CHAPTER 20

3622 Words
Chapter 20: Picture & Attic CALYSTA DANIELLA’S POV NAPATITIG ako sa wedding picture namin ni Lazel. Ang bilis lang ng Mommy niya at pinagawan niya kami agad ng portrait. Naka-display na ito sa dingding ng master bedroom namin sana. Sobrang laki nga nito, eh. Ang ganda, pero alam ko naman na hindi masaya ang batang---sa tingin ko oras na rin para ihinto ko na ang pagtawag sa kanya na bata. Kasi malaki na nga siya at may asawa na. Oh, geez. Ako lang ang nakayakap sa braso niya pero nakasuksok naman ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya. Halatang ayaw niya rin akong hawakan at seryoso lang siya sa camera. Eh, ako kahit napipilitan lang ay nakangiti naman ako. I heaved a sigh at nagtungo na ako sa bathroom para makaligo na rin. Napatitig naman ako sa bathtub na punong-puno ng petals. Mabuti na lang wala sa bed kasi baka punahin pa iyon ng asawa ko. My...kasal na nga talaga ako at may asawa na rin. Bukas ko na lamang ipalilinis ang mga ito saka mabilis lang akong naligo. Suot ko na ang pink na bathrobe ko nang pumasok na rin ako sa walk-in closet. I was surprised nang makita ko na ang laki ng space para sa bagong paglagyan ng wristwatch ko. May nakikita ako na ilan doon at namangha pa ako sa ganda nila. Siguro nasabi na rin nina Lolo Ced at Papa na may collection ako na mga relo kaya sinadya rin nilang ipagawa ito. Nasa kabila naman nito ang mga gamit ni Lazel. Kompleto ang lahat ng iyon at nandoon na rin ang school uniform niya. Napanguso ako nang makita ang laki ng pinagkaiba ng mga iyon. Sa akin ay puro naka-business attire na ang damit ko. May mga dress na rin, shoes pero kay Lazel. T-shirt, and his suit. Kumuha ako sa cabinet ng susuotin ko. Isang manipis na pantulog lang. I was about to remove my bathrobe nang bumukas ang door. Nilingon ko iyon at si Lazel ang pumasok. Wala naman siyang reaction at dumiretso lang siya sa cabinet niya para kumuha rin yata ng pantulog niya. Black bathrobe rin ang suot niya. Lumabas din naman siya agad at muli akong napanguso. Ang sungit niya lang, ha. Hindi nga talaga siya namamansin. Mabilis din naman akong nagbihis at pinuntahan siya. I just want to ask him if done na rin ba siya kumain. Of course I’m worried kasi kauuwi niya lang. I knocked the door three times bago ko ito binuksan. Nakita kong nakahiga na siya sa bed niya at nasa noo niya ang kanyang kaliwang braso. “Lazel, kumain ka na ba? May natirang pagkain pero puwede kong painitin iyon para sa ’yo. Gusto mong ipaghanda kita?” tanong ko sa marahan na boses. “Wala akong ganang kumain,” matigas na sagot niya sa akin. “Pero kailangan mong kumain ng dinner, Lazel,” pangungulit ko sa kanya. “Kumain ka ulit kung gusto mo,” malamig na sabi pa niya sa akin. Pero hindi pa rin naman ako susuko na suyuin siya. Gusto kong maging close kami at mag-work ang marriage namin. “Anong oras ang pasok mo bukas? Puwede ko bang makita ang schedule mo?” I asked him again at bigla naman siyang bumangon. Masama agad ang tingin niya sa akin. “Bakit ba ang kulit mo? Bakit gusto mo pang dagdagan ang role mo sa buhay ko? Asawa na nga kita pero gusto mo pa yatang maging manager ko. Just go to sleep at huwag mo akong abalahin pa,” sabi niya na ikinabuntong-hininga ko. “I’m sorry. Gigising na lang ako nang maaga bukas para ipaghanda kita ng breakfast,” sabi ko at isinara ko na ang pintuan. Sumandal naman ako dito at napatingala. Kung ganito siya palagi sa akin ay malabong magkakabati kami agad. Super cold niya sa akin at nagsusuplado talaga siya. Kung ano-ano na ang mga pinagsasabi niya sa akin pero ako ang asawa niya at mas matanda ako kaysa sa kanya kaya ako ang dapat na umintindi sa kanya. Bumalik ako sa kuwarto at humiga na lang sa malaking kama. Hindi ko rin naman gusto na makatabi siya sa pagtulog kasi alam kong magiging awkward lang kami pareho. And the next day, maaga akong nagising para ipaghanda siya ng breakfast. Since