CHAPTER 17

2928 Words
Chapter 17: Sage Rhenz & Lovins Rhaye “PAGKATAPOS kitang ihatid sa boutique ng Ninang ko ay tinawagan ako ng kaibigan kong si Lethaniel. Alam mo ba kung bakit?” tanong niya habang nagda-drive na siya. Hindi niya ako tinatapunan nang tingin kahit nabibigyan pa siya ng pagkakataon. Focus na focus siya sa daan. “What?” I asked him. Gusto niya kasing magtanong pa ako, eh. Kaya lulubos-lubusin ko na. Nasa mode siyang magsagot ng mga tanong ko. Minsan lang ang ganitong pagkakataon. “Kaya rin sinabi ko sa ’yo na hindi kita gusto ay dahil...may ibang babae akong nagugustuhan. Malabong mahuhulog din ang loob ko sa ’yo. Plano kong...mahalin nga siya at sa tingin ko... Malapit na ako ro’n,” straight forward na sabi niya. Ayos lang talaga sa kanya na sabihin iyon sa akin. Hindi niya naisip na puwede akong masaktan sa mga katagang lumalabas mula sa kanyang bibig. Kasi ano naman ang pakialam niya sa akin? “Ang ang connect sa excuse mo at sa babaeng nagugustuhan mo ngayon, Lazel?” matapang na tanong ko sa kanya. “Tinawagan nga ako dahil isinugod siya sa hospital. Wala pa sana akong balak na pumunta sa hotel. Dahil gusto ko siyang bantayan at ako ang una niyang makikita paggising niya pero...pinaalala rin sa akin ng kaibigan ko kung ano ang magaganap na event ng gabing iyon. Napipilitan din naman ako na pumunta dahil ano pa ba ang magagawa ko? Wala akong choice. Kaya nang matapos ang announcement ay umalis ako agad para puntahan siya sa hospital,” mahabang paliwanag niya. Iyon nga ang sinasabi niyang emergency. “Girlfriend mo ba ’yon, Lazel? Kaya mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito? Dahil hindi lang siya ang babaeng gusto mo, kasi nga ay girlfriend mo na siya,” wika ko. “Hindi. Sana nga ay ganoon na lang ang nangyari. Sana nga ay girlfriend ko na lang siya pero mukhang hindi na nga iyon tama. Kasal na ako at may asawa na ako... Makukuha mo man ang sarili ko, ang katawan ko ay sisiguraduhin ko na hindi mo makukuha ang puso ko.” Isang babala ’yon o pangako niya sa sarili niya na paninindigan niya ang sinabi niyang hindi niya ako magugustuhan, ano man ang mangyari. “Bata ka pa lamang, Lazel. Tama si Glero. Magbabago pa ang nararamdaman mo sa isang tao,” sabi ko at diretsong tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. “Are you telling me now that... Na isa lang paghanga ang nararamdaman ko sa kanya at puwede pa akong magkagusto sa ’yo? Is that what you want to tell me now? Na bata pa nga ako at puwede pang magbago ang nararamdaman ko sa isang tao, na puwede ring mailipat sa iba.” “That’s not what I mean,” tanggi ko. “Pero ganoon ang kinalabasan, eh,” giit niya. “Puwede mo namang subukan... Walang masama, Lazel Hyrroz. Walang masama na subukan ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa, and besides... Hindi na ako iba sa ’yo. I’m now your wife, and we’re just married a while ago,” I said factly. “Right... You’re my wife, pangalan na ng pamilya ko ang dala-dala mo ngayon pero hindi pa rin kita bibigyan ng karapatan na pangunahan ako sa gusto ko at pakialaman ang buhay ko. Labag sa kalooban ko kung gagawin mo ang mga bagay na hindi ko gusto. Kaya dapat wala ka ring gagawin,” malamig na sabi pa niya. “Magkaiba pala tayo. Puwede mong angkinin ang lahat ng mayroon sa akin pero kung ganito ka lang naman... Bibigyan lang kita ng oras para makapag-isip ng tama,” sabi ko at muli kong narinig ang pagngisi niya. “Parang... nadagdagan na ang role mo sa buhay ko, Mrs. Valdiviño,” saad niya na ikinahinto ko. My heart beats fast. Ibang pakiramdam naman pala talaga kapag sa kanya ko maririnig ang Mrs. Valdiviño. Nakapaninindig ng balahibo sa katawan. Dahil na rin siguro sa lamig ng boses niya. “W-What did you say?” I asked him. “Your first role... Asawa ko and second... A Mom na gusto mong mag-isip muna ako...ng tama para sa future nating dalawa. Tama ba?” *** LAZEL HYRROZ’S POV “THAT’S very impossible. Ni hindi ako familiar sa face mo.” “Yeah, yeah. Hindi na,” I agree. Dahil ang dami pa talaga niyang sinasabi. “But we’re here na,” I said and I parked the car. “Open the door for me. That’s your job,” utos niya sa akin at napanguso naman ako. “Pero may kamay ka naman, eh. Hindi mo na kailangang utusan pa ang taong nakatatanda sa ’yo. Sige na. Bumaba ka na, Young Miss at baka ma-late ka pa sa klase mo,” sabi ko. Parang gusto ko rin siyang bigyan ng disiplina para may matuto naman siyang kumilos na walang tulong ng iba. “But your my bodyguard! This is your responsibility! Ang pagsilbihan ako!” she proclaimed and I nodded. “That’s not my duty. Babantayan lang naman kita kapag may magtangka sa ’yo, hindi ang pagsisilbihan kita. Ang sabi nga kanina ng Mommy mo ay hindi mo ako utusan kaya hindi mo ako dapat inuutos-utusan ngayon. You forgot too na hawak ko ang schedules mo, Young Miss?” nang-aasar na tanong ko. Ito lang din ang naisip kong paraan para hindi na niya ako paghinalaan pa na may masama akong motibo sa Mommy niya at kinukuha ko rin ang loob niya. Sinilip ko na siya sa backseat at sobrang sama na ng timpla ng mukha niya pero kahit ganoon pa man. Maganda pa naman siya sa paningin ko. Naaaliw pa rin akong tingnan niya. Ang cute niyang bata. “AHH!” inis na sigaw niya at nagdadabog na agad. “Young Miss, ang puso mo.” “Sana pala noong nasa harapan natin si Mommy ay nagkunwari na akong mabait sa ’yo! Para hindi na kita maging bodyguard ko! You’re so nakaiinis na talaga!” sigaw pa niya at sinubukan na niyang buksan ang pintuan. “Puwede ka namang makiusap sa akin. Just say, ‘Lazel, can you please open the door for me?’ hmm, Calystharia? Do that, dahil madali namana akong kausap,” I suggested and the usual, she rolled her eyes again. “No thanks. Who you para pakiusapan kita ng ganoon?” maarteng tanong pa niya at nagawa pa niyang hawiin ang buhok niya. Ang taas nga ng pride niya. Mabilis ko namang tinanggal ang seatbelt ko at inunahan ko na siya. Binuksan ko na para sa kanya. “Huwag kang assuming, Young Miss. Nagiging mabait din naman ako ngayon, eh,” sabi ko at nang maglahad ako ng kamay sa kanya ay tinabig niya lamang iyon. Bumaba siya nang mag-isa at kinuha ko naman ang tatlong libro niya. “Tara, ihahatid na kita sa classroom mo. Kawawa naman ang Calystharia namin na nagdadala ng mabigat na libro,” sabi ko na sinadya kong liitan ang boses ko. Nalukot ang matangos niyang ilong at pairap pa niya akong tiningnan. “Yuck! Don’t say that!” reklamo na naman niya pero hindi niya nga ako pinigilan nang sumunod na ako sa kanya sa paglalakad. Sa isang private school nga siya pumapasok. Ang Valiant Elementary School, naalala ko ang Valiant University. Hindi ko alam na may elementary school na pala ang Valiant. Wala na nga talaga ako kaalam-alam. Sa pagsunod ko naman sa kanya ay hinarangan naman ako ng isang security. “ID pass, Sir?” tanong nito sa akin. ID pass? Required ba ang bagay na iyon para makapasok sa school ni Calystharia? Wala namang ibinigay na ID sa akin ni Calysta. Nakalimutan niya kaya iyon? “Wala po ba kayong ID pass ng school na ito, Sir? Mahigpit po ang bantay namin,” paliwanag ng isang security guard. Napatingin ako kay Calystharia na nakangisi na ngayon sa akin. Parang may binabalak na siya na ano. “Ano’ng ID pass ’yon, Calystharia?” tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang sling ng backpack niya at inikot-ikot ’yon. Kung ganyan ang reaction niya ay may naiisip na naman siya na hindi maganda. “Sabihin mo muna sa akin. ‘Calystharia, can you please help me for this?’ hmm, Mr. Valdiviño? Promise,” she said at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. “I will help you with my heart. Come on, remember that I’m gonna be late if magsasayang pa tayo ng time. Tik-tak... Tik-tak.” Mukhang nag-backfire sa akin ang mga sinabi ko sa kanya kanina, ah. Matalinong bata. Alam niya talaga kung kailan niya ako pasusunurin at nakaganti agad ang sutil na batang ito. I took a deep breath. “Calystharia, can you please help me for this?” I surrendered. Napalakpak naman niya at nakikita ko na sa mukha niya ang kasiyahan dahil lang doon, na napasunod nga niya ako agad. Naiiling na ngumiti lang ako. Worth it naman pala iyon dahil nakita ko siyang tumawa, hindi lang ngiti. Siya kasi ang tipong bata na mahirap pangitiin pero tingnan mo... Maliit na bagay lang ang ginawa ko ay malakas na siyang tumatawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya. “Is that, Divyne? Guys, hindi ba ako nagkakamali lang sa nakikita ko at this moment na tumatawa ang isang malditang si Calsytharia Divyne and walang manners?” Napalingon naman ako sa biglang nagsalita. Tatlong batang babae na mas matanda kay Calystharia. Dahil mas matangkad nga kasi ang mga ito. Siguro nasa sixth grade na rin sila. Tama rin ba ang narinig ko na ang tawag nila kay Calystharia ay maldita at walang manners? Hindi naman yata puwedeng sabihin ang mga iyon sa kanya, ah. “Yeah, it’s Divyne na walang Daddy!” segunda pa ng isa at dahan-dahan na lumapit. “Teka lang mga bata, huwag kayong mag-away rito. Pumasok na lamang kayo sa mga klase ninyo,” pagpigil sa kanila ng security guard pero hindi nila ito pinansin. Hinarangan ko naman si Calsytharia dahil susugurin nga siya ng tatlong bata na mas malaki pa kaysa sa kanya. Mataba pa naman ang isa, eh. Baka kung ano pa ang mangyari sa anak ni Calysta. Ayos lang kung magtatarayan lang silang apat pero kung physical na mag-aaway talaga sila ay iyon ang hindi ako makakapayag. “Wait, what are you doing, kids?” I asked them. “Don’t block our way, Mister,” matapang na sabi ng mas mataba. “Yeah. Gusto lang namin makita ang face ni Divyne na walang daddy.” “And why nga siya tumatawa ngayon. That’s miracle, guys. Si Calystharia Divyne? Masaya na siya? Hindi ba ang sabi niya, tatawa lang siya o ngingiti kung masaya siya, ’di ba, ’di ba?” “Yeah.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig sa kanila pero kahit na. Hindi ako makakapayag na makita ko si Calystharia na sinasaktan ng mga batang katulad nila. “Stop it. May mga klase pa kayo. Mas mabuting pumasok na lang kayo,” pag-awat ko sa kanila pero hindi talaga sila nagpapapigil, eh. “Ayos lang naman. Hindi pa naman kami nakapapasok sa loob, eh,” sabi pa nito. Bigla namang umalis si Calsytharia sa likod ko dahil pumuwesto na siya sa harapan ko at nakakrus pa ang dalawang braso niya. “Why? Envy na naman kayo sa magandang face ko, ha? Haist, kaya kayo hindi gumaganda dahil stress kayo agad nang makita ninyo ako.” Hindi nga talaga nagpapatalo ang batang ito at matapang pa rin niyang hinarap ang mga ito kahit mag-isa lang talaga siya. “Ang yabang-yabang mo pa rin ha, Divyne!” “Yes! Dahil may maipagmamayabang naman talaga ako. Itong face ko?” Napahawak ako sa batok ko. Hindi na magawang makalapit ng mga security. Hindi ko rin alam kung bakit parang takot na takot silang awatin ang mga bata. “Hinahangaan ng lahat, paano naman kasi... Nagmana ako sa Mommy ko, eh. Kaya nakuha ko rin ang ganda niya.” Oo na, Calystharia. Maganda ka na at mana ka na sa Mommy mo. Kamukhang-kamukha mo na nga siya pero tigilan ninyo na ito, oh. “Maganda rin naman kayo. Kasing ganda kayo ng mga Mommy ninyo. Kasi pare-pareho lang naman ang mga face ninyo, eh.” “Talaga naman!” “Hep!” agap ko at pumagitna na ako sa kanila bago pa sila magkasakitan. “Kapag hindi kayo titigil ngayon ay ang prinsipal ninyo ang makakaharap ninyo ngayon. Sige kayo.” “At sino naman ’tong pakialamer---guwapo?” Ngumiwi pa ako sa huling sinambit niya. Alam ko na hindi naman iyon talaga ang dapat niyang sasabihin o itatawag sa akin pero nagulat yata siya nang makita ang hitsura ko. “Are you going to fight with Calystharia? See yourselves, kids. This is what you want? One versus three? That’s not fair at hindi rin maganda ang makipag-away kayo sa mas bata kaysa sa inyo,” sabi ko at umiling pa ako sa kanila. Halos hindi sila kumukurap habang pinagmamasdan ang mukha ko. Nakaawang na nga rin ang mga labi nilang tatlo. Parang matutunaw naman ako nito sa kanila, eh. “Who are you po?” magkasabay na tanong nila. Hanggang sa may isang batang lalaki na ang patakbong lumapit sa amin. “Inaaway ninyo na naman ba si Divyne?!” sigaw nito at tinulak ang mas malaking bata. “Hey! Don’t do that!” sigaw nito dahil muntik na siyang mawalan nang balanse. “I told you na huwag ninyo nang lalapitan pa si Divyne! Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah!” Kahit may isa pa ring batang lalaki ang nagtatanggol kay Calystharia sa school nila ay parang hindi ko pa rin nagustuhan ang ideyang iyon, ah. “Ano ba kasi ang pakialam mo sa kanya, Sage?! Wala na nga siyang daddy at wala pang manners! Pero kinakampihan mo pa rin siya!” “Kasama ko si Kuya Lovins!” sigaw nito at nabahala naman ang tatlo. “Stop fighting each other, makakarating ito sa principal. Now, go to your room.” Napatitig naman ako sa bagong dating na bata. Nakasuot ito ng reading glasses at natatakpan ng buhok niya ang kanyang noo na malapit nang umabot sa mga mata niya. Nakasuksok sa bulsa ng suot niyang pants ang isa niyang kamay habang may dala-dala rin siyang mga libro. Mas matanda nga ito ng ilang taon kay Calystharia. Baka iyong tatlong bata ang kaedad niya lamang. Nagmamadali namang pumasok ang mga ito at kami lang ang naiwan. “Are you okay, Divyne?” the boy asked Calystharia. Iyong tinawag nilang Sage kanina. “Don’t touch me!” supladang sambit lang ni Calsytharia at dumikit ito sa akin para lang makaiwas sa bata. “You’re gonna be late, Calystharia,” sabi naman ng nagngangalang Lovins. “It’s Divyne for you,” sabi ko pero mukhang nagkasabay pa kami ni Calsytharia dahil narinig ko rin ang boses niya. Palipat-lipat tuloy ang tingin sa amin ng dalawa at makikita ang pagkakangiti ng isa. Samantalang iyong mas matanda naman ay pokerface lang itong nakatingin sa amin. “You! You are right, Divyne! May Daddy ka nga! They are wrong nga that you’re a fatherless!” masayang sigaw naman ng batang Sage at bigla namang lumakas ang kabog sa dibdib ko. Dahil lang sa sinabi nito. Napagkamalan pa ako na Daddy ni Calystharia... “Ah! Your voice, Sage! It’s so nakaiirita talaga as ever!” “Hi po, Daddy ni Divyne! I’m Sage Rhenz Savellano, and this is my Kuya Lovins Collin. Please to meet you po,” pagpapakilala nito sa sarili niya at inilahad pa niya sa akin ang palad niya. Hindi ako agad nakaimik. Paano naman niya nasasabi na ako ang Daddy ni Calystharia? Wala naman kaming sinabi kanina na mag-ama kami, ah. Pero ayaw ko namang tanggihan ang pakikipagkamay sa akin ng batang ito dahil natutuwa nga siyang makilala ako. Pero kasi...hindi naman ako ang ama ni Calystharia. “Lovins Rhaye Savellano, the campus president. As you can see, Daddy ni Calystharia, takot po sa akin ang tatlong batang iyon dahil puwede kong i-report ito sa guidance office,” paliwanag nito sa akin at ginawa rin ang pakikipagkamay sa akin. “But you still a kid,” I said. “Hindi mahalaga ’yon. Let’s get inside, Calystharia and Sage. Ako na ang maghahatid sa inyo sa classroom ninyo. I’m goin’ to explain if bakit late kayo pareho,” sabi nito at nauna na ngang naglakad. Talaga naman. Akala mo ay nasa high school na ang isang iyon. Hinarap ko naman si Calystharia na nakabusangot na ang mukha niya. “You okay, Calystharia? Palagi ka bang inaaway ng mga iyon? At sino siya?” tanong ko at itinuro ko si Sage. “Friend po ako ni Divyne, Daddy niya!” bulalas nito at tumalon pa talaga na halata ang kasiyahan sa mukha niya. At ano raw ang sinabi niya kanina? Daddy niya? “You’re not my friend!” malakas na pagtanggi ni Calystharia at hinila ang suot kong suit kaya sumunod na lang din ako sa kanya. Humabol naman si Sage sa amin. Bakit si Sage ay tinanggihan niya na hindi niya nga ito kaibigan? Pero ako? Hindi man lang siya nagkomento tungkol sa bagay na iyon. Ano naman kaya ang naiisip ng isang ito? “Kamukha po ninyo kasi si Divyne, Daddy niya! May dimple po kayo pareho at alam ko po na kayo na nga ang daddy ni Divyne,” pahabol na sabi nito na ikinabilis na naman nang t***k ng puso ko. What was that? Paanong naging magkamukha kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD