Chapter 16: Wedding & First Kiss
CALSYTA DANIELLA’S POV
PINASADAHAN ko pa nang tingin ang suot niya. Iba na iyon sa isinuot niya kanina noong sinundo niya ako kanina. Mabilis din naman siyang nakapagbihis pero mukhang pinagpapawisan pa siya.
Nagmamadali kaya siyang pumunta rito? Dala nga niya ang kotse niya kanina kaya bakit naman siya tagaktak ng pawis?
“Bakit ngayon ka lang?” I asked him.
“Emergency,” tipid na sagot niya lang sa akin. Ngumiti lang ako dahil ayokong sumimangot. Ang daming media na kumukuha na sa amin ngayon ng litrato.
“You know what, Mr. Lazel. Pinakaba mo kami kanina, ha. Akala namin ay hindi ka na sisipot pa,” pabulong na sabi ni Glero at umiling pa siya. Hindi ko na namalayan pa na nakalapit na sa amin ang isang ito.
“Puwede ba `yon? And...who are you?” tanong ni Lazel. Hindi pa niya kasi nakikilala ang best friend ko.
“She’s Glean Aero Salvacion, she’s my best friend and Blake Chevalier El-cevar, her fiancé.”
“I see. I’m Lazel Hyrroz Valdiviño, sa loob na lang tayo mag-usap kung puwede?” seryosong saad niya.
“Okay.”
Bakit kaya ako lang ang walang alam tungkol sa event na ito? Ni hindi ako nakapaghanda at basta na lamang din ako dinala ni Lazel sa boutique ni Tita Via. Tapos may lumabas na palang article about the engagement party namin at may pictures na rin.
Surprise ba iyon para sa akin? Dahil hindi nakatutuwa. Ayoko talaga iyong sinu-surprise ako kasi hindi ako nakakapaghanda.
Hindi humiwalay sa akin si Lazel habang papasok na kami sa hotel ay kung saan nga ginanap ang party.
Sa braso niya na lamang ako kumapit habang nakapaskil sa mga labi ko ang magandang ngiti. Pero ang kasama ko ay hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon. Hinayaan ko na lamang siya dahil baka magagalit na naman sa akin kapag pinuna ko pa siya.
Ang both family namin agad ang sumalubong sa amin. “Bakit hindi po ninyo sinabi sa akin ang event na ’to, Papa, Lolo Ced?” tanong ko sa kanila.
“It was surprise, apo,” sagot niya lang. Hayan na naman sila sa surprise nila.
“Pero alam ninyo naman ho na ayoko sa surprise,” sabi ko. Niyakap lang ako ng abuelo ko na parang nagtatampo ako at inaalo niya lamang.
“Nangyari na, apo. Ipapakilala na kayo sa lahat mamaya,” sabi niya lang.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko, `Lo?” tanong ko sa kanya na mahina niyang ikinahalakhak. “Papa?”
“Congrats, anak. I’m so sorry kung hindi namin sinabi agad sa ’yo.”
Ngumiti rin sa akin ang parents ni Lazel at seryoso lang din naman ang anak nila. Iginiya na nila kami sa isang table.
“I’m Glean Aero Salvacion, Mr. Valdiviño, and this is my fiancé, Blake Chevalier El-cevar. Naikuwento ka na sa amin ng best friend ko,” sabi ni Glero at pasimple ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Ba’t sinabi pa niya iyon? Hindi naman kasi iyon mahalaga, eh.
Naramdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Lazel kaya sinalubong ko iyon. Bahagya pang umangat ang kilay ko. “She’s very sweet para ikuwento ako sa mga kaibigan niya,” sabi niya na alam kong labas naman sa ilong niya ang mga sinabi niyang iyon.
“Yes she is. Kaya sana ingatan mo siya, ah? Lazel, bata ka pa naman.” Sa sinabing iyon ni Glero ay mabilis siya nitong sinulyapan.
“What do you mean by bata pa naman ako?” tanong nito.
“Puwede pang magbago ang isip mo kung married na kayo ni Calla,” sagot niya.
“Calla?” kunot-noong tanong ng isa.
“Calysta Daniella, Calla for short, and what I mean to say, baka kahit mag-asawa pa kayo ay magkakagusto ka sa ibang babae. Iyong mga ka-age mo ay mahilig sa adventure especially sa feelings ng girls at sa lahat ng bagay ay na-cu-curious kayo. Kaya sinasabi ko ngayon sa ’yo. Ingatan mo ang marriage ninyo ni Calla. Dahil para sa akin ay minsan lang talaga ang ganitong opportunity, eh. Calla is one of a kind, and if you didn’t take care of her, at aabot sa point na sasaktan mo siya. Hindi na siya babalik pa sa ’yo.”