nakatira na nga kami sa iisang bubong ay ang gusto ko rin alagaan siya at gawin ko ang responsibilidad ko as his wife. Ayos lang na maging cold pa siya sa akin, basta maalagaan ko naman siya. Alam ko naman na balang araw ay magkakabati rin kami. I cooked our breakfast. Kaya sana kumain siya ng luto ko. Bihira lang din naman akong magluto nito kung umuuwi ako nang madalas sa mansion namin. I prepare the egg scrambled, fried rice, ham and sandwich. Mango juice and coffee. Baka mas prefer niya ang coffee kaysa sa juice. Nang sipatin ko naman ang relo kong pambisig ay napanguso lang ako. Dahil masyado pa ngang maaga. 7:01 pa lang kasi. Madalas naman ang gising ko ay 5AM. Hindi lang ang susuotin ko ang hinahanda ko. Pati na ang papers or files na kinakailangan ko sa work. 8 o’clock naman ang pasok ko kaya gusto ko talagang malaman ang schedule ni Lazel para mabigyan ko naman siya ng sapat na oras ko. I know we both busy. As I waited for him ay umabot na sa 8:05. Kanina pa lumamig ang breakfast namin saka lang siya lumabas sa room niya. Nakasuot na rin siya ng school uniform niya. “Lazel, kumain muna tayo ng breakfast,” sabi ko at hinarangan ko talaga siya sa hagdanan pero nilagpasan niya lamang ako. Nasagi pa nga niya ang balikat ko. “Lazel.” “You’re my maid para ipaghanda mo ako ng breakfast? At hindi ako gutom,” malamig na utas niya. Sumisikip ang dibdib ko sa lalaking ito, eh. “Mula pa kagabi ay wala ng laman ang sikmura mo, Lazel,” paalala ko sa kanya at sumunod ako. “Wala ka ng pakialam pa,” matigas na sabi pa niya. “Walang masama kung kumain ka---” “I’m gonna be late. Wala akong oras para makipag-debate sa ’yo nang ganito kaaga,” supladong sabi pa niya. Wala na akong choice kundi kainin ang niluto kong breakfast. Araw-araw yata magiging ganito na kami ni Lazel. Ngayon pa naman ang first day namin bilang mag-asawa. Ano na ba ang gagawin ko sa kanya? *** LAZEL HYROZZ’s POV Tahimik si Calystharia sa biyahe namin habang pauwi na kami sa condominium. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko sila ng mag-ina sa rearview mirror. Nananahimik lang din naman si Calysta at nakatutok na naman siya sa tab niya. Ganyan talaga siya palagi. Nang makarating na kami ay hindi na sana ako sasama pa sa kanila na pumasok sa loob pero tinawag ako ni Calysta. Na mukhang may pag-uusapan kaming dalawa. “Go ahead, love. Get some rest,” sabi niya sa anak niya at sinulyapan pa ako ni Calsytharia. Tinanguan ko siya na tumaas lang ang kilay niya. Pinanood pa namin ang paglalakad nito sa hagdanan bago ako hinarap ni Calysta. “May nangyari ba sa anak ko?” tanong niya na dapat ko talagang sagutin. “Have you seen the fatherless Divyne, guys? It’s her first time to cry like that!” “Aw! Poor her!” “Let them be! The teacher won’t believe me, because they know I have bad attitude and I don’t have manners! They’ll just say I started it all! That Calsytharia Divyne is only for attention because I’m jealous, because they have a Daddy and me? I don’t have a father! No one will believe me, Lazel! No one will believe it!” “Si Divyne ba? Ang student ko na lahat ng mga naging teacher niya ay suko na sa pag-uugali niya. Ang hirap niyang turuan ng tamang asal to be honest. She’s a top student kaya lahat din ng mga classmate niya ay naiingit sa mga achievements na natatanggap niya, I admired her for that but...minsan over the belt na ang treat niya sa classmates niya at iyon ang hindi nakabubuti para sa kanya. Masyadong mataas ang pride niya.” Kahit ganoong bata pa si Calystharia ay hindi ko naman siya kayang makita na sinasaktan siya ng mga kaklase niya. Naaawa ako sa bata at hindi ako makakapayag na hindi iyon magagawan ng paraan. Para tumigil na ang mga estudyante sa pambu-bully sa kanya. “Answer me. May nangyari ba sa kanya sa school nila? Si Calystharia, hindi iyon nakakatulog sa biyahe. Kaya alam kong may nangyari sa kanya bago kayo umuwi,” seryosong