Chapter 19: Jealous
“WHAT happened? Sinadya ba ng bata na taguan ka dahil first day mo rin na bantayan siya as her bodyguard?” agad na salubong sa akin ni Lethaniel pagkarating niya sa school. Kasunod na rin niya na dumating si Claves.
“Hindi. May nangyari kasi sa kanya at umiiyak siya noong palabas na,” problemadong sagot ko. Lalabas na naman yata ang puso ko, eh. Nasaan na ba siya?
“Eh, ano ba kasi ang ginawa mo para mawala siya sa paningin mo?” tanong sa akin ni Claves. Napahilamos ako sa palad ko. Nagsisisi ako kung bakit ko siya hinayaan na tumakbo na lamang ng ganoon.
“Hindi ako agad nakasunod sa kanya dahil kinausap ko pa ang teacher nila. Hindi naman puwedeng hayaan ko ang mga kaklase niya na ganoon ang itrato sa kanya dahil lang sa masama ang ugali niya at sinasabi rin nila na wala itong daddy,” paliwanag ko pa. Ako ang nasasaktan para sa kanya. Kaya naiintindihan ko talaga ang galit niya sa mga kaklase niya.
Alam kaya ito ni Calysta? Baka hindi lang ngayon ang unang beses na nangyari iyon kay Calystharia. Baka ilang beses na rin pero nananahimik lang ang batang iyon. Wala rin naman sa hitsura niya ang magsumbong.
“Bakit kasi hinayaan mo na tumakbo palabas?” paninisi pa sa akin ni Lethaniel. Iyon na nga ang pinagsisisihan ko.
“Mabilis naman siyang sinundan ni Sage at ang akala ko naman ay hindi magpapalabas ang mga security guard sa mga estudyante nila na hindi kasama ang parents!” I reasoned out.
“Ano ba ’yan, bro? Nakaligtas ka na sa Mommy niya pero pagdating sa kanya ay mukhang magiging dahilan na kung bakit ka ipapatalsik na sa trabaho mo!”
“Bahala na! Kailangan nating mahanap agad si Calystharia. Baka mapaano siya, mas natatakot akong mapahamak siya kaysa ang pagalitan ako ng Mommy niya!” sigaw ko. Hindi nawala sa dibdib ko ang sobrang kaba.
“Wala ba’ng phone si Calystharia Divyne? Baka puwede mo siyang tawagan, Lazel,” suhestiyon sa akin ni Lethaniel. Iyon na nga ang problema ko. Hindi ko alam kung may phone si Calystharia at wala rin naman akong phone number niya kung nagkataon.
“Hindi ko alam at ang alam ko rin... May mga bodyguard si Calystharia at palihim pa siyang binabantayan ng mga ito...” sabi ko nang maalala ko nga ang tungkol doon. Narinig ko lang na sinabi iyon ni Calsyta.
“Safe naman siya pero lagot ka na talaga sa Mommy niya, Lazel. Bakit kasi masyado kang nagpabaya?”
“Baka nasa tabi-tabi lang siya. Hanapin na lang natin,” sabi ko at hindi na kami gumamit pa ng sasakyan.
Palihim na rin namin ginawa ito kasi baka mas delikado pa kapag may makaalam na nawawala ang anak ni Calysta.
“Pero dala mo ang bag niya,” komento ni Claves at itinuro nga niya ang dala-dala ko.
“Hanapin mo kung may cellphone siya,” Lethaniel said at tiningnan ko nga kung mayroon.
Malaki ang backpack niya at napakunot pa ang noo ko nang makita ko na puro black notebook ang nasa loob. Iilan din na notepad at maayos naman ang mga ito. Tiningnan ko pa ang secret pocket nito at nakita ko naman ang hinahanap ko.
“Heto na.” Pero pagbukas ko ay may passcode siya. “Mahihirapan pa rin tayo,” sabi ko at ipinakita kay Claves ang cellphone ni Calsytharia.
“Palagyan natin ng GPS na konektado sa phone mo, Lazel. Na kung sakali man mauulit ang ganitong pangyayari ay ite-trace na lamang natin ang location niya. Make sure na hindi mo rin dadalhin ang bag niya,” paalala pa sa akin ni Claves na tinanguan ko.
“Wala pa rin namang saysay ito. Hindi pa rin natin alam kung nasaan siya.”
“Ask her Mom. Baka mabigyan tayo ng clue kung saan puwedeng pumunta ang bata. Hindi naman iyon pupunta sa kung saan na hindi naman niya gustong puntahan.”
“Lethan, baka malaman ni Calysta na nawawala ang anak niya,” umiiling na sabi ko.
“Subukan mo na lang,” sabi niya at bumuntong-hininga na lamang ako.
“Naibigay ko naman na sa ’yo ang phone number niya.”
Tinitigan ko pa sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Calysta. Sana lang ay hindi niya mahalata. Kabado pa naman ako ngayon.
“Walang mangyayari kundi hindi mo susubukan, Lazel.” Totoo nga ang sinabi ni Lethaniel.
Dahan-dahan ko pang inilipat ito sa tainga ko at narinig ko na ang pang-ring sa kabilang linya. I just wait her to accept the call when I saw Calystharia already.
“Si Calystharia na ’yon!” sigaw ko at patakbong lumapit ako sa direksyon na iyon kung saan ko nakita si Calystharia.
“Si Calystharia?” Napahinto lang ako nang marinig ko ang boses ni Calysta.
“C-Calysta...” nauutal na sambit ko pa sa pangalan niya. Sinenyasan ko naman ang dalawa na puntahan ang lugar na iyon. Hindi naman sila nag-aksaya pa nang oras.
“Yes, it’s me. What happened, Mr. Valdiviño? May nangyari ba sa anak ko?” tanong niya sa malamig na boses pero ramdam ko naman ang pagiging kalmado niya.
Nakuha na niya kaya agad ang cellphone number ko kaya alam niya rin na ako tumatawag sa kanya ngayon? Shet, kahit na sa phone lang kami nag-uusap ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan sa kanya.
Hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Calsytharia. Kumakain ito ng street foods at ang dami niyang sinusubo. Na kulang na lang ay maluha-luha na siya. Mugtong-mugto pa rin ang mga mata niya at namumula ang ilong.
“Si Calystharia ay kumakain siya ngayon ng street foods. Kaya ba niya talagang kumain ng maaanghang?” I asked her. She’s a rich kid pero kumakain lang siya ng street foods at hindi man lang nandiri sa mga kinakain niya.
“Ano ba ang sinabi ko sa ’yo kaninang umaga, Mr. Valdiviño?” she asked me back at kumunot pa ang noo ko.
Right, may sinabi nga siya sa akin kaninang umaga. “Naka-take down na rin ang foods na hindi niya kinakain. Including the sweets, pinaka-hate niya ang ice cream but she loves eating spicy.”
“I just want to make sure, Ma’am. Ang dami po niya kasing kinakain kaya nabahala ako,” sabi ko na halos mamula ang tainga ko sa kahihiyan. Bakit ko ba kasi nakalimutan iyon?
“She usually eating spicy when she’s mad at ganoon din naman kung malungkot siya,” paliwanag niya.
“I see. Sige po, Ma’am. I’ll hang up the phone.” Ibababa ko na sana iyon nang nagsalita pa siya.
“Wait a minute. Mr. Valdiviño, ikaw na lang ang nag-iisang bodyguard ng anak ko. So, inaasahan ko na hindi ka papalpak sa trabaho mo. Tinanggal ko na ang secret bodyguards ni Calystharia. Sa ’yo na lamang ako kumukuha ng sources kung ano ang mga ginagawa niya when I’m gone, and if she’s safe pa ba sa school niya. Keep that in mind. Bye.”
“Calystharia...” I uttered her name at hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Mahigpit ko siyang niyakap at naramdaman ko pa ang paninigas ng maliit niyang katawan. Dahil siguro sa pagkabigla sa akin. “You scared the hell out of me, Calystharia... I was worried, kid,” I said.
Hindi naman siya nakakibo at kumalas na ako nang marinig ko ang pagtikhim ng mga kaibigan ko.
“Why are you here?” tanong niya kina Lethaniel at Claves.
“We are looking for you, Young Miss,” casual na sagot lang sa kanya ni Claves.
“And why is that? Close ba tayo para hanapin ninyo ako, ha? Kilala ko ba kayo para mag-care kayo sa akin, ha?” supladang tanong nito. Matiim ko pang tiningnan ang mukha nito. Parang okay naman na siya agad, ah.
“Hindi. Pero alam mo ang mangyayari sa bodyguard mo kapag nawala ka niya and worst mapahamak ka,” pagsegundo sa kanya ni Lethaniel. Salubong ang kilay ni Calystharia na tiningnan ako.
“Bakit? Ano naman ang mangyayari sa ’yo kapag napahamak ako, Manong driver?” Hayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng driver.
“Puwede siyang mawalan ng trabaho,” sagot ni Claves sa kanya.
“Wow, that’s good. Para wala ng epal sa life ko. Ang dami na niyang role sa life ng Mommy namin, eh. Ayoko ng ganoon. He’s super matanong din,” komento niya.
“Calystharia...”
“Whatever! Let’s go home,” sabi niya.
“Bumili muna tayo ng ink remover para sa pisngi mo, Calystharia,” suggestion ko at palihim na ibinalik sa akin ni Claves ang phone ni Calsytharia. Baka tarayan na naman kami kung bakit hawak ni Claves ang phone niya.
“Lagyan mo ng GPS pero kailangan mong malaman ang passcode niya,” bulong pa niya sa akin na marahan ko na lang tinanguan. I glanced at her again. Parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan ko at nakahinga na ako nang maluwag. Walang idea ang batang ito kung gaano ako nag-alala sa kanya nang hindi ko na siya mahanap at makita pa.
“Mauna na rin kami, Lazel. Ingatan mo na ulit ang little boss mo.”
“Sige, salamat.”
Hinawakan ko na agad ang kamay ni Calystharia at hindi naman siya nagreklamo na hinahawakan ko nga ang kanyang kamay. Nagpaubaya siya sa akin.
“Hindi pa ako bayad. Pay my street foods na kinain ko, Manong driver,” sabi nito sa akin at itinuro ng nguso niya ang nagtitinda ng street foods.
Hindi ko binitawan ang kamay niya sa takot ko na baka makawala na naman siya kaya ang ginawa ko ay dumukot lang ako ng isang daan sa wallet ko at ibinigay iyon sa matandang lalaki.
“95 lang po lahat, Sir,” sabi nito sa akin.
“Manong, iyong buko juice. Iyon na ang limang piso,” sabi niya at agad siyang binigyan ng matanda saka kami umalis.
“Calystharia. Dapat magalang ka pa rin sa vendor na iyon. Dapat ang sabi mo, ‘Manong, iyong buko juice na lang po,’ dapat iyon ang tamang sasabihin mo dahil mas matanda siya kaysa sa ’yo,” pagtatama ko sa kanya but I know hindi naman siya makikinig sa akin.
“Pakialam mo ba? You’re not my father. Tss.” See? Sasabihin niya lang iyon sa akin. “Sa ’yo nga ay higit ako ganoon, sa kanya pa nga na hindi ko naman kilala?”
“Bakit hindi mo iyan sabihin sa kaibigan mo? Kina Sage at Lovins?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
“Tinatamad ako,” simpleng sagot niya lamang sa akin. “Umuwi na tayo. Masakit na ang mga paa ko,” pag-aaya niyang umuwi. Tiningnan ko ang paa niya na ginagalaw-galaw pa niya.
“Masakit? Gusto mong i-piggy back kita, Calystharia?”
“Ayaw ko,” tanggi niya.
“Sige.”
“I-carry mo na lang ako. Gusto kong sumandal. Inaantok ako,” sabi niya na halos ikangiti ko. Pinigilan ko na lang kasi baka magbago ang isip niya.
Sinukbit ko sa kaliwang balikat ko ang backpack niya at pati na ang bag na pinaglalagyan niya ng mga lunchbox.
Nang pangkuin ko na siya ay iniyakap niya agad ang magkabilang braso niya sa leeg ko at isinandal na rin niya ang ulo niya sa balikat ko, nakaharap sa leeg ko ang mukha niya at naramdaman ko pa ang paghinga niya nang malalim.
Naglakad na nga ako pabalik sa kotseng naiwan sa labas ng gate ng school nila at nang isakay ko na sa backseat si Calystharia ay nakatulog na nga siya. Inayos ko ang pagkakaupo niya at isinandal ko ang ulo niya sa headrest. Saka ko siya sinuotan ng seatbelt. Gusto ko man siyang ihiga para maging komportable siya ay hindi naman puwede.
Hinubad ko ang suot kong coat at ibinalot ko iyon sa katawan niya. Hinawi ko pa ang buhok niya na nakatabi sa mukha niya.
“Kahit tulog pa ay mukhang suplada pa rin, eh. Pero ayos na. Maganda ka naman,” nakangiting sabi ko.
Mataman kong tinitigan ang maamo niyang mukha. Siguro noong bata pa lang ang Mommy niya ay ganitong-ganito ang hitsura nito at kung malaki na siya ay kamukha naman siya ng Mommy niya.
Pangako, Calystharia... Poprotektahan kita at hindi ko hahayaan ang mga taong gusto kang saktan, kahit bata iyon ay hindi ko pa rin palalampasin. Wala silang karapatan na saktan ka lang nila. Nandito lang ako, Calystharia...
Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para halikan ang noo niya basta nakita ko na lang ang sarili ko na ginagawa ko na iyon sa kanya at malapad na agad ang ngiti ko. Grabe ang sayang nararamdaman ko.
***
Hinintay ko sa labas ng company niya si Calysta at hanggang ngayon ay tulog pa si Calystharia sa backseat. Nakabili na ako ng ink remover para sa pisngi niya. Nagmadali lang ako dahil natatakot akong iwan siya sa kotse. Natanggal ko na rin ang nasa pisngi niya para hindi na niya iyakan pa iyon. Ingat na ingat pa ako dahil baka magising siya.
It’s good na nagawa niyang pakalmahin ang sarili niya sa street foods na kinakain niya. Mabilis din yata magbago ang mode niya.
Nagmamadali akong bumaba nang makita ko na ang paglabas ng Mommy niya pero may kasama ito. Napako pa ang mga mata ko nang makita ang kamay ng lalaking kasama niya. Nasa baywang iyon ni Calsyta at parang wala naman iyon sa kanya, hindi siya nag-abala na tanggalin ito.
Naikuyom ko ang kamao ko at mabilis din nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Parang gusto kong tanggalan ng kamay ang lalaking iyon. Sino siya? Bakit masyado siyang malapit kay Calysta? Boyfriend ba siya nito para hawakan niya ng ganoon?
Nang makita naman niya ako ay roon ko lang siya nakita na nagulat. Siguro hindi niya inaasahan na makita ako rito. Wala rin naman kasi siyang sinabi na magpapasundo siya.
“What...what are you doing here? Hindi ba dapat nasa bahay na kayo ng anak ko?” agad niyang tanong sa akin nang makalapit na sila.
Walang emosyon kong tiningnan ang mukha ng kasama niya. Parang magkasing edad lamang sila pero hindi ko gusto ang ikinikilos niya. There’s something with him kaya kumukulo agad ang dugo ko.
“Who is he, Calysta?”
“He’s my---”
“Let’s go home? Kailangan na rin kasing magpahina ni Calystharia. Nakatulog siya,” putol ko sa sasabihin niya at binuksan ko ang pinto sa backseat para makita niya ang anak niyang natutulog.
Sinilip naman niya iyon pero salubong ang kilay. “Nakatulog nga siya,” sabi niya at natanggal na ang kamay ng lalaki sa baywang niya.
Nang magtagpo ang tingin namin ng lalaking kasama niya ay nakita ko pa ang pagtagis ng kanyang bagang. Wala naman akong ginagawa, ah.
“I’m Veon Thunrick Eldos, Calysta’s boyfriend.” Parang narinig ko na rin ang pagkulo ng dugo ko sa pagpapakilala niya sa akin.
So, he’s the boyfriend then at kailan pa naging sila? Matagal na ba? Alam kaya ito ni Calystharia? Kasi alam ko na overprotective iyon sa Mommy niya. O baka nilihim lang ito ni Calysta?
“Veon, we’ll go ahead. Umuwi ka na rin,” Calysta told him.
“Okay. Kumustahin mo na lang ako kay Divyne,” sabi nito at humalik pa talaga siya sa pisngi nito.
“Why are you kissing my Mom’s cheek?!” Nagulat naman ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Calystharia.
“Calystharia...”
“Hi, Divyne,” he greeted the kid at nagawa pa niyang ngitian ito.
“Who are you?” walang emosyon na tanong nito at nagawa pa nitong bumaba.
“Love, umuwi na lang tayo,” marahan na saad sa kanya ng Mommy niya pero hindi niya ito pinansin. Matapang na tiningala niya lang ang lalaki at masama ang kanyang tingin dito.
Kagigising lang ng bata, tapos iyon pa ang unang makikita niya? Na may isang lalaki ang humalik sa Mommy niya? Kahit na sa pisngi lang iyon.
“I’m Veon Thunrick Eldos. You can call me Uncle Veon---”
“No, I don’t want to. You’re not my uncle,” malamig na sabi pa niya at hinawakan ang kamay ng Mommy niya. “Mom, let’s go home.”
“Bye Calys---”
“Yes, goodbye forever.”
“Calystharia.”
Napilit na nga ni Calysta na muling sumakay sa kotse ang anak niya pero masama na agad ang timpla nito. Bago rin ako sumakay sa driver seat ay malamig pa akong tinitigan ng lalaki and I did the same way.
“What’s your name again?” he asked me.
“I’m Lazel Hyrroz Valdiviño,” malamig na sambit ko sa pangalan ko at nakita ko pa ang gulat na rumehistro sa mukha niya.
“You’re a Valdiviño?” gulat na tanong niya. Hindi ko naman mahanap ang dahilan kung bakit nagulat siya na isa nga akong Valdiviño. Siguro...kilala niya si Dad at ang family business namin. Totoong malayo na kasi ang narating ng kompanya namin at nakikisabay na sa malalaking business project.
“Why?” tanong ko.
“Oh, nothing. Take care of my girlfriend, Mr. Valdiviño. I’m still planning to be part of Calysta’s family. Do you know her daughter Calystharia Divyne? We’re very close and I can’t wait her to call me Daddy somedy.” Dahil sa paghigpit ng pagkakuyom ng kamao ko ay narinig ko na ang tunog ng buto nito at kunot-noong tiningnan niya iyon. Talaga close sila? Iba yata ang nakita ko sa bata, eh.
“Really? Let’s see then,” nakangising sabi ko lang saka ko siya tinalikuran.
Tahimik lang ako habang nagmamaneho ng sasakyan at naririnig ko pa ang pag-uusap ng mag-ina.
“Mom, may dumikit na pong germs sa cheek ninyo. Tanggalin ninyo po, Mommy,” sabi ni Calystharia, halatang hindi niya iyon nagustuhan.
“Germs?” Parang ang inosente pa ng Mommy niya.
“Why did he kissed you, Mom? I don’t like it.” Kahit hindi ko lingunin si Calsytharia ay alam kong nakanguso na naman siya.
“And what happened to your cheek, love? Bakit namumula ito?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
At hindi ko na napigilan pa ang tingnan sila sa rearview mirror. Medyo nagulat pa ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Calystharia. Nalukot ang ilong ko nang nakuha ko agad ang senyales ng mga mata niya.
Gusto niyang itago ko from her Mom ang nangyari sa kanya kanina. “Nothing po, Mom,” sagot niya.
May kutob ako na hindi na nga ito bago sa kanya. Walang alam ang kanyang ina na binu-bully siya ng mga kaklase niya na pati ang schoolmates niya. Wala ring ginagawa ang mga teacher para sa kanya dahil ang akala ng mga ito ay si Calystharia ang naunang lumikha ng g**o.