Chapter 15: Engagement party
CALYSTA DANIELLA’S POV
“I’M Glean Aero Salvacion po, ninang ni Lazel.” Dumating si Glero sa boutique at dinaldal niya agad si Tita Via. Ang friendly-friendly pa niya. Well, ganyan naman siya. Friendly sa mga babae na kung alam niyang hindi naman suplada sa kanyang paningin. Kung nararamdaman naman niya na mabait ito.
“I’m Flauvia Montague. You can call me Tita Via, dear,” nakangiting sabi ng ninang ni Lazel sa best friend ko. Hindi lang niya bineso-beso ang ginang dahil niyakap pa niya, na as if matagal na silang magkakilala.
“Okay po, Tita Via. But alam niyo po ba’ng nakatatampo itong best friend ko? Engagement party na pala nila mamayang gabi pero wala man lang siyang sinasabi sa akin. Sabay pa kaya kaming kumain ng lunch kanina pero silent lang talaga siya about this upcoming events. Ayaw niya yata akong pumunta, eh. Ni hindi po ako nakatanggap ng invitation card. Hindi po yata ako invited, Tita,” sabi niya. Na akala mo ay nagsusumbong lang siya sa kanyang ina. Kaya ang ginawa ng ginang sa kanya ay tawanan siya. Nagpapa-cute ang babaeng ito. Tsk.
Paano ko naman kasi sasabihin sa kanya, eh kahit nga ako ay hindi ko rin alam ang event mamayang 8PM. Kaya paano niya rin malalaman kung kahit ako ay clueless sa magaganap?
“Glero, ngayon ko nga lang din nalaman ang tungkol sa engagement party. Kung hindi ako sinundo ni Lazel kanina at dinala rito sa boutique ng ninang niya ay akala mo na malalaman ko rin? Sina Lolo Ced at Papa ay wala nga silang sinasabi sa akin, eh. Ano ka ba? Umupo ka na lang sa tabi ko at pagupitan mo ang buhok mo kay Tita Via,” wika ko at ininguso ko ang chair sa kabila. Kanina pa siya nakatayo, eh.
“No po. Don’t cut my hair. Kulutin niyo na rin po iyong akin, Tita.”
“Paano mo rin nalaman, Glero? Nabasa mo rin sa article?” tanong ko sa kanya at nang dumistansya ng ilang hakbang si Tita ay bumulong siya sa akin.
“Muntik na akong maniwala sa sinabi ni Lazel. Kung hindi ko lang alam ang totoo, Calla. Love at first sight? Seriously? Eh, hindi nga ganoon ang naramdaman niya nang makita ka niya dahil nagpakita agad siya ng true colors niya. But I love his lines, ah. Ano nga iyon ulit?” tanong niya at kinalikot ang phone niya para yata hanapin ang article na lumabas online. “Oh, here it is. ‘Age is not a hindrance no matter how big it is as long as you love each other’ at ito talaga ang magandang linyahan na paniniwalaan ko. Sana lang ay pareho niyong mararamdaman ito, Calla. I’m rooting for your good relationship, a happy marriage.”
“Hmm... Walang problema sa akin kung magbabago lang siya. Na kung hindi nga niya ako susungitan. Na kung magiging mabuting asawa rin siya sa akin,” ani ko.
“Hindi malabong mangyari iyon, hija. Nakikita ko na para talaga kayo sa isa’t isa. Kung...hindi pa niyo nararamdaman ang pagmamahal na iyon ay alam kong kusang darating 'yon sa inyo. Magiging mabuting asawa sa 'yo ang inaanak ko at ganoon ka rin sa kanya,” usal ni Tita. Sa sinabi niya lang ay parang nawala na rin ang kaba ko kung ikakasal na kami ni Lazel Hyrroz at mamumuhay bilang mag-asawa.
“Paano po kaya iyon, Tita, 'no? Si Calla po ay ten years ang gap niya sa inaanak niyo. Imagine po, CEO na iyong best friend ko tapos si Lazel naman ay first year college pa lamang sa Valiant University at 18 years old pa lamang. Ang laki po talaga ng gap nila sa isa’t isa. Nakakaloka,” pagsingit na naman ni Glero. Curious siya sa mangyayari sa amin ni Lazel. Kung mag-wo-work ba ang relationship namin.
“Sa tingin ko naman, Glean. Walang problema iyon, hindi naman ang edad natin ang nagmamahal. Ang puso natin mismo, at si Calysta... Kayang-kayang niyang i-handle ang mga bagay na sa tingin ng inaanak ko ay magiging problema nila sa hinaharap. Alam ko...na magiging maayos sa kanila ang lahat. Tiwala lang dapat, and me too, hija. I’m rooting for your relationship too. A happy marriage.” Nakaka-touch naman talaga itong ninang ni Lazel. Ang bait-bait niya.
Naaalala ko tuloy ang Mama ko. Kung sana buhay pa siya ay baka... bibigyan niya rin ako ng advice about marriage. Ang kaso lang...maaga siyang binawi sa amin.
“Oo nga po pala, Tita. Ano po pala ang ibig sabihin ng pink peony?” Sa tanong ni Glero ay muli akong napatingin kay Tita Via.
Alam ko na lahat ng bulaklak ay may iba’t ibang kahulugan ito. Kaya interesado rin ako na malaman kung ano ang ibig sabihin nito.
“Pink peony? Ngayon ko lang yata narinig ang pangalan ng bulaklak na 'yan. Common flowers pero sikat lang ang alam ko. Why pala? What’s with the flowers, hija?”
“Kasi po si Lazel Hyrroz, binigyan niya ng pink peony si Calla. Ang sweet niya nga po talaga,” sabi niya na halata na naman sa mukha niya ang kilig. Napailing ako sa kanyang reaction.
“Really? Try to research that flowers in Google, Glean,” suggestion ni Tita.
“Right! Puwede pala iyon! Wait lang.”
“Pagpasensyahan niyo na po si Glero, Tita. Ang daldal po niya,” nahihiyang sabi ko na mabilis niyang ikinailing.
“Ayos lang naman. Nag-enjoy akong kausapin kayong dalawa. Hindi kayo mahirapan pakisamahan,” aniya.
“Heto na po, Tita! Ganito po ang hitsura niya. Maski po ako parang ngayon ko lang ito nakita,” aniya at bahagya ko lang iyon sinilip. 'Yon nga ang hitsura ng pink peony.
“This stunning, pink bloom symbolizes compassion and it can represent a great marriage and happy life. Well, this is good. This pink peony is from Lazel. A sign that he’s gonna be a good husband too. He wants a happy life with you, Calla...” nakangiting sabi ni Tita Via at hindi ko na naiwasan pa ang mapangiti.
“Kinikilig na ang bruha!”
***
Halos makatulog ako dahil sa pag-aayos sa akin ni Tita Via. Mabilisan lang naman iyon at naghanda na rin siya dress na susuotin ko. Na maging kay Glero din.
Iyong buhok ko na kulot na ngayon ay hinayaan na lang niyang nakalugay ito sa balikat ko. Maganda naman siyang tingnan. Gold maxi dress ang ipinasuot sa akin ni Tita na may belt naman sa bandang baywang ko at ang panyapak ko naman ay double strap heels. Sa sobrang taas ng heels niya ay parang maabutan ko na rin ang height ni Lazel. Tingnan natin mamaya.
“I love your dress po, Tita.” Tiningnan ko naman si Glero. She’s now wearing her silver sleeveless dress. Bumagay rin sa kanya ang kulay ng dress dahil maputi naman siya. Kulot na rin ang buhok niya.
“Ang ganda niyo pareho. Ang susuwerte ng mga boyfriend niyo,” ani Tita Via.
“Invited naman po kayo siguro, Tita?” tanong ni Glero and I waited for her reply too.
“Of course. Ngayon pa ba ako mawawala sa engagement party ng inaanak ko? I’m super duper excited na rin later,” sagot ni Tita Via na ikinangiti ko. Pinahiram niya rin kami ng accessories para bumagay raw iyon sa outfit namin.
It’s already 7:33 in the evening at hindi pa bumabalik si Lazel. Tinatawagan na nga siya ng ninang niya pero ring nang ring lang ang phone niya.
Nagpa-deliver din kanina ng foods si Tita Via para sa amin, para hindi raw kami magutom agad sa party at dumating pa si Blake na dadalo rin sa engagement party namin ni Lazel. Ngayon ko lang din nalaman na mayroon na palang invitation card. Pero ang lalaking iyon, kanina pa nawawala. Kinakabahan na nga si Glero. Ilang beses niyang sinipat ang wrist watch niya. Samantalang ako ay kalmado lang.
“What if po, Tita ay hindi siya darating sa engagement party nila ni Calla?” nag-aalalang tanong ni Glero. Kung ano-ano na rin ang naiisip niya.
“Hindi 'yan. Darating si Lazel. Hindi siya puwedeng mawala ngayon,” rest assured ni Tita.
Tama si Tita Via. Hindi puwedeng mawala si Lazel sa party na 'yon. Kahit hindi ko pa kilala ng lubos si Lazel ay alam kong darating naman siya. May isang salita rin yata siya at hindi niya kayang i-disappoint ang parents niya. Wala rin sa hitsura niya ang tatakas na lang bigla.
Dahil alam naman niya na malaking g**o iyon kapag nagkataon na hindi siya magpapakita. Lalo na alam na ng karamihan kung ano ang magaganap mamayang 8PM. Ayaw naman niya sigurong pahiyain ang both family namin, especially his parents.
“Kahit diretso na po siya venue, Tita. Okay lang naman po sa akin, eh. Sasabay na lang po ako kina Glero at Blake,” ani ko at kinuha ko ang pouch na bigay niya rin sa akin. “Next time ko na lang po kukunin ang handbag ko,” dagdag kong sambit. Kinuha ko lang ang phone, cards and my cash.
“Dito ka niya susunduin, hija. Hintayin mo na lamang si Lazel.” Umiling ako.
“Mas mabuti pong mauuna ako at kung mali-late po si Lazel ay hindi po maghihinala ang mga bisita kapag nakita nila ako. Alam po natin na big trouble ang mangyayari kung hindi siya sisipot,” sabi ko at napabuntong-hininga siya.
“Alam ko, hija. Alam ko. Nag-aalala lang talaga ako. But I think, mas maganda na ang hindi ka makikita kapag...hindi dumating si Lazel. Ikaw ang mapapahiya. Hindi natin maiiwasan 'yan,” nag-aalalang sabi niya at napangiti ako dahil do’n. Concern siya para sa akin.
“May tiwala po ako sa inaanak niyo, Tita. Darating po siya at hindi po niya kami bibiguin,” sabi ko.
“Sige, mag-iingat kayo.”
Sumakay na nga ako sa car ni Blake papunta sa venue. Sinamahan pa ako ni Glero sa backseat. Akala niya yata ang kinakabahan din ako.
“Calla... Tama si Tita Via. Ikaw ang pagtutuunan nila ng pansin kung hindi sisipot ang fiancé mo.”
“Alam kong...may matigas na puso si Lazel pero hindi niya ito magagawa sa amin. Sisipot siya, alam ko. May tiwala naman ako sa kanya,” tumatangong sabi ko at hinawakan ko pa ang kamay niya. Napailing ako nang maramdaman ko ang panlalamig nito. “Blake, parang si Glero ang matatakasan ng fiancé niya. Ang lamig-lamig ng palad niya, oh,” biro ko kay Blake na busy sa pagda-drive niya.
“Kanina pa nga ako nagseselos, Calsyta. Ikaw nga ay kalmado lang but my fiancé. Parang nabuhusan siya ng suka,” aniya at saglit na tiningnan pa niya kami ni Glero sa rearview mirror.
“Calla is my best friend, Blake. Natural na mag-wo-worry ako kapag hindi siya sisiputin ng fiancé niya dahil puwedeng masira ang image niya dahil lang sa hindi pagdating ni Lazel sa engagement party nila at alam ko kung ikaw rin ang nasa situation ko ay ganito rin ang mafi-feel mo,” mariin na sabi niya na tinanguan din ng fiancé niya.
“Yeah. I know, I know, baby. But don’t worry too much.”
“Bakit hindi mo tawagan, Calla? Baka sakaling sasagot na siya?”
“I don’t have his number, Glero,” sabi ko at umiling pa.
“Pambihira naman, oh. Saan ba kasi nagpunta ang batang iyon?” Parang siya pa ang stress sa aming dalawa.
“Darating siya, Glero. Don’t stress yourself,” sabi ko at marahan kong hinagod ang likod niya.
“Alam na kaya ito ng parents niya? Baka kino-contact na rin nila ito.”
“I hope so...”
Pumikit na lang ako at humilig sa headrest. Maraming bisita, sure ako sa bagay na iyon. Walang kaso naman sa akin kung hindi nga makakarating si Lazel Hyrroz. Mas nababahala pa ako kung may mangyayari sa company nila. Hindi pa naman maayos ang lagay nito ngayon. Kaya sana huwag din siyang gagawa ng isang bagay na puwedeng ikasisira nila.
“Malapit na tayo, Calla... Oh, my God talaga...”
“Baby, calm down. Trust him for now. Sinabi naman ni Calsyta na darating ang fiancé niya. Baka mamaya niyan ay ikaw na ang hihimatayin,” mahinang suway sa kanya ni Blake.
“It won’t happen.”
Akala ko nga ay hindi na ako kakabahan pa pero nang makita ko na maraming media ang naghihintay sa labas ay nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi naman kaya ito ang unang beses na maka-attend ako ng party na ganitong karaming reporter ang naghihintay sa labas ng hotel at nakaabang sa darating na guest.
Pero ibang situation naman kasi ito. Engagement party namin ito ni Lazel Hyrroz at alam ng lahat na importante ang gabing ito. Pero nasaan na ba talaga si Lazel?
Wala siya...wala siya at hindi na yata ako sigurado pa kung darating pa ba siya... But however, I choose to be calm. I took a deep breath at naghanda na rin akong bumaba. Nasa left side si Glero at una siyang pinagbuksan nito.
May nagbukas naman ng pintuan sa side ko at naglahad pa ng kamay sa akin para alalayan akong bumaba. Hindi ko lang nakita ang mukha nito pero nang tanggapin ko ang kamay niya ay naramdaman ko na naman ang kuryente na bumabalot agad sa palad ko at sa pag-angat ko nang tingin ay si Lazel na ang bumungad sa akin.
“Dumating ka...” sambit ko at humigpit ang paghawak niya sa kamay ko at ang isa niya ring kamay ay pumulupot sa baywang ko, hinapit niya rin ako palapit sa kanya dahilan na tumayo ang balahibo ko sa batok ko.
***
LAZEL HYRROZ’S POV
“I don’t believe you. Why did you choose this job if wala kang masamang gagawin sa Mommy ko, ha?” she asked me. She kept asking me that over and over and over again. “Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki, eh. Alam ko iyan,” she added.
“I just want and I have a reason. Besides... I’m telling you the truth that I didn’t know you at first,” I reasoned out. Sana naman ay maniwala siya sa akin dahil hindi nga masama ang motibo ko kaya ko sila nilalapitan na mag-ina.
That actually sa Mommy niya lang pero ngayon na nakilala ko na siya bilang anak nito ay gusto ko na rin mapalapit sa kanya. Wala na akong pakialam pa kung sino ang biological father niya. Ang gusto ko lang ay mabawi ko ang Mommy niya. Hindi ko hahayaan na mapunta lang siya ibang lalaki.
Kahit na... kahit na, oo alam ko na wala na akong karapatan pa para gawin ang bagay na iyon ngunit desperado akong makuha ulit si Calysta.
Sinayang ko ang pagkakataon na iyon ten years ago at nasayang ko rin ang ilang taon na hindi ko siya nabawi agad. Sa ginawa ko nga ay walang kapatawaran iyon.
Kaya deserve ko talaga na hindi na pansinin pa ni Calysta. Deserve ko rin ang masaktan dahil sobra-sobra naman ang ipinaramdam ko sa kanya dati. Kaya dapat ko lang ito maramdaman. Hindi ako magrereklamo. Ang gusto ko lang ay ang second chance.
“At saan mo naman ako unang nakita, maliban sa pasta house, ha?” tanong niya ulit.
“Sa billboard. Iyong may perfume kang in-indorse. Calystharia Divyne rin ang pangalan. Iyon lang talaga ang alam ko tungkol sa 'yo. I didn’t even know you as Ma’am Calysta’s daughter,” I explained.
“Even so. I’ll do anything and makaalis ka lang sa work mo. I don’t like you. Dahil ang tingin ko sa lahat ng mga lalaking katulad mo ay ang Mommy ko lang ang gusto ninyong makuha. I won’t let you do that, Manong driver,” she warned me.
“Noted that. I’ll promise you that I won’t hurt your Mom,” I said.
Napakamot ako sa ulo ko nang maramdaman ko na binato niya yata ako ng nilukumos niyang papel.
“Parang tunog na nagpa-promise ka na liligawan mo ang Mommy ko, ah! You know what?! Hindi naman kayo bagay ng Mommy ko! And I think, lahat ng mga lalaki sa mundong ito ay hindi niyo deserve na pansinin ang Mommy Calysta ko!”
“Kid, don’t shout. Early in the morning ay stress ka na agad sa akin,” sita ko sa kanya. Dahil wala na yata siyang ibang ginawa pa kundi ang sumigaw nang sumigaw.
Ayos lang naman sa akin kung sisigawan niya ako pero baka kung mapaano pa siya kung tumataas lagi ang boses niya. Ako ang malalagot sa Mommy niya.
“And why are you so concern about me, ha?” tanong niya at sabay bato na naman niya ng papel. Bumuntong-hininga ako.
“Stop that, Calystharia. That’s not good. Remember your Mom’s word? What is the most important to us is a respect. Stop it, Young Miss,” mahinang suway ko ulit sa kanya.
“Hindi ikaw ang Mommy ko and mas lalong hindi kita Daddy para pangaralan mo ako. Kaya it’s better to shut up your mouth and just drive, focus on the road. I’m going to be late already.” Sinilip ko naman siya mula sa rearview mirror at nakahilig na siya sa headrest. Pero nang makita ako ay pinagtaasan na naman niya ako ng kilay. Kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Huminto na siya sa pagbabato sa akin ng mga papel pero alam kong ako na naman ang maglilinis nito mamaya. Sutil na bata talaga siya, eh. But nag-e-enjoy naman ako na makasama siya.
“Calystharia?” sambit ko sa pangalan niya.
“Hmm?” tugon niya pero nandoon pa rin ang inis niya. Ayaw niyang tinatawag siya ng ibang tao sa first name niya, at oo madalas nga niya akong itinatama na kailangang Divyne ang itatawag ko sa kanya pero heto nga siya. Hinahayaan na niya ako kung paminsan-minsan at pinapansin pa rin niya ako.
“Hindi mo ba ako kilala?” tanong ko. Baka kasi may ikinuwento sa kanya ang Mommy niya about me.
Na dati akong...asawa ni Calysta na bala rin... But it’s impossible.
“A media, stranger, pakialamero, parang bata na kumakain ng ice cream and now, a driver and bodyguard. So... Iyon lang ang alam ko kung sino ka,” she answered.
Tama kaya sina Lethaniel at Claves na hindi madaldal si Calystharia? At hindi niya rin hilig na kausapin ang ibang tao? Pero sa tuwing tinatanong ko siya ay sumasagot naman siya sa akin. Kinakausap naman ako kahit na... suplada nga siya at walang respeto.
“Wala ba’ng naikuwento sa 'yo ang Mommy mo?” pamimilit ko pa sa kanya. Baka kasi may naikuwento nga sa kanya ang Mommy niya. Baka kaya siya galit sa akin dahil sa pang-iiwan ko dati kay Calysta. Baka nakilala niya nga rin ako.
“That’s very impossible. Ni hindi ako familiar sa face mo,” pambabara na naman niya sa akin. O baka may alam talaga siya but I remembered the scene last night.
Sa sinabi at hinala niya na may gusto ako sa kanyang ina kaya ko sila nilalapitan at naging driver pa ay confirmed na hindi niya ako kilala. Wala nga siyang kaalam-alam kung sino ako sa buhay ni Calsyta ten years ago.