sabi niya. “Basa rin ang pilikmata niya at kung umiiyak siya ay mabilis siyang mapagod,” she added her words. Ganoon nga ang nangyari dahilan noong buhat-buhat ko pa siya ay nakatulog siya. Wala naman akong balak na itago pa iyon sa kanya dahil gusto kong maging aware siya sa nangyayari sa anak niya. Ayoko ng maulit pa iyon at kahit magalit pa si Calystharia sa akin ay wala na akong pakialam pa. Ang gusto ko lang ay tumigil na ang mga batang iyon sa katatawag sa kanya na fatherless Divyne. I don’t like it. Ako ang nagagalit sa tuwing naririnig ko iyon. “Minsan ba...kinumusta mo si Calystharia kung okay lang ba siya sa school nila? Iyong teacher niya, hindi ka ba natawagan kung minsan ay nagkakagulo na roon?” sa halip ay tanong ko. Alam kong matalinong tao siya at maiintindihan niya agad ang ibig kong sabihin. “Sabihin mo na lang sa akin.” “You’re curious about her red cheeks, aren’t you? Kanina umiyak siya dahil iyong kaklase niya ay sinulatan ang pisngi niya habang natutulog siya sa klase. Iyak siya nang iyak. It was only then that I found out that the students were always bullying her, even in the sixth grade they used to beat Calystharia. Your daughter doesn’t do anything even though she knows she didn’t start the trouble. No one believes her that even their teacher has given up on her behavior,” mahabang pahayag ko sa kanya and I stared intently at the expression on her face. I saw a change there. “She goes home to our condo first and every time I go home too, there isn’t a day that goes by that I don’t ask her how she is doing at school. That if she doesn’t scold her classmates and all that but...my daughter doesn’t tell me anything. Pagdating sa mga ganoong bagay ay hindi siya transparent, hindi ko siya pinapangunahan sa mga gusto niya kung alam kong hindi naman ito ikasasama niya but I still give her a limit. But I really don’t know anything about that... Iyong teacher niya ngayon, once a week ko siya tinatawagan para alamin kung may ginagawa ba si Calystharia na ikasasakit ng mga kaklase niya, wala naman siyang sinasabi sa akin at ang palagi niyang sinasagot ay she’s doing good. That I have nothing to worry about. Kaya panatang nga ang loob ko,” mahabang saad niya. “Kung ganoon...dapat may gawin ka na sa bagay na iyon. Hindi ko kasi kayang makita na ganoon nila kung tratuhin ang anak mo,” sabi ko at kitang-kita ko pa ang gulat na gumuhit sa maganda niyang mukha. “I believe in your daughter na hindi naman kayang paniwalaan ng mga teacher na iyon. Sana may gagawin ka rin para lutasin ang problemang iyon, hindi ko maatim na sinasaktan nila si Calsytharia dahil lang sa pagiging fatherless niya. I’ll go ahead, Ma’am,” paalam ko sa kanya. Hindi ko na ikinabahala pa na sabihin iyon sa kanya. Basta alam na rin niya ang nangyayari sa kanyang anak. Because I cared for her too. Pagpasok ko sa condo ni Lethaniel ay agad akong humiga at bumuntong-hininga. Tinitigan ko ang kisame. Ang lalaking iyon... Siya ba talaga ang boyfriend ni Calysta? Alam kaya iyon nina Lethaniel at Claves? Na baka sinadya na naman nila na hindi iyon sabihin sa akin? Pero ang sabi rin kasi nila ay si Calystharia lang ang sabit kahit para sa akin ay hindi iyon isang sabit lang. Dahil bonus na siya para sa Mommy niya. Walang kaso sa akin kahit may anak pa si Calsyta sa ibang lalaki. Dahil ano naman sa akin? It doesn’t matter to me. I like Calystharia kahit na ganoon pa ang pag-uugali niya. *** “May sinabi ka ba sa Mommy ko, ha?” tanong sa akin ni Calystharia kinabukasan. Kinuha ko sa kanya ang backpack niya. “Ano naman ang sasabihin ko sa Mommy mo, Young Miss?” I asked her. “The incident yesterday,” she replied. “Calystharia, she’s your Mom at nararamdaman pa rin niya kung may nangyari ba sa ’yo o wala. Sa mundong ito ang sariling ina natin ang unang makakaalam sa problema ng isang anak. Kaya kahit wala akong sabihin sa Mommy mo ay alam mong may malalaman pa rin siya,” paliwanag ko sa kanya na ikinasimangot niya. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang ulo niya. “Calystharia. Kung wala ng tao ang magtitiwala sa ’yo ay tandaan mo palagi na may isang Lazel Hyrroz Valdiviño pa rin ang naniniwala sa ’yo. Kung ayaw sa ’yo ng mga tao ay ako... Gustong-gusto kita. Kaya kung may mambu-bully na naman sa ’yo ay huwag kang magdalawang-isip na magsumbong sa akin dahil gagantihan natin sila,” nakangiting sabi ko at natigilan pa siya saglit. She stared at me intently na parang may nakikita siya sa akin na ano. “Baka matunaw na ako niyan sa ’yo, ah,” pagbibiro ko pa sa kanya. Hindi niya tinanggal ang kamay ko sa ulo niya. “Why are you so nice? Hindi ba naging bad naman ako sa ’yo? I don’t have manners at palagi kitang sinisigawan. So why? Why are you like this?” she asked me in confused. Maski ako ay hindi ko rin naman alam ang dahilan, eh. Pero siguro dahil nakikita ko sa kanya ang sarili ko dati? Ang pag-uugali ko na unang nakilala ng Mommy niya? Na gusto ko lang talagang bumawi, dahil sobra-sobra ang ginawa ko noon kay Calysta. Walang kapatawaran iyon. “I don’t know either, Calystharia. Basta ang alam ko lang ay gusto kitang protektahan,” sabi ko at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Akala ko lang noong una ay maiiyak siya pero sumimangot na naman siya sa huli. Hinila ko naman siya dahil dadaan iyong kasambahay nila na may dalang malaking vase. Pamilyar sa akin ang bulaklak na iyon. Pinasadahan ko pa nang tingin ang living room at doon ko lang napansin na iisang bulaklak lang pala ang mga naka-display na vase at hindi iyon fake flowers. “Bakit mo tinitingnan ang pink flowers na iyon, ha?” Calystharia asked me. “Naalala ko lang noong college pa ako. May nagbibigay sa akin na ganyang klaseng bulaklak,” wala sa sariling sagot ko. Ilang beses akong nakatanggap na hindi ko alam kung kanino galing. “That peony?” she asked me. “Peony?” nalilitong tanong ko naman. “Iyong name ng pink flower na favorite ng Mommy ko. Peony iyon...” “Peony... Ngayon ko lang nalaman ang pangalan,” tumatangong sabi ko. “That’s your Mom’s favorite flower?” I asked her and she nodded. “But hindi iyon alam ng mga lalaking nanliligaw sa Mommy ko.” Napataas nang bahagya ang kilay ko. Ayaw niya sa mga lalaki. Pero sa akin ay sinasabi niya ang paboritong bulaklak ng Mommy niya. Nice one. “Now I know. Uhm, Calystharia...” Tumingin ako sa itaas para tingnan kung nandoon ba ang Mommy niya. Ayokong maabutan niya kami na nagtatanong ako tungkol sa lalaki kahapon. Baka kung ano rin ang sabihing niya o kaya naman tuluyan akong tatanggalin sa trabaho ko. “What?” Sumunod ako sa kanya nang umupo siya sa couch. “Nasaan na ang Mommy mo?” “Nag-re-ready pa lang siya sa room niya, why?” kunot-noong tanong nito sa akin at may isinusulat yata siya sa black notebook niya. “Ba’t ka nagtatanong sa Mommy Calystharia ko, ha?” supladang tanong nito sa akin. “Iyong lalaki kahapon,” sagot ko. “Sinong lalaki iyon?” tanong niya na parang hindi niya nga kilala ang tinutukoy kong lalaki. “Si Veon Thunrick Eldos, iyong lalaking kasama kahapon ng Mommy mo. Totoo bang boyfriend iyon ng Mommy mo, Calystharia?” tanong ko na ikinahinto niya sa pagsusulat at tinitigan ako. “Boyfriend? I don’t like him para maging boyfriend siya ni Mommy.” “But he said that na boyfriend niya ang Mom mo, Calystharia,” giit ko at sumama ang timpla ng mukha niya. “Really? Sa bibig niya talaga nagmula ang word na boyfriend na iyon? Ang sabi sa akin ng Mommy ko ay hindi naman siya boyfriend nito. He’s just a manliligaw,” mariin na sabi niya at binigyan diin ang salitang manliligaw. “Totoo? Iyon ang sabi niya sa ’yo?” tanong ko na parang nakarinig lang ako ng boses ng isang anghel. Of course sa batang ito lang ako maniniwala dahil alam kong nagsasabi naman siya ng totoo. “You seems interested sa Mommy ko, ah,” sabi niya at pinanliitan pa niya ako ng mga mata niya. “Ganito kasi ang sinabi sa akin ng Eldos na iyon,” pagsisimula ko at tumikhim pa ako bago ko ginaya ang boses ng lalaking iyon. “Oh, nothing. Take care of my girlfriend, Mr. Valdiviño. I’m still planning to be part of Calysta’s family. Do you know her daughter Calystharia Divyne? We’re very close and I can’t wait her to call me Daddy somedy,” panggagaya ko rin sa mga katagang lumabas sa bibig ni Eldos. “What?!” gulat na tanong naman niya at mariin kong naitikom ang bibig ko. “Did he really said that?! Really?! We’re very close? Yuck! I don’t even know him! Ang kapal ng mukha niya, ha! Oh, my gosh!” sigaw niya at tumaas ang sulok ng mga labi ko. Dahil sa reaction niya. Tumayo pa siya at nasa baywang niya ang magkabilang kamay niya. Parang siya iyong nanay ni Calysta at overprotective naman niya sa anak niya. Nakatutuwa siyang tingnan. “Sinabi mo pa,” sabi ko at bigla naman niya akong itinuro. “Ikaw!” “Ha? Anong ako?” naguguluhan kong tanong at itinuro ko pa ang sarili ko. "Take care of my Mom. No other man should come near her! And even if I don’t like you, you have to do your job. Don’t ever let men come near my Mommy Calysta,” she said with authority. “Yes, I will, Young Miss,” I said at nagawa ko pang yumuko sa kanya. Parang sa lagay na iyon ay ipinagkakatiwala na niya sa akin ang Mommy niya. Wow... Ang galing naman. It seems may kakampi na rin ako, ah. “Curious lang ako, Young Miss. Bakit puro black ang notes mo?” tanong ko at ininguso ko ang notebook niya. Mabilis niyang itinago iyon sa backpacks niya. “Wapakels ka na ro’n, Manong driver,” sabi niya. Tinitigan ko ulit ang mukha ni Calystharia. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga sinasabi sa akin ng mga batang iyon. Na kamukha ko raw siya pero si Calysta lang ang nakikita ko sa kanya. “Calystharia, kamukha mo ba ang daddy mo?” tanong ko na hindi ko na pinag-isipan nang maayos. Baka magalit na naman siya sa akin dahil iyon pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko rin na natigilan siya. “I don’t know. Hindi ko rin siya...kilala. Hindi naman nagkukuwento sa akin ang Mommy ko. Kasi...kasi... Basta,” sabi niya at humihina ang boses niya. “Kahit pangalan man lang?” Umiling siya. Bakit kaya hindi sinabi ni Calysta iyon sa anak niya? “Pero...sabi sa akin ng isang babysitter ko dati... Nakita niya raw ang face ng daddy ko. Kamukhang-kamukha ko raw at makikilala ko raw siya...” sabi niya at saglit na tumigil dahil diretsong tinitigan niya ako sa mga mata ko. Bumilis naman ang t***k ng puso ko. “May dimple din ang daddy ko...” Siguro, sa daddy niya nga nakuha ang dimple niya. Wala ng duda iyon. “Nasaan na ang picture?” tanong ko pa. “May mansion kami. Nasa...attic daw. Gusto mong...sabay natin makita ang face ng Daddy ko?” Kinabahan ako sa tanong niya. Inaaya pa niya ako para lang sabay namin makikita ang mukha ng daddy niya. “Nasa attic? Bakit...bakit hindi mo pinuntahan iyon?” curious na tanong ko. “Na kay Mommy ko ang key, eh. Saka...madilim sa attic. Kaya... samahan mo na lang ako.” “Pero...wala naman tayo sa mansion ninyo,” sabi ko. Gusto ko ring malaman pero hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit kabado ako. “Next month pa kami uuwi nina Mommy... Bakit...sasama ka sa amin, ha?” tanong niya sa akin. Kung puwedeng sumama, ay bakit naman hindi?” “Sasama saan naman?” Nagulat naman kami pareho nang marinig namin ang boses ng Mommy niya. “Sa mansion po natin, Mom. Isama po natin si Manong driver, kasi ’di ba driver ninyo siya at bodyguard ko rin po siya. Dapat lang po na palagi ko siyang kasama dahil binabayaran naman natin siya. Para worth it po ang money natin, Mom. ’Di ba po?” “Ha?” gulat na tanong ng Mommy niya. “Sige na po, Mom? Isama po natin siya at doon na rin siya mag-stay sa atin,” pamimilit niya. Wala sa sariling napatingin tuloy sa akin si Calysta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD