na bata siya pero kung ang ibang tao naman ang titingin sa kanya ay sasabihan siyang suplado at walang modo. Paano kasi ay palagi siyang tahimik,” sabi niya at doon lang ako nag-agree. There’s no doubt na ganoon ang ugali ng inaanak mo, Tita. Sa tingin ko ay tama naman talaga ang ibang tao. Ganoon na siya.
“You are right po, Tita Via,” sabi ko.
“Mabuting anak din iyon at never niyang na-disappoint ang parents niya. Palagi siyang sunod-sunuran kasi natatakot naman siya na masaktan niya ang Mommy at Daddy niya. Calsyta, okay lang ba kung ikukulot ko ang hair mo?” tanong niya sa gitna nang pagkukuwento niya sa akin about Lazel.
Interesado rin naman ako. Gusto ko lang malaman ang iilan na katangian ng batang iyon. Na kung totoo rin kaya ang mga nakikita ni Tita Via sa inaanak niya at sa kabila rin ng pag-treat nito sa akin. Kung may pinagkaiba ba 'yon
“Yes po, Tita. Do whatever you want po. Kayo na ang bahala sa akin,” sabi ko na sinabayan ko pa nang pagtango. Pumuwesto na siya agad sa likuran ko. Habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Maikli lang naman iyon, eh.
“May article na pala ang lumabas sa social media, hija. About sa engagement party niyo tonight,” she said at inabot niya sa akin ang tab niya para mabasa ko iyon.
“Hindi ko nga po ito nabasa, Tita. Dahil balak po yata akong i-surprise ng parents ko. Sinundo lang po ako ni Lazel kanina sa company tapos sinabi niya na tonight is our engagement party,” ani ko na ikinatawa niya.
“Mukha nga na ganoon ang plano nilang lahat. Isu-suprise ka nila,” she said at binasa ko na ang article.
SUNRISE PUBLISHING HOUSE
Have you heard, or have you read this article about the merge of both family, Valdiviño and Carvantes?
Valdiviño, this family with a little V. Tunnels Company, but don’t judge Valdiviño’s business even though it’s included in the list of small and low in business industry.
For more than 20 years, running in the said company has been successful and expected to succeed and the heir is Lazel Hyrroz Valdiviño, a student of Valiant University. Now taking his Engineering course.
And Carvantes, this is also a family that is better known for being one of the richest in the Philippines and even abroad. Carva’s Home Shopping is more than successful, and the CEO now is Cedeño Carvantes’ granddaughter which is Calysta Daniella Carvantes.
A 28-year-old business woman and the crush of the said nation, she’s the best of all. For being good and smart at running her parents’ business. Some people knows the lady, not only her beauty became an asset because she has a pure heart. Which is preferred by all men, to be actors and models but who would have thought that only an 18-year-old would have her heart?
That their big gap between each other is not a barrier. Lazel Hyrroz, he also said that love at first sight is what he felt for the beautiful lady when they first met.
At this point we should not judge the big of their gap because according to Lazel Hyrroz, “age is not a hindrance no matter how big it is as long as you love each other.”
And tonight, at Fantasy Hotel, 8 o’clock is the announcement of the engagement party of Lazel Hyrroz Valdiviño and Calysta Daniella Carvantes.
And both families decided that a civil wedding will happen first because their grand wedding doesn’t have an exact date yet.
To Mr. Lazel Hyrroz and Ms. Calysta Daniella, congratulations to your upcoming engagement party tonight and wedding soon!
Thank you, for reading, beloved!
“Love at first sight?” nasambit ko na lamang because it’s impossible na ganoon ang naramdaman niya nang unang kita pa lamang niya sa akin.
Sa tingin ko... Nagsisinungaling lang siya dahil na rin iyon sa company nilang palubog na pero alam ko naman paunti-unti na silang bumabangon.
May lalabas din na article about the company sa susunod. Iyon ay kung successful na rin sila.
“Kinikilig ako para sa inaanak ko, hija. Akalain mo na naniniwala pala siya sa love at first sight. Mga kabataan kasi ngayon ay hindi na sila naniniwala riyan,” Tita Via said. I just smiled at her in the mirror.
“Ang sweet po niya, oh? Nagpa-interview po yata siya para sabihin lang sa lahat na... ‘age is not a hindrance no matter how big it is as long as you love each other’ sa tingin ko nga po na in love nga talaga sa akin ang inaanak mo, Tita Via,” usal ko, alangan naman sabihin ko sa kanya na nagsisinungaling lang si Lazel Hyrroz?
Ginagawa niya ito para walang masabi ang mga tao laban sa amin. Naiintindihan ko naman siya at napag-usapan na ito ng family namin.
Na iyon ang mangyayari para hindi maghinala ang lahat, dahil sa biglaan naming pagpapakasal sa kalagitnaan ng crisis ng business company nila. Lalabas din kasi na baka marriage in convenience lang. Kahit iyon din naman ang totoo, eh. It’s fine naman sa akin pero dapat panindigan din ng isang iyon.
Nagpatuloy rin sa pagkukuwento si Tita Via at nang tumunog ang phone mo ay nagpaalam muna ako na kukunin iyon. Si Glero ang tumatawag sa akin. Dahil busy rin ang ninang ni Lazel at ayokong maabala siya ay ni-loudspeak ko na lang ang phone ko.
“Calla! Hindi mo naman sinabi sa akin na engagement party niyo na pala tonight!” agad na sagot niya from the other line. Mahinang humalakhak pa si Tita Via. “May kasama ka pala?”
“Nasa boutique ako ng Ninang ni Lazel,” sagot ko sa tanong niya.
“Pumunta ka kung gusto mo, hija,” singit ng ginang.
“Oh, gee! Ang ganda ng boses mo, ninang ni Lazel. Saan po 'yan at pupunta ako?” excited na sabi pa nito.
“Malapit sa Starbucks, honey. Alam mo ba ang Flauvia’s?”
“Flavia’s? Hala, alam ko po ang place na 'yan! On the way na po ako and you, Calla... Humanda ka sa akin babae ka!”
“Glero, wala nga rin akong alam,” pagdadahilan ko kasi iyon naman ang totoo, eh.