Chapter 14: Bodyguard
LAZEL HYRROZ’S POV
NANG sinabi ko kina Claves at Lethaniel ang tungkol sa anak ni Calysta ay maaga pa lang ay pinuntahan na ako agad sa condo. Natutulog pa lamang ako nang hilahin na nila ang kumot at unan ko para lang din magising na ako ng tuluyan.
Inaantok pa ako at tinatamad na bumangon but knowing them? Ay hindi nila talaga ako titigilan. Bakit ba kasi sinabi ko pa sa kanila ang nangyari kagabi? Tsk.
“Ano ba’ng problema niyong dalawa? Nakikita niyong natutulog pa ang tao, eh!” reklamo ko sa kanila at padabog na umupo ako sa kama.
“Ikuwento mo sa amin ang nangyari, bro,” sabi ni Lethaniel at umupo pa sa paanan ng kama niya.
Si Claves ay nananatiling nakatayo sa gilid ko at nakakrus pa ang magkabilang braso niya. Seryoso agad ang tingin niya sa akin. Interesado rin ang gágóng 'to.
“Sinabi ko na sa inyo kagabi na nakilala ko na ang anak ni Calysta,” inaantok na sagot ko.
“At ang sabi mo rin ay una mong nakilala ang bata sa pasta house? Ang favorite place nito sa gabi? Talaga ba na ro’n mo siya unang nakita?” dugtong na tanong naman ni Claves.
“Hindi rin sinabi sa akin ni Lethaniel na ang batang nasa billboard ay ang anak pala ni Calysta kaya hindi ko alam na siya rin pala ang batang nilapitan ko sa pasta house.”
“Kung ganoon... Hindi ka aware na ang batang kausap mo na sa mga oras na iyon ay ang anak na nga ni Ms. Calysta?” tanong ni Claves sa akin. Napahilamos pa ako sa palad ko saka ko siya tinanguan.
“Eh, kumusta naman ang first meeting ninyo? Ano ang naramdaman mo sa bata? Bumilis ba ang t***k ng puso mo?” tanong ni Lethaniel. Nasa boses na naman niya ang kuryusidad.
“Naramdaman? Bumilis ang t***k ng puso?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Inaamin ko na may naramdaman nga ako sa bata. Iyong pakiramdam na wala namang kahulugan.
Kaya ko nga siya nilapitan noon ay dahil sa urge ko na gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit. Na tuwang-tuwa ako nang makita siya. Na kahit ang billboard niya lang ang nakita ko ay parang maiiyak na ako sa sobrang tuwa sa kanya. Iyon lang naman and yes, bumilis nga ang t***k ng puso ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ko iyon nararamdaman.
“Yes? There’s something you felt towards the little girl?”
“Natutuwa lang ako sa kanya, Lethaniel. Tama kayo na mahirap nga kunin ang loob ng batang iyon. Ang tigas ng puso niya at maging ang personalidad niya. Parang matanda rin kung magsalita pero grabe ang pagkamaldita niya at wala rin talaga siyang manners. Nagiging bastos lang siya sa harapan ng ibang tao. Takot nga sa kanya ang babaeng nasa counter ng pasta house. Pati ako ay nasungitan niya pero sa halip na mainis ako mas lalo akong natuwa. Ang cute niya lang sa tuwing nagmamaldita siya at mahilig mang-irap,” mahabang kuwento ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sila at napailing. “Paano ka niya sinungitan? At paano mo rin siya nilapitan?” Claves asked me. Ba’t ba ang dami nilang tanong?
“Sabi ko share kami ng table at hayon kung ano-ano na ang pinagsasabi niya, hindi lang naman do’n natapos ang tagpo namin Calystharia. Sinamahan niya kaya ako sa park para kumain lang ng ice cream. Umupo kami sa swing at dinaldal ko siya nang dinaldal, wala rin siyang tigil sa pagsusungit niya sa akin pero mukha namang pinagtsa-tsagaan niya ako,” pahayag ko pa at sunod-sunod na silang umiling.
“Baka ibang bata ang nakilala mo, Lazel,” umiiling na sabi ni Lethaniel at umalis na siya mula sa pagkakaupo nya sa kama.
“Tama. Baka ibang Calystharia ang nakilala mo. Imposible ang pinagsasabi mong 'yan,” pagsegundo naman ni Claves.
“Ha? Si Calystharia Divyne nga iyon. Siya iyong nakita ko sa billboard. Noong pinahinto ko sa 'yo ang kotse, Lethaniel. Para lang makita ko nang maayos ang mukha ng batang babae” sabi ko at nagdikit pa ang kilay ko dahil bakit naman sila sinasabi sa akin na baka hindi si Calystharia ang batang nakilala ko?
Hindi pa naman malabo ang mga mata ko at napatunayan ko naman iyon. Nandoon na nga si Calysta.
“Dinaldal nang dinaldal? Pumunta sa park, umupo sa swing habang kumakain ng ice cream. Lazel, nagkamali ka nga talaga,” sabi ni Lethaniel at pinagkrus naman niya ang mga braso niya.
“H-Ha? I’m telling you the truth. Kagabi nga nasa park ako ay nilapitan pa niya ako. Ang sabi pa niya sa akin, ‘you look sad, kawawa ka naman’ at tinanong pa niya ako kung ano ang ginagawa ko sa park sa kalagitnaan ng gabi,” sabi ko pa at napakamot na ako sa batok ko. May mali kaya sa sinabi ko kaya nasabi rin nila sa akin na baka ibang bata nga iyon?
“Imposible 'yan, Lazel Hyrroz. Nananaginip ka yata,” sabay na sabi pa nila.
“Siya na nga iyon,” giit ko pa. Bakit ayaw nilang maniwala sa akin?
“Kung siya man iyon. Calystharia ang tawag mo?” Claves asked and I nodded again.
“Bro, sa tingin ko ay sobra ka ngang na-touch at natuwa nang makita mo ang batang si Calystharia Divyne sa billboard, and yes, she’s the daughter of your ex-wife. Pero ang sinasabi mong you already meet the kid ay baka dalawang bata iyon,” paliwanag ni Lethaniel na mas naging magulo sa akin ang lahat.
Totoo naman kasi ang sinabi ko. Si Calystharia na iyon at nandoon nga ang Mommy niya, napagalitan pa ako ng batang iyon dahil naging personal driver ako ng Mommy niya. Kaya paanong hindi siya iyon?
“Lazel, listen. Si Calystharia Divyne, hindi iyon nakikipaglapit sa ibang tao, kilala man niya ito o hindi. Wala siyang pakialam sa presensiya ng iba. Hindi siya kumakain ng ice cream dahil feeling niya para sa bata lang iyon at siya sa tingin niya ay hindi na siya bata para kumain pa no’n. Si Calystharia Divyne, mas kilala siya kung tawagin sa second name niya. ‘Divyne’. Pinakaayaw niya kung tatawagin naman siya sa first name niya at siya ang tipong bata na mahirap mong pagsalitain na kahit ang teacher ay tumitiklop agad ang bibig, makita lang ang pag-irap niya. Maldita pa iyon sa maldita pero hindi siya madaldal. Siya na yata ang pinakatahimik na bata na nakilala ko sa buong buhay ko. Masuwerte ka kung nasalubong mo siya sa isang lugar at kung kauusapin ka nga niya. Bro, lalagpasan ka lang ng batang iyon at kahit ang sulyapan ka niya ay malabo niyang gagawin.” Parang ang layo naman sa Calsytharia na kilala niya ang nakilala ko sa pasta house, ha. Sa tuwing nagkikita nga kami ay sinusungitan niya ako.
“Puwede nga na magsasalita lang siya kapag naiinis siya sa isang tao pero ang lapitan ka niya at sabihan lang ng ganoon? Malaking imposible iyon, Lazel.”
“Naguguluhan na rin ako sa inyo, eh. Paanong hindi si Calystharia iyon? Kagabi lang kami nagkita ulit at sinabi niya sa akin na dahil sa Mommy niya kaya hindi na siya nakalalabas pa sa condo nila. Sabay pa kaming bumalik sa High Tower at doon nakita kami ng Mommy niya. Bakit daw kami magkasama, iyon ang tanong ni Calysta. Pinasunod niya ako sa kanila at pinagsabihan na ako kung ano-ano ng batang iyon! Na kesyo raw ay gusto ko si Calysta kaya naging driver ko ang Mommy niya at kung bakit ko rin daw siya kilala. Gusto niya rin na mag-quit ako sa trabaho ko dahil hindi niya ako gusto. Kaya ano ang hindi niyo naintindihan sa sinabi ko? I’m telling the truth at matino pa naman ang utak ko para managinip ako ng gising, ah.”
Ngunit ayaw akong paniwalaan ng dalawa dahil ang lahat daw ng sinabi ko ay napakaimposible. Kaya ang ginawa ko, hindi ko muna sila pinaalis sa condo at gusto kong ipakita sa kanila ang batang sinasabi ko na si Calystharia na nga ang nakilala ko sa pasta house.
***
“This is her schedule. 7:15AM ang first class niya sa umaga. At 11 o’clock ay break nila and 1:30 naman ang simula ng class nila in the afternoon. Exact 4PM ang uwian nila. 5PM, ang isang oras naman iyon ay dumadaan siya sa company kung saan siya nag-e-endorse ng perfume niya ngayon. At dapat 6PM pa lang ay nasa bahay na siya, at that moment ay pauwi na rin ako sa condo. Saturday morning is her free day. Kung may gusto siyang gawin sa araw na iyon ay huwag mo siyang pagbabawalan. Para sa kanya ang araw na iyon. Nandiyan nakasulat ang lahat ng ginagawa niya. Sa Sunday naman ay palagi siyang may photo shoot. Pumupunta ako ro’n as her manager. As you can see naman na ayaw niya sa ibang tao, kaya walang nakatatagal sa kanya. But now, try to convince her and make sure na hindi siya mawawala sa paningin mo,” mahabang paliwanag niya sa akin at tiningnan ko na ang papers kung saan nakasulat ang mga sinabi niya ngayon-ngayon lang.
“Noted, Ma’am,” I said.
“Naka-take down na rin ang foods na hindi niya kinakain. Including the sweets, pinaka-hate niya ang ice cream but she loves eating spicy.” I nodded. But I suddenly stop. Halos umawang pa ang labi ko dahil sa sinabi niyang hindi ito kumakain ng ice cream pero bakit kaya... Bakit noong nilibre ko siya ng ice cream ay hindi naman siya tumanggi? Bakit kumain pa rin siya?
“Wait... Are you sure po na hindi siya kumakain ng ice cream?” tanong ko na punong-puno ng kuryusidad ang boses ko. Nagsalubong na naman ang kilay niya.
“Tataasan ka lang ng boses ni Calystharia kapag pinakain mo siya ng ice cream o kaya naman itatapon iyon sa mukha mo,” sagot niya na ikinaawang na ng labi ko.
“H-How...”
“Why did you asked me that?” she asked.
“She ate ice cream in front of me that night. Nilibre ko siya...at hindi niya naman iyon tinanggihan pa... Kaya paanong hindi siya kumakain no’n?” nalilito kong tanong na ikinatigil naman niya.
“Are you sure about that? Kahit ako ay magtatampo agad sa akin kapag kumakain ako ng ice cream. Well, let’s see then,” sabi niya at naglalakad na palayo sa akin. “Manang, pakilagyan po ng ice cream ang lunch pack ng anak ko.”
“Ano po ulit, Ma’am?” gulat na tanong pa ng maid.
“Ice cream po.”
“Eh, 'di ba po ay ayaw ni Ms. Divyne ang ice cream, Ma’am?”
“Oo nga po pero pakilagyan na lang po.”
I was sitting on the couch when I saw Calystharia. Bumababa na siya sa hagdanan at nang makita ako ay masama na agad ang tingin sa akin. Ang init agad ng ulo niya.
Lumapit ako sa punong hagdan para sana salubungin siya pero bigla niya lamang inilapag malapit sa akin ang backpack niya.
“Good morning, Manong driver-s***h-bodyguard. Dalhin mo ang backpack ko, tutal naman ay bodyguards kita at magiging alalay pa,” malamig na sabi niya at huli niyang binitawan ay ang book niya. Nahulog pa sa ulo ko ang isa at napangiwi na lamang ako. “Ang dami mo na namang role. Wow... Manong driver.”
“Calystharia!” Boses iyon ni Calysta at naabutan na naman niya kami na kinakawawa na naman ako ng anak niya.
Pasimple ko pang hinimas-himas ang ulo ko at nanlaki naman ang mga mata ni Calystharia. Dahil naabutan na naman siya ng Mommy niya.
“M-Mom?”
“Why did you do that?” her Mom asked her. Hindi naman tunog na nagagalit ang boses niya.
“What why po?”
“His work is to guard you from danger. He’s not your maid para ipadala mo sa kanya ang bag mo and your books. Kunin mo sa sahig ang things mo and say sorry to him, Calystharia. I even saw the books hit his head just because of you. Love.”
“I’m sorry po. I didn’t sadya naman po,” pagdadahilan nito at nakangusong pinulot pa ng isa-isa ang mga gamit niya. Tinulungan ko na siya at palihim na naman niya akong inirapan. “'Kaw na nga ang mag-carry ng books ko. This is so heavy. Mom, please?” nakikiusap niya sa kanyang ina.
“Fine. Pero ikaw ang magdadala sa backpack mo, love.”
“Thank you po, Mom. Bida-bida ka talaga sa Mommy ko. You just acted like a victim, the héck dude,” she murmured at may multong ngiti na naman sa labi ko. She’s very cute.
Kahit ilang ulit pa niya akong sungitan at hulugan ng book sa ulo ay hindi yata ako magagalit sa kanya.
“What is it, Calystharia? May sinasabi ka ba riyan?” tanong ng Mommy niya sa kanya kaya mas tumulis ang labi niya.
“Nothing, Mommy.”
“Get up there and we have to go. We’re going to be late.”
Nauuna sa paglalakad si Calysta at hindi ko na naman alam sa sarili ko kung bakit nakararamdam ako ng saya sa tuwing kasama ko silang dalawa.
Parang...parang sa panaginip ko nga lang ito mangyayari. Ang makasama ko si Calysta, kasama pa namin ang anak niya na sa tuwing nakatalikod naman siya ay sinasamaan ako nang tingin at panay pa ang irap sa akin.
“I forget something. Stay here, I’ll be back.” Pumasok na nga siya ulit sa condo nila at napaatras ako nang humakbang palapit sa akin si Calystharia.
“Hey you, Manong driver. I’ll do anything para lang mapaalis ka ng Mommy ko sa work mo. I don’t like you being with us. I hate your face, I have your smile, I hate your presence and especially I hate your dimple! Bakit ba kasi may ganyan ka, ha?!” sigaw niya sa akin at inisa-isa niya ang bagay na ayaw niya sa akin.
“Calystharia, bakit ba galit na galit ka sa akin? I don’t do anything naman, 'di ba? I’m not a criminal para ayawan mo. Ayaw mo ba sa ideyang palagi na tayong magkasama sa lugar na kung saan ka man pupunta? And besides inaano ka ba ng dimple ko, kid?” tanong ko sa marahan na boses.
“But you and yourself what I hate the most!” sigaw niya na tila maiiyak pa. Nagpapadyak pa siya. I tapped her head at marahas na tinanggal pa niya ang kamay ko. “Just please! Quit your job already!” she added.
“Young Miss, today is my first day being your bodyguard. Ipinagkatiwala ka na sa akin ng Mommy mo and you don’t have any choice but to accept me as your bodyguard, Calystharia. Don’t worry, I’ll take care of you, kid.”
“Are you... Are you---urgh! I hate my bodyguard so much!” she shouted and I chuckled softly.
“You hate me that much, even the foods you don’t like to eat ay kinain mo naman. When it comes to your Mom ay magtatampo ka lang daw sa kanya,” sabi ko at natigilan siya sa pagrereklamo niya. Napahawak pa siya sa pisngi niya.
“What do you mean by that?” she asked in confused.
“Ice cream. Libre ko later. Game?”
“Urgh! And who was that?! Why are you hiding behind that?!” Napatingin naman ako sa direksyon na tinitingnan niya at nakita ko ro’n ang mga kaibigan ko.
“What are you doing here, Claves and Lethaniel?” I asked them at saka lang sila lumabas mula sa pinagtataguan nila.
“Did you know them, ha?” tanong sa akin ni Calystharia.
“Yes. They are my friends. Claves Reid and Lethaniel. Bro, this is my second little boss. Calystharia Divyne. I meet this young miss at the pasta house,” pakilala ko at marahan ko pang tinapik-tapik ang ibabaw ng ulo niya na hindi naman niya pinansin.
Parang namutla yata ang mga kaibigan ko nang makita nila ang ginawa ko. Hindi makapaniwala sa mga nakikita nila ngayon.
“Claves and Lethaniel, you looks rich but why your friend becomes my Mom’s personal driver and now? He’s my bodyguard na rin!” Mas lalo akong natawa sa reklamo niya.
Napako na nga ang dalawa sa kinakatayuan nila at wala na silang tigil pa sa pag-iling. Ayaw pa rin nilang maniwala sa akin?
“It’s true na nakilala mo si Lazel sa pasta house and you ate ice cream too with him at the park?” Lethaniel asked the kid.
“Ano naman ngayon sa 'yo? Wala ka ng pakialam pa ro’n,” supladang sabi niya at tumalikod pa siya sa mga ito. Nginisian ko na lang sina Claves at Lethaniel.
“I’m sorry about that,” sabi ko at nang bumukas ang pinto sa unit nina Calysta ay mabilis namang nagtago ang dalawa. Hindi naman sila nakita pa ni Calystharia dahil mukhang ayaw makita ang mukha nila.
“Let’s go.”
***
“Kung ganoon po ba, Mommy. Mauuna kang ihahatid nitong Manong driver niyo tapos diretso na kami sa school ko?” tanong ni Calystharia sa Mommy niya habang focus naman ako sa pagda-drive. Nakatutok nga ang mga mata ko sa saan at ang tainga ko ay nakikinig sa usapan ng mag-ina.
“Yes, why?” simpleng tanong lang ni Calysta sa anak niya.
“Hmm... Sabagay naman po, Mommy. Mas malapit lang ang company niyo pero nagagawa niyo pa ako dati na ihatid sa school ko.” Ibang-iba nga talaga ang batang ito kung ang Mommy niya ang kausap niya.
Nagiging pusa siya na mahilig maglambing sa kanyang amo at heto ang isa sa side ni Calystharia.
“Behave, love,” Calysta said.
***
“Take care of my daughter. Love, remember our rules for now,” Calysta muttered as she got off from the car.
“Yes, Mom. For now po, I’ll behave... But behave lang po kaya ako, Mommy.” Kahit hindi ko kaya nakikita ang mukha ng batang ito ay alam kong nakanguso na naman siya. Hilig niya iyon kung hindi naman siya nang-iirap.
“Aasahan ko 'yan, love,” sabi pa ni Calysta bago siya nagsimulang maglakad. Sinundan ko pa siya nang tingin at hindi ko muna pinausad ang kotse.
“What are you still doing, Manong driver? Let’s go na!” sigaw sa akin ni Calystharia mula sa backseat.
“Wait. Hintayin muna natin ang Mommy mo na makapasok sa company niya,” sabi ko kahit na maraming security sa labas ang nakabantay.
“Why?” she asked me.
“I want her to be safe,” I replied right away.