“Glero, ano ba ’yang pinagsasabi mo riyan?” Ako ang nahihiya, eh.
“Pinapaalalahanan ko lang siya, Calla. Remember my words, Mr. Valdiviño,” she said.
“I will.” Pero hindi naman siya seryoso noong sinabi niya ’yon dahil pagkatapos i-announce ang engagement namin at naisuot niya sa akin ang singsing niya ay bigla rin naman siyang umalis. Mabuti na lamang ay walang nakapansin sa pagkawala niya.
Lihim lang siya hinanap ng family niya at kahit may alam din sina Papa and Lolo Ced sa pag-alis nito ay hindi na lamang sila umimik pa. Hindi naman ako nasaktan sa ginawa ni Lazel. Kasi baka may emergency na naman. Pero malabo yata iyon, eh. Baka nagsisinungaling lamang sa akin si Lazel. Kaya niya ito ginagawa.
Hanggang sa dumating ang araw ng kasal namin. Duda na ako kung darating pa ba siya. Iyong magkakasal sa amin ay ang kakilala rin nilang judge.
Simpleng wrap dress lang ang suot ko na mababa naman ang neckline pero sapat naman na hindi kita iyong cleavage ko. Hindi rin ito lumagpas sa tuhod ko. Isang hairclip lang ang inilagay ni Glero, na nasa kaliwang bahagi ng ulo ko.
“Heto na ang bouquet mo, Calysta,” sabi ni Tita Via at ibinigay na niya sa akin ang bouquet ko.
“Dapat ihahagis din ang bouquet. Puwede po ba kaya ’yon, Tita?” tanong ni Glero. Na may balak nga siyang sumalo sa bulaklak.
“Puwede rin naman na ibigay na lamang ni Calysta ang bouquet niya sa ’yo,” tumatangong sabi niya at napalakpak naman si Glero. Natuwa na naman siya.
“Kami naman after nito,” aniya.
“Ano ang nararamdaman mo ngayon, Calysta?” may kalambingan na tanong sa akin ni Tita Via.
“A little bit nervous po, Tita. Ngayon na rin po madadagdagan ang pangalan ko sa dulo,” sagot ko. Totoo namang kinakabahan ako. Dahil simula ngayong araw ay wala na talaga kaming atrasan na dalawa.
“That’s normal, sweetheart,” sabi niya at marahan na tinapik ang pisngi ko.
“Just inhale and exhale, Calla?” Tumango ako sa sinabi ni Glero.
“By 2PM ay sisimulan na ang wedding ceremony ninyo.”
“At si Lazel, ang batang ’yon, Tita. Mahilig po yata siyang magpa-late, ’no?”
“Mukhang ’yon nga ang mangyayari, Glean.”
Ngunit dumating naman siya at may 15 minutes pa siya para maghanda. Naisipan ko naman siyang lapitan dahil nag-iisa lang siyang nakaupo. Actually kinausap din siya ng parents niya. Hindi rin naman ako pinagbawalan nila dahil tumango lang sa akin si Lolo Ced.
“Lazel,” I uttered his name. Kahit civil wedding lang ito ay nakasuot pa rin naman siya ng tuxedo. Umupo ako sa tabi niya. Prenteng nakaupo lang siya at nakasandal sa headrest nito. Nilingon naman niya ako. Palaging blangko ang expression ng mukha niya. Ang hirap niya talagang basahin.
“Ang ganda mo...” sambit niya at parang hinihipan lang ang dibdib ko dahil sa pagbilis nang t***k nito. Inilihis ko sa ibang direksyon ang paningin ko. Nag-init din ang magkabilang pisngi ko. Parang iyon lang naman ang sinabi niya ay big deal na sa akin. “Napakaganda... Siguro kaya na kitang pagtsagaan,” dagdag na sambit niya na ikinalingon ko sa kanya.
“What? P-Pagtsagaan?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
“You’re 28 years old, right? Bakit hindi ka agad nagpakasal? Bakit...parang hinihintay mo pa sa akin ka ikakasal? Alam mo ba na...matagal nang magkaibigan ang both parents natin? Kaya siguro...hindi ka rin nag-asawa agad dahil hinihintay mo lang din ako, tama? I’m now a legal age, 18 years old...” I don’t know kung bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng ito.
Para saan? At wala naman akong kinalaman sa kanya. Wala akong alam. Kaya bakit sa akin niya ibinubuntong ang galit niya na magpakasal? Puwede naman siyang mag-back out pero hindi naman niya ginagawa.
“Hindi kita maintindihan, Lazel,” sabi ko.
“Siguro naman...hindi mo balak na magkaroon ng anak sa akin, ’di ba?” malamig na tanong niya.
“Ano?” gulat kong tugon.
“Dahil wala akong plano na magkaanak din sa ’yo. Hindi kita gusto, hindi ikaw ang gusto kong...maging ina ng mga anak ko. Wala naman talaga akong nararamdaman para sa ’yo. Siguro...pagkaawa lang? Dahil...hindi ka magiging masaya sa piling ko. Pero... itutuloy pa rin natin ang kasal.”
Sa mga sinabi niya lang ay nagawa niyang pasikipin ang dibdib ko. Sa mga linya niya lang ay parang dinudurog na ang puso ko. Ang sakit niya talagang magsalita. Galit siya, galit siya pero hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang galit na ’yon.
***
“You may now kiss the bride,” the judge uttered. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin, na kung saan ang singsing na simbolo ng pag-iisang dibdib namin.
Tila isang boltahe lang ng kuryente ang nararamdaman ko nang iangat niya pataas ang chin ko at dahan-dahan na lumapit sa akin ang mukha niya. Malamig ang mga mata niyang diretso rin nakatitig sa mata ko. Natutunaw ang puso ko ngunit nangingibabaw ang lakas nang kabog nito.
Bayolenteng nagtaas baba ang aking dibdib nang tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Bahagya niyang iniawang ang labi niya at napapikit na lamang ako nang dumampi na ang malambot at mainit niyang labi sa akin. Naramdaman ko rin agad ang tamis no’n.
Maririnig sa background namin ang palakpakan nila pero mas mabibingi na yata ako sa puso ko, eh. Nanlambot ang mga tuhod ko nang marahan na gumalaw ang mga labi niya. Namamanhid na naman ang batok ko at kung hindi ako kukuha ng balanse sa kanya ay baka---pero hindi na pala kailangan.
Dahil mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at hinapit palapit sa katawan niya kasabay nang paghalik niya sa akin nang mariin, dahan-dahan na rin gumagapang ang isa niyang kamay sa batok ko para mas idiin ang mukha ko sa kanya.
This is my first kiss... Kaya hindi ko alam kung paano siya halikan nang tama. Ang ginawa ko na lamang ay sinabayan na ang paggalaw ng mga labi niya. Inaantok ako sa paraan no’n, super marahan pero may diin pa rin.
Natapos ang halikan namin ay habol-habol ko ang hininga ko. Naramdaman ko pa ang hinlalaki niyang daliri sa gilid ng labi ko na tila may kung ano rin siyang pinunasan
“Congratulations, kahit na civil wedding pa rin ’to ay ang ganda pa rin naman,” ani Tita Via. Tanging pagngiti na lamang ang ginawa ko.
“Picture muna kayong dalawa,” suggestion naman ni Glero. “Lazel Hyrroz, lumapit ka pa sa Mrs. Valdiviño mo. Ikaw naman, Calla. Kumapit ka sa braso ng mister mo.” Ang dami talagang alam nitong si Glero, eh.
Hinawakan ko nga ang braso ni Lazel pero ang kamay niya ay nakasuksok naman sa bulsa ng pants niya. After kaming nagpa-picture ay sumama na rin ang iba.
Last, pipirmahan na namin ang marriage contract. Nanginig pa ang kamay ko lalo na nang makita ko rin ang pangalan ko.
Calsyta Daniella Carvantes-Valdiviño.
***
“DO you have any plan after this?” tanong ni Papa sa Daddy ni Lazel. Na ngayon ay father-in-law ko na.
“Wala pa sa ngayon. Baka puwedeng next month na lang sila aalis para sa honeymoon nila. Busy pareho ang mga bata,” sagot nito at naramdaman ko ang mariin na pagkurot ng katabi ko sa aking tagiliran.
“Wew, honeymoon daw, Calla,” mahinang bulong nito sa akin.
“Stop it, Glero,” mahinang sita ko rin siya.
“But look at your husband’s face. Hindi na maipinta. True kayang hindi ka niya gusto?” curious niyang tanong sa akin.
“Iyon ang sabi niya sa akin,” sagot ko at namilog naman ang mga mata niya.
“True?”
“Puwede naman. Sila na ang magdedesisyon,” sabi ni Papa.
“Baka sa ngayon, ipakita na muna natin sa kanila ang bahay na inihanda natin para sa kanila,” suggestion ng mother-in-law ko.
“Sige. Mabuti pa nga.”
“Nagpahanda rin po ng makakain doon si Mom, Mr. Carvantes,” ani naman ng nakatatandang kapatid ni Lazel.
“Ano? Tara na.” Lumapit pa sa akin ang Mommy ng asawa ko... Eh... Hindi ko na lamang siya fiancé talaga. Dahil asawa ko na nga siya.
Parang hindi pa yata ako masanay sa ngayon, eh.
“Sige po,” wika ko.
“Tawagin mo na lamang akong Mommy. Asawa ka na ngayon ng anak namin kaya parang anak na rin naman ang turing namin sa ’yo. Isama mo ang kaibigan mo, hija.”
“Sige po, M-Mom,” nauutal na saad ko pa.
“Via, sumama ka rin.”
“Of course, dala ko ang regalo ng bagong kasal,” sabi pa ni Tita Via.
“Lazel, hijo. Isabay mo na ang asawa mo.”
Oh, God... Totoong may asawa na nga talaga ako at hindi na ako isang...dalaga pa.
“Mauuna na rin kami ni Blake, Calla. Baka kasi maligaw kami, eh,” paalam sa akin ng kaibigan ko na tinanguan ko na lamang.
“Sige, ingat,” sabi ko lang. Hinalikan pa niya ang pisngi ko saka niya hinila palayo ang fiancé niya.
“Mauna na kami, Calysta,” pahabol pa ni Blake na tinanguan ko lang.
“Let’s go,” pag-aaya naman sa akin ni Lazel. Ang lamig-lamig talaga ng boses niya.
“O-Okay,” I said. I took a deep breath before I followed him.
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Kahit nagmamala-gentleman siya ngayon sa akin ay alam ko naman na masama ang loob niya. Dahil sa nangyaring kasalan kanina.
Sinabi na rin niya agad sa akin na hindi niya ako gusto. Kaya lumalabas nga na napipilitan lamang siyang pakasalan ako. Ako ba? Hindi niya rin tatanungin kung favor sa akin ang lahat ng ito?
Hindi ko rin naman siya kilala, eh. Hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya pero hindi rin naman ako nagdalawang isip na pakasalan din siya dahil kagustuhan ito ng parents namin.
Kahit na nag-alok pa ako ng tulong sa kanila ay higit naman nila tinanggap dahil ang gusto nila ay may marriage nga ang magaganap kaya heto...
Pareho lang naman kaming naiipit sa sitwasyon namin ngayon. Kaya sana intindihin niya rin ang feelings ko. Huwag siyang maging selfish ngayon.
“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit muntik na akong hindi dumating sa engagement party natin last week?” tanong niya sa akin. Medyo na-weirduhan pa ako sa kanya dahil siya na ngayon ang nagbubukas ng topic namin upang makapag-usap.
“Ayos lang naman sa akin kung hindi mo sasabihin. Hindi kita pinipilit,” sabi ko. Nasabi ko rin naman na hindi ako mapilit na tao. Kung ayaw naman niyang sabihin sa akin ang reasons niya kung bakit na-late rin siya ay wala lang naman iyon sa akin.
“Naisip ko rin noon na huwag na lang sumipot. Pero naalala ko ang company namin na ngayon ay hawak mo pa. Ayoko namang ilagay sa alanganan ang negosyo ng Dad ko na matagal niya ring iningatan,” pahayag pa niya.
“Kung gusto mo namang sabihin sa akin ay sige lang,” sabi ko at tumikhim pa.
“Curious ka rin pala,” sabi niya at narinig ko pa ang matunog niyang pagngisi.
“Sasabihin mo rin sa akin na kung bakit pagkatapos ng announcement ay bigla ka ring umalis?” tanong ko. Dahil kung balak nga niyang ipaalam sa akin ang lahat ng iyon ay buong detalye na para malinawan ako.
Isa pa... Isa rin naman sa relationship na gusto ko ay wala kaming ililihim sa isa’t isa. ’Yong tipong alam namin pareho ang mga sekreto namin, hi di puwede sa amin ang privacy dahil mag-asawa na kami. Ang gusto ko rin naman...ay ang tiwala... Ang pagtitiwala niya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
Kahit wala munang mai-involved na love sa pagitan naming dalawa. Ang gusto ko ay tiwala... Iyon lang naman.