Chapter 18: Bullied & Fatherless
CALYSTA DANIELLA’S POV
WE REACHED the subdivision kung saan nga ang magiging bagong bahay namin ni Lazel. We didn’t decide na manirahan na sa iisang bubong. Because we never really planned it together.
It seems like both our parents just made us puppet for this marriage too. But Lazer knows where it is. Huminto kami sa tapat ng malaking mansion. Halatang bagong-bago pa ito.
“Mauna ka na sa loob. Ipaliwanag mo sa kanila kung bakit hindi ako sumama sa ’yo na pumasok.” I looked at him when he said those words. Saan naman niya binabalak na pumunta?
“And where are you going?” I asked him. Bakit ako lang mag-isa ang papasok? At saan naman siya pupunta? Bakit ako pa ang magpapaliwanag? Ang dami kong talagang tanong. “Lazel. Kinakausap kita,” mariin na sabi ko dahil hindi niya nga ako sinasagot. Nakatutok na naman siya sa phone niya. “Lazel Hyrozz,” I uttered his name again.
“Sabihin mo sa kanila na pumunta ako sa university dahil ipinatawag ako ng dean namin. Paniniwalaan nila ang excuse ko na ’yon,” walang emosyon na paliwanag niya. Ano naman ang gagawin niya sa university nila? At totoong ipinapatawag ba siya ng dean nila?
“Ano? Lazel---”
“Bumaba ka na. Alam kong magaling ka namang magsinungaling, ’di ba?” Bumuntong-hininga na lamang ako at kinalas ko ang seatbelt ko. Ano ang akala niya sa akin ay artista? Na madali lang talaga ang magsinungaling?
“Bumalik ka agad, Lazel,” paalala ko sa kanya nang makababa na ako sa kotse niya.
“Wala pang dalawang oras ang nakalilipas na ikinasal tayo ay ngayon naghihigpit ka na sa akin, Ma’am,” nakangising sabi niya. It’s a mistake na pakasalan nga ang katulad niyang...walang manners.
“Lazel, you know that I have rights to do that. I’m your wife,” walang emosyon na sabi ko.
“Yeah right,” sabi niya lang. “At bumaba ka na lang kung puwede,” dagdag pang sambit niya.
I took a deep breath before I got off from his car. But mabilis naman akong napalayo nang bigla niya itong pinaharurot. I clinch my teeth dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
“Ang batang iyon ay wala talagang manners,” naiiling na saad ko at nang mapatingin ako sa bagong bahay namin ay nanakit lang ang sentido ko.
Pumasok na nga ako at siya agad ang hinanap ng lahat, nang makita na mag-isa na lamang ako.
“Si Lazel, hija?” tanong ng mother-in-law ko sa akin. Lumingon pa siya sa likuran ko para lang hanapin ang anak niya.
“Nasa labas po. Susunod din po siya agad,” sagot ko at para hindi siya maghinala ay matamis akong ngumiti sa kanya.
Malaki ang mansion at maganda ang interior nito na nagustuhan ko naman. Malaki ang living room, sofa and a center table. Sa likod naman nito ay ang naka-display na mga bulaklak na nakalagay sa vase at ilan pa na mga gamit doon. Sa likod no’n ay ang hagdanan.
“Kumain ka muna, Calla. Ang mother-in-law mo ang naghanda nito. Siya lahat ang nagluto,” pagbibida sa akin ni Glero at masagana siyang kumakain. Nandito rin ang bunsong kapatid ni Lazel at nagso-solo lang siya.
“Sige,” sabi ko lang at umupo ako sa tabi niya. Kahit civil wedding lang ang naganap ay naghanda pa rin sila ng mga regalo para sa amin.
Sa dulo naman nito ay may inilagay silang table at nandoon ang mga matatanda na habang kumakain sila ay nagkukuwentuhan pa. Sina Lolo Ced, Papa at parents ng asawa ko.
“Where’s your husband, Calysta?” Blake asked me when he handed me a drinks.
“Nasa labas nga,” I replied. “Thanks for this, Blake Chevalier.”
“Nah, don’t mention it. Kami lang ang nakikikain dito, Calysta.” Nakipagkuwentuhan na lamang ako sa kanila para hindi ako ma-bored, dahil ilang beses kong sinulyapan ang front door.
Tumagal nga lang sa labas ang magaling kong asawa dahil ilang beses na rin akong tinanong ng mga parents ko and my in-laws. Hanggang sa isa-isa na rin silang nagsiuwian at wala pa rin si Lazel.
Balak pa ngang mag-stay ng matagal dito sina Blake and Glero para samahan ako, pero pinigilan ko na sila. Ayos lang naman sa akin ang mag-isa. Sanay naman na ako.
Nang sipatin ko ang wristwatch ko ay 9:12 na ng gabi at wala pa rin talaga siya. Sa university ba talaga siya nagpunta? Totoo kayang pinatawag siya ng dean nila? O baka nagsisinungaling lang siya?
Lahat ng sulok ng mansion ay isa-isa ko nang nilibot. Wala naman akong naging komento pa dahil lahat napakaperpekto nang pagkakagawa.
Naghintay ako sa living room at sa halip na magsayang din ng oras ay tiningnan ko na lamang ang mga update sa akin ng business nila at nakikita ko na umusad naman sila kahit papaano.
Hindi ko na nga namalayan na tumatagal na ako sa pagtratrabaho at saka lang dumating si Lazel.
“Where have you been?” I asked him but I didn’t even look at him. Sa laptop lang ako nakatingin pero nararamdaman ko ang presensiya niyang papalapit na sa side ko.
Hanggang sa umupo siya sa isang sofa na nasa harapan ko lang at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.
“I told you that I went to university,” he answered.
“Really? It was Sunday. Ano ang ginagawa mo ro’n? Ipinatawag ka ba talaga ng dean ninyo? Or you just want to escape?” I asked him coldly.
“You asked too much. It’s Irritating,” he commented at napatalon ang balikat ko nang hagisan niya ako ng coat niya sa mukha ko. Tinanggal ko iyon at inilapag ko lang sa tabi ko. Walang manners.
“What the héll, Lazel?” I glared at him.
“Show me my room,” he said and stood up from his seat. Napahinga ako nang malalim at isinara ko na lamang ang laptop ko. Ibinaba ko ito sa table at sumunod sa kanya na umakyat sa hagdanan.
“There’s a three guest room, iyong isa ay master bedroom. Alam ko na ayaw mo rin sa iisang silid lang tayo.”
“Mabuti na lamang ay alam mo,” balewalang sabi niya sa akin at binuksan na niya ang pintuan na malapit lang sa master bedroom.
“Lazel, ang mga gamit mo ay nasa---” mariin akong napapikit nang basta na lamang niyang isinara ang pinto. Napahilot ako sa sentido ko.
Mapagpasensya akong tao pero huwag niya sanang sagarin iyon. Tss.
***
LAZEL HYRROZ’S POV
What was that? Paanong naging magkamukha kami?
Si Calysta lang naman ang kamukha ni Calsytharia. Nakikita ko iyon at malaki ang similarity nilang mag-ina. Kaya bakit naman iyon ang napapansin ng mga batang ito? Imposible. Saka bata lang naman sila kaya bakit ko paniniwalaan?
“Diyan ka lang.” Napakamot ako sa batok ko nang pigilan ako ni Calsytharia.
Narating na kasi namin ang classroom nila at may mga kaklase na siyang pumapasok sa loob pero tinatapunan pa nila kami nang tingin.
“Dito lang ako?” tanong ko at itinuro ko pa ang kinatatayuan ko.
“Alangan namang papasok ka pa sa loob ng classroom ko? Bakit grade three ka pa ba, ha?” masungit na tanong niya sa akin. Napatitig pa ako sa kanya at hinanap lang ng mga mata ko ang tinutukoy ng mga bata. Maliban nga sa dimple nito, na sobrang lalim din. “Ano?! Doon ka sa waiting area maghintay sa akin at kunin mo nga ’to!” sigaw pa niya at mabilis kong kinuha ang lunchbox niya.
“Yes po, Young Miss,” sabi ko at sumaludo pa sa kanya. Tawang-tawa ang batang lalaki sa ginawa ko at si Calsytharia ay mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin saka niya ako inirapan.
“I’m leaving too. Hindi naman pala sila late, eh,” sabi ni Lovins.
“Bye, Kuya!”
“Behave, Sage.”
Sa waiting area nga ako naghintay sa kanya. May mga parents din naman ang naghihintay rito at...napansin ko na parang pasulyap-sulyap sila sa akin. Na parang gusto akong kausapin.
Kinuha ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog ng kanta. Binasa ko lang ang schedule ni Calsytharia at hindi ko pinalampas iyong kay Calysta. Hindi niya sinabi sa akin kanina kung susunduin namin siya sa company niya. Siguro naman...walang masama kung kami na lang ang kusang magsusundo sa kanya, ano?
Sa ilang oras na paghihintay ko ay hindi naman ako nabagot kasi mas excited ako na makita si Calsytharia na patapos na ang klase nila. Hindi ko na nga rin namalayan na nakaidlip na pala ako.
Nagising lang ako ng may maramdaman akong malamig na bagay sa kanang pisngi ko. Pagdilat ko ay ang nakasimangot na mukha niya agad ang bumungad sa akin.
“Hi,” I greeted her at pati ang boses ko ay inaantok pa.
“Ano ang akala mo sa school namin ay bahay mo? Bedroom mo na puwede kang matulog anytime you want?” Haist, kagigising ko lang ay sinusungitan na ako.
Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na iced tea at kinuha ko iyon. Nakaupo na pala siya sa tabi ko at hindi lang siya ang nag-iisa. Kasama niya si Sage na kumakain na.
“Recess ninyo pa lang, ’di ba?” tanong ko at sinilip ko ang kinakain ng classmate niya. Spaghetti at may sandwich din.
“Hi po, Daddy ni Divyne,” bati nito sa akin.
“Sage your bibig i-zipper mo muna ’yan,” inis na tanong ni Calystharia at ngumuso lang si Sage.
“Kumain ka na rin, Calystharia?” tanong ko at nailabas na rin pala niya ang lunchbox niya. Tatlo iyon at may isang malaking tumbler pa. I sipped her iced tea, na hindi naman siya nagreklamo na iniinom ko ’to.
Alam ko na pang-lunch niya ang isa. Binuksan niya iyon at dalawang kapirasong sandwich naman ang laman. Inilabas niya rin iyon. Itinukod ko lang ang siko ko sa mesa at pinagmamasdan lang siyang kumain.
Wala man lang reaction at ang mga mata niya ay natural na tila nang-iirap din.
“Staring is rude,” komento niya nang mapansin ang panonood ko sa kanya.
“Akin na ang iced tea mo, Calystharia?” tanong ko. Sinulyapan niya lang iyon pero hindi niya ako pinansin. Kaya baka sa akin na nga.
“Hindi ko na mauubos ang isa,” nakangusong sabi niya at si Sage naman ang kanyang tiningnan.
“Ayaw ko na, Divyne. Hindi ko na nga mauubos ang akin, eh,” mabilis na sabi nito. “Ibigay mo na lang sa Daddy mo, oh!” Turo nito sa akin at parang bored na bored pa akong tiningnan ng batang ito.
Marahan niya lang ang itinulak malapit sa akin ang pinaglalagyan nito. Nakangiting kinuha ko iyon. Hindi niya lang kayang sabihin sa akin na ibigay na lamang ang isa. Dahil nahihiya siya. I chuckled softly when I saw her rolling her eyes again.
“Calystharia, hinanda ba ’to ni Manang?” tanong ko sa kanya habang ngumunguya na ako ng sandwich.
“Ano ka? Si Mommy ang naghanda niyan. Si Manang lang ang nagluluto ng lunch ko. Wala kasing time si Mommy para mag-cook siya,” her explanation.
“Ang daldal mo na pala ngayon, Divyne. Kasi kausap mo ang Daddy mo, hmm?”
“Shut up, Sage! Don’t talk when your mouth is full,” suway pa niya sa kaibigan niya.
Kahit suplada pa itong si Calystharia ay hindi na ako nabahala pa. Dahil may kaibigan naman pala siya sa school nila kahit ilang beses pa niya itong i-deny na hindi niya nga kaibigan. Pero heto pa rin naman ang batang lalaki at pilit pa rin siyang kinakausap at nilalapitan. Kaya rin nitong tiisin ang pagiging suplada niya.
“Next time, isa na lang ang ipagawa mong sandwich sa Mommy mo, Calystharia. Kung hindi mo naman mauubos ang dalawa,” suggestion ko.
“Isa lang po talaga ’yan, Daddy niya---”
“Just call me, Lazel---or Tito Lazel,” sabat ko dahil kinakabahan ako sa tuwing tinatawag niya akong daddy ni Calystharia. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.
“Okay po, Tito Lazel. Isa lang po talaga ang sandwich ni Divyne.”
“I don’t even know if why two sandwich ang hinanda ni Mom, eh,” sabi nito. I just shrugged my shoulder. Wala rin naman kasi siyang alam, eh.
Natapos ang 30 minutes recess nila at bumalik naman sila sa klase nila. Ako na ang nag-ayos ng pinagkainan ni Calsytharia.
Pagdating ng lunch time ay dalawang lunch box ang nakahanda. Nagpaparinig lang sa akin si Calystharia na hindi naman niya mauubos ang mga pagkain niya kaya nakisalo na naman ako sa kanya.
Hindi naman pala sa lahat ng oras ay nagsusuplada siya kasi mas pinipili niya kung minsan ang manahimik. Hanggang sa sumapit ang uwian nila ay nabigla pa ako nang makita siyang umiiyak paglabas niya.
“Calystharia!” I called out her name and approached her immediately.
Lumuhod ako para mapantayan siya. Hawak niya ang pisngi niya at ang akala ko ay nasaktan siya pero nakita ko lang na may nakasulat doon. Bad manners, Divyne and fatherless.
“Tito Lazel! Sinulatan nila po ang pisngi ni Divyne kasi natulog siya sa loob ng klase namin!” sumbong sa akin ni Sage at nang hawakan ko iyon ay hindi naman matanggal ang ink. Siguro permanent marker ang ginamit dito.
“Calystharia...”
“Ayaw na matanggal ang nakasulat, Lazel! Ayaw ko nito! Ayaw ko!” sigaw nito at iyak siya nang iyak.
“We’ll find a way to remove it, Calystharia. Tumahan ka na at sino ba ang nagsulat niyan sa ’yo?” tanong ko sa kanya. Gulong-g**o si Sage na pinagmamasdan siya.
May lumabas naman na mga bata mula sa classroom nila at malakas ang tawa nila. Si Calystharia nga ang tinitingnan nila.
“Have you seen the fatherless Divyne, guys? It’s her first time to cry like that!” Nagtagis ang bagang ko nang marinig ko iyon. Kahit bata pa sila ay parang gusto ko silang saktan at patulan.
“Aw! Poor her!”
Ano naman ang akala nila isang papel lang ang pisngi ni Calystharia at bakit wala man lang ginawa ang teacher nila sa bagay na ito?
Kinuha ko ang backpack niya at dinala ko iyon, saka ko hinawakan ang kamay niya.
“Let’s go to the faculty room, Calystharia. Ire-report natin ang gumawa nito sa ’yo,” mariin na sabi ko pero nagpumiglas pa.
“Ayaw ko! Ayaw ko at hayaan mo na sila!” sigaw niya at hinarap ko siya.
“D-Divyne...” umiiyak na sambit ni Sage sa pangalan niya. Pati ito ay natatakot na sa kanya.
“Calystharia, hindi puwedeng hayaan na lang natin sila dahil lang sa ayaw mo. Hindi iyon ang tamang asal para sa mga katulad nilang mga bata,” mahinahon na sabi ko.
“Let them be! The teacher won’t believe me, because they know I have bad attitude and I don’t have manners! They’ll just say I started it all! That Calsytharia Divyne is only for attention because I’m jealous, because they have a Daddy and me? I don’t have a father! No one will believe me, Lazel! No one will believe it!” she burst out crying. Parang sinasaksak lang ako ng patalim sa puso ko. Ayokong nakikita siyang ganito na umiiyak. Mas sanay yata ako sa matapang na aura niya at pagsusuplada.
“D-Divyne... I believe in you. Don’t say that...”
“You know that I hurt you too! Kaya ayaw nilang lumapit ka pa sa akin, ‘di ba?! ’Di ba?!”
“Calystharia...” I uttered her name. I felt like crying sa naisip kong...she was bullied by her classmates dahil lang sa hindi niya pagkakaroon ng ama?
Tinatawag siyang fatherless at sinasabi rin nila na masamang bata si Calystharia dahil kulang sa aruga? Anong klaseng mga bata sila at bakit ganoon ang pagtuturo sa kanila ng mga magulang nila para manakit ng kapwa bata nila? Lalo na kung alam nila na wala itong ama?
“What’s going on here? Divyne---”
“Shut up!” Tumakbo naman palayo si Calystharia nang lumapit sa amin ang teacher nila. Hindi ako agad nakasunod pero nandoon naman si Sage. Siguro naman hindi sila agad palalabasin ng guards.
“Ma’am. Are you the in-charge teacher of third grade?” I asked her and she nodded.
“Yes, I am. I’m Teacher Mellan.”
“Did you know what really happens to your student Calystharia Divyne? Ma’am, hindi naman po yata tama ang ginawa ng mga bata sa kanya. Alam ninyo po ba na sinulatan nila ang pisngi nito?” malamig na tanong ko at parang hindi na siya nabigla.
“Si Divyne ba? Ang student ko na lahat ng mga naging teacher niya ay suko na sa pag-uugali niya. Ang hirap niyang turuan ng tamang asal to be honest. She’s a top student kaya lahat din ng mga classmate niya ay naiingit sa mga achievements na natatanggap niya, I admired her for that but...minsan over the belt na ang treat niya sa classmates niya at iyon ang hindi nakabubuti para sa kanya. Masyadong mataas ang pride niya.”
“You’re telling me that you’re not doing anything for your students who are bullying Calsytharia? Is her bad behavior your excuse to let kids treat her like that? It was disrespectful. Calysta, her Mom, I know she trusts you a lot because she knows you can take care of her daughter while she learns in this school. But for what you are saying, it seems like the kid’s fault to be like this because she has no manners, that’s it? How do you call yourself a teacher when you don’t know how to teach a good manners to your student too, Ma’am?” mahabang sabi ko at tinalikuran ko na siya dahil ayoko nang marinig pa ang mga pagdadahilan niya na wala namang saysay.
Patakbong nagtungo na ako sa gate para hanapin ang dalawang bata. Pero si Sage na lamang ang nakita ko na bitbit na ng isang lalaki.
“Dad, si Divyne po! Lumabas po siya kanina! Daddy!”
“Get in the car, Sage. I will find your Kuya Lovins.”
“Daddy hindi naman po si Kuya Lovins ang ipahahanap ko sa inyo! Si Divyne po, Dad! Si Divyne po na kaibigan ko!” umiiyak na sigaw ni Sage.
“I told you to leave that kid alone, Sage. She’s not good for you.”
Hindi lang ang mga estudyanteng ng school niya ang may ayaw kay Calystharia. Pati ang mga magulang ay may galit din sa kanya.
But I need to find Calystharia. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan si Sage.
“Sage! Sage, si Calystharia?” I asked him at nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ako. He cared for my Young Miss.
“L-Lumabas po siya, Tito Lazel. Ayaw po siyang p-palabasin kanina, eh but tumakbo po siya.” Hindi na ako nagdalawang isip pa at patakbong lumabas na rin.
Lagot ako kay Calysta kapag nawala ko ang anak niya. Pero siguro kaya ko pang tanggapin ang galit niya sa akin. Ang hindi ko lang matatanggap ay kung mapapahamak si Calsytharia.
Kung lumabas nga ito ay alam kong hindi pa siya nakalalayo kaya ginamit ko ang sasakyan ko at marahan ko lang ito pinaandar but I failed to find her.
Wala akong choice kundi ang tawagan ang mga kaibigan ko para tulungan ako sa paghahanap. May curfew ang Mommy nito.
“Bro, emergency